[Relaina]
Hindi ko na talaga alam kung ano ang maiko-consider kong mas mahirap. Ang lapitan ang taong hindi ko kilala para makipagkilala o para magtanong ng mga bagay na posibleng pagmulan ng gulo.
Hay… kung bakit ba naman kasi nauso pa ang curiosity, eh. Heto ako ngayon.
At noong naghagis yata ang Diyos ng curiosity, malaking bahagi yata n’on ang nasalo ko. Urgh! Ano ba namang panggulo sa utak ‘to?
Pero kung may dapat siguro akong sisihin dahil sa pag-iral ng curiosity ko sa mga sandaling iyon, iisang tao lang iyon. Did I have to say kung sino? Huwag na! Obvious naman, eh.
So heto ako, naglalakad sa hallway patungong rooftop kung saan tiyak na naroon ang taong pakay ko – ang taong makakapagsabi sa akin ng totoo tungkol sa buwisit na kamoteng panggulo na lang palagi ng isip ko. Pero pansin ko lang, ha? Parang ang tamlay yata ng kilos ko. Hindi naman ako ganito lalo na kapag umaga. Sabihin na nating kaya kong makipagsabayan sa level ng hyperactiveness ni Mayu kapag umaga at nasa mood talaga ako.
So what happened to me?
Hanggang sa napatigil ako ng lakad nang maisip ko ang tanong na iyon. I sighed soon after.
Oo nga pala. Naging matamlay ako dahil kay Brent na sumalubong sa akin sa gate ng campus. He was blank-faced while I stiffened slightly. Ang weird na reaction, ‘di ba? Mukhang magiging pahirapan na naman yata ang magiging sitwasyon sa pagitan namin ng ugok na ‘yon, ah.
Kung bakit ba naman kasi nalaman-laman ko pa ang totoo.
I continued traversing the path going to the rooftop ng building ng College of Arts dahil nag-aaral ng Fashion Designing ang taong iyon. Mabuti na lang at wala akong klase sa susunod na tatlong oras ng umagang iyon. I just hoped pagbigyan ako ng taong iyon na alamin ang dagdag na katotohanang kailangan ko.
Hindi naman nagtagal at narating ko na rin ang rooftop. Pero sa buong durasyon ng pag-akyat ko papunta roon ay walang tigil sa pagkabog ng malakas ang dibdib ko sa ‘di malamang rason. Great! Bakit ngayon pa ako tinamaan ng nerbiyos?
“Kaya mo ‘yan, Relaina… Gamitin mo na drive ang curiosity mo.” Ano ba ‘yan? Tama bang kausapin ko ang sarili ko at this crucial time?
Para naman akong baliw nito, eh.
I heaved a sigh – heavier this time – as I proceeded to open the door to the rooftop.
Wala akong nakitang kahit na sinong nakatambay malapit sa pintuan pagkabukas ko n’on. What greeted me was the sound of ocean waves tossing to the boulders as the ocean seemingly sparkled because of the light coming from the morning sun. To be honest, it was truly a relaxing sight to see.
I couldn’t even help smiling at it. Kung ganito ba naman ang sasalubong sa akin sa bawat araw na magdaan, wala sigurong araw na ganoong magulo ang takbo ng isipan ko. But then, what should I expect? Kahit siguro dagat, hindi magagawang pawiin ang dahilan ng panggulo ng utak ko.
“You must be Relaina.”
Lihim akong napapitlag nang marinig ko iyon. Agad akong napalingon sa direksiyong pinagmulan n’on. Sumalubong sa akin ang maamong mukha ng isang magandang babae. Maputi ito – mas maputi pa nga yata sa akin kaya hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kaunting insecurity.
Of course, I thought it was quite weird for me to feel that way. Not to mention, absurd.
Sporting that person’s simply elegant outfit which consisted of ruffled blouse, jeans, and doll shoes was a beige summer hat. Naalala ko na ang sumbrerong iyon daw ang trademark ni Vivian kapag nasa labas daw ito ng campus.
“Paano mo alam?” kunot-noong tanong ko rito nang rumehistro na sa utak ko ang sinabi nito.
Ngumiti ang babaeng iyon, revealing a perfect set of white teeth and a warm welcoming smile. “Ako nga pala si Vivian Esguerra. Mayu mentioned that you would come here looking for me.”
I groaned upon hearing that. Napakamot na rin ako ng ulo dahil doon. “Kahit kailan talaga, ang tabil ng dila ng babaeng iyon.”
Vivian just laughed at that, though. “Oo nga. But it’s okay. Ipinaliwanag na rin naman niya sa akin ang totoong dahilan kung bakit mo ako hinahanap.”
That was when I looked up and faced the girl. “I guess I don’t have to state my reason for seeking you, huh?”
Umiling ito na siyempre pa, ipinagtaka ko. Pero mas lalo kong ipinagtaka ang sumunod na sinabi nito.
“You don’t have to say that. Noon pa man, gusto na kitang makilala. You have no idea kung gaano ka kasikat hanggang dito sa College of Arts. To be honest, I was glad nang sabihin sa akin ni Mayu na hinahanap mo raw ako. At the time, naisip ko na ito na rin ang tamang panahon para sabihin na rin sa iyo ang totoo,” sabi nito sa paraang tila nakaramdam ito ng relief.
