Thursday, October 8, 2015

Finding A Special Heart - Chapter 11

BAGAMAN mabigat ang pakiramdam ni Seth nang marahang imulat ang mga mata, pinilit pa rin niyang bumangon. Damn that hangover of his! Pero kasalanan naman niya iyon. Idaan ba naman kasi niya sa paglalasing ang problema niya.

Kapagkuwan ay itinakip niya ang isang kamay sa kanyang mga mata. He had finally done it. Sumagi sa isip niya ang mga pangyayari nang nagdaang araw. Kahit talaga namang naging mahirap at masakit para sa kanya, sa wakas ay nagawa na rin niyang aminin ang totoo kay Chris. Kasabay nga lang niyon ay ang paglukod ng 'di matatawarang takot sa kanyang dibdib.

Hindi alam ni Seth kung bakit subalit naiisip niya na tuluyan na silang magkakagalit ni Chris dahil sa mga nangyari. Napabuntong-hininga siya. Hindi na siya sigurado kung ano ang susunod na gagawin pagkatapos ng lahat.

Tumayo na siya mula sa kama at nagtungo sa banyo ng silid na iyon. He needed a cold bath para tuluyang mahimasmasan at baka sakaling mawala ang hangover niya.

Pagkatapos ay agad niyang tinungo ang closet para kumuha ng damit. But he stopped when he saw a lovely figure lying on the couch of his room. Bakit nandito siya? At bakit hindi ko siya napansin kanina? Ganoon na lang ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Nakatalikod ito sa kanya kaya naman hindi niya nakikita ang mukha nito. But the aura that Czarina exuded alone despite sleeping had already spoken volumes.

Ano'ng ginagawa pa ng babaeng ito rito? Despite the cold treatment he gave to her last night, she still stayed. Hindi niya alam ang dapat maramdaman. Alam niyang masyado na niya itong nasaktan dahil sa pinaggagagawa nitong nakalipas na mga araw. And yet...

Humugot si Seth ng malalim na hininga at pinagmasdan lang ang natutulog pa ring si Czarina sa sofa. Mayamaya pa ay napapitlag siya nang ibahin ng dalaga ang posisyon nito at humarap sa kanya. His heart clenched at the sight of her tear-stained face.

Damn it! Ano ba 'tong nagawa ko sa 'yo, Czari? Hindi na niya napigilan ang sarili at nilapitan na rin sa wakas ang natutulog pa ring dalaga. He crouched down in front of her, Czarina's sad face clearly visible to him.

He wanted to touch her face and wipe her tears. But he stopped mid-air dahil ayaw niyang maistorbo ito. Hindi pa niya kayang harapin ang dalaga pagkatapos ng lahat. Napaluha na lang siya.

"I'm sorry... for hurting you so much, Czarina," usal ni Seth na hindi inaalis ang tingin sa payapang mukha ng dalaga.

Ilang sandali pa siyang nanatiling nakatingin dito. Pagkatapos ay napatango siya nang may maisip. Kailangan na niyang gumawa ng paraan para matapos iyon. Tama na ang paghihirap na ibinigay niya sa dalaga at sa kaibigan. He had to do everything to end it for the three of them.

Hindi na rin niya napigilan ang sarili at hinaplos ang mukha ni Czarina. Bahagya itong gumalaw na ikinatigil niya. Pigil din niya ang hininga sa takot sa baka magising ito. Pinakawalan lang niya iyon nang muling mahimbing ang dalaga. Subalit hindi na niya inalis ang palad na naroon sa mukha nito.

"I'll make everything right this time for us, Czari. Just wait for me, okay?" Matapos niyon ay dinampian niya ng banayad na halik ang mga labi ng dalaga.

How he longed to kiss those soft lips again. At sa ginawa niyang iyon, isang bagay ang napagtanto niya.

Hinding-hindi na niya pakakawalan pa si Czarina.

I love you, Czarina. Remember that...

==========

MALUNGKOT na nakatanaw lang sa papalubog na araw si Czarina nang mga oras na iyon. Naisipan niyang magtungo sa lawa matapos magising sa mahabang pagkakatulog sa bahay ni Seth. But at the time she woke up, natagpuan niya ang sarili sa kama na gamit ng binata sa silid nito. Doon siya dinala ni Seth matapos maabutan sa couch na nakatulog.

At least, she had proven that Seth wasn't completely heartless as she thought after all that had happened. Gayunman, hindi pa rin niya ito nakita sa paggising niya. Nalaman niya na umalis ang binata at hindi pa umuuwi pagkatapos niyon. Nadismaya siya.

Ngunit agad niyang pinalis iyon sa isip. Hahanap na lang uli siya ng pagkakataon na kausapin ito nang masinsinan. Sa totoo lang, gusto niyang sapakin ang sarili. Bakit nga ba hindi siya gumawa noon ng paraan para magkausap sila ni Seth kahit noong unang beses na niyang nahalata na iniiwasan siya nito?

Because you don't know the reason why he was avoiding you and Chris was there to distract you kahit hindi iyon nagtagal, anang isang bahagi ng isip ni Czarina bilang tugon.

Bumuntong-hininga siya. Mukhang mapapadalas na naman yata ang ganoong gawain niya. Wala sa sariling hinugot niya mula sa bulsa ng suot na pantalon ang isang nakatuping papel. Binuksan niya iyon at binasa ang nakasulat doon.

Czarina,

I'm sorry for everything. But forgive me for not saying these words to you in person. Mag-uusap din tayo nang masinsinan, pangako 'yan. I just need to fix some things para matapos na ang problemang ito. Ayoko nang makitang nahihirapan ka. Kayo ni Chris. Both of you are important to me. I'll fix this.

After that, I'll tell you everything you need to know. In time, I will.

