Ano ba `yan? Parang isa na naman ako sa mga tiyak na hindi makaka-move on sa recent episode ng KalyeSerye, ah. Paano ba naman kasi? First date ng AlDub iyon, eh. At gaya nga ng nakasaad sa HT (hashtag) for the day (#ALDUBMostAwaitedDate), it was indeed a most awaited moment. At panigurado, record-breaking na naman ito sa Twitter. Natatawa nga ako sa mgapost na nakikita ko tungkol sa pagrereklamo raw ni Blue Bird. Wala yatang araw na hindi napapahinga iyon dahil beast mode every day ang AlDub Nation.
Well, in my opinion, hindi lang ang AlDub fans ang beast mode. Pati na rin ang mga bashers at haters ng AlDub. But then, it’s better to just let them be. Gaya nga ng sabi ni Lola Nidora, ipagdasal na lang sila dahil sarili lang nila ang sinisira nila. Mabuti na lang pala at magaling ako sa dedmahan. Haha! One thing I know, I’m glad that KalyeSerye exists right now. Lalo na talaga ngayong parang nawawalan na ng silbi ang lahat ng parangal ng mga nakatatanda dahil sa tingin ng lahat (ng mga kabataan) ay alam na nila ang lahat. It shouldn’t be that way. It should never be that way. The elders are those who have made experiences their greatest teachers, that’s why they’ve survived this long in order to convey the message of those “teachers” to the current and next generation.
I’m glad Alden and Maine was given a chance to see each other again in this episode. At talagang nakapag-usap pa sila, ah. Ano kaya `yong mga pinag-usapan nila kahit sandali lang iyon? Na-curious tuloy ako. Mukhang abangers na naman ako sa laglagan wars nina Alden at Sam sa Monday, ah. Nai-imagine ko na kung paano kokornerin ni Sam si Alden ng mga tanong niya. Haha!
Honestly, ang akala ko noong una, quick change pa more ang gagawin ni Wally nang hindi siya sumama kina Paolo at Jose sa Sugod Bahay. I’m glad that wasn’t the case. Pero as usual, may gimik pa rin si Lola Nidora para kina Alden at Maine. Pahirapan lang talaga ang peg para lang marating ang dating place. Oh, well. Matching games pa more ang naganap and each matching answers equals one step towards the goal—which is the dating place and the moment everyone was waiting for. Nagawa naman nilang masagot na magkapareho ang mga tanong. Hanep din ang mga choices na ibinibigay ng tatlong lola. `Kakaloka! Nagawa nilang magkaroon ng pitong matching answers, gaya ng requirement ni Lola Nidora sa dalawang iyon. At napansin ko na kahit sasandali lang ang date nila, I can tell that it was worth it. Panira lang naman ng moment `yong alarm clock, eh. Ang ganda na ng moment, eh. kahit guwardiyado. `Yan tuloy, napaalis kaagad si Maine. Nang-iwan ng date para kay Lola. Nalungkot lang at nanghinayang talaga si Alden. But a child’s responsibility to her guardian stood above all else at iyon ang priority niya kahit obvious naman na hindi pa niya gustong umalis sa date nila ni Alden.
And then ano `yong narinig namin at the end of the episode na tinapakan `yong preno ng kotse at parang may bumangga pa yata sa kotse? Bakit sa tuwing end of the episode sa Sabado, may iniiwang matinding cliffhanger? As in! But then, it only proves na worth abangan ang susunod na episode ng KalyeSerye sa Lunes.
I’ll definitely wait for it!
No comments:
Post a Comment