WALA sa sariling nag-angat ng tingin si Seth nang marinig ang malakas na pagbalya sa pinto. Kumunot ang noo niya nang magawang mahimasmasan at makita ang paglapit bi Chris sa puwesto niya. Naroon siya sa sa mini-bar ng mansiyon kung saan ilang araw na rin niyang pinagtatambayan iyon. Walang araw na hindi siya naging laman niyon at patuloy lang sa paglalasing.
Iyon lang ang paraan upang pamanhirin niya ang sarili—lalo na ang kanyang puso—sa sakit na nararamdaman. Sa bawat araw na magdaan, patindi nang patindi ang sakit na tumutupok sa kanya dahil sa desisyong pag-iwas kay Czarina. Kahit ilang beses niyang ipilit sa sarili na tama lang ang ginawa, naghuhumiyaw pa rin ang puso niya sa pagtanggi na iyon ang dapat.
Hindi na talaga niya alam kung ano ang gagawin.
Bumuntong-hininga si Seth at tumayo mula sa kinauupuan. Pero hindi pa man tuluyang hinaharap si Chris ay inundayan na siya nito ng suntok sa mukha na ikinatumba niya. Hindi niya napaghandaan iyon. Idagdag pa na lasing siya.
"Hindi ko akalaing ako na kaibigan mo, paglilihiman mo," puno ng pait na wika ni Chris. "Kailan mo pa ako niloloko, ha? Hanggang kailan mo itatago sa akin ang katotohanang matagal na kayong may ugnayan ni Czarina?"
Bagaman natigagal, hindi ipinahalata ni Seth iyon.
"Bakit hindi ka magsalita?!" bulyaw na ni Chris.
Wala na nga sigurong silbi kung itago pa niya ang totoo. Chris demanded the truth from him. Mas mabuti na rin siguro na sabihin niya rito ang lahat. Oo, alam niyang masasaktan ang kaibigan. Pero kahit masakit, iyon pa rin ang paraan para palayain ang sarili sa guilt na nararamdaman.
"Hindi kita niloko, Chris. Nagkataon lang na minahal ko na si Czarina noon pa, bago pa tayo nagkakilala. Matagal na panahon na. Bumalik ako rito sa Altiera sa kagustuhan kong tuparin ang ipinangako ko sa kanya bago ko lisanin ang lugar na 'to 13 years ago," pag-amin niya at tiningnan si Chris. Kitang-kita sa mga mata nito ang sakit bago nag-iwas ng tingin. Kahit nahihilo ay pinilit pa rin niyang tumayo.
"I didn't tell you the truth about it dahil nawalan ako ng lakas ng loob. Oo, duwag na ako kung duwag. Aaminin ko 'yon. Pero hindi ko na nagawang labanan ang matagal ko nang nararamdaman para kay Czarina. Kahit sabihin pang naging masakit para sa akin dahil sa pagkalimot niya, hindi naging hadlang iyon para iparamdam ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko noon pa. But when you told me na nililigawan mo siya at nang dumating ka na rito, I can't help fearing that the same event from the past will happen again. Iyon ang dahilan kung bakit ako umiwas kay Czarina at sa 'yo na rin."
Ilang sandaling katahimikan ang pumalibot sa kanilang dalawa bago marahas na bumuntong-hininga si Chris at napasabunot sa buhok nito.
"Do you have any idea kung gaano kahirap sa akin na tanggapin ang mga pinagsasasabi mo ngayon, Seth? Ha?!" Muli ay inundayan siya ng malakas na suntok ni Chris na ikinatumba na naman niya.
Pero gaya ng nauna na nitong suntok sa kanya, hindi na siya nanlaban pa. Tatanggapin niya ang galit nito dahil sa paglilihim na ginawa. But he would never apologized for loving Czarina despite having a knowledge about Chris' feelings for her.
"Damn it! Bakit ikaw? Bakit ikaw pa na kaibigan ko ang kailangang gumawa sa akin ng ganito? Why does she have to love someone who happens to be my best friend?" May luha na sa mga mata ni Chris. Pero wala roon ang atensiyon ni Seth.
'Love someone... who happens to be my best friend'? Mahal siya ni Czarina? Totoo ba 'yon? Gusto man niyang magdiwang, hindi pa 'yon ang tamang sandali. Those words had brought pain to Chris's heart. He had to remember that.
Hindi na lang siya umimik dahil baka kung ano pa ang mangyari. Tama na ang sakit na nararamdaman ng kaibigan dahil sa natuklasan. Kung sana ay may paraan lang para magawa niyang pawiin ang sakit na nararamdaman nito.
