I don’t know if I should call this a review dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung paano gumawa ng matinong book review. Or maybe nakalimutan ko lang. kaya ang itatawag ko na lang dito, mahaba-habang comment. Hehe! Honestly, I don’t know how to make a book review. Hindi ko na rin napanindigan ang minsang sinabi ko na magko-comment ako per chapter (parang Wattpad lang). Kaya ganito na lang.
Okay. First and foremost, this was Red Weasley’s first released book na nakita kong inilabas sa Manila International Book Fair last September 2014. I forgot the exact date, sorry. Dito rin sa month na ito na nag-start kaming magkaroon ng communication ni Miss Writer (writer na lang ang itatawag ko sa iyo, hindi na author). If I remembered, it started when I followed her on Wattpad. I usually had the habit of following Wattpad authors that had published works on paperbacks, mapa-traditionally published man iyan o self-published. But I don’t do that to all authors. Pinipili ko pa rin, so far.
Anyway, it started from there. Nang magkaroon kami ng communication as writers sa Wattpad—na nasundan sa Facebook, sinabi ko sa sarili ko na bibilhin ko ang libro niya once na magkaroon ako ng pambili. Kaya lang, inabot pa ako ng ilang buwan bago ako nakabili. Purduy po kasi ako nang mga panahong iyon dahil wala pa akong trabaho. I only managed to buy the book last January right after I received my check from my approved manuscript from MSV. I bought “My Kuya’s Assistant” along with two other books.
Okay, so let’s get on with the business, shall we? Hehe!
Isang bagay na napansin ko, mabilis ang pacing ng story. Short rin lang ang mga scenes per chapter. And I think about 65%-70% (estimated) of the story contains mostly dialogues which is okay naman. Usually nga, ang required ay more than 50% dapat ng story ay dialogues. Hehe! This is one of the things I easily noticed. It was written in first POV which was Jennica’s (the lead girl) and I think sa iisang scene lang yata sa last chapter may POV si Thomas (the lead guy) and that’s it. Pero kahit ganoon, makikita pa rin kung ano talaga ang feelings ni Thomas para kay Jennica.
Pero sa totoo lang, dumating talaga ako sa puntong gustung-gusto ko nang upakan si Thomas sa sobrang katorpehan at katigasan ng ulo niya. As in! Kung hindi ko lang alam na fictional character lang siya, naku! Hehe! Pasensiya na po sa pagwawala. Anyway, back to the topic. As for Jennica, I think what she did all the way just for Thomas to realize her feelings was one thing I would definitely consider crazy… for now. But it also made me think na marami nga talagang magagawa at kakayanin ang isang tao para sa pagmamahal kahit na rejection pa ang makuha niya in the end.
I like the other characters, as well. Lalo na si Johann (o Johanna sa gabi). Haha! Naalala ko kasi sa kanya ‘yong gay friend ko noong 1st year until 2nd year college, si Jhunieca Clarette (Paging Baklita, nasaan ka na?). Siya kasi ‘yong tipo ng taong kayang sabayan ang mga trip ko kahit na ang taray ko raw at mas madalas na boring kasi hindi ako nakikipag-usap maliban na lang kung talagang kailangan. Haha!
Medyo natagalan lang akong matapos na basahin ito dahil most of the time, inuuna ko po ang trabaho ko at ang pagsusulat ng updates ng mga stories ko sa Wattpad, especially TLSOTE. And I think that most of you already knew na ang writer ng MKA ang masasabi kong masugid na nag-aabang ng mga updates ko. May times pa nga na nagiging chatbox na naming dalawa ang comment section ng certain chapters sa story ko sa Wattpad, eh. So far, nangyari lang iyon sa dalawang chapters.
Bakit ko sinasabi ito? Well, I guess I owe it to this book kung bakit nakakilala ako ng isang writer na masasabi kong naging ka-close ko kahit papaano sa Wattpad at FB. I don’t usually socialize sa mga nakakakilala ko sa mga social networking sites kaya naman laking pasalamat ko talaga sa book na ito. Kahit na natagalan akong bilhin ito, at least natupad ko naman ang promise ko sa sarili ko na bilhin ito.
NOTE: I was listening to “Sayonara No Mae Ni (Before We Say Goodbye)” by AAA while writing this.
No comments:
Post a Comment