Tuesday, July 19, 2016

I'll Hold On To You 29 - His Dark Side

[Relaina]

Teka lang! Hindi yata ito kasama sa ikinuwento sa akin ni Mayu, ah. “Paano nangyari… hindi iyon suicide?”

Nakita kong huminga muna ng malalim si Vivian bago muling nagsalita.

“Being born in a family of talented detectives and investigators has its quirks, you know. Sinamantala iyon ni Brent para imbestigahan ang totoong nangyari dahil may duda pa rin si Tito Cedric sa ikinikilos ng anak nito. Tito Cedric found out that Brent was discreetly hunting the girl that caused my twin brother’s death. Kaya umuwi si Brent noon na pulos pasa at sugat ay dahil nakipag-away pa siya sa mga lalaking kasama ng babaeng nagkataong girlfriend pala ni Kuya. Pinilit pinaamin ni Brent ang mga lalaking iyon kung nasaan si Carol pero tikom ang bibig ng mga ito. Iyon ay kahit muntik na silang patayin sa bugbog at palo ng kahoy na kalakip ng matinding galit ni Brent.”

Sa totoo lang, kahit sa imagination, hindi ko talaga maisip na may dark side palang ganoon si Brent. The Brent I knew was a jerk. Mapang-asar, nakakaloko ang ngiti, palabiro at… may pagka-closet romantic na rin siguro based on my observation.

But never this vengeful.

“Ano’ng nangyari roon sa babae? Nakita ba niya?”

Tumango si Vivian pero hindi na ito nakatingin sa akin kundi sa kawalan na. “He did… after it was finally confirmed na itinulak si Kuya Vanz mula sa rooftop ng building na iyon. Ng walang-hiyang girlfriend ni Kuya!”

Ramdam ko sa tinig nito ang galit na sa palagay ko ay kinimkim pa rin nitong pilit sa dibdib nito.

“What happened next?” I needed to coax Vivian to tell the rest of the story. Iyon lang ang naisip kong paraan para mailabas nito ang galit na kinikimkim nito. Mabuti nang ako na lang ang makakita nito.

“It was summer the next year nang mahanap na ni Brent si Carol. At first, I really thought he would physically hurt her. But we were wrong, dahil mas malala pa pala ang ginawa niyang paraan para gumanti. What he did was to break her heart in the same manner as Carol broke that of my brother’s – only with a damage greater than what she had dealt to Kuya Vanz. Brent did it in a way that Carol would actually wish she would just die rather than live without him.” Ngumiti nang mapakla si Vivian pagkatapos n’on. “And he succeeded…”

Okay… Now that was seriously too much. Hindi ko alam na ganoon pala kasama si Brent. It was understood kung galit lang ito kaya nito nagawa iyon. But to actually hurt a girl like that?

I just couldn’t… believe it…

Ibang-iba talaga ang Brent na nakilala ko sa version ng Brent na ikinukuwento sa akin ni Vivian sa mga sandaling iyon.

“Kaya kung mapapansin mo, lahat ng babaeng dumaan sa buhay ni Brent, pansamantala lang. Past time lang, kumbaga. But the damage he would leave to them was too much. Ang sabi niya sa akin, patuloy niyang gagawin iyon hanggang hindi naiisip ng mga babaeng iyon ang leksyong gusto niyang iparating sa mga ito. That those girls had no right to just randomly choose someone to play with and break their hearts in the end. Sinabi rin niya sa akin na hindi lang ang pag-uutos na bugbugin si Kuya Vanz at ang pagtulak nito sa kapatid ko ang kasalanan ng babaeng iyon. Winasak daw ng babaeng iyon ang puso ni Kuya dahil nagkataon na naging girlfriend daw ni Carol ang kapatid ko as part of a bet. Nagmakaawa raw si Kuya na huwag itong iwan ni Carol but she took no heed of it. She just cruelly laughed at his face that she even called him stupid and pathetic. Not to mention, a fool.”

Hanggang sa naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Brent noong naroon kami sa Legendary Promise Tree…

xxxxxx

“But seriously, why bring me here? At saka… ilang babae na ba ang nadala mo rito?”

But then I saw his gaze at the tree hardened. Did I say something bad?

“Bakit ko dadalhin ang mga iyon dito? Eh, ni simpleng fascination ko sa punong ito at sa legend, hindi nila maintindihan. Ang alam lang nila, magpaganda, maglandi at wasakin ang puso ng mga lalaking gusto nilang paglaruan. Ginagawa nila iyon without them even knowing na hindi lang inosenteng puso ang winawasak nila kundi pati na rin ang kagustuhan ng mga itong mangarap at mabuhay pa ng matagal.”

Hindi ko na alam ang dapat pang sabihin pagkatapos n’on. Ramdam ko sa tinig ni Brent ang matinding galit habang isinasalaysay ang mga iyon. This wasn’t the usual Brent I knew. He was certainly different when he firmly spoke those words.

