"HABANG ako'y naghihintay, 'wag sanang magbago dahil hindi ko kakayanin na ikaw ay lumayo. Darating din ang araw at sasabihin ko kung ano ang tunay kong nadarama sa 'yo..."
Natagpuan na naman ni Czarina ang sarili na kinakanta iyon. Alas-nuwebe na ng gabi subalit hindi pa rin siya makatulog sa dami ng gumugulo sa kanyang isipan.
At gaya ng inaasahan, gumitaw sa kanyang isip ang ilang mga imaheng pamilyar sa kanya. Mariin siyang napapikit dahil kasabay niyon ay ang pagsigid na naman ng sakit sa ulo niya. But she tried her hardest not to cry. Ever since that night when she and Seth had stargazing by the beach, pinipilit niya ang sarili na huwag umiyak. Lalo na kapag sumasakit ang ulo niya sa pagsulpot ng mga alaala.
Patuloy lang si Czarina sa paghinga ng malalim hanggang sa maramdaman niya na unti-unting napapawi ang pagsakit ng ulo niya. With one last sight, she looked up to the night sky and continued singing.
"Dahil hindi pa tamang panahon upang magmahalan, kahit na puso ay nasasaktan. Ako'y maghihintay lamang sa 'yo hanggang umabot tayo sa takdang panahon. Magtitiis, magbibigay kahit umabot pang habangbuhay..."
Napapikit siya habang ninanamnam ang pakiramdam matapos niyang kantahin iyon. She really had the strongest feeling that the song truly told everything... about her and Seth. Naroon ang pakiramdam na may pinag-alayan siya ng kantang iyon noon pa.
"Para sa akin ba ang kantang iyan?"
Bigla ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso nang marinig iyon. Kagyat na napalingon siya sa pinagmulan ng tinig. Nangunot ang noo niya nang wala naman siyang nakitang kahit sino sa paglingon niyang iyon.
Weird. Mukhang nagha-hallucinate pa yata ako. Pero agad ding napalis ang isiping iyon nang makarinig siya ng pagtawa. This time, she knew where it came from. She looked up and gasped at the sight of Seth comfortably sitting on the roof of her house!
"Ano'ng ginagawa mo riyan? At paano ka nakaakyat diyan? Bumaba ka nga rito!" utos niya kay Seth.
Pero ang bruho, hayun at tinawanan na naman siya. May saltik na yata sa utak ang lalaking 'to, eh.
"Come up here. The view of the stars from here is much more beautiful, you know," sa halip ay saad nito imbes na sundin ang utos niya na bumaba mula sa bubungan.
Ano na naman bang kalokohan ang tumatakbo sa utak ng lalaking ito?
"Seth, bumaba ka na nga riyan. Puwede ba? Baka mahulog ka pa mula riyan, eh."
"Hindi ako mahuhulog, okay? I only fell once. But that's one fall that I have no plans of bringing myself back up again," makahulugang wika nito.
"Ha?" Ano'ng pinagsasasabi nito? Bumuntong-hininga na lang siya. "Seth..."
"I told you that night, remember? Na nagi-stargazing tayo madalas dito sa bubong ng bahay n'yo. Why don't we do it again? Baka sakali lang naman, may magbalik na mga alaala sa iyo kapag ginawa natin iyon."
"Alam mo, Seth, lalo ka lang masasaktan sa pagbabaka-sakali mo, eh." Mahirap man pero hindi gusto ni Czarina na bigyan ito ng false hope. She couldn't bear seeing disappointed because of that. Hindi na nga niya kayang isipin na siya ang dahilan ng lungkot na iyon.
"It's better for me to hold on to something than nothing, Czari." Seth looked up to the night sky. "Just like these stars. Ang dami pa ring patuloy na humihiling sa mga ito kahit na alam naman natin na walang mangyayari. We just wished that somehow, in one way or another, someone would be able to hear our silent wishes. And perhaps, make it come true." He soon smiled in melancholy.
