MAHIGIT isang linggo na ang nakalilipas mula nang huling beses na nakasama't nakausap ni Czarina si Seth. Ganoon katagal na rin siyang nangungulila sa binata. Litong-litong siya kung bakit iniiwasan na siya nito. Hindi talaga siya makaisip ng matinong rason para gawin nito iyon.
Kahit ganoon, nagpatuloy pa rin siya sa pagpunta sa mga lugar kung saan posibleng makatulong sa kanya sa paghahanap sa nawawalang alaala. But all she could recall as she went to those places were her moments with Seth as he helped her with her predicament. Hindi niya napigilang mapaluha.
Heto na nga ba ang kinatatakutan niya. Masyado siyang nasanay na kasama ang binata. Kaya ngayon, hinahanap-hanap na niya ang presensiya nito.
Hindi sapat na kasama niya si Chris at halos araw-araw na bumibisita sa kanya para maibsan ang pangungulila niya. She wanted Seth. Gusto niyang makasama itong muli gaya ng dati. Nang sa wakas ay magawa na niyang aminin dito ang tunay niyang nararamdaman.
For the nth time, Czarina sighed as she sadly looked up to the night sky at the moment. Weird, but she couldn't appreciate the stars' shimmer the same way as before. Ganoon na ba katindi ang sakit ng kaloobang nararamdaman niya at pati ang pagtingin sa mga bituin ay nagpapaiyak na sa kanya?
Ang daya mo talaga, Seth. Didn't you promise to stay by my side? Ano na 'tong ginagawa mo ngayon? "I hate this... Bakit ang sakit-sakit?" Napahikbi na lang si Czarina habang napapahigpit ang hawak sa dibdib.
=======
SA HINDI mabilang na pagkakataon ay bumuntong-hininga si Czarina habang nakatingin sa labas ng bintana. Naroon siya sa loob ng kanyang silid at halos buong maghapong nakatingin sa labas, nagbabakasakaling maisipan na rin sa wakas ni Seth na puntahan siya. But each time, she ended up disappointed. Napapikit siya.
Gabi na at kasalukuyang umuulan nang malakas. For some reason, she just wanted to watch the rain. Until it came to her that doing so only made her even more depressed that she ever was. Kung bakit ba naman kasi sumasabay pa sa nararamdaman niya ang panahon. Muli ay tumulo ang kanyang mga luha. She just cried silently.
"Babalik ako rito, Czarina..."
Kunot-noong napamulat siya ng mga mata. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Weird... She thought she heard Seth's voice. Mukhang pinaglalaruan na naman siya ng isipan. Marahil ay epekto ng sobrang pagka-miss niya sa binata.
As Czarina sighed once more, she wrapped her favorite shawl around her tighter and looked at the embroided words on it. Napangiti siya nang mapakla sa nakita.
Liar. Dahil kung totoo ang mga salitang iyon, hindi sana siya nasasaktan ng ganoon ngayon.
"Pangako mo 'yan, ha? Hihintayin kita..."
"Not again..." usal ni Czarina at napahawak sa gilid ng ulo niya. Sumasakit na naman kasi iyon dahil sa mga salitang pumapailanlang sa kanyang isipan.
Hanggang may mapagtanto siya.
Seth's voice that she heard earlier... She was sure it was from 13 years ago. At kung hindi siya nagkakamali, ang boses ng batang babaeng narinig niya sa kanyang isipan ay galing sa panahong iyon. Natigilan siya.
=========
"BABALIK ako rito, Czarina..." pangako ni Seth sabay higpit pa ng yakap nito sa kanya.
Sapat na ang mga salitang iyon upang bahagyang pawiin ang 'di maitatangging lungkot na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Wala na siyang magagawa pa upang mapanatili si Seth nang mas matagal sa Altiera. Mukhang matindi ang dahilan nito para bigla na lang lisanin ang lugar.
But she was glad that Seth still managed to talk to her about his departure. At least hindi ito aalis at iiwan siya nang walang paalam.
"Pangako mo 'yan, ha? Hihintayin kita," aniya at bahagyang dumistansiya kay Seth. Malungkot itong nakangiti, tila pinipilit na magpakatatag at huwag umiyak sa harap niya. Lagi naman itong ganoon.
Tumango si Seth at hinawakan ang kanyang mukha. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya na tila minememorya nito ang detalye ng kanyang mukha. As he did so, she noticed a certain emotion lingering in his eyes na hindi niya mabigyan ng pangalan. But the sparkle in them was undeniable. Kung para saan iyon, hindi siya sigurado.
"I'll do my best not to forget your beautiful face, Czarina. Gagawin ko ang lahat para hindi mangyari ang kinatatakutan ko. Pangako 'yan. Can you promise the same thing for me?" Nasa tono ni Seth ang pagmamakaawa na hindi niya alam kung bakit at para saan.
