Thursday, October 15, 2015

Finding A Special Heart - Chapter 12 (Final)

"IN FAIRNESS, ha? Ang tagal ko ring hindi nakapunta rito. Wala pa rin palang gaanong ipinagbago ang lugar na 'to. It's still the peaceful town na talagang babalik-balikan ko."

Napangiti na lang si Czarina sa tinurang iyon ni Carlyn. Naroon sila sa veranda ng silid niya at nagme-merienda habang nakatanaw sa paglubog ng araw. Laking pasalamat niya at dumating ang kaibigan niya nang araw na iyon. Kailangan niya ng makakausap upang hindi tuluyang igupo ng lungkot na nararamdaman.

Hindi na napigilan ni Carlyn ang pagtulo ng mga luha nito nang sabihin niyang naaalala na niya ang lahat, pati na rin ito. Her friend embraced her as if she'd been away for a long time. Siguro nga, ganoon na rin iyon. But Czarina was glad that Carlyn remained by her side through all that. Ikinuwento na rin niya sa kaibigan ang mga pangyayari mula nang dumating siya sa Altiera hanggang sa huling pagkikita nila ni Seth. Nagulat pa nga ito na kilala niya si Seth na talaga namang isa sa mga nirerespeto sa corporate world. Kilala ito ni Carlyn dahil na rin sa mga magulang ng dalaga na kilala rin sa business world.

"By the way, may balita ka na ba kay Chris after that?" pag-iiba ni Carlyn ng usapan kapagkuwan.

Natigilan si Czarina pero sandali lang. Umiling siya at tiningnan ang kaibigan. "Though I want to talk to him, hindi ko naman alam kung kakausapin niya ako. Nasaktan ko siya nang husto."

"Hindi naman siguro ganoon kakitid ang utak ni Chris para hindi ka pakinggan ulit, 'no? Wala namang mababago sa nararamdaman mo para kay Seth kung patuloy ka niyang dededmahin. I think he already spent more than enough time to clear his mind."

Pero nagkibit-balikat lang siya at ipinagpatuloy ang pag-inom ng tsa. Natigil lang iyon nang may marinig siyang bumusina. Nagkatinginan sila ni Carlyn bago tumayo para silipin kung sino iyon. Ganoon na lang ang gulat at pagtataka niya nang makita ang kotse ni Chris na nakaparada sa labas ng gate ng bahay. Ilang sandali pa ay nakita niya ang pag-ibis ng binata sa kotse.

"What did I tell you?" untag ni Carlyn.

Napatingin si Czarina rito. Ngumiti lang ang kaibigan at tumango.

"Hihintayin na lang kita rito. Go on. Talk to him. Baka nga iyon ang ipinunta niya rito."

=========

HUMINGA muna nang malalim si Czarina bago binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya si Chris na nakapamulsa at bakas ang kalungkutan sa guwapong mukha nito. She had the urge to take that sadness away. Pero hindi pa iyon ang tamang panahon.

Chris came to her house for a reason. Iyon ang dapat niyang pagtuunan muna ng pansin.

"Puwede ba akong pumasok?" tila nag-aalangan pa na tanong ng binata, hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Niluwagan ni Czarina ang pagkakabukas ng pinto at hinayaang makapasok ang binata. Pinaupo niya si Chris sa mahabang sofa habang siya ay naupo sa katapat na single seater sofa.

"I though you're not going to come here and see me anymore after what happened," umpisa niya bilang pagputol sa mahabang sandaling katahimikan sa pagitan nila ni Chris.

Nagkibit-balikat ito at pinagsalikop ang mga kamay. Hindi nga lang ito nakatingin sa kanya. "Iyon din ang akala ko. Pero napakaimposible yata iyon."

Hindi siya umimik at hinayaan lang ito na magpatuloy. She didn't give him a chance to speak before. Panahon naman na siguro na siya naman ang makinig kay Chris.

"I'm sorry... for being angry at you... and for hurting the one you love," mayamaya ay sabi nito na ikinagulat niya. He was apologizing? Pero bakit?

"I-I don't understand..."

