NAKAPIKIT ang mga mata ni Czarina habang nakahiga sa sofa at nakikinig sa musikang galing sa CD na isinalang niya sa DVD player paggising niya kaninang umaga. Iyon lang ang naisip niyang gawin sa mga sandaling iyon dahil wala siyang mapagsabihan ng mga bumabagabag sa kanya. Hindi pa rin umuuwi si AJ mula sa gig nito kaya naman lalo siyang naaaburido.
She was actually listening to the CD consisting of originally composed piano songs. Tiyak niyang si AJ ang bumili niyon dahil frustrated composer ang pinsan niyang iyon. Idagdag pa na fan ito ng mga likha ng composer na si Jim Madriaga. Napangiti siya habang patuloy na nakikinig. Hindi niya alam kung ano ang meron sa musikang iyon at naaalala niya si Seth.
Pambihira lang. Czarina just talked to him the other day. And yet she missed him so much already. Palala na nga yata ng palala ang nararamdaman niyang iyon habang tumatagal na nakakasama niya ang binata. Or maybe her feelings for him from before she lost her memories only intensified now that she saw Seth again.
Ngunit sa kabila niyon, hindi naman niya maintindihan kung bakit nakadama siya ng kaba sa kaalamang magtutungo sa Altiera si Chris. Hindi naman niya puwedeng pagbawalan ito na sundan siya dahil tiyak na magtataka ito. And he even said that his friend was also in town. But she couldn't help feeling as if something bad would happen is Chris arrived. Hindi nga lang niya matukoy kung ano.
"You're listening to that song?"
Napabalikwas si Czarina sa sofa at awtomatikong napalingon sa pinto kung saan narinig niya ang nagsalitang iyon. Hindi niya maitago ang tuwang nararamdaman nang makita si Seth na guwapong-guwapo sa suot nitong black jeans at blue polo shirt. Nakangiti ito habang nakatayo sa may pintuan.
Namalayan na lang niya ang sarili na lumalapit sa binata at niyakap ito. Naramdaman niya ang pagkagulat ni Seth. Subalit lalo niyang hinigpitan ang yakap rito. Hindi niya alam kung bakit iyon ang naisipan niyang gawin pero wala siyang planong putulin iyon.
"Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong nito at ginantihan ang yakap niya. Hinaplos pa nito ang buhok niya. Nagustuhan niya iyon kaya lalo niyang isinubsob ang mukha niya sa dibdib nito. "Czarina, seriously, what's wrong? Don't make me worry like this."
"Wala namang problema, eh." I just missed you. She exhaled. Why couldn't she say those words to Seth?
"Sigurado ka?"
Tumango siya. Ilang sandali silang nanatili sa ganoong posisyon bago dumistansiya nang kaunti si Czarina at tiningala si Seth. The way he looked at her at the moment made her feel as if she was the most beautiful woman in his eyes. It made her heart soar.
"What's wrong? You don't usually greet me with that kind of bone-breaking hug," biro nito na umani ng hampas sa dibdib mula sa kanya.
"Bone-breaking ka riyan! Ikaw talaga, nakakainis ka." Napalabi tuloy siya at tuluyan na siyang dumistansiya kay Seth.
He just laughed heartily and pulled her to him. Soon after, he gave her forehead a kiss. Napapikit siya dahil doon.
"Ikaw naman. Hindi ka na mabiro. You looked really bothered a while ago and then all of a sudden, you would hug me that way. It's as if you missed me that much."
Natigilan siya sa huling sinabi nito. What do you know? Tumpak na tumpak lang talaga. Gusto sana niyang isatinig iyon subalit pinigilan niya ang sarili.
"I'm just happy that you're here, that's why." It was the truth. But there was more to that, of course. Hindi pa nga lang niya magawang sabihin iyon dito. "Napabisita ka? 'Di ba dapat mamaya pa tayo magkikita?"
"Baka may plano kang papasukin muna ako, 'no?" ganting-tanong ni Seth.
Natawa na lang silang dalawa at saka niya hinayaan itong makapasok na nang tuluyan.
=========
"NAGBIBIRO ka lang yata, eh. Paano nangyaring kaibigan mo ang composer ng piano songs na 'yan?" Hindi makapaniwala si Czarina sa ipinagtapat sa kanya ni Seth nang ulitin niya ang pagpapatugtog sa mga kanta sa CD na kanina pa niya pinapakinggan. Kasalukuyan silang nasa sala at nagme-merienda.
Tumawa naman si Seth at umiling pa. "Kung makapagsalita ka naman, parang sinasabi mong napakaimposibleng maging kaibigan ko si Jim."
"Paano nga kasi nangyari 'yon? Wala ka naman kasing nababanggit sa akin, eh," aniya at talagang hinarap pa ang binata habang hinihintay ang magiging sagot nito.