Napayuko si Czarina nang masilayan iyon. Hanggang kailan ba siyang mananatiling dahilan para makita niya kay Seth ang lungkot na nakikita niya rito ngayon? Soon after, she smiled as his words slowly sank in her mind. Nag-angat siya ng tingin at nakita niya na patuloy pa rin ito sa pagtingin sa madilim na kalangitan.
"That's called hope... right? Na kahit malaking bahagi ng pagkatao natin ang nawawalan na ng pag-asa, meron pa ring patuloy ang paniniwala na may mangyayaring maganda pagkatapos ng lahat. Or I guess I could also call it faith." Bumuntong-hininga siya. "Do you really believe that I can get back my lost memories?"
"I have faith in it, Czarina," seryosong saad ni Seth at saka siya tiningnan. He smiled this time that made her heart flutter. "Kaya dapat maniwala ka rin."
Hindi siya makapaniwala. She couldn't see any trace of doubt in Seth's voice as he said it. Talaga bang ganoon katindi ang paniniwala nito na magbabalik ang mga alaala niya?
"Siguro naman, puwede mo na akong samahan sa pagi-stargazing ito sa bubungan ng bahay mo, 'no?" ani Seth na pumutol sa pagmumuni-muni niya.
Ilang sandali rin siyang nag-isip kung pagbibigyan nga ba niya ito o hindi. But in the end, she just let her heart decide. Walang kaabog-abog na ipinahayag niyon ang kagustuhang pagbigyan na lang si Seth. And the result? Her heart was beating fast—again. Para bang excited lang na makakasama na naman niya ang binata sa isang abrupt and yet a romantic set-up.
Sa tulong ni Seth at ng kanugnog na malaking puno sa tabi ng bahay ay nagawa niyang makaakyat sa bubong. Nagulat siya na kalaunan ay tinawanan lang niya nang makita ang nakalatag na banig doon. Meron pang kumot.
"Talagang pinaghandaan mo 'to, ah. But I thought you headed straight home matapos mo akong ihatid dito kanina."
Tumango si Seth. "I did head home para kunin ang banig at kumot. I told your cousin not to tell you about my arrival."
"Bakit?"
"Dahil gusto kong obserbahan ka, lalo na ang mga ginagawa mo sa pagsapit ng gabi." Umisod si Seth at tinapik ang bahaging malapit dito. "Come here."
Walang salitang sinunod na lang ni Czarina ang gusto nito na maupo sa tabi ni Seth. Hindi pa man ganap na nakakaupo nang maayos ay hinapit siya ng binata palapit dito. Isinandal nito ang ulo niya sa dibdib nito. Bagaman ikinagulat niya iyon, pansamantala lang niyang naramdaman iyon. She smiled at the warm and secured feeling that overtook her because of that.
Nang tingalain niya ito ay natigilan siya nang makita itong nakatingin pala sa kanya. Their gazes locked for a few moments before he smiled.
"Akala ko, hindi na kita makikitang suot ang shawl na 'to," kapagkuwan ay sabi ni Seth at lumamlam ang mga mata nito.
"I never forgot to wear it every night, AJ said to me. Kahit noong mga panahong katatapos ko lang maka-recover sa mga sugat na tinamo ko mula sa aksidente. I don't know. I just... felt secure while wearing this somehow."
Nagustuhan yata ni Seth ang sinabi niyang iyon. His smile broadened before kissing her hair. She couldn't help closing her eyes at the gesture.
"Thank you," he said.
She smiled before looking up to the starry night sky at Seth pulled her close to him. Marami pa ring mga tanong ang naglalaro sa kanyang isipan. But one look at the man who held her tight as if she would disappear anytime soon, agad na naglalaho ang mga iyon. Para bang sinasabi niyon na huwag muna niyang intindihin ang mga iyon habang nasa tabi siya nito.
Iyon na nga muna siguro ang dapat niyang gawin. Saka na niya pagtutuunan ng pansin ang mga tanong sa isipan. Isiniksik niya ang katawan kay Seth. Bagaman naramdaman niyang tila natigilan ito sa ginawa niya, sandali lang iyon. Kalaunan ay lalo siya nitong hinapit at hinalikang muli ang kanyang buhok.
