Monday, August 31, 2015
Journal entry — February 17, 2006
Sunday, August 30, 2015
Patience in Waiting for “Tamang Panahon” (Thoughts On AlDub/Kalyeserye Episode 39)
As I sit here writing this, hindi ko mapigilang matawa. This has something to do with KalyeSerye’s episode 39 last Saturday kung saan ipinagawa na rin ni Lola Nidora ang second challenge niya kay Alden. Hindi na ako nagulat na beast mode na naman ang AlDub fans dahil sa official hashtag for that day (#ALDUBMaiDenHeaven) and of course, the episode itself. I agree with Sir Joey de Leon’s tweet that this is one of AlDub’s best hashtags. Sino ba naman ang hindi kikiligin at mai-in love sa HT na `to, eh ginamit lang naman nila ang dalawang official fandom name ng love team na ito sa iisang HT lang, `no? Kung wala lang akong kaagaw sa computer at internet, baka nakisali na ako sa twitter party na `to last Saturday. Hahaha!
But the real issue here in my post comes from an FB status and a few comments na nabasa ko sa FB newsfeed ko. May isang post kasi akong nabasa na na-hopia na naman sila dahil hindi pa rin nagkikita sina Alden at Yaya Dub (Maine) last Saturday. Hindi na raw niya nagugustuhang pinaghihintay na naman daw siya sa wala at nagsasawa na raw siya na pare-pareho na lang ang kantang ginagamit at pinapatugtog sa serye. Idinagdag pa niya na wala rin daw sense na ipakita pa ng KalyeSerye ang mga parangal ni Lola Nidora tungkol sa challenges and responsibilities of love whatsoever na `yan dahil itinuro na raw sa kanya iyon ng mga magulang niya.
And then I thought, may punto nga naman siya. But the real question here is, kung talagang itinuro iyon ng mga magulang natin, are they even implementing it in real life situations? Sa nakikita ko kasi ngayon, lahat na lang ng bagay, minamadali. I’ve been in situations before na gusto ko, madalian ang lahat. Hindi kinakaya ng patience ko ang maghintay ng matagal. But even before KalyeSerye was born, may mga bagay pa rin akong matiyagang ipinaghihintay. If you’re an aspiring writer (for one), alam mo na ang ibig kong sabihin na puwedeng application ng patience in waiting.
As for me, nakaka-relate ako sa mga parangal ni Lola Nidora. In fact, medyo istrikto at sabihin na nating makaluma (pero sobra naman) ang Papa ko. Ang Mama ko naman, ibina-balance ang sarili sa makaluma at makabago. One strict rule na sinabi nila sa aming magkakapatid (na puro babae), kapag may gustong manligaw sa amin, sa bahay umakyat ng ligaw. Hindi sa kalye. That way, magagawa nilang kilatisin ang taong iyon kung totoo bang seryoso siya o baka naman nagbibiro lang at feel lang makipaglaro. Isa pang lesson ni Lola na talagang nakaka-relate ako, ang pagmamadali sa pag-ibig. I think that’s one reason kung bakit NBSB pa rin ako ngayon. May mga crushes ako before, pero hanggang doon na lang iyon.
Anyway, as for my personal opinion with regards to the August 29 episode of KalyeSerye, alam ko na talagang hindi pa rin magkikita sina Alden at Yaya Dub (Maine) on that day. Naramdaman ko na when I watched August 27’s KalyeSerye episode na 6th weeksary naman ng AlDub. Reading between the lines sa mga sinabi ni Lola Nidora kay Alden with regards to the rules na kailangan niyang gawin tungkol sa additional pasalubong galing Bicol na laing at pinangat, it’s already understood na dadalhin ni Alden iyon kay Lola personally. But it doesn’t actually imply na kasama ni Lola si Yaya Dub sa meet-up na iyon nina Lola at Alden. Of course, there is that expectation na posible talagang magkita ang dalawa dahil nga dapat (and usually) magkasama ang mag-amo at all times, lalo na sa labas. But a lot of things can happen, can be planned and can be decided sa mga sinabi ni Lola. The three split screen alone already gave answer as well na walang pang pagkikitang magaganap kina Alden at Maine.
