"A-ANO'NG ginagawa mo rito?" Iyon lang ang nagawang itanong ni Czarina nang mahanap na niya ang sariling tinig. Of all days na maiisipan nitong magpakita sa kanya, bakit sa araw pa na iyon? At bakit itinaon pang kasama niya si Seth?
"Didn't I tell you? I'll come here as soon as matapos ko na ang mga dapat kong gawin," paliwanag ni Chris at napadako ang tingin kay Seth. "Pupuntahan na rin sana kita, Seth. Inuna ko lang muna ang pagpunta rito. But I didn't know na magkakilala pala kayo ni Czarina. Siya ba 'yong binanggit mo noong huling beses na tinawagan kita?"
Napatingin si Czarina kay Seth na ngayon ay blangko na ang ekspresyon sa mukha. Binanggit siya nito noon kay Chris? At least, those words proved to her that the two men knew each other. Si Chris yata ang isa sa mga kaibigan ni Seth bukod kay Jim na sinabi nito noon sa kanya. Subalit gusto niyang kabahan sa ekspresyong nakikita niya kay Seth. Ano kaya ang iniisip nito sa mga sandaling iyon?
"Chris, let me explain—"
"No, hindi siya ang binanggit ko noon. I just mentioned something similar," ani Seth na pumutol sa sinasabi ni Czarina. Napatingin siya rito. But he wasn't looking at her. His eyes remained blank. "As for her, inihatid ko lang siya rito. M-muntik na kasi iyang mapahamak kanina nang makita ko sa bayan na mag-isa. Mabuti na 'yong nakakasiguro."
Seth, ano'ng sinasabi mo? Gusto niyang ibulyaw iyon sa binata pero nakakapagtakang walang tinig na lumalabas sa kanya. She couldn't believe Seth would utter such words. Pero bakit?
But his words were surely enough to tear her heart apart. Parang pinalakol iyon nang ilang ulit at tila hindi na siya makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman. From the way he said it, it was as if Seth was acting that he doesn't really know her. Like she was just some stranger he needed to help.
"Ganoon ba? Mabuti naman at hindi ka nasaktan, Czarina." Binalingan ni Chris si Seth. "Thanks, pare."
"I have to go. May mga kailangan pa akong asikasuhin." Iyon lang at walang lingon-likod nang umalis doon si Seth.
Ni hindi man lang siya hinayaang makapagsalita. Ang tanging nagawa na lang ni Czarina ay tingnan ito habang paalis at sumakay na sa sasakyan nito. Iyon ay kahit hindi matatawaran ang sakit na ipinaramdam ng binata sa kanya dahil sa pagtanggi nito na magkakilala sila.
Bakit nito ginawa iyon? Hindi niya maintindihan iyon.
"Are you alright, Czarina?" nag-aalalang untag ni Chris sa kanya.
Napatingin lang si Czarina sa binata ngunit walang salitang namutawi sa labi niya. She was hurt. Ang tanging gusto na lang niyang gawin sa mga sandaling iyon ay umiyak, even though she knew it wouldn't provide any help to ease the pain she was feeling.
Bakit mo ginawa iyon, Seth? May kasalanan ba ako sa iyo? May ginagawa ba akong mali?
=========
PERO tanging ang binata lang ang makapagbibigay ng matinong sagot sa mga tanong na iyon ni Czarina. Unfortunately, that man hadn't talked to her, let alone appeared to her in the past two days since that early morning. Tinangka niyang kontakin ito subalit hindi nito sinasagot ang mga text at tawag niya. Nalilito na siya dahil hindi niya alam kung bakit ganoon ang ginagawa nito. Hanggang ngayon ay wala siyang maapuhap na rason. At mas lalo siyang nasasaktan sa pambabalewalang ginagawa ni Seth.
Kaya naman kapag nag-iisa siya ay walang sandaling umiiyak siya habang patuloy na nag-iisip ng mga posibilidad kung bakit nangyayari iyon. Nag-aalala na si AJ sa kanya pero wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak. Bakit kung kailan sigurado na siya na mahal niya si Seth ay saka naman nito naisipang lumayo? Just when she thought she'd confess her feelings to him...
"Hey, you're not listening to what I'm saying."
Napapitlag si Czarina at dagling napatingin sa pinagmulan ng tinig na iyon. Nakita niya si Chris na may pag-aalalang nakatingin sa kanya. Saka lang niya naalala na kasama nga pala niya ang lalaking ito sa pamamasyal sa bayan. She went with him kaysa naman lalo siyang magmukmok. But it seemed that in the end, she was wrong.
Patuloy pa ring lumilipad ang isipan niya patungo kay Seth kahit na si Chris ang kasama niya. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matutuwa. Pero walang dudang nasasaktan siya.
"I-I'm sorry, Chris," nakayukong aniya at bumuntong-hininga.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.