=========
HINDI mapigilan ni Czarina ang mapahanga sa napakagandang tanawing sumalubong sa kanya nang marating na nila ni Seth ang isang mansion. Sa gandang nakikita niya sa paligid nang mga sandaling iyon ay agad na napawi ang inis niya sa binata. Paano ba naman kasi? Gisingin ba naman siya nito ng alas-kuwatro ng madaling araw gayong ala-una y medya na sila nakatulog nito matapos ang pagkukuwentuhan nila habang nagi-stargazing sa bubong ng bahay niya. Sa tingin pa nga niya ay wala yatang itinulog si Seth dahil sa pagbabantay sa kanya.
"Patatawarin mo na ba ako sa pang-iistorbo ko sa iyo?" kapagkuwan ay narinig niyang tanong ni Seth, na ikinalingon niya rito. Kasabay niyon ay itinigil na nito ang sasakyan sa entrance ng mansion.
Napangiti na lang siya at umiling-iling. "Alam mo, hindi ko talaga masundan ang mga trip mo. Ano ba talaga ang dahilan at dinala mo ako rito, ha? At ano'ng gagawin natin dito?"
Muli ay napatingin siya sa paligid ng mansion. Pero kasabay niyon ay ang paglitaw naman ng isang pangyayari sa kanyang isipan.
"Ang ganda naman ng bahay n'yo, Seth. Ganito talaga kayo kayaman?" tanong ni Czarina habang patuloy ang paglikot ng tingin sa paligid ng mansion.
"Huwag mong sabihing ngayon ka lang nakatuntong dito?" balik-tanong naman ni Seth na kasalukuyan lang siyang pinagmamasdan.
Tumango siya. "Hindi naman ako basta-basta makakapasok dito, 'no? Pero... parang ang lungkot naman ng aura rito. Kaya ka siguro lumalabas para makipaglaro sa akin."
Kinakitaan ng paglamlam ang mga mata ni Seth. "Isa lang iyon sa mga dahilan. Madalas kasi na wala si Papa sa bahay dahil busy sa trabaho. Si Ate Naira naman, sa Maynila nag-aaral. Once in a while nga lang siya kung bumisita, eh.
Hindi na lang umimik si Czarina. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito habang nakatingin sa malapit na hardin. Tiningnan niya ito, kumunot ang noo niya sa ekpresyong nakikita niya rito. Para bang ang lalim ng iniisip nito. Mayamaya pa ay napansin niya na napangiti ito na lalo niyang ipinagtaka.
Ano naman kaya ang iniisip nito at ganoon na lang ito kung makangiti? "Uy! Huwag mong sabihing sinasapian ka na at ngingiti-ngiti ka riyan nang mag-isa?"
Napansin niyang tila natigilan ito at umiling bago siya hinarap. "Wala iyon. May naisip lang ako kaya ako napangiti."
Tiningnan siya nito na sa 'di malamang dahilan ay nagpabilis sa kabog ng dibdib niya. "B-bakit ganyan ka kung makatingin sa akin?" Teka, kailangan ba talaga niyang mautal?
"Alam mo, kasingganda mo 'yong garden namin. Palaging blooming."
Kulang ang sabihing nag-init ang mukha niya sa sinabi ni Seth. Ano ba ang nangyayari sa lalaking ito at ganoon na lang ang mga sinasabi nito sa kanya? "H-hindi ko pala akalaing ipinanganak kang bolero."
Pero halakhak lang ang naging tugon ng binatilyo. At ang tanging nagawa na lang niya ay titigan ito. Hindi na talaga niya alam ang nangyayari. Bakit para yatang gusto na lang niyang tingnan si Seth nang matagal na ganoon kasaya? At bakit ayaw paawat sa pagtibok ng mabilis ang puso niya?
"Sasabihin ko rin sa iyo kung ano ang naiisip ko kanina para mapangiti ako. Someday, I promise..."
