Sunday, July 31, 2016

Published Manuscript Trivias And Facts: Mirui’s Hyacinth (Smile At Me)

Date Released: July 27, 2016


Windang pa rin ako hanggang ngayon, sa totoo lang. Hindi ako makapaniwala! Na-release na rin ito, sa wakas! Feel ko talagang magtatatalon sa tuwa. Pero saka ko na gagawin iyon. Sa ngayon, gusto ko munang i-relish ito. Like what I promised—at least I did on Facebook, magpo-post ako ng mga trivia about this newly-released book written by yours truly.

So, here it is:

==The group’s name “Imperial Flowers” was actually first conjured of as part of my Prince of Tennis fanfiction. Pangalan din iyon ng isang secret sorority group na talented sa field of arts and music.

==The tennis team’s subgroup “Falcon Knights” was partly inspired sa Tennis Knights ni Marione Ashley (another PHR writer). But I never based their personality sa Seigaku regulars ng Prince of Tennis. Hmm… Puwede rin na may isa sa kanila ang ibinase ko sa isa sa Seigaku regulars.

==Originally, sa music lang dapat ang focus ng talent ni Mirui. But while planning the story, especially her character background, biglang sumulpot sa isip ko na bakit hindi ko rin siya gawing ice skater? This came up while watching Ice Princess and Cutting Edge 3: Chasing The Dream.

==Medyo nag-alangan ako kung magagawa ko bang i-justify ang conflict ng story na ito. But somehow, I managed to pull it off.

==This is my first approved manuscript sa PHR after… 6 years? Actually, hindi ko na alam kung gaano katagal mula noong unang beses akong magpasa sa PHR. Basta ang alam ko lang, masaya ako at nagkaroon na rin ako sa wakas ng approved MS dito. ‘I shall return’ lang ang naging drama ko rito.

==Worth the wait talaga ang pakiramdam ko sa pagkaka-approved sa MS na `to. In fact, napaiyak pa nga ako nang mabasa ko na approved na nga ito. Silently, though. Madaling araw kasi nang mabasa ko iyon, eh. Napausal din ako ng ilang ‘Thank You’ sa Kanya dahil dito. I don’t know why I cried when I saw that it was approved. Siguro, dahil may problema kaming kinakaharap ngayon at kumbaga, isang blessing at gift sa akin ito sa kabila ng mga iyon.

==This is the first story of the college-themed “Imperial Flowers” series na nakaplano sa akin. Ang mga visual pegs ko sa mga ito, local love teams. And that series consists of 12 books. That means, one down, eleven more to go. Naku! Good luck na lang talaga sa akin dito. Haha! Gamit ko namang theme songs for each of the stories ay mga OPM songs, all in Filipino. Walang English OPM.

==Si Barbie Forteza ang visual peg ko for Mirui Linnea Asahiro. Her name originated sa isang original character sa Yu Yu Hakusho (Ghost Fighter) fanfiction na isinulat ko (at hindi ko na natatapos i-post kahit tapos ko nang isulat sa papel) may dalawang taon na rin siguro ang nakakalipas. Nagustuhan ko kasi `yong name na Rui at nalaman ko na unisex naman ang name na iyon. I just modified it a bit. Ginamit ko naman ang surname na Asahiro sa dalawang characters naman na dapat ay magpapakita sa dating Wattpad story na isinulat ko na “The Last Sky Of The Earth: The Blood Of The Black Thorns” which is the second installment of TLSOTE trilogy. I used it as surname ng magkapatid na Itsuki at Kyou na members ng second branch ng Yasunaga clan, ang Red Rose Kakeru Branch.

==Si Joshua Dionisio naman ang visual peg ko for Theron Heinz Monterossa. Hindi ko na nga lang maalala kung ano nga ba ang naging inspiration ko sa pangalan na `to. Pero kung hindi ako nagkakamali, isang lugar sa Spain (or maybe even Portugal) ang Monterossa. I think I need to research more about that. Ginamit ko naman ang name na Theron sa isang character sa first book ng TLSOTE trilogy na “The Last Sky Of The Earth: The Hunt For The Dark Rose”. That particular TLSOTE character was named Theron Karl Miyamoto, ang heir ng Miyamoto clan at pinsan ni Amiko Azuraya.

==Ang OPM theme song na ginamit ko for Mirui and Theron ay “Ngiti” by Ronnie Liang. At walang kinalaman ang AlDub sa choice of song para sa story na `to. This story was already planned at least year (or more) before AlDub was formed. Dedicated kasi ni Theron kay Mirui ang kantang `to. Obvious naman sa title pa lang ng story, `di ba?

==Ang nasa utak ko talaga, returned ang magiging result nito kasi hindi ako ganoon kakomportable noong ipinasa ko ito sa PHR. Idagdag pa na natagalan din ako sa paghihintay sa feedback nito. Mga almost two months din ang ipinaghintay ko. Nagkaroon pa ng problema sa e-mail address ng PHR Editorial Staff. Mabuti na lang at approved. Haha!

==Ito pa lang sa 12 books ng Imperial Flowers ang natapos ko. `Yong Book 2, hindi ko pa nasisimulan maliban sa teaser. Yikes! [Update: Natapos ko nang isulat ang Book 2 and Book 3 na story nina Guia and Yuna respectively. Parehong for revision ang feedback. Kaya hindi ko alam kung kailan ko pa maipapasa ang mga iyon. Hopefully, ma-approve na ang dalawang ito kapag natapos ko na ang revisions nilang dalawa.]

==Iba ang teaser na ipinasa ko sa kanila. Pero I have to admit, mas catchy ang teaser na ginawa nila. Hindi nga lang ako sigurado kung `yong catchline na nilagay nila ay isa sa mga ipinasa kong catchlines sa kanila. Hmm… Mukhang kailangan kong mangalkal ng mga Sent e-mails ko nito, ah.

==There was one part of the story where I put the romaji of one of my Japanese songs titled “Megumi No Ame”. It’s called “Blessed Rain” or “Rain of Blessings” in English. Ewan ko lang kung nai-maintain itong part na `to. Heto ang English translation ng lyrics na inilagay ko doon if ever it was really maintained.  Because I met you, I was able to come this far. Only you always made a rain of blessing fall in my parched heart. So that even flowers could grow…

No comments:

Post a Comment