Tumikhim muna si Seth at tumingin kay Czarina. He stared at her for a few moments. She couldn't tell why but she was drawn to those beautiful dark brown eyes looking at her. Hindi niya magawang alisin ang tingin niya rito at putulin ang titigang iyon. Of course, as expected, her heart went crazy inside her chest.
Nakita niyang bahagyang bumaba ang tingin ni Seth sa kanyang mga labi. Bigla siyang nakaramdam ng 'di maipaliwanag na kaba dahil doon.
"S-sagutin mo na kaya ang tanong ko sa 'yo, 'no?" Pilit niyang pinatatag ang boses kahit na tumitindi ang kaba niya sa paglipas ng mga sandali.
Kumurap si Seth at tumungo. Ganoon din ang ginawa ni Czarina at huminga siya ng malalim. Muling tumikhim ang binata, dahilan upang mapatingin siya rito.
"I met him during my high school days sa States. Hindi lang siya. Pati na rin ang dalawa ko pang kaibigan. Naging kaibigan ko sila na nagtagal hanggang ngayon kahit na magkakaiba talaga kami ng interes at paniniwala sa buhay. Believe it or not, kahit na magkakaiba kami ng kursong kinuha pagdating namin sa college, nagagawa pa naming makapag-bonding. Siguro dahil sila lang ang mga Pilipinong talagang nakasundo ko. We were able to discard the issues of discrimination we suffered since high school whenever we're together, the four of us. Maybe that's the reason why we strived hard to attain the success we have now."
"But that doesn't explain how you two met," sabi niya, talagang sinasagad lang ang kakulitang mayroon siya kapag umiral ang curiosity niya.
"Madalas ko siyang nakikitang nagpapatugtog ng piano sa music room ng school. At saka sabihin na nating na-fascinate din ako sa musikang nililikha niya. Though there were no words, the music notes alone conveyed the message that Jim wanted the world to hear," paliwanag ni Seth at tiningnan siya. May ngiti na sa mga labi nito. "Satisfied?"
"Hmm..." Umakto pa si Czarina na napapaisip. "Puwede na."
Sabay pa silang natawa.
Agad na kumuha sa atensiyon niya ang sumunod na kantang tumugtog. Hindi niya alam kung bakit napadako ang tingin niya kay Seth kapagkuwan na sa gulat niya ay agad na naglahad ng kamay nito sa kanya.
"May I have this dance?"
As soon as she accepted the offer without a word, she placed her hand on his. Sa pagdadaop ng mga palad nila, nagdulot iyon sa kanya ng kakaibang pakiramdam na tumagos sa puso niya. It was an incredibly warm feeling na tanging si Seth lang ang nakapagparamdam sa kanya.
Nagsayaw sila ni Seth sa saliw ng musika at tibok ng kanilang mga puso. Her heartbeat was in unison with his, and she could hear it when she placed her head on his chest. Yakap naman nito ang baywang niya at hawak nito ang isang kamay niya.
Hindi maiwasang isipin ni Czarina na para silang magkasintahan ni Seth sa itsura nila nang mga sandaling iyon. Napakasaya niya sa isiping iyon. Kalaunan ay tiningala niya si Seth at tiningnan na naman siya nito.
"What's wrong?" tanong ng binata na hindi itinitigil ang pagsasayaw nila.
Umiling lang siya at muling inihilig ang ulo sa dibdib nito. "Masama ka bang tingnan? I just want to look at you."
Czarina heard Seth chuckle as his hold on her waist tightened, pulling him closer to his body. "And I want to hold you like this. For so long, I've always dreamed of holding you like this again."
Napapikit siya sa saya at lungkot na magkasabay niyang narinig mula sa binata. But she just buried her face to his chest and inhaled his masculine scent. "Then hold me tight... and don't let go. Please." Hindi na talaga niya kakayaning mawala ito sa tabi niya.
Now she could truly admit—she loved this man. And she would never let him go whatever happens.
========
KAILAN nga ba huling nagpunta sa isang peryahan si Czarina? She couldn't remember. But she could feel that she had been into several events like that before she lost her memories. Iyon ang nararamdaman niya habang masaya nilang nililibot ni Seth ang lugar kung saan ipinatayo ang naturang peryahan.
It was a summer festival done annually in Altiera. Nasabi sa kanila ni AJ na madalas daw siyang magtungo roon kahit nag-iisa lang siya, lalo na noong mga panahong umalis na si Seth sa Altiera. As she expected, nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ni Seth.
Nawala lang iyon nang ikulong niya ang mukha nito sa mga palad niya at sinabi rito na wala itong dapat ikalungkot. Sinabi rin niya na hanggang hindi pa nila alam ang totoong rason kung bakit ginagawa niya iyon noon, mas mabuting isipin na lang nila na stargazing ang dahilan. That stars would always bring them closer no matter the distance that separated them.
