Monday, September 7, 2015

Top 10 Writing Habits

Originally posted in my FB account last October 22, 2014

Just like the first list na inilagay ko rito, wala ring nag-tag sa akin. Seriously, feel ko lang itong i-post dito.

Matagal ko nang habits ang mga ito simula pa lang nang mag-umpisa akong magsulat. Kahit tula pa lang ang sinusulat ko, mostly sa mga ito ay ginagawa ko na. Recently lang naman may nadagdag, eh.

1 – Matagal akong magsulat, to be honest. Sa tuwing nagsusulat ako ng manuscript na gusto kong ipasa sa publishing house, iaabot pa ako ng humigit-kumulang isang buwan bago ko matapos iyon.

2 – Sa kuwarto ako nagsusulat, doon sa kama. At dapat nakasandal pa sa pader ang likod ko o di kaya ay sa headboard, although wala namang headboard ang hinihigaan ko. Hehe!

3 – I always start writing teasers pagkatapos kong maisip ang title na gusto ko para sa certain plot na naglalaro sa utak ko. Doon ko kasi nabi-visualize ang mga scenes at events, eh.

4 – I write on paper first before encoding them. Ewan ko ba kung bakit ganoon. Feeling ko, hindi ako kuntento kapag diretso kong ita-type kaagad ang mga scenes na nasa isip ko. Kahit pagkahaba-haba pa ng chapters, okay lang basta sa papel ko maisulat.

5 – Laging may theme song ang mga pinagsususulat kong kuwento. Hindi puwedeng walang music at hindi ako makakapag-concentrate nang maayos sa sinusulat ko.

6 – Tuwing gabi lang talaga ako nakakapagsulat nang tuloy-tuloy. Mga two to three hours lang siguro. Walang labis, walang kulang. Pero gustuhin ko mang magpuyat para sa sinusulat ko, hindi puwede kasi kailangan ko pang magising ng maaga. Duty calls.

7 – I had the habit of looking at the sky kapag hindi ko na maisip ang susunod na scene na isusulat ko. Kahit ano pa’ng itsura ng sky on that certain day, okay lang. Basta matitigan ko lang iyon. After doing that for a few moments, okay na ulit.

8 – May ugali akong naivo-voice out ko nang medyo mahina lang naman ang mga dialogues ng characters ko, lalo na ang sa heroine ng kuwentong sinusulat ko. Mas malala naman kapag may eksena na mag-aasaran o di kaya ay mag-aaway ang dalawang bida. Para nga akong tangang kinakausap ko ang sarili ko. Doon ko lang siguro nararamdaman at naipapaliwanag nang husto ang mga words na kailangan ko para ma-describe ko ang emotions at actions ng mga bida sa kuwento.

9 – Once in a while lang ako mangailangan ng visual peg sa mga characters ko. Pero kapag talagang kailangan ko, saka lang ako maghahanap. Madalas kong gamiting visual pegs ay Asian artists, particularly Japanese, Taiwanese, and Chinese ones.

10 – Hindi na yata effective ang kape sa akin kahit magkape ako sa gabi. Ang pampagising ko na lang, chocolate or anything sweet. But preferably talaga, chocolate. Especially Cloud 9 o ‘di kaya ay Choco Mucho. Choco addict lang. Hehe!

No comments:

Post a Comment