Finally! I found time to write another of this entry after two weeks. Wala naman kasi akong matinong sasabihin last week, eh. Idagdag pa na talagang nakalimutan ko na may isusulat pala dapat akong ganito. Hehe!
Anyway, as usual, nothing much happened. Siguro, ang masasabi ko lang na importanteng nangyari sa akin, nakatapos na ulit ako ng isa pang manuscript. Tuwang-tuwa talaga ako dahil ang dami ko ring “magulong utak” moments pagdating sa story ni Akio. Ilang beses ko nga ring itinigil ang pagsusulat n’on, eh. Mabuti na lang talaga at hindi ko sinukuan. By next week, ipapasa ko na iyon.
And then there’s my readings. Pero isang libro (or should I say e-book) lang naman ang nagawa kong tapusin ngayon. `Yong ARC ng “Prom Queen Perfect” by Clarisse David. Kaya ngayon, kailangan ko ng gawan ng book review iyon to be posted here on my blog as part of the blog tour for the book. O, ha! May maidadagdag na naman akong book review dito. Pero sana, hindi lang pulos English books ang magawan ko ng book reviews. Pati rin sana `yong mga Tagalog pocketbooks. Para kasing iilan lang ang nakakakitaan kong gumagawa ng ganoon, eh. Kaya ko naman siguro. But for now, I should worry on what to read next. Dahil sa totoo lang, sa dami ng mga pending books to read ko, hindi ko alam kung alin sa mga iyon ang susunod kong babasahin.
Of course, since natapos ko nang isulat ang story ni Akio, I finally started writing another one. Isa ito sa mga matagal ko nang pinaplanong isulat and this is a part of a series. Naumpisahan ko na ring isulat ang story ni Otojiro Monceda, ang founder ng Monceda clan sa Five Thorned Blades trilogy. Pero dahil nga nabuhay during the Spanish era ang taong ito, naisip kong isulat ang modern version ng love story ni Otojiro. Hindi ko nga lang alam kung magagawa ko ito nang maayos. Pero kakayanin ko. Hindi lang para sa ekonomiya kundi para na rin sa pangarap.
Pambihira! Sabadong-sabado, ang drama pa yata ng naging ending ng entry kong ito. Hay… Pero dahil ganoon na yata ako since birth, pagtitiyagaan ko na lang ang sarili kong kadramahan. Haha!
No comments:
Post a Comment