This is actually the first book from Lifebooks na binili ko. I was still in 3rd year college (2nd semester to be exact) nang bilhin ko ang librong ito. If I remember, kasagsagan pa yata iyon ng kasikatan ng “Diary Ng Panget” kasi bagong labas lang. Hindi ko na nga lang maalala kung ano ba dapat ang librong bibilhin ko instead of PSHR.
Anyway, I doubt if I’ll be able to remember it.
Balik tayo sa issue.
So yes. Wala naman talaga akong high expectation sa mababasa ko sa librong iyon. Kumbaga, para lang akong nagbabasa ng pocketbook