"I shouldn't have burst out like that. Kahit nasaktan ako sa mga nalaman ko mula sa inyong dalawa ni Seth. Hinayaan ko sanang ipaliwanag ninyo nang maayos ang sitwasyon sa akin."

She smiled sadly. "It's not your fault, Chris. Natural reaction lang iyon. We kept a secret from you. Most especially, Seth kept a secret from you. Alam kong masakit iyon lalo pa at magkaibigan kayong dalawa." Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Kung hindi siguro ako naaksidente, baka hindi ko na kayo nasaktan ni Seth. Hindi na sana umabot pa sa ganito ang lahat." Marahan niyang pinahid ang luhang naglandas sa pisngi niya.

Napatingin siya kay Chris nang hawakan nito ang kamay niya. Nakita niya ang pagngiti nito kapagkuwan at saka marahang hinaplos ang kanyang pisngi matapos pahirin ang mga luha. "Don't cry. Hindi gugustuhin ni Seth na patuloy kang makita na nahihirapan. Ganoon din ako. I still care for you, you know."

Tinitigan ni Czarina ang binata. Though she calmed down for a bit, naroon pa rin ang confusion niya sa mga pinagsasasabi nito.

"I'm letting you go, Czarina. Though I must say it's a funny thing to say to you dahil hindi ka naman talaga naging akin."

Siyempre pa, ikinagulat niya ang sinabi nito. Does that mean...?

"Ayokong maging patuloy na hadlang sa inyong dalawa ni Seth. Hindi ko na kakayaning makita iyon," pagpapatuloy nito. "You two had been searching and waiting for each other for so long. It's about time na matapos na iyon. You two deserve at least that much."

Tuluyan na siyang napaiyak sa sinabi ni Chris. Sa kagalakan ay lumapit siya sa binata at niyakap ito nang mahigpit. Ginantihan naman iyon ng binata. Naramdaman niya sa yakap nito ang sinseridad sa mga sinabi nito.

"I'm sorry... and thank you. Thank you so much," taos-pusong pasasalamat ni Czarina.

"Please be happy, Czarina. Iyon lang ang hiling ko. I know you'll be happy with Seth. Confident ako sa bagay na iyon."

Yes, she would be happy. She just hoped that the man who would give her that happiness would finally decide to show himself to her.

"I will. I promise."

==========

NAPAMULAT ng mga mata si Czarina nang maramdamang may humahaplos sa kanyang mukha. Tumambad sa kanya ang guwapong mukha ni Seth na matamang pinagmamasdan siya. Kumabog nang malakas ang dibdib niya dahil doon. But even still, it was undeniable that she missed him so much.

Napaluha siya nang makita itong ngumiti habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Pinahid nito ang naglandas na mga luha sa kanyang pisngi nang bumangon siya sa kama.

"Ngayon na nga lang ako uli magpapakita sa 'yo, iiyakan mo pa ako. Hindi pa naman ako patay para iyakan mo." At nakuha pa talaga ni Seth na magbiro. Lumamlam ang mga mata nito nang wala siyang nito nang wala siyang naging tugon. He cupped her face and stared at her with so much love and intensity in what it felt like forever. "I miss you so much, Czari."

"Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin 'yan, ha? Samantalang nitong mga nakaraang linggo, halos ayaw mo akong harapin at kausapin man lang." Hindi na niya naitago ang pagtatampong nararamdaman dahil sa ginawang pag-iwas ng binata sa kanya.

"Dahil duwag lang ako at napakalaki kong tanga. At hindi ko itatanggi iyon. Totoo naman 'yon, eh. I thought that avoiding you and letting you stay with Chris was the right thing to do. But I was so wrong. Lalo ko lang palang pinalala ang lahat. Pareho ko na pala kayong nasasaktan." Humugot ito ng malalim na hininga bago nagpatuloy. "But I've settled things with Chris. Sinabi ko na sa kanya ang lahat, lalo na ang totoo. That's why I'm here right now. I'm sorry for avoiding you all of a sudden. Forgive me for hurting you this much because of my foolishness."

Napatingin lang si Czarina kay Seth, ramdam niya sa tinig nito ang sinseridad, maging ang paghihirap na naranasan nang mga panahong iyon. "At least you admit that you're foolish."