Ewan ko ba sa mga tao ngayon. Talamak na ang pagiging impatient. Madali na ring magsawa. Seriously speaking, ang KalyeSerye na `to ang susubok sa patience ng isang tao (especially sa mga AlDub fans and viewers) sa paghihintay sa tinatawag nilang “tamang panahon”. Oo, hindi talaga maiwasang ma-hopia kasi nga excited. Gustong lubus-lubusin ang kilig. Kung sa real life nga, may nagde-date na mga couples na umaabot pa ng ilang taon bago mag-settle down kung talagang alam na nilang ready na sila for that, sa love story pa kaya ng AlDub sa KalyeSerye?
Kumbaga, pakaisipin na lang natin na ganito rin ang set-up ng AlDub. Let’s make them a couple already. Kunwari lang, ha? For example lang naman. Every day or every episode, disregarding the interconnected events and just focus on the kilig moments, i-equate natin iyon sa months. Masyado kasing matagal `pag years, eh. Hehe! `Yong palitan nila ng flowers and messages (including songs by dubsmashing), i-consider natin iyon na mga dates nila at moments nila together as a couple. Then si Lola and the other characters to appear in the series, siya ang representation ng trials at turn of events na pagdadaanan ng AlDub in each month. Maraming puwedeng mangyari sa paglipas ng mga buwan, kagaya rin ng twists na inilalagay ng mga writers sa kuwento ng AlDub tuwing tanghali kapag segment na ng Juan For All, All For Juan. Hindi natin alam kung ano ang mga iyon, kagaya ng mga hosts ng EB na hindi alam at hindi nila inaalam ahead of time kung ano ang posibleng mangyari sa magkasintahan (or should I say nagliligawan?) at sa episode din mismo.
Ganoon din tayo. Hindi natin alam kung ano ang puwedeng mangyari. We might have a guess as to what could possibly happen, pero hindi nangangahulugan iyon na ganoon nga ang mangyayari. Sa dinami-rami ng mga possible twists sa buhay natin, we could never really guess the future events. And here comes `yong sinabi nila at pinakaaabangan nating “tamang panahon”. Ito kumbaga `yong moment of truth ng magkasintahan na nalagpasan ang pagsubok as time passed by. Ito na `yong moment of settling down sa mga couples na nag-date ng ilang taon bago maisipang mag-settle down.
That’s it.
Although to be honest, hindi ako sure kung nagkaroon ba ng sense ang pinagsususulat ko rito. Opinion ko lang naman ito, so far. Darating din ang tamang panahon na pinakahihintay natin. Sabi nga sa isang article sa Abante, pinapalipas lang muna nila ang ghost month (which happens to be my birth month, `kainis lang). Mahirap nang malasin, `no? After that, madla na ang magde-decide kung mananatili pa rin ba silang fan ng AlDub kapag nagkita na sila. Sa ngayon, mukhang nakikita ko nang may agad na mawawala sa fanclub basing it from their “hopia” and “nagsasawa” comments.
Basta ako, maghihintay lang ako. Nakapaghintay nga ako ng 6 months sa paghihintay sa feedback ng isang manuscript ko, eh. Sa pagkikita pa kaya ng AlDub? Haha!Thursday, August 27, 2015
Finding A Special Heart - Chapter 5
"ALAM mo, nakakainis ka na. Sa totoo lang."
Napansin ni Czarina na tila napapitlag si Seth nang marinig nito ang sinabi niyang iyon. Well, she said it on impulse and was meant to be a joke. Iyon ay dahil na rin sa kakaibang ikinikilos nito kanina pa mula nang sunduin siya nito. Lagi na lang itong wala sa sarili. Kahit naman siguro sino ay maiinis kapag napansin iyon.
And yet she couldn't deny that she was worried for him because of that. Ano kaya ang nangyari at ganoon ang ikinikilos nito nang mga sandaling iyon?
"I'm sorry," tanging nasabi ni Seth at saka bumuntong-hininga.
Wednesday, August 26, 2015
At Least We Have Forever 25 - No Matter What Happens
Disclaimer: I don't own Yu Yu Hakusho and its characters. I do own the plot, Riya and other OC's of this story, though.