Seth

Malungkot na napangiti si Czarina at hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Natagpuan niya ang sulat na iyon sa bedside table ng silid na pinag-iwanan ni Seth sa kanya. Her name was written on it when she found it kaya naman agad niyang binasa iyon.

Muli ay napatingin siya sa lawa. The sad color of the sunset only increased the melancholic feeling in her heart. But as she looked at the letter once more, she also couldn't help seeing at least a single ray of hope.

"Siguraduhin mo lang na tutuparin mo 'to, Seth Alarcon," aniya na tila kaharap lang ang binata. "Besides, I'll tell you something you have to know. This time, I will. I'll wait for you..."

=========

"ANO pa'ng ginagawa mo rito?" malamig na bungad ni Chris kay Seth nang pagbuksan siya nito ng pinto ng hotel room kung saan ito pansamantalang naglalagi.

But he endured the pain that Chris' reception gave to him. Naiintindihan naman niya kung bakit ganoon ito nang mga sandaling iyon. Kaya nga siya naroon at kaharap ang kaibigan. He had to fix the damage he did to the three of them. Hindi na niya magagawang patagalin pa ang paghihirap nila.

"We need to talk. Please. I know you're angry but we need to settle this issue now. Kung mahalaga sa 'yo si Czarina, alam mo na kung bakit ko ito ginagawa ngayon despite the fact na malaki ang galit mo sa akin," diretsong sagot ni Seth na hindi inaalis ang tingin kay Chris.

Tinitigan siya ni Chris nang ilang sandali bago bumuntong-hininga. Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto at walang salitang pinapasok siya. Ilang sandali pa ay magkaharap na sila ng kaibigan.

"Kung ano man ang sasabihin mo, pakibilisan lang," ani Chris na umupo sa sofa at hindi tumitingin sa kanya.

Well, it was better than not having his attention at all. "I want to apologize. Alam ko hindi sapat iyon pero gusto ko pa ring sabihin. Patawarin mo ako kung hindi ko nasabi sa 'yo ang tungkol sa amin ni Czarina. Pero sana, magawa mong intindihin ang dahilan kung bakit ko nagawa iyon. That is, even though I already knew how you feel about her."

"Anong dahilan ang dapat kong intindihin, ha?" masama ang tingin sa kanya na sikmat ni Chris. "Ni wala ka ngang sinasabi sa akin kahit noon tungkol sa nakaraan mo kay Czarina. Samantalang ang pinakatatago kong sikreto, nagawa kong ipagtapat sa 'yo kahit alam kong darating ka rin sa puntong huhusgahan mo ako dahil doon. Ipaliwanag mo sa akin. What made you do that?"

Ilang sandali rin siyang hindi nakaimik. He heaved a sigh when he felt himself ready to talk again. "It was because of a promise I made to her 13 years ago," pag-amin niya. "Ipinangako ko sa kanya na babalikan ko siya. Kasabay niyon ay nangako rin siya na hihintayin ako. For that long, I've held her here in my heart. Ang pangako niyang iyon ang pinanghawakan ko all this time. Kahit noong mga panahong tuluyan na akong nawalan ng koneksyon para alamin ang mga nangyayari kay Czarina, hindi ko siya pinakawalan sa puso ko."

Walang narinig na tugon si Seth kaya sinamantala niya iyon. "Takot akong mawala sa akin ang kaibigan ko dahil lang nagmahal kami ng iisang babae. Iyon ang isa sa dahilan kung bakit hindi ko sinabi sa 'yo ang totoo. You know what happened when Jim and Josh loved the same woman before. Ayoko lang maulit iyon sa ating dalawa. Isa pa, mahal ko lang talaga si Czarina. Call me selfish but I just don't want any other man owning her. Kahit na ikaw," walang takot na deklara niya.

Sapat naman iyon upang kakitaan ng pagkagulat si Chris. Kapagkuwan ay marahas itong bumuntong-hininga at umiling. Hindi man ito nakatingin sa kanya, kitang-kita naman niya ang sakit at lungkot sa mukha ng kaibigan. Hindi man niya gustong makita iyon, Seth knew it was the price for speaking out the truth in his heart. Kailangan niyang panindigan ang mga ipinagtapat kung gusto niyang maayos ang lahat.

"Kaya pala..." pabulong na umpisa ni Chris. "The reason why you're so focused on your life at hindi ka man lang lumalabas para maghanap ng ibang babae. Dapat pala sumagi rin sa isip ko na may isang babae sa buhay mo na pinagbigyan mo ng puso mo." He chuckled bitterly. "Damn it. Why am I saying things like this?"

"Chris..."

Hinarap siya ni Chris, hindi na nito itinago ang luha sa mga mata. "Ang sakit-sakit, pare. Pero... wala na akong magagawa, eh. Kahit si Czarina, tinapat na rin ako. At sa harap mo pa." Huminga ito nang malalim, pilit pinipigilan ang pag-alpas ng samu't-saring emosyon. "But I guess it's better if it's you. At least makikita kong aalagaan mo nga talaga si Czarina."

Natigilan si Seth sa narinig. Does that mean...?

"Kaya huwag na huwag mo na siyang sasaktan. At pakiusap lang, huwag mo na siyang iiwan. Magpaparaya ako at susuportahan ko kayong dalawa ni Czarina kung maipapangako mo ang mga iyon sa akin."

Walang pagsidlan ang tuwa ni Seth sa naging pahayag ng kaibigan. Hindi na niya naitago iyon.

"Makakaasa ka. Hindi lang ang pangako ko kay Czarina ang tutuparin ko. Pati na rin ang pangako kong 'to sa iyo." He had a lifetime to do that. He'd do it for the two most important people in his life.

No comments:

Post a Comment