But he didn't have anything.
All he had was the truth about his feelings for Czarina. However, it was the truth that brought them to where they were now.
========
HINDI alam ni Czarina ang gagawin nang tumambad sa kanya ang isang eksena pagkarating sa mansiyon ni Seth. Agad siyang nagtungo roon nang makita ang direksiyong tinungo ni Chris matapos umalis sa bahay niya na nagmamadali. She knew there was going to be trouble about that and she was right.
Nakabukas ang pinto ng mansiyon nang makarating siya roon. Nagmamadali siyang pumasok sa kabila ng pagbundol ng matinding kaba sa dibdib niya. Lalo na nang marinig ang pagsigaw ni Chris. Naabutan niyang nakaupo si Seth sa sahig, may sugat na sa gilid ng mga labi. Si Chris ay nakatingin lang sa kaibigan, may luha na sa mga mata nito at bakas doon ang sakit.
Sa nakikita niya, mukhang hindi man lang nanlaban si Seth at tinanggap lang ang galit ni Chris. Napaluha siya dahil doon. Bakit kailangang umabot sa ganito ang lahat?
"Sinabi mo na sana sa akin ang totoo bago pa umabot sa ganito ang lahat, Seth," puno ng pait na pahayag ni Chris kapagkuwan. "Hindi na sana ako nasasaktan na pinagmukha mo akong tanga. Hindi na rin sana nahihirapan si Czarina sa ginagawa mong pag-iwas sa kanya para lang paglapitin kaming dalawa."
Pero walang anumang tugon si Seth. Nanatili lang itong tahimik at blangko ang ekspresyon. Habang si Czarina naman ay hindi maiwasang ma-guilty sa natuklasan.
Kahit pala anong tanggi niya noon kay Chris na may problema siya ay nahahalata pa rin nito na nagsisinungaling lang siya. She was such a fool. Noon pa sana niya sinabi ang totoo. Siya ang may kasalanan ng lahat kung bakit nagkagulo na sina Chris at Seth ngayon.
"I'm sorry..." usal ni Czarina.
Sapat na iyon upang mabaling sa kanya ang atensiyon ng dalawang lalaki. Bagaman bakas ang pagkagulat sa mukha ni Chris, sandali lang iyon. Nag-iwas lang ito ng tingin. Nang tingnan niya si Seth, wala siyang makitang kahit na anong reaksyon mula rito. Nasaktan siya sa nakita. Pero pinilit niyang huwag ipakita iyon sa mga ito.
"Please, tama na. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito." Binalingan niya si Chris. "I'm sorry, Chris. I'm sorry for not being able to give my heart to you kahit alam kong sincere ka sa feelings mo para sa akin. Ayoko naman kasing pilitin ang sarili ko, eh. Besides, alam kong lalo lang tayong mahihirapan kapag tinanggap kita sa buhay ko sa kabila ng kaalamang hindi ko magagawang ibigay sa 'yo ang puso ko. Ayokong palalain ang lahat." Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.
Nakita naman ni Czarina si Chris na lalong nasaktan sa pahayag niya. But she had to tell the truth. Napakabuti nitong tao at hindi na niya gustong ipagkait dito ang katotohanan kahit alam niyang talagang masasaktan ito.
Nang balingan naman niya si Seth, nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Nakita niya ang pagsilay ng pag-asa sa mga mata nito subalit agad ding naglaho iyon. Tumayo ito mula sa sahig at walang lingon-likod na nilisan silang dalawa ni Chris sa silid na iyon. Hanggang ngayon ba naman, iiwasan pa rin siya ni Seth? Hindi pa rin ba nito naiintindihan na lalo siyang nasasaktan sa ginagawa nitong iyon?
Lalo siyang napaiyak. Sinikap niyang pigilan iyon nang marinig ang marahas na pagbuga ng hangin ni Chris. Napatingin siya rito.
"Kausapin mo siya. Ipaintindi mo sa kanya ang lahat bago ako tuluyang maubusan ng pasensiya sa pinaggagagawa niyang ito sa 'yo." Iyon lang at tuluyan na rin siya nitong iniwan sa lugar na iyon.
Ang tanging nagawa niya ay sundan ng tingin si Chris. Matapos niyon ay napatingin siya sa direksyong tinahak ni Seth kanina nang iwan siya nito roon.
========
"HANGGANG ngayon ba naman, ayaw mo pa rin akong harapin at kausapin?" tila maiiyak na tanong ni Czarina kay Seth nang maabutan niya itong nakayuko habang nakaupo sa sofa sa living room.