"Parang hindi man lang dumaan ang 13 years sa nakikita ko ngayon. Halos walang ipinagbago," komento ni Seth habang inililibot nito ang tingin sa paligid.
It was a lively atmosphere with beautiful lights surrounding them. Ilan sa mga iyon ay mga paper lanterns na kadalasang nakikita niya sa mga summer festivals sa mga East Asian countries. Nagkalat din ang mga stalls na nagbebenta ng samu't-saring mga pagkain at mga gamit na specialty ng bayan.
"Hmm... Wala akong masasabi pagdating sa bagay na 'yan. But I really want to remember the summer festivals I've been to before. Lalo na 'yong mga panahong magkasama tayong nag-enjoy sa pamamasyal." Muli ay lumukob ang lungkot sa dibdib niya. Sinikap niyang mapalis iyon sa kanyang isipan. Ayaw niyang masira ang araw na iyon dahil lang sa 'di magandang isiping gumugulo sa kanya. "Pero okay lang. Let's just make another memory. And this time, alam ko nang hindi ko malilimutan iyon. At least... I want to make sure I'd never be able to forget them ever again."
Tumigil sa paglalakad si Seth at hinarap siya na ikinabigla niya. He was intently staring at her again. Despite her heart beating faster than how it was a while ago, hindi niya nag-iwas ng tingin dito. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya bago inilapit ang mukha nito sa kanya. He smiled that smile that always made her heart soar. Lalo tuloy itong gumuwapo sa paningin niya.
"Then let's make more memories worth remembering. At titiyakin ko rin na hindi mo na malilimutan iyon," pangako ni Seth.
Napangiti siya nang maluwang sa narinig. Sa sobrang katuwaan ay niyakap niya ito ng mahigpit. Agad namang gumanti ito ng kasinghigpit na yakap. Her heart soared high at the warmth that she felt.
"Ano na kaya ang mangyayari sa paghahanap ko sa mga alaala ko kung wala ka para tulungan ako?" mayamaya ay sabi ni Czarina. Alam niyang para siyang naglalambing sa ginagawa niya. But it just came to her.
Come to think of it, parang hindi nga niya talaga alam kung ano ang kahahantungan ng paghahanap niya sa mga nawawalang alaala sakali mang mag-isa lang niyang ginawa iyon. Hindi niya maisip na wala sa paglalakbay niyang iyon si Seth. Kahit sabihin pa na hindi naging maganda ang pagkikita nila matapos ang labing-tatlong taon, masaya siya sa katotohanang hindi siya nilayuan ni Seth. Hindi niya kakayanin kapag dumating ang panahong bigla na lang itong nawala sa buhay niya. Ganoon na ito kahalaga sa kanya. Ganoon niya kamahal si Seth.
Napangiti siya sa isiping iyon.
"I'm just glad I came back here and got a chance to be with you like this, Czarina. Kahit alam kong nahuli na ako."
Bahagyang dumistansiya si Seth sa kanya at tinitigan siya. Napapikit siya nang haplusin nito ang pisngi niya. The warm touch of his hand on her cheek had truly brought back a few forgotten feelings from the past. She knew she had felt the same warmth before.
"Masaya ako na nakakasama na kita ngayon, Czarina. You have no idea how long I've waited for this," madamdaming pagpapatuloy ni Seth.
Tinugon na lang iyon ni Czraina ng isang mahigpit na yakap. "Masaya rin naman ako, Seth. Masayang-masaya." Dahil nagawa ko na ring aminin sa sarili ko na mahal nga talaga kita. At wala nang makakapagpabago pa niyon.
==========
WALANG pagsidlan ng kasiyahan si Czarina sa buong durasyon ng pamamasyal nila ni Seth. It was truly a memorable experience for her. Bagaman nakabantay sa bawat kilos niya ang binata, hindi na lang niya gaanong pinagtuunan ng pansin iyon.
But she was aware of the feelings his gestures and attention towards her was giving to her—especially to her heart. She really felt special because of that. Though she would call it absurd, she also felt... loved. Pero ganoon nga ba talaga iyon?
"Ang tahimik mo na ngayon. Samantalang kanina, ang saya-saya mo," untag ni Seth.
Kasalukuyan silang naroon sa tabing-dagat na madalas nilang puntahan. They headed there when they were already done enjoying everything the festival had to offer. Isa pa, naisipan na naman kasi ni Seth na mag-stargazing.
"Is it another memory? Does it give it headache?" may pag-aalala sa tono na tanong nito.
Umiling siya. "No. Funny, but even if I finally managed to recall those memories, it didn't give me another head-splitting headache like the usual ones." Hindi niya alam kung bakit ganoon. But she was glad about that.