Ano raw? “H-hindi yata kita maintindihan…”
Ngumiti lang ulit si Vivian. “Forgive me for talking vague about this. But I’m really glad I’m finally able to meet you.”
Okay… Seriously, lalo ko itong hindi maintindihan sa mga pinagsasasabi nito. “Lalo mo lang pinapagulo ang isip ko, alam mo ba iyon?”
“Why don’t we find a seat para naman makapagsimula na ako sa pagkukuwento sa iyo,” yaya nito sa akin.
This had gotten a lot weirder than ever. Pero tama lang ba ito?
“Are you sure… about letting me know this?” Hindi ko alam kung bakit ko naisipang itanong iyon dito. Pero kailangan ko rin namang malaman iyon, ‘di ba?
Ilang sandaling namagitan ang katahimikan sa pagitan namin ni Vivian. Her expression turned serious. I didn't know but I had a feeling I stepped on a landmine on that one. Hindi ko tuloy mapigilang kabahan dahil doon.
Pero agad ding naglaho ang pakiramdam kong iyon nang makita kong ngumiti ulit si Vivian. Mukhang trademark na rin yata nito ang magandang ngiting iyon na para bang pangmodelo.
“Relaina, you of all people right now should know the truth. Maybe that way, you can stop him from doing his way of taking revenge.” Vivian’s face looked kind of distraught, though.
Pero kahit paaano, naiintindihan ko ito. Marami nang tao ang nahihirapan. It was about time that something or someone should put an end to this.
Tinungo namin ni Vivian ang isang malilim na bahagi ng rooftop kung saan may isang mahabang wooden bench doon. Doon kami naupo. As soon as both of us seated, nakita kong huminga ito nang malalim na para bang inihahanda nito ang sarili bago ako hinarap nito.
“It actually started when Brent was in third year high school,” pagsisimula ni Vivian. “Ako naman, third year na rin pero hindi kami magkaklase. Ang kaklase niya ay ang twin brother ko, si Kuya Vanz na mas matanda lang sa akin ng tatlong minuto. Magkasundong-magkasundo talaga sina Brent at Kuya Vanz. Dinaig pa nga kaming magkambal sa sobrang close nilang dalawa. Kaya nga feeling namin ni Neilson noon, naetsapuwera na kami. Pero siyempre, biro lang iyon. Mabuti na lang at kasa-kasama namin si Mayu. Siya ang nag-e-entertain sa amin ni Neilson kapag biglang nawawala sina Kuya at Brent.”
Napansin kong hindi nawawala ang tila nostalgic na pagngiti ni Vivian habang ikinukuwento iyon. Ako naman, heto, tahimik lang. Hindi ako makapag-isip ng sasabihin. Kaya hinihintay ko na lang itong magpatuloy sa pagkukuwento nito.
“Noong mga panahong iyon, kilala na si Brent sa pagiging chickboy but definitely not as worse as he is now. Lumala lang ang lahat pagkatapos ng nangyari kay Kuya Vanz.”
Kumunot ang noo ko sa huling sinabi nito. Ang kuya talaga ni Vivian ang naging catalyst?
“Late October, nagulat na lang kami nang sabihin sa amin ng mga pulis na namatay si Kuya sa pagkakahulog sa isang six-storey building. Suicide ang initial conclusion ng mga pulis sa mga nangyari pero alam naming may mali. Lalo na nang umuwi si Brent na puno ng sugat at pasa sa katawan… at matalim ang mga mata niya dahil sa galit.”
Nakita kong nagsalikop ang mga palad ni Vivian na nakapuwesto sa hita nito. And it looked like they were slightly trembling. In my guess, mukhang nagre-react ang katawan ni Vivian dahil sa mga naaalala nito habang nagkukuwento.
“Vivian…” masuyong tawag ko rito habang hinahawakan ang nanginginig nitong kamay. Naramdaman kong napapitlag ito dahil sa ginawa kong iyon. “Maybe you should stop.”
Tigas ang pag-iling nito. “I won’t stop. Kailangan mong malaman ang totoo. Ikaw na lang ang makakatulong sa amin na patigilin si Brent sa ginagawa niya.”
Hindi na lang ako nagsalita kahit na sa totoo lang, gusto ko talagang pasubalian ang sinasabi nitong ako lang ang makakapigil sa vengeance spree ng kamoteng iyon. In the first place, ano ba talaga ang magagawa ko?
“That was the first time na nakita namin ang matinding galit sa mga mata ni Brent. Even I had to stay away from him because of fear. Hindi namin maintindihan kung bakit ganoon na lang ang nakita namin sa mga mata niya. Hanggang nalaman na lang namin na may alam si Brent sa kung ano ba talaga ang nangyari kay Kuya Vanz.”
“So… the initial conclusion which was suicide wasn’t really a suicide?” I hesitatingly inquired.
Nanlaki ang mga mata ko nang tumango si Vivian.
No comments:
Post a Comment