Nakita niyang natigilan si Seth bago nag-angat ng tingin. Gulat itong napatayo sa kinauupuan at saka siya tinitigan. How she missed him staring at her like that. Pero agad din itong nag-iwas ng tingin at napahawak pa sa batok.
"A-ano pa'ng ginagawa mo rito?" he asked coldly.
Nakakainis! Patuloy pa rin ba siyang sasaktan nito kahit halata naman na hindi iyon ang nais nitong gawin? May nagawa ba siyang kasalanan dito para lalo siyang pahirapan nito?
"Masama bang magpunta rito dahil nag-aalala ako para sa 'yo? Na baka kung ano ang gawin sa 'yo ni Chris dahil lang sinabi ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko? Na kahit kailan, hindi ko na magagawang ibigay sa kanya ang hinihiling niyang pag-ibig mula sa akin?"
Hindi umimik si Seth, nanatili lang itong nakaiwas ng tingin sa kanya. Siya naman ay napaluha. Marahan na lang niyang pinahid ang naglandas na mga luha sa kanyang pisngi. Crying won't help her for now. Especially if it was to make him understand her point.
Muling tiningnan ni Czarina si Seth. Nilukob siya ng pag-aalala nang makita ang sugat sa gilid ng mga labi nito. Huminga muna siya nang malalim bago ito tinanong kung nasaan ang first aid kit nito. He pointed at one corner of the room at sinundan niya iyon ng tingin. Agad niyang nakita ang maliit na cabinet sa pinaglalagyan nga ng first aid kit. Ang akala niya ay hindi siya nito papansinin.
Walang pag-aatubiling kinuha ni Czarina ang kit at agad na ginamot ang sugat ng binata. May mga pagkakataong napapatingin siya rito. Nakikita niya ang kalungkutan sa mukha nito. Dala na rin siguro ng komprontasyon dito ni Chris kanina. It must have been a great blow to Seth. At siya ang may kasalanan niyon.
"I'm sorry... for causing all this trouble to you and Chris," mayamaya ay paghingi niya ng paumanhin. Her voice started to crack.
Ni isang tugon ay wala siyang narinig mula rito. Nasaktan siya sa kaalamang wala na yata itong pakialam sa kanya. Gayunman ay patuloy lang siya sa paggamot ng sugat ni Seth. Iyon ay kahit nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa nagbabantang mga luha.
"Just once..." garalgal na pagpapatuloy niya. "Answer my question truthfully." Ilang sandali pa ang pinalipas niya bago nagpatuloy. "Why did you do that? Why did you have to avoid me para lang ilapit ako kay Chris? May malaki kang dahilan at nararamdaman ko iyon. Huwag mo naman sanang ipagkait sa akin ang rason na 'yon."
"I just don't want the past to happen again," sagot ni Seth na hindi tumitingin sa kanya makalipas ang ilang sandaling pag-aatubili. Ang akala niya ay hindi pa rin siya kikibuin nito.
Pero nagdulot naman ng pagkalito sa kanya ang sinabi ni Seth. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
Tiningnan muna ni Seth si Czarina nang ilang sandali bago nagsalitang muli. Isinalaysay nito ang isang pangyayari sa nakaraan na pinagdaanan ng dalawa pang kaibigan nito na sina Jim Madriaga at ng sikat na car racer na si Josh Sarmiento. It turned out that Jim and Josh once loved the same woman na nauwi sa matinding pag-aaway ng dalawang kaibigan nang malaman ng isa't-isa ang tungkol doon at maging sa pagkamatay ng babaeng minahal ng mga ito.
The tragic event led to Chris and Seth uttering a promise na hindi iibig sa babaeng mahal ng sinuman sa kanila. But love was surely a force to be reckoned with. Kaya naman sa huli, kinain ni Seth ang mga salitang iyon. Masakit iyon para sa binata dahil talagang malapit ito kay Chris at ito ang talagang kasundo nito sa mga kaibigan.
Natapos nang magkuwento si Seth pero nanatili lang nakatingin dito si Czarina. Gusto niya itong yakapin at pawiin ang sakit at paghihirap na nararamdaman nito. Pero mas nasasaktan siya sa kaalamang tila gustong pagsisihan ni Seth na minahal siya nito—dala man iyon ng pangako sa nakaraan o ng bugso ng damdamin nang magkita silang muli.
Pero... mahal mo nga ba talaga ako, Seth? But she couldn't bring herself to utter such a question to him.
"I'm sorry..." Iyon na lang yata ang kaya niyang sabihin dito kahit hindi niya matukoy kung ano nga ba ang inihihingi niya ng tawad.
No comments:
Post a Comment