Tuesday, July 5, 2016

I'll Hold On To You 27 - Unpredictability

[Neilson]

Ipinagtaka ko nang husto ang biglaang paghinto ng mga text messages na nare-received ko kay Mayu. I just got curious but not to the point of being overly worried. Baka may biglaang nangyari na hindi pa nito mai-text sa akin.

I exhaled.

Okay, I lied about one thing.

I was worried.

But I could be patient in waiting for her to tell me what happened, right?

Argh!

Ano ba ‘to? Mukhang hindi lang yata Ang kakambal ko ang magulo ang utak pagdating sa babae. But for me, at least I had the guts to admit it to people, unlike Brent.

Napakamot na lang ako ng ulo ko dahil hindi ko talaga alam kung paano ko magagawang pawiin ang gulo sa utak ko.

Kasalukuyan akong nasa veranda ng kuwarto ko dahil gusto kong panoorin ang sunset mula roon. It was already 10 minutes past 5 so I guessed he could still watch it.

That is… if I could still focus myself on watching it with a clear mind.

Para lang akong tangang nakatingin sa hawak kong cellphone habang nakaupo ako sa wooden lounge chair na nakaharap sa direksiyon ng sunset. Well, at least I had the guts to admit na may katangahan din ako… paminsan-minsan nga lang. He-he!

Mayu naman, eh! Mag-text ka na nga kasi nang hindi ako nagmumukhang praning dito habang mag-isa. But seriously, I couldn’t help wondering what could’ve happened for her to stop texting me all of a sudden.

Yes, I knew I was practically freaking out for quite a petty reason. Pero ano’ng magagawa ko? Kung ordinaryong babae lang talaga si Mayu para sa akin, I would’ve just let it go. Fortunately, she wasn’t like that to me at all.

In fact, she was more than that to me. But sadly, ako lang ang nakakaalam ng katotohanang iyon. Siyempre, ikinakalungkot ko iyon sa bawat paglipas ng araw na hindi ko na nasasabi ang totoo rito. I knew fully well that actions speak louder than words. But there were times that thoughts and feelings must also be conveyed through words.

I was startled when I heard the ringing tone coming from my cell phone. What surprised me more was the fact that it was an Incoming Call alert tone and that the call actually came from Mayu.

“Ano kaya’ng problema at naisipan akong tawagan nito?” pabulong kong tanong sa sarili ko. Tumatawag lang kasi sa akin si Mayu kapag may news o ‘di kaya’y updates tungkol sa kung anu-ano ang babaeng ‘to.

Question was: Ano na naman kaya ang gustong pag-usapan namin ni Mayu?

Pero malalaman ko lang ang sagot kapag sinagot ko na rin sa wakas ang tawag nito. At iyon na nga ang ginawa ko.

“Hello? Bakit bigla ka na lang hindi nag-reply sa mga text ko, ha?” Until I felt myself stiffening because of the tone I used to ask that question.

Para naman akong boyfriend nito kung makapagtanong siya.

“Alam mo, kung nasa mood lang ako, kanina pa kita binulyawan sa paraan ng pagtatanong mo.”

Yikes! Napansin pala nito iyon. Hehe! Sorry naman, nag-alala lang iyong tao, eh. I couldn’t help it.

“Sorry na. ano ba’ng nangyari? Biglaan ba?”

“Nandiyan na ba ang kakambal mo?”

Bigla ay napakunot ako ng noo pagkarinig ko sa tanong nitong iyon. Halata sa tono nito na tila ayaw nitong magpaligoy-ligoy. So something did happen. “He’s not here yet. Why?”

“I think gumagawa na ng hakbang ang kakambla mong iyon, Neilson. Sinabi sa akin ni Aina na dinala raw siya ni Brent sa lugar kung saan naroon ang Promise Tree. Neilson, alam natin pareho ang ibig sabihin ng ginawa niyang iyon.”

“Ano?” Nagbibiro ba si Mayu?

I shook my head to diminish that thought. Halata kay Mayu na worried ito kung ibabase ko na rin sa tono nito. And from that tone alone, alam ko nang nagsasabi ito ng totoo.

Pero ano naman kayang masamang hangin ang pumasok sa utak ng kakambal kong iyon para dalhin na lang nang basta si Relaina sa lugar na iyon? Gaya nga ng sabi ni Mayu, alam naming pareho ang totoong significance ng pagdadala ni Brent ng babae sa paborito nitong lugar sa lahat ng bahagi ng lupaing pag-aari ng pamilya Rialande at Delgado.