==========
"ARE YOU okay, Czarina?" puno ng pag-aalalang tanong ni Seth dito nang makita niyang natahimik ito habang nakatingin sa lawn sa gilid na bahagi ng mansion.
He didn't want to keep his hopes up because of that. Pero hindi naman siguro masamang hilingin na sana ay maalala na ng dalaga ang ilan sa mga pangyayaring naganap sa lugar na iyon.
Nakita niyang napakurap ang dalaga; tila nagising mula sa malalim na pag-iisip at napatingin sa kanya. Her eyes were blank for a few moments. Hindi niya maiwasang kabahan. Soon after, he smiled.
"Sinadya mo akong dalhin dito, 'no?" tanong ni Czarina kapagkuwan.
Hindi niya ito sinagot. Bagkus ay umibis siya sa kotse at pumaikot patungo sa pinto ng front seat. Pinagbuksan niya ito ng pinto at inilahad dito ang isang kamay niya. Tinanggap naman nito iyon at umibis na rin ang dalaga mula sa kotse. Hinayaan niya itong patuloy na magmasid sa paligid.
"I remembered something," umpisa ni Czarina. "It was during the first time you brought me here." Hinarap siya nito na bahagya niyang ikinabigla. "'Yong time na bigla ka na lang napangiti habang may iniisip ka. You even promised na sasabihin mo rin sa akin ang rason kung bakit ka napangiti."
Hindi niya napigilang mapangiti nang maalala ang tinutukoy ng dalaga. "Ah, iyon ba? I just though of something silly, that's what."
Yeah, right. Something silly, huh? Sino'ng niloko mo, Seth Alarcon? Kulang na lang talaga ay batukan niya ang sarili sa klase ng sagot niya.
"Ano nga 'yon? Huwag mo nang paabutin ng dagdag na 13 years ang pangungulit ko sa iyo na sabihin mo ang sagot sa tanong ko. Hindi talaga kita titigilan hanggang hindi mo sinasabi sa akin iyon?"
"Dagdag na 13 years? Are you saying you're going to be with me for the next 13 years?" tudyo ni Seth na tila ikinabigla naman ni Czarina.
Wala siyang nakuhang anumang sagot dito na ikinangiti na lang niya. Natahimik naman si Czarina at nag-iwas pa ng tingin. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang nakitang pamumula ng mukha nito. With her fair complexion, he would easily notice that. She looked so beautiful, especially when she stammer whenever he tried to make a move to let her know how he truly felt for her.
"Biro lang. Pero wala naman talaga akong planong ilihim iyon, eh. I just need the right time to tell you that," he paused and faced Czarina. "Since what I thought about back then was... how I see you when you get married." To me, dugtong niya ngunit hindi niya maisatinig iyon sa 'di malamang dahilan.
"W-what?"
"I know, it's weird for a 13-year-old kid to think about someone getting married. Pumasok kasi sa isipan ko nang mga panahong iyon ang kuwento sa akin ni Papa na garden wedding nila ni Mama. Hindi ko naiwasang ma-curious kung ano nga ba ang magiging itsura mo kapag ikaw naman ang ikinasal. But for sure... You'll look even more beautiful and radiant than those flowers surrounding you when you have a garden wedding."
Lalo yatang napipilan si Czarina sa ipinagtapat ni Seth. But he was just being honest. Iyon ay kahit walang tigil sa pagkabog ng malakas ang dibdib niya. Hindi na siya magugulat kung maririnig na iyon ni Czarina.
Ilang sandali ring walang namagitang salita sa kanilang dalawa. Mukhang binigla pa yata niya ang dalaga sa mga sinabi niya. Huminga siya ng malalim at napahawak sa kanyang batok.
"Hindi ka rin bolero, 'no? Pero siguro kung ikakasal nga ako, gusto ko kasama kita sa pagpili ng magandang location. Alam ko na matagal ko nang pangarap ang isang garden wedding."
Napatingin siya kay Czarina na ngayon ay nakangiti na sa kanya. Tila nalaglag ang puso niya sa nasilayang ganda ng ngiti nito.