Tila nawala naman ang pag-aalala ni Seth. Kinabig siya nito at inihilig niya ang ulo sa balikat nito. Napapikit siya nang maramdaman ang mabining paghalik nito sa buhok niya. That gesture was surely enough to send her heart soaring, may alaala man siya o wala. No other man had ever made her feel that way. Tanging si Seth lang at wala nang iba.
Nanatili pa sila sa tabing-dagat ng ilang oras habang nakamasid lang sa madilim na kalangitan at dinadama ang ihip ng hangin. It was truly a calming moment kahit walang salitang namamagitan sa kanila ni Seth.
"Czari..." mayamaya ay tawag ni Seth sa pangalan niya.
Her heart skipped a beat as she raised her head to face him. Iyon ang unang pagkakataon pagkatapos ng unang beses nilang pagkikita na tinawag siya nito sa ganoong pangalan. Lumakas ang pagkabog ng dibdib niya nang makita ang matamang tingin ng binata sa kanya.
"Seth..." usal niya.
Napalunok siya nang makitang unti-unti nitong inilalapit ang mukha sa kanya. Ang nakakapagtaka, wala siyang makapang pagtutol sa dibdib kahit alam niya ang posibleng mangyari. Nakikita niya iyon sa mga mata nito Seth. It was making her nervous and excited at the same time. She closed her eyes and waited for something to happen.
Seconds later, she felt it—finally.
She felt Seth brushed his warm lips againts her soft ones in a light kiss. It stayed there for a few moments. Para bang nananantiya pa. Yet it was more than enough to sent her heart soaring higher than it ever was for the first time.
Or was it?
Pero agad na napalis sa isipan ng dalaga ang kakatwang tanong na iyon. Naramdaman niyang unti-unting pinalalim ni Seth ang noong una'y magaan lang na paghalik nito sa kanya. Tinugon niya iyon sa abot ng makakaya bagaman nagdulot iyon ng panandaliang pagkagulat kay Seth. When she made him feel that she didn't want him to stop, only then did he completely deepen the kiss. Nakulong sa lalauman niya ang singhap na sanhi ng pagkabigla niya. She responded to his kiss in equal fervor.
Habol nila ang hininga nang pakawalan ni Seth ang kanyang mga labi. Kapagkuwan ay pinagdikit nito ang mga noo nila at ikinulong sa mga palad nito ang mukha niya. He was staring at her intensely before kissing her forehead.
"Oh, Czari... You have no idea how crazy you're making me right now," ani Seth at saka siya niyakap nang mahigpit.
Napangiti siya at gumanti ng yakap sa binata. "That makes the two of us, then." And maybe, I'd go insane if you ever leave in my life again, Seth Alarcon. Hindi niya alam kung bakit iyon ang naisaisip niya. But perhaps he already held her heart long before she knew it. At kapag nawala ito sa buhay niya sa pangalawang pagkakataon, hindi niya alam kung may magsisilbi pa bang daan para magkita silang muli ni Seth.
=======
KUMUNOT ang noo ni Czarina nang mapansing nakabukas ang ilaw sa sala ng bahay niya gayong sa pagkakatanda niya ay sinigurong nakapatay iyon bago sila umalis ni Seth. Naunang umalis kanina si AJ dahil may trabaho pa ito sa isang bar sa bayan bilang singer. Kadalasan ay bandang alas-tres na ito ng madaling-araw kung umuwi.
"That's weird..." sabi na lang niya. Agad siyang umibis sa sasaknya ni Seth nang maihatid na siya nito sa front gate ng bahay niya. "Ang aga naman yatang umuwi ni AJ."
"Parang ayaw mo nang pauwiin ang pinsan mo, ah," biro ni Seth.
Hindi na lang niya pinansin ang sinabi ni Seth. Dire-diretso na siya sa pinto ng bahay niya. Natigil lang siya sa akmang pagpihit ng seradura nang marinig ang isang pamilyar na tinig bukod sa pinsan niya. Kasabay niyon ay ang pagbundol ng matinding kaba sa dibdib niya.
This can't be happening now, right?
"Hey, what's wrong? Ang akala ko, papasok ka na."
Hindi na napigilan ni Czarina si Seth nang tuluyan na nitong buksan ang pinto. Pero maging ito ay natigilan nang makita kung sino ang kausap ni AJ nang mga sandaling iyon.
Lumingon sa kanila sina AJ at Chris dahil sa pagdating nila. Kinakitaan ng pagkagulat na may halong pagtataka ang mukha ni Chris pagkakita sa kanila.
"Czarina? Seth? B-bakit magkasama kayo? You two know each other?' sunud-sunod na tanong ni Chris.
Si Czarina naman ngayon ang nagulat at nagtaka. Magkakilala sina Seth at Chris? Paano nangyari iyon?
No comments:
Post a Comment