Ngumiti si Seth at hinigit siya palapit dito. Hindi na siya nakapagpigil at niyakap ito nang mahigpit. Ganoon din ang ginawa nito. Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito at doon umiyak. Ang tagal din niyang inasam na mayakap itong muli nang ganoon.

"Hey, don't cry," pag-aalo nito habang hinahaplos ang buhok niya.

"Na-miss lang kita nang husto, eh. Ang tagal mo rin akong iniwasan. I'm sorry, Seth. I'm so sorry for forgetting my promise to you na hihintayin kita at hindi kita kalilimutan."

Naramdaman ni Czarina na tila natigilan si Seth. Bahagya siyang inilayo nito at tinitigan, nasa mga mata ang pagsilay ng pag-asa. "Y-you... remembered?"

Tumango siya. "It came to me in a form of dreams, though. I know I promised that I'd wait for you kahit gaano pa katagal, when you're ready. And yet... Here, look what I've done to you." Sa tuwing naaalala niya ang sakit na nakitang dumaan sa mga mata ni Seth noong sabihin niya na hindi niya ito naaalala, gusto niyang murahin ang sarili. Hindi rin maitatangging nasasaktan siya para rito dahil doon. "I'm sorry."

"Shh..." muli ay pag-alo ni Seth at pinahid ang mga naglandas na luha sa kanyang pisngi. "It's not your fault. Hindi mo kontrolado ang mga pangyayari. And I'm not blaming you. Not once have I done such a thing to you. Ang mahalaga, may pagkakataon na tayong tuparin ang mga ipinangako natin sa isa't-isa. That's all that matters. I came back for you and your heart waited for me kahit hindi mo ako matandaan noon."

Tama si Seth. Bringing up the past mistakes wouldn't change a thing about what happened. Ang mahalaga, nandito na sila sa piling ng isa't-isa gaya ng ipinangako nila noon.

"I love you, Czari," madamdaming bulong ni Seth.

Ikinagulat ni Czarina ang sinabi ng binata. She was looking at him with wide eyes. Tama ba ang narinig niya? "Y-you... love me?"

"O, bakit ayaw mo pa yatang paniwalaan iyon?" Soon after,t hough, Seth probably realized the reason for her to respond like that. Bumuntong-hininga ito pagkatapos ay tinitigan siya ng buong pagmamahal. "I know I never said those words to you before, even though we're together while I was helping you recover your lost memories. Pero iyon ang totoo. To be honest, mahal na kita noon pa. For the past 13 years, I've never forsaken my feelings for you habang pinanghahawakan ko ang pangako mong hihintayin mo ang pagbabalik ko. I made a promise to return here—to return to you—dahil noon pa man, ikaw na ang itinakda ng puso ko na makasama habang-buhay. Kaya ganoon na lang kasakit sa akin na nakalimutan mo ang lahat."

"Kaya ba parang ayaw mo akong lapitan noong magkita tayo sa lawa when we first met after 13 years?" tanong niya nang maalala iyon.

"Hindi ko lang alam ang gagawin ko. I was in shock when I learned that you lost your memories and you couldn't remember me. Pero hindi ko naman puwedeng hayaan na lang na ganoon. That's why I made a move and asked you to stay. At nang sabihin mo sa akin na magsimula ulit tayo, I thought it was my chance to make you realize how much I love you, to let you know what I really feel for you ever since. Ang mali ko lang, hindi ko sinabi sa 'yo ang mga katagang magsisilbi sanang security mo na totoo ang ipinakita ko sa iyo. Kung gaano kita kamahal at kung gaano ka kahalaga sa akin," paliwanag ni Seth.

Hindi na naman niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Si dinadami-dami ng sinabi ng binata sa kanya, iisa lang ang talaga namang tumatak sa isip niya—na mahal siya nito at mahalaga siya rito. Hindi na niya napigilan ang sarili at niyakap ito nang mahigpit. Nais niyang iparamdam dito ang pagmamahal na itinago niya sa kanyang puso sa loob ng mahabang panahon.

This time, Czarina would surely release that pent-up feeling she had for Seth. "I love you, too, Seth."