Warning: The characters might not be in their usual selves. In other words, possible OOC.
-x-x-
AT LEAST WE HAVE FOREVER—Chapter 25: No Matter What Happens
The next day (which was Sunday), the gang decided to stay for a day at Master Genkai's house along with the wielders and the two demon shinobis since they decided to train themselves for a while. The other part of the wielders's stories regarding the weapons had been cleared and the team agreed to join forces with the wielders to defeat Erithea though they didn't have a clear mission plan yet to do that. Still, they were definitely fired up to do so.
As for Riya, Genkai told her to rest for the whole day because the strain of using the Crystal Spear caused her wound to bleed profusely since it was too deep. The girl complied but that was after she was insisted to do so by almost everyone. Just to make sure she would do so, Kurama decided to stay with her.
Tuesday, August 25, 2015
Tennis Court Murders 4
TENNIS COURT MURDERS
(Sequel To "The Targeted Tennis Player Of Seigaku", Part 2 of "Detective Tennis" series)
Standard disclaimer applies. You are warned that the characters might not be in their usual selves (in other words, possible OOCness).
-x-x-
CHAPTER 4
"St. Rudolph? That can't be, right?" Momoshiro inquired in disbelief.
"What did the code say?" Ryoma asked before Kourin could say anything to answer Momoshiro.
Kourin looked at the text message on her cellphone and read the code there in Japanese. " 'Try to catch me as fast as you can. Solve this riddle to find me will fall from gray skies for it will mourn when one dies. My blade will slice through its heart; to St. Rudolph is where I'll do this part…' Just like the previous codes, it was originally stated in English. But unlike the first four codes, this one already stated the location of his next target. And I guess he stated the time, as well. We just need to figure out when." After that, she kept her cellphone in her pocket and proceeded to walk away from the vending machine.
Monday, August 24, 2015
Journal entry — February 13, 2006
Thursday, August 20, 2015
Finding A Special Heart - Chapter 4
Wednesday, August 19, 2015
At Least We Have Forever 24 - Revelations And The First Trial
Disclaimer: I don't own Yu Yu Hakusho and its characters. I do own Riya and other OC's of this story, though.
Warning: The characters might not be in their usual selves.
-x-x-
AT LEAST WE HAVE FOREVER—Chapter 24: Revelations And The First Trial
Ayako immediately ran towards Kurama and Riya. The other wielders later followed her. Hiei just walked a few steps away from the others when he noticed Kurama's eyes holding back his tears for the girl in his arms. Keiko and Botan later followed the wielders. Yusuke and Kuwabara didn't leave their spot.
"Hey, Urameshi. Are you alright?" Kuwabara asked.
"I don't know…" Yusuke replied. "I don't know what to think anymore."
Tuesday, August 18, 2015
Tennis Court Murders 3
TENNIS COURT MURDERS
(Sequel To "The Targeted Tennis Player Of Seigaku", Part 2 of "Detective Tennis" series)
Standard disclaimer applies. You are warned that the characters might not be in their usual selves (in other words, possible OOCness).
-x-x-
CHAPTER 3
Seishun Gakuen Tennis Courts, the next day…
Most of the students of Seishun Gakuen arrived early and that includes the members of the Seigaku Tennis Club. But their arrival to that school had gave them a scare and shock of their lifetime upon seeing something on one of the tennis courts of the school. Of course, one couldn't help but to scream at the sight that greeted them because of fear and surprise.
The person who did that the loudest was Arai.
Monday, August 17, 2015
Journal entry — February 7, 2006
Thursday, August 13, 2015
Finding A Special Heart - Chapter 3
ANG AKALA ni Seth ay binibiro lang siya ng babaeng kanina'y yakap-yakap niya nang mahigpit. He even thought na dahil siguro sa tagal ng panahong hindi sila nagkita ni Czarina ay nakalimutan na nito ang itsura niya. Pero nagkamali siya. At ang pagkakamaling iyon ang pinakamasakit para sa kanya na tanggapin.
Paano nangyaring nawala ang alaala ni Czarina?