“May nabanggit ba si Brent sa iyo tungkol doon?”

Umiling aki kahit alam ko namang hindi ako nakikita ni Mayu. Ang tanga ko lang talaga!

“No. Ang alam ko lang talaga ay magpa-practice ito at si Relaina ngayong araw na ‘to para sa practicum nila. Ilang araw na lang at exam na natin doon.”

“Then bakit bigla na lang naisipan ng kakambal mo na gawin iyon?”

Narinig ko ang pagbuga nito ng hangin, tanda na naguguluhan na ito sa nangyayari. “Hey… Just breath out and try to relax.”

“Paano naman kaya ako makakapag-relax gayong hindi natin malaman ang takbo ng utak ng kakambal mo? Basta-basta na lang gumagawa ng hakbang na hindi na natin malaman at masundan. Argh! This is so frustrating.”

Natawa na lang ako. Well, that only proved how unpredictable my fraternal twin brother truly was. Kahit ako, hindi ko masabayan ang pagiging unpredictable nito. But even still, our connection as twins made me know what bothered him.

At nitong mga nakalipas na araw, alam ko na matinding pagkalito na ang nararamdaman nito.

“Walang nakakatawa, ah.”

“Sorry for that. Why don’t you just let them be for now—”

But Mayu cut me off. “Let them be? Neilson, your twin brother already blurted out his anger toward those girls he had hurt before to Aina. He’s already exposing himself to her by giving hints about his real reason why he chose to become a heartbreaker-slash-casanova wannabe. It’s only a matter of time bago malaman ni Aina ang lahat-lahat.”

Okay…

Now this was definitely serious. Paanong umabot sa ganito?

“He… didn’t tell the real reason?”

“No, according to Aina. Gaya nga ng sabi ko, it’s only a matter of time bago lumabas ang totoo. But…”

Kumunot na naman ang noo ko. Ang hilig lang talaga ng babaeng ‘to na magpa-suspense effect. “But…?”

“But… I ended up telling her at least a part of the truth.”

“What? But why?”

Mayu, hindi kaya tayo patayin nito ni Brent kapag nalaman nito ang tungkol sa ginawa mong iyon? Honestly, gusto ko talagang sabihin iyon sa babaeng kausap ko sa mga sandaling iyon pero alam ko, may dahilan ang lahat ng ito.

“I’m sorry. But I think Aina deserves to know this more than anyone. Hindi nga siya makapaniwala pagkatapos kong ikuwento iyon. Sinabi ko sa kanya na kung ayaw niyang maniwala, she had to ask the other person who knew the whole story besides us.”

Napaisip ako bigla nang marinig ko iyon. The other person who knew the truth?

After a few moments, it hit me. “Si Vivian?”

“Siya na lang ang makakapag-explain kay Aina ng totoo. She wanted the truth, I gave it to her. Pero hindi sapat iyon. Kailangan din niya iyong malaman mula sa iba na nakakaalam ng totoo.”

Well, Mayu does have a point there.

Ang tanong lang: Ano na ang mangyayari kapag nagkaalaman na? Sigurado akong maraming mababago. Pero hahayaan ba naming may mabago muna bago kami gumawa ng aksyon ni Mayu tungkol doon?

Paano kung hindi na namin magawang kontrolin ang mga pagbabagong iyon?

This was just great! ‘Sangkatutak na ang mga tanong sa utak ko. Hindi ko naman mahanapan ng sagot.

“So what’s the plan now that this had come up?” kapagkuwan ay tanong ko kay Mayu na sana lang ay nasa kabilang linya pa rin.

Dinig ko ang pagbuga nito ng hangin.

“We’ll see…”

Ang sagot na iyon ang huli kong narinig bago ko napansing lumabas ang kakambal ko mula sa silid nito patungo sa veranda. And by the look I saw on Brent's face, he looked… kind of lost to himself.

Now this was seriously spelled trouble.

++++++++++

A/N: Sa wakas! May POV na rin sina Neilson at Mayu kahit medyo maliit lang yata ang eksena nila rito. But then… woah! Anong klaseng sikreto ba ang alam nina Mayu at Neilson tungkol kay Brent? And now that Relaina found out about it, as well, what will happen? 

The dance practicum will be in the next few chapters – pati na rin po ang first appearance ng isang bagong character and for real na ito! Kaya abangan n’yo na lang po.

What can you say about this chapter? What about this story?

No comments:

Post a Comment