Si Seth naman ngayon ang natigilan. Ilang sandali rin itong walang imik bago bahagyang lumayo sa kanya at tinitigan siya. Bakas pa sa mukha nito ang pagkagulat. "T-tama ba... ang narinig ko? Y-you love me, too?"

Tumango siya at ngumiti. "Ikaw naman ngayon ang hindi naniniwala. Pero ikaw talaga ang dahilan kung kung bakit hindi ko magawang ibigay sa iba ang puso ko. Because of the promise I made to you before you left Altiera, and more so the shawl that you gave me, I patiently waited each day that passed until the time comes that I'd be able to see you and hold you again. I guess that, as time passed habang naghihintay ako sa muling pagbabalik mo, na-realized ko na ginagawa ko iyon dahil mahal kita. At wala akong ibang lalaking gustong makasama sa buhay ko at aangkin sa puso ko sa paglipas ng panahon."

This time, tears of joy escaped as she tightly embraced Seth again. Ilang taon na ba niyang hiniling sa Diyos na bigyan siya ng pagkakataon na masabi sa lalaking ito ang nararamdaman niya? At that moment, she was glad na napagbigyan na siya Nito. She would never waste that chance, lalo pa ngayong nalaman niyang mahal din siya nito.

Ginantihan ni Seth ang paghigpit ng yakap niya rito ng mas mahigpit pa. Naramdaman din niya ang paghalik nito sa buhok bago tumawa. "You have no idea how happy you made me, Czari. Grabe. Ang akala ko, hindi ko na maririnig ang mga salitang 'yan mula sa 'yo. Akala ko, one-sided lang ang nararamdaman kong ito para sa 'yo. Thank you."

"Grabe ka namang makapagpasalamat," nakangiting biro niya kahit naluluha na. Nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya dahil sa mga nangyayari ngayon. It felt so good to be enveloped in those strong arms again. She felt so protected and secure. Napapikit siya at ninamnam ang kaiga-igayang pakiramdam sa mga bisig nito. "Thank you for not giving up on me."

"Thank you for waiting for me." Muli ay inilayo ni Seth ang sarili kay Czarina at pinakatitigan siya.

Her heart pounded wildly in her chest as their gazes locked. Moments later, she found herself closing her eyes as Seth gave her a deep breathtaking kiss. How she longed to feel his kisses once again. Napatunayan lang niyon kung gaano niya ito na-miss nang husto. Kung bakit ba naman kasi siya iniwasan ng lalaking 'to. But none of it mattered now.

Soon after, Seth reluctantly ended their kiss. Their breathing were ragged. "You don't know how much I wanted to kiss you like this again, Czari," bulong nito. Slowly, he smiled as his eyes never left her, and caressed her face. "Mukhang mabibigyan ko na rin ng katuparan ang mga katagang iniwan ko sa shawl mo noon."

"Ha?" Okay, hindi yata niya maintindihan ang mga sinasabi nito. Ano naman kayang kataga iyon? But then it hit her. "You mean, the words on the shawl that you gave me? 'Yong 'To the one special in my heart'?"

Tumango ito. "Do you really think they're just words that expressed the truth about what I feel for you since then?"

Hindi siya umimik. Hinintay na lang niya itong magsalitang muli.

"Hindi lang basta ganoon iyon, Czari. Proposal ko na rin iyon sa 'yo noon pa na manatili ka sa buhay ko sa habang panahon."

"A-ano? Proposal?" Tama ba ang narinig niya? Paano naging proposal ang mga salitang iyon?

Seth smiled lovingly and cupped her face. "It's not the words that meant proposal. It's the initials I placed there. Hindi Czarina Almendarez ang ibig sabihin ng C.A. na naroon."

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makuha kaagad ang ibig nitong ipunto. "You mean... C.A. means 'Czarina... Alarcon'?"

Lumuwang ang ngiti nito at tumango. "Now that's one beautiful name to hear, right?"

Napangiti na rin siya kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha bago sumang-ayon. "You're right. It is beautiful." And out of her delight, she kissed him deeply and lovingly.

Their long wait and search for each other was finally over. Sisiguruhin nila na hindi na kailanman pakakawalan pa ang isa't-isa. For now, that would be their plan for the rest of their lives.

THE END

No comments:

Post a Comment