Kuyom niya ang kamao nang maalala ang naging takbo ng mga pangyayari kanina lang...
Nanigas si Seth nang marinig niya ang tanong na iyon ni Czarina at bahagyang dumistansiya siya rito. Subalit hindi pa rin niya ito pinapakawalan.
Wednesday, August 12, 2015
Getting Over... (Yeah, right!)
Okay. I know, mukhang walang patutunguhang matino ‘tong post na `to. Pero since kailangan kong maglabas ng inis at sama ng loob (na thankfully ay hindi naman naipon sa dibdib), I guess I have to do this now. Wala rin namang matinong progress ang sinusulat ko, so ito na lang muna ang pagkakaabalahan ko.
Alam ko, marami sa atin ang na-disappoint sa mga pangyayari sa KalyeSerye ng Eat Bulaga kahapon (8-12-15). Isa rin naman ako sa mga iyon, eh. I even remembered na kinabahan talaga ako nang husto para sa magiging performance ni Miss Maine Mendoza sa studio para sa Bulagaan Pa More. Pero mas kinabahan talaga ako at isa sa mga libo-libong nag-anticipate ng pagkikita na dapat ng AlDub. But then, naisip ko rin na kapag nagkita nga sila kahapon, ano na ang kasunod? Parang agad na mawawala `yong natural na kilig na nabuo dahil sa tambalan nila.
Iniisip ko rin `yong hirap ng mga writer na nag-conceptualize ng Cinderella story peg para sa performance ni Yaya Dub. In fairness, ang ganda niya sa suot na gown. At kering-keri niya, ah. Haha! Naaliw talaga ako sa buong durasyon ng panonood ko ng EB kahapon. Kahit `yong mga host, parang hindi makahinga nang maayos habang nag-aabang ng mga kaganapan. And my heart broke nang makita ko silang talagang napaiyak dahil sa kinalabasan ng KalyeSerye. Para lang silang mga ordinaryong manonood sa bahay na nag-aabang ng mga susunod na pangyayari sa inaabangan nilang teleserye. Advantage na rin siguro na talagang hindi nila inaalam ang mga susunod na pangyayari, `no?
But seriously speaking, this post has another purpose. Gaya nga ng sabi ko, gusto kong maglabas ng sama ng loob. Kahit panandalian ko lang naman talagang naramdaman iyon. Ewan ko ba. Feeling ko, hindi ako marunong magalit at mainis nang matagal. Well, maliban na lang sa nararamdaman ko when it comes to my father. Pero forget it na lang iyon. Ayokong pag-usapan ang tungkol doon.
Yesterday, sinabi na sa akin ng boss ko na since hindi naman gaanong kumikita ang center, kailangan na niya akong i-let go. Well, that’s one reason kung bakit ganoon. Secondly, sinabi rin niya na disappointed siya sa akin sa naging attitude ko sa work. Not that I violated any rules or anything at all. Pero napapansin daw niya kasi na parang wala akong initiative sa trabaho at hindi ko raw ito priority. May mga times daw na parang lumilipad ang isip ko kahit nasa trabaho.
I came to realize na totoo iyon. Madalas talaga na nasa iba ang isip ko. Particularly sa kagustuhan kong maging isang full-time writer. Pero ewan ko ba kung bakit parang hirap akong patunayan ang sarili ko na kaya kong gawin iyon. As to this day, dadalawa pa lang naman ang approved MS ko. `Yong isa, malalaman ko pa ang verdict next week, August 18. The next manuscripts after those two approved ones, nasundan pa ng dagdag na returned. Ako naman, siyempre, sobrang nadismaya. Pero ewan ko ba kung bakit sige lang ako ng sige sa pagsusulat. Alam ko na ito talaga ang gusto kong gawin. Pero hindi naman puwedeng dito lang ako umasa.
Ang problema lang sa akin, hindi ko talaga makita ang sarili kong nagtatrabaho sa isang office or doing office-related works. As I view myself in a bigger picture, mas nakikita ko ang sarili ko na nagta-travel while doing the one thing I love the most, and that is writing. At that point, nararamdaman ko talaga na hindi meant para sa akin ang makulong sa opisina.
