Sunday, July 31, 2016

Published Manuscript Trivias And Facts: Charming A Silent Heart


Oo na, ako na ang hyper! Pagbigyan n’yo na lang po ako. First approved manuscript ko ito, eh. And of course, ito rin ang first published manuscript ko. Hehe! At least ngayon, alam n’yo na kung gaano ako kabagal magsulat ng manuscript. Minsan, lumalampas pa ng isang buwan bago ko matapos isulat iyon. Hay…

Marami rin akong pinagdaanan bago ito na-approve. Sa ngayon, e-book form pa lang ang meron nito. Hindi ko alam kung may paperback version ba ito o umaasa lang ako. Puwede rin na hindi ako aware na may released na palang paperback version nito. Pero sa ngayon, you can buy the e-book form sa Bookware site.

==This is my first approved manuscript ever since I ventured into passing my works to a publishing company five/six years ago. I can’t exactly remember the year I started passing manuscripts.

==For revision ang unang result nito. Pero hindi ko ito kaagad na-revised dahil busy sa Thesis namin sa college. Dalawa pa man din iyon kaya nakakaloka.

==This is actually the second story of a planned series na pinamagatan kong “Here’s My Heart”. The series is supposed to consists of four stories ng magkakaibigan with each male lead represents a certain season.

==Chris’ seasonal representation is spring.

==The series is actually inspired with 2AM’s songs and MV of “I Did Wrong” and “Can’t Let You Go Even If I Die”

==Si Jeong Jinwoon ng 2AM ang visual inspiration ko kay Chris.

==Si Alan Dawa Dolma naman na isang Tibetan singer ang visual inspiration ko kay Aerin. Though originally, wala akong ginamit na visual inspiration for her habang sinusulat ko pa lang ito. When I was revising the story, that’s when I decided to find a visual inspiration.

==Third year college pa ako nang unang beses ko itong isinulat pero nagkalakas-loob lang na ipinasa when I was in fourth year.

==Songs I used as my LSS for this story were “For You It’s Goodbye, For Me It’s Waiting” by Kim Jaejoong and “If Ever You’re In My Arms Again” by Peabo Bryson.

==Subtle lang sana ang LS na isinulat ko rito. But during the revision process, they wanted me to write a longer and detailed one. Good luck na lang talaga sa akin kung ano ang kalalabasan ng book nito.

==Hindi na nasundan pa ang manuscript na ito sa MSV. That means, ilang taon na akong hindi nakakapagpasa sa kanila ng manuscript.

No comments:

Post a Comment