"Will you be there on my wedding day?" she asked.
Walang alinlangang tumango si Seth at hinawakan ang kamay ni Czarina. "I'll make sure that I'll be there. I promise." I'll be there as soon as your groom-to-be... and your future husband.
At sisiguraduhin niya iyon—kahit na ano'ng mangyari.
==========
BUMUNTONG-HININGA si Czarina nang makalabas na siya sa kotse ni Seth pagkahatid nito sa bahay niya.
"Is there something wrong, Czari?" usisa ni Seth nang tuluyan na itong makalapit sa kanya.
Umiling siya at ngumiti. "Wala naman. Hindi ko lang maiwasang manghinayang. Natapos na naman ang araw na 'to para sa atin, eh. Nag-enjoy kasi ako."
Napangiti si Seth sa sinabi niya. "Ako rin naman. Kung puwede nga lang ba na doon ka na lang matulog sa mansiyon kasama ko, eh."
"Seth!" Natitilihang bulalas niya. Ramdam na rin niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. Grabe. Ilang beses bang gagawin sa kanya iyon ng binata?
"Biro lang. At saka wala namang mali sa sinabi ko."
"Ewan ko sa 'yo."
Matapos niyon ay nagpaalam na si Czarina kay Seth. Hinintay muna niya itong makaalis nang tuluyan bago siya pumasok sa bahay. Bago siya nagtungo sa sariling silid ay pinuntahan muna niya ang kuwarto ni AJ. Kumunot ang noo niya nang makitang bakante ang kama. Saka naman sumagi sa isipan niya na may gig pa pala ito sa kabilang bayan dahil sa imbitasyon ng isang kaibigan nito.
Pagpasok niya sa kuwarto ay diretso na siyang nagpalit ng damit pantulog. Gusto na kasi niyang matulog at nang makapagpahinga. Kahit sabihin pa na nag-enjoy siya sa pagsama-sama kay Seth, hindi pa rin niya maiwasang mapagod.
Natigilan siya sa naisip. Parang nasasanay na yata siya na kasama si Seth. Sa 'di malamang dahilan ay nakadama siya ng takot sa isiping darating din sa puntong matatapos iyon. Hindi pa rin niya alam kung ano ang mangyayari sa oras na dumating ang panahong magawa na niyang alalahanin ang lahat.
Napapitlag siya nang tumunog ang cellphone niya. Agad niyang kinuha iyon at nakita na si Chris ang tumatawag. Kumunot ang noo niya. Bakit ito tumatawag sa kanya ngayon? Gayunman, sinagot pa rin niya iyon. "Hello? Chris? Napatawag ka?"
"Na-miss lang kita. Did I disturb you?"
"Hindi naman. May... May mga iniisip lang ako." It was the truth.
"Ang daya mo talaga. Hindi mo man lang sinabi sa akin na nagbakasyon ka pala. Nasamahan sana kita riyan sa Altiera."
"T-that's not necessary, Chris. Kailangan ko kasi itong gawin nang mag-isa. I'm sorry." Hanggang sa maisip niya. Bakit ba siya humihingi ng paumanhin dito?
Nagpatuloy ang pag-uusap nila ni Chris kahit na sa totoo lang ay gusto na niyang putulin iyon. But she didn't want to be rude. Isa pa, bakit naman niya gagawin iyon in the first place?
"By the way, since alam ko naman na nariyan ka na pala sa Altiera and my friend happened to be taking his vacation in the same town, bibisitahin na rin kita," anunsiyo ni Chris kapagkuwan.
"Ha?" Bigla ang pagbundol ng 'di mawaring kaba sa dibdib niya.
"I want to see your hometown, too. I'll be there as soon as I'm done with my job here."
Hindi na nakapagsalita pa si Czarina at hindi niya alam kung bakit. Hanggang sa matapos ang tawag ay hindi na siya nakapag-isip nang matino. Panigurado na may gulong mangyayari kapag nagkaharap sina Seth at Chris. Ano na ang gagawin n'ya?
No comments:
Post a Comment