Marami nga yata talaga akong hindi pa alam pagdating sa lalaking ito.

“Kaya ikaw, Relaina, huwag mong hayaang sirain ni Oliver ang buhay at pangarap mo. He may have broken your heart but time will help you piece them back together again,” sabi nito sa seryosong tono. But that serious tone was also laced with concern and care that I knew I heard once before…

xxxxxx

Kaya pala…

May pinag-ugatan pala ang lahat ng mga sinabi nito sa akin that day. But then, I couldn’t help thinking that Brent was also pathetic and a fool. “Bakit ba niya ito ginagawa para sa kuya mo? He has his own life to live, for heaven’s sake! Ganoon ba katindi ang galit niya sa mga pumatay sa kapatid mo?”

Isang mapaklang ngiti ang iginawad ni Vivian sa mga sinabi kong iyon. “Funny… I also told the same thing to him. Pero alam mo ba ang naging sagot niya? The day those bastards took my brother’s life, they also robbed Brent of his ability to entrust his heart to anyone except to his family and a few selected friends. Dahil kahit hanggang sa huli pa rin daw, ang hiling ni Kuya Vanz ay maging masaya si Carol. But Brent destroyed every reason to make that woman even feel a bit of happiness. They were brothers, in their perception, and brothers look out for each other. But I think guilt lang talaga ang tanging namamahay sa puso ni Brent dahil sa pananaw ni Kuya Vanz, hindi niya nagampanan ang trabaho niya bilang sworn brother ni Kuya. So he thought that to stop the same tragedy from repeating itself on his watch, he broke those girls’ hearts.” At natapos ang pagsasalaysay na iyon ni Vivian ng isang malalim na buntong-hininga.

It was 10:03 AM and the sea breeze was, for some reason, suddenly felt calming. Kahit ako, naramdaman ko iyon nang tingnan ko ang dagat.

“He only chose to break the hearts of the girls that had the same character, attitude and personality as that of Carol’s…” bulong ko sa sarili ko nang maisip ko iyon. In short, Brent was meticulously selecting his victims.

“That’s right…” tugon ni Vivian sa mahinang tinig. “He said that he had to teach those girls a lesson they would never forget at all.”

“Pero paano naman iyong mga babaeng matino ngang naturingan pero nahumaling pa rin sa kamandag ng bugok na iyon?”

Hay… Relaina Elysse, umiral lang talaga ang wagas na panlalait mo, ‘no?

“He was rejecting them downright but as discreet as he could. That way, those girls who had nothing to do with his vengeance would be spared. Pero siyempre, hindi pa rin niya maiwasang saktan ang puso ng mga iyon.” Hanggang sa mapansin ko ang paghinga nito ng malalim na sinundan ng pagngiti nito na may bahid naman ng lungkot. “To be honest, I was one of them.”

I looked at Vivian in surprise. “Nag-confess ka kay Allen?” Ano ba ‘to? Ganoon ba katindi ang kamandag ng kamoteng iyon sa mga babae kaya pati si Vivian, nadamay?

Tumango ito. “I did, but he said that it’s better that I should stop. Inamin ko sa kanya na matagal ko na siyang gusto. Hanggang ngayon pa rin naman. Pero pagkatapos ng confession ko, I just decided to love him secretly. Ang sabi niya, higit sinuman, ako raw ang isa sa mga babaeng hindi niya gustong makaranas kung paano siya maghiganti. Ganoon daw ako kahalaga sa kanya kaya mas mabuti pa na kitilin ko na lang ang nararamdaman ko para sa kanya.”

Speechless na talaga ako sa mga nalaman ko mula kay Vivian. For real. How could a high school boy in his senior year bear such an immense grudge in his heart para umabot sa ganoon ang lahat? It was totally unbelievable wherever I put it. Pero patunay na rin siguro ang mga nakita ko, naobserbahan ko, at narinig ko mula sa mga taong tunay na nakakakilala kay Brent.

“I confessed to him in hopes of making him stop doing that, but to no avail. Kaya pagkatapos kong mag-confess sa kanya at i-reject ako, my own wish since then was… sana… dumating ang panahong may makilala si Brent na babaeng handang gawin ang lahat para tulungan siya at tuluyan na itong makalaya mula sa matinding galit nito,” pagpapatuloy ni Vivian.

Until Vivian finally turned to face me, but I was inwardly surprised at how intent the girl’s eyes were on me.

Oh, boy! To be honest, hindi ko yata gusto ang magiging kasunod ng sasabihin nito sa akin, ah.

“And I think… you could be that girl for him, Relaina.”

Say what now? This was seriously insane!

Sinasabi ko na nga ba. Trouble na naman ang papasukin ko nito, eh.

Naku naman po!

No comments:

Post a Comment