Monday, October 19, 2015

Book Comment: "Fangirl Meets Superman" by Aivan Reigh Vivero


First and foremost, sabihin na natin na marami akong gustong ipagpasalamat sa librong ito. It may not be the first book from Lifebooks that I read (‘Para Sa Hopeless Romantic’ has that title, though). But this is the book that made me realize kung gaano talaga ako ka-outdated sa mundo ng internetlandia (or at least isa ito sa mga terms na nakita ko sa libro). Kung hindi dahil sa book na ito, hindi ko pa malalaman na nag-e-exist pala ang isang Kimpoy Feliciano. Hehe! Noon ko rin lang nalaman na may Tumblr palang nag-e-exist sa internet.

Hay… Ako na ang ignorante’t outdated. Anyway, inaamin ko naman iyon at ganoon pa rin naman ako hanggang ngayon. Kaya huwag magtaka kung bakit minsan ay para akong nao-OP sa mga latest na usapan ng mga nilalang ngayon. But anyway, it’s not I could easily change that.

Back to the topic na nga lang.

Isa ito sa mga librong paulit-ulit kong binabasa for some reasons. Maayos ang flow ng story kahit medyo sad ang ending. I could say that it does have a touch of reality on that part, lalo na sa mga bagay at pangarap na kailangang i-prioritized. This book made me even dream of somehow having a similar kind of love story to happen to me without the sad ending or the pressure of fame. But then, hanggang pangarap na nga lang talaga iyon.

May nabasa akong comment noon (I’m not quite sure when) sa Facebook with regards to this story. Nagkaroon tuloy ako ng question with regards to the length of time a certain person needs to be considered a fangirl/fanboy. Isa kasi iyon sa pinuna ng reader na iyon. Chloe wasn’t considered a fangirl, as that person stated it.

The story really does progressed as I continued reading. Okay din ang pacing at isa ito sa mga rason kung bakit ko binabasa ito nang paulit-ulit. Isa kasi ang novel na ito sa pinag-aaralan ko when it comes to pacing. Kaya lang, I think I still have a problem when it comes to that part kapag nagsusulat ako. I guess I still need to practice more on that.

I had fun reading this story dahil bukod sa nabi-visualized ko ang mga events quite clear, somehow this one made me feel the experience kung ano nga ba ang pakiramdam na makasama ang mga fanatics sa isang get-together at meet-ups. Boring nga sigurong maituturing ang buhay ko, lalo na’t hindi ko pa talaga nararanasan iyon in real life. But this time, ang aim ko ay ang makapunta sa MIBF this year. Iyon ay kung pagbibigyan ako ng pagkakataon.

Another reason for me to have fun reading this is because of the gay characters—lalo na sina Barry at Randel. Naaaliw ako sa kanila habang binabasa ko ang mga interactions nila with Chloe. Maybe because I know kung gaano sila kasayang kasama despite their typically blunt way of speaking. I had friends like them when I was in high school and only one during my first two years in college. Na-miss ko tuloy ang mga moments na iyon.

Forgive my silly review. Hindi kasi ako magaling na critic when it comes to stories but I’m vocal kapag talagang ayaw ko ang isang novel. So far, this one doesn’t fall in that category. It’s just that hindi ako marunong gumawa ng book review.

To Madam Aivan, kudos for writing this story. At least it opened my eyes to theinternetlandia kahit papaano. Sana in the future, you could write more wholesome stories like this. Sorry rin kung hindi po ako nakakabasa ng ibang stories n’yo na posted sa Wattpad. Though I plan to buy ‘Dreamcatcher’ and ‘Confessions of a Fashion Blogger’ once na nagkapera na ako kasabay ng dalawa pang books ni Marcelo Santos III at dalawa ring books sa “Wizard’s Tale” series ni Miss Aegyodaydreamer. Sa ngayon kasi, purduy pa ako. Haha!

NOTE: I was listening to “Wagamama (Selfish)” by Nissy of AAA while writing this.

No comments:

Post a Comment