Magtu-24 na ako this August 30, pero heto, hindi ko pa rin mahanap ang sarili ko sa reality. And seriously, that sucks! `Kainis!Tuesday, August 11, 2015
Tennis Court Murders 2
TENNIS COURT MURDERS
(Sequel To "The Targeted Tennis Player Of Seigaku"; Part 2 of "Detective Tennis" series)
Standard disclaimer applies. You are warned that the characters might not be in their usual selves (in other words, possible OOCness).
-x-x-
CHAPTER 2
The next day…
Just like how it was the first time the murder was committed, it was a media frenzy. Several news networks made the recent murder their top news since it was done brutally—only a cold-blooded killer could definitely do such horrible thing. The police couldn't do anything to locate the culprit with little evidence they had so far.
And to think this was already the fourth time the culprit murdered someone. But thanks to that, they now had an idea the main target of the culprit.
Monday, August 10, 2015
Journal entry — February 6, 2006
Saturday, August 8, 2015
AlDub/Kalyeserye Day 1: Ang Simula Ng Forever - July 16, 2015
Of course… The memorable first day for Yaya Dub to meet Alden Richards. Haha! At kung tama ang pagkakasabi nina Joey, this was also the first time na ngumiti si Yaya. Hindi ko pa rin mapaniwalaan na accidental lang ito. Na pinag-ekspirementuhan lang nila. Pero grabe ang effect, in fairness lang. But as I watched it over and over, nakita ko na talagang instant din ang chemistry na nabuo sa kanilang dalawa kahit na tuksuhan lang ang naganap. Hehe! Isa rin kasi ako sa kasama sa Team Replay, lalo na sa isang palabas na gustong-gusto kong panoorin. Kitang-kita sa reactions nila na ginawa lang ito just for fun, to test something. And from there, I guessed their experiment worked.
It’s been a long time since the last na kinilig ako sa isang love team. Siguro, kinikilig ako sa isang love story na napapanood ko at sa characters ng mga gumanap. But not on the love team itself. Ewan ko ba. Iyon kasi ang napuna ko as I tried to reassess myself with regards to liking or fangirling with certain local celebrities or love teams formed on television. But for AlDub, it was different. Totally different. And I can’t even explain it.Thursday, August 6, 2015
Finding A Special Heart - Chapter 2
"BAKASYON? At ngayon mo pa talaga naisipang gawin iyan kung kailan naman peak season na sa Cherry Blossoms?"
Kulang na lang talaga ay ilayo ni Czarina sa tainga ang cell phone dahil sa komentong iyon ni Carlyn nang gabing iyon. Ang "Cherry Blossoms" na tinutukoy nito ay ang pangalan ng cake shop na pinamamahalaan nilang magkaibigan.
"Kaya nga ako nagpapaalam, 'di ba? Alam kong hindi ako basta nakakapagbakasyon lalo na kapag kasagsagan ng dami ng customers na nagsisidatingan sa shop," aniya habang ibinabalabal ang lavender na shawl sa balikat at saka nagtungo sa veranda ng kanyang silid. She looked at the starry night sky in melancholy.
"Alam mo naman pala. So why decide something like this now?"
Wednesday, August 5, 2015
Nanumbalik ang nawawalang kilig 😄
What the heck namang title `to? Haha! Pero pagpasensiyahan n’yo na lang ako, ha? Ngayon lang `to. Palibhasa, inuulit-ulit lang ang mga videos ng #AlDub. Oo na, isa na ako sa mga kinilig kahit ayaw ko. Ewan ko ba. Haha! Pero saka ko na ibabalandra ang pagkakilig ko sa kanila kahit na hindi naman talaga ako nakakapanood ng TV at wala naman kami n’on dito. Walang antenna. :P
Anyway, back sa totoong rason kung bakit ko naisipang i-post ito since wala naman akong maisip isulat na matino. Na naman. Ewan ko lang kung bakit. Baka kinulang na naman ako sa kilig kaya ganoon.
Ilang araw ko nang nakikita sa FB newsfeed ko si Yaya Dub pero sa totoo lang, hindi ako maka-relate. Siguro nga, isang rason doon ang kawalan ng TV. Wait, let me rephrase that. Meron kaming TV pero walang signal dahil walang antenna. `Yon po talaga ang rason. Mahina lang maka-pick up ng signal dito sa amin. So iyon nga, nakikita ko ang tungkol sa kanya sa newsfeed ko. Pero parang wala lang. I saw various posts about Alden and Yaya Dub meeting for the first time kahit hindi pa talaga sila formally nagkikita. At least, doon sa segment nila.
And then nasundan na iyon ng mga FB status ng mga FB friends ko tungkol sa kanilang dalawa. Kung paano sila kiligin sa #AlDub. And take note, because of Dubsmash-ing, nagkaroon na tuloy ang Pilipinas ng panibagong trending loveteam. Variety show loveteam, as I would like to call them since wala pa naman silang small screen at big screen appearances. Tama? Kahit `yong mga romance writer na FB friends ko at pati na rin `yong iba na hindi na basta-basta kinikilig sa nagsusulputang loveteams ngayon, inaaming kinikilig kina Alden at Yaya Dub.
At kahit hindi ko naman talaga feel, pinanood ko sa FB page ng Eat Bulaga ang videos about this segment, lalo na ang inaabangang love story ng #AlDub. Aba! Kahit akong hirap pakiligin (I think), eh kinilig din sa dalawang `to. Well, one factor for that to happen to me is because of Alden Richards. Isa lang naman po kasi siya sa mga local artist na crush na crush ko kahit hindi na nga ako gaanong nakakapanood ng TV. And as I go on watching the videos about #AlDub, nakikita ko na rin sa wakas ang rason kung bakit ganoon na lang ang pagkahumaling nila sa trending loveteam na `to.
I’m not very much aware of Dubsmash, pero dahil sa #AlDub, nagawa ko na ring maintindihan sa wakas kung ano iyon. Hehe! Hindi ako ganoon ka-updated kaya pasensiya na. And I like the songs they used as a response to each other. Lalo na kapag kilig moments nila nina Alden at Yaya Dub. From old songs to new, I like all of it. Mahilig din akong makinig ng mga old songs kaya sabihin na natin na ilan sa mga kantang ginamit nila, eh napakinggan ko na. Nakakatuwa din ang #LoMmy. Grabe ang tawa ko sa dalawang `to kahit gusto ko nang takpan ng libro ang mga mukha nila kapag nagkakaharap sila. But I like #AlDub better. Haha! I agree with Joey’s comment na maganda nga kapag naging teleserye ang kuwento nina Alden at Yaya Dub. Tiyak na maraming mag-aabang at manonood n’on. Isa na ako roon, of course! Pero dito ko lang aaminin iyon.
As of this writing, I’m done watching the video about #AlDub’s Day 8. Pero ito lang ang isa sa masasabi ko. Ito ang loveteam na masasabi kong hindi pilit kung magpakilig. Sana nga, magkatotoo ang kahilingan ng karamihan na magkaroon sila ng movie or maybe even a TV series na silang dalawa ang bida. Hindi na ako mag-e-expect na maging sila in real life. Sa dami ng mga posibleng mangyari, we’ll never know.
Waiting for more #AlDub moments to come! Sana marami pa kayong mapakilig sa paglipas ng panahon. :)
Tuesday, August 4, 2015
Tennis Court Murders 1
TENNIS COURT MURDERS
(Sequel To "The Targeted Tennis Player Of Seigaku", Part 2 of "Detective Tennis" series)
Summary: Dangers doesn't want to leave Ryoma and Kourin. That's what they thought when they decided to solve the serial tennis court murder case happening all over Tokyo. But finding the killer turned out to be harder and more dangerous than the last case they've dealt with that one of them might die from doing so.
Standard disclaimer applies. You are warned that the characters might not be in their usual selves (in other words, possible OOCness).
-x-x-
CHAPTER 1
The night was beautiful with the moon almost in full shape illuminated the streets. The stars shimmered beautifully that one could conclude that it was made for something enchanting and wonderful. Many people—most especially couples—would surely agree to that.