Bagaman tumango siya, alam niyang mahahalata pa rin ng binata na taliwas sa sagot niya ang tunay na nararamdaman. Pero wala naman itong ibang sinasabi. Niyakap na lang siya ni Chris at hinayaan niya ito. Hindi niya napigilang umiyak sa sakit at guilt na nararamdaman. Chris had done nothing but to prove his clean intentions for her, how much he loved her. Yet in the end, she couldn't find it in her heart to recirpocate it.
Lalo na ngayon.
Bakit ba hindi na lang si Chris ang minahal niya? Hindi na sana siya nasasaktan nang ganito ngayon.
========
PINIGILAN ni Seth ang sarili na lapitan sina Chris at Czarina habang pinapanood niya ang mga ito na magkayakap. He had the urge to pull her away from his best friend and kiss her in front of Chris to let the man know his feelings for Czarina. But he couldn't even move a single inch from his spot where he was watching the scene. Ang tanging nagawa na lang niya ay iiwas ang tingin sa mga ito at hayaang tumulo ang kanyang mga luha.
Damn it! He couldn't believe there would still come a time that he would cry because of a woman. Pero si Czarina ang pinag-uusapan dito. Tanging ang babaeng ito ang may kakayahang gawin iyon sa kanya mula noon hanggang ngayon. He cried for her 13 years ago when he left Altiera. Ngayon ay tila mauulit ang sitwasyong iyon dahil sa ginagawa niyang pag-iwas sa dalaga.
Pero kahit masakit, kailangang gawin iyon ni Seth. Napangiti siya nang mapakla. Ang lakas pa talaga ng loob niya na hayaan ang sarili na paibigin si Czarina gaya ng ipinangako niya noon. But when Chris arrived, all of his strength and determination disappeared. All because he couldn't afford to let history repeats itself through him and Chris.
He let out one heavy sigh as Seth decided to watch Czarina once more. Hindi niya alam kung bakit umiiyak ang dalaga. Though he could feel it that somehow, it was his fault. Bigla ba naman kasi niya itong iniwasan. Naroon ang kagustuhan niyang lapitan ito, yakapin, at aluhin gaya ng madalas niyang gawin sa tuwing umiiyak ito dahil sa sakit na nararamdaman kapag nagsusulputan ang mga alaala sa isipan nito. But seeing Chris with her, agad niyang pinigilan ang kanyang sarili na gawin iyon kahit masakit.
"Mahal na mahal kita, Czari. Heaven knows how much. Pero..." Tila nagkaroon ng bara sa kanyang lalamunan kaya kahit pabulong ay hindi na niya maisatinig ang nais sabihin. But what's the use of uttering those words? He couldn't even let it reach Czarina... because he was a coward. Ang dami niyang kinatatakutan at hindi niya alam kung paano iyon lalabanan.
He was scared of losing Czarina, of fighting his feelings for her, of losing a friend because of what he felt for her, of seeing the tragic history repeats itself. Hinayaan na niyang tumulo ang kanyang mga luha at umalis sa pinagtataguan niya. But in Seth's heart, patindi ng patindi ang pagtutol niyon na talikuran ang mga nasimulan na niya.
But how was he supposed to fight for his love without losing one of his friends in return?
=========
"PARANG hindi pa yata maganda ang naging epekto ng bakasyon mo sa 'yo, ah."
Napahinto si Seth sa pagpasok sa bahay nang marinig iyon. Sa paglingon niya ay nagulat siya nang makitang palapit sa kanya ang kaibigang si Jim Madriaga. As usual, seryoso na naman ang mukha nito. But he could see the concern in his friend's eyes na kitang-kita niya sa kabila ng suot nitong makapal na salamin.
Bumuntong-hininga na lang siya at nagpatuloy sa pagpasok sa kanyang bahay. Walang salitang pinapasok niya ang kaibigan sa loob at pareho silang naupo sa sofa. Ilang sandali rin silang walang imikan.
"Talk," mayamaya'y utos ni Jim, dahilan upang mapatingin si Seth dito. "I know you're bothered about something. Hindi ka magiging ganyan katahimik kung walang bumabagabag sa 'yo."
Hindi kaagad nakaimik si Seth. Nanatili pa rin siyang nakatingin kay Jim na kumuha ng isang magazine na naroon sa ilalim ng coffee table sa harap. Hindi naman kasi niya alam kung ano ang sasabihin. O kung saan nga ba magsisimula. But at the thought of hearing Jim's insight about his situation, in the end he found himself revealing everything to his friend.
His past, his love, his fears, and his foolish decisions for their sakes. But after that, Jim's words to Seth had taken him aback and baffled him at the same time.
"Mauulit lang ang kinatatakutan mong nakaraan kapag hindi na gumawa ng paraan na ipaglaban ang nararamdaman mo sa babaeng mahal mo. Let the woman decide and accept her decision in the end no matter how much it would affect you as a person. Don't make the same mistake I did in the past for not doing everything to settle the issue. I don't want you to regret losing the one you love without putting up a fight."
Kaya nga ba talaga niyang makipaglaban kahit alam niyang may masasaktan siya?
No comments:
Post a Comment