Subalit ngumiti lang siya at tumngo. "Sinabi ko naman sa 'yo na hihintayin kita, 'di ba? Kasama na rin doon ang palaging alalahanin ka. I don't want to forget you, too. Kaya wala kang dapat alalahanin. Just come back here when you're ready and when things on your end have been settled."
Tila sapat na ang mga sinabi ni Czarina upang mapawi kahit papaano ang pangamba at lungkot sa mga mata ni Seth. "Aasahan ko 'yan..."
==========
SA PAGMULAT ng mga mata ni Czarina mula sa pagkakatulog ay hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. At tila nadagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya nang maalala ang napanaginipan. Hindi siya makapaniwala.
Nagawa pala niyang sambitin ang mga salitang iyon kay Seth noon. Nangako siya na hindi ito malilimutan. Pero ano 'tong nagawa niya? Lalo siyang napaiyak kapag naiisip niya kung gaano kasakit para kay Seth ang nagawa niyang pagkalimot sa alaala nilang dalawa. Lalo na sa pangakong sinambit niya noon.
Hanggang maisip niya ang isang bagay.
Sa wakas ay nagawa nang alalahanin ni Czarina ang tunay na dahilan kung bakit hindi niya kailanman maibigay sa kahit kanino ang kanyang puso. It was because of that promise she made to Seth a long time ago.
"I'm sorry, Seth... I'm so sorry..." humihikbing paghingi niya ng paumanhin kahit alam niyang hindi na maririnig iyon ng binata.
At iyon ang pinakamasakit para sa kanya.
One chance... She just needed one chance to see Seth. Kailangan nitong nalaman ang totoong nararamdaman niya. Kailangan niyang ipaalam dito na na naaalala na niya ito—ang lahat-lahat ng pinagsamahan nila. Nais niyang humingi ng tawad dito dahil sa pagkalimot niya.
Higit sa lahat, nais niyang makasama itong muli.
========
HINDI kaagad nakaimik si Czarina nang makita si Chris sa pagbukas niya ng pinto nang umagang iyon. But it wasn't because of seeing him visit her again. Hindi siya nakaimik dahil sa napakaseryosong ekspresyon sa mukha ng binata na noon lang niya nakita.
At hindi niya maiwasang kabahan nang husto.
"W-why the serious face, Chris?" Sinikap niyang lakipan ng biro ang tanong na iyon para lang matanggal ang kabang nararamdaman. "M-may kailangan ka ba?"
"I want the truth from you, Czarina," mahinang sagot ni Chris. "Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko, eh. Hindi ako magawang patahimikin ng mga bagay na gumugulo sa akin."
Kumunot ang noo ni Czarina. Hindi niya maintindihan kung bakit frustrated yata ang Chris na humarap sa kanya ngayon. May nangyari ba? "Are you okay?"
"Wala na ba talaga akong pag-asa sa 'yo, Czarina? Sagutin mo. Is it Seth? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako magawang bigyan ng chance sa buhay mo, sa puso mo?" sunud-sunod na tanong ni Chris.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "P-paano mo—?"
"Hindi naman ako tanga para hindi mahalata iyon. I've never seen you so sad, I've never seen my best friend act lifeless like that. And the way you looked at him nang madaling araw na dumating ako rito sa inyo, hindi mo maide-deny sa akin na wala lang talaga ang lahat. He lied for your sake and I can see that. At halata ko na masakit iyon para sa iyo." Marahas itong napabuga ng hangin kapagkuwan. Halata na sa mga mata nito ang sakit.
Napayuko naman si Czarina at napahikbi. Mukhang matindi na ang epekto ng pag-iwas ni Seth sa kanya para makahalata na si Chris.
"Tama ako, 'di ba? Please, I need to know. Ayokong patuloy akong inilalagay sa dilim sa paglilihim mo sa akin ng totoo," pagmamakaawa ni Chris.
Nag-angat siya ng tingin at tiningnan ang binata. Dahan-dahang tumango si Czarina at pinahid ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. "I just recalled everything last night, lahat ng mga alaalang nawala sa akin pagkatapos ng aksidente. Tama ka. Si Seth nga ang dahilan," pag-amin niya. Wala na ring silbi na itago pa niya rito ang totoo. Lalo lang niyang pahihirapan ang sarili. Iyon ay kahit alam niyang magiging masakit para kay Chris ang katotohanang iyon.
Wala siyang narinig na tugon mula sa binata. She saw the hurt in his eyes. Naroon ang kagustuhan niyang yakapin ito pero alam niyang hindi nito magugustuhan iyon.
"Chris..."
Pero sa gulat at pagtataka na rin niya, agad na tumalikod ang binata sa kanya at tuluyan siyang iniwan doon. Nakatingin lang siya rito, hindi malaman kung ano ang gagawin. Pagkasakay nito sa sasakyan ay nakita ni Czarina ang mabilis napagpaharurot ni Chris sa sasakyan nito. Saka lang sumagi sa isip niya ang direksyong tinahak nito.
Chris was heading to the route going towards Seth's mansion!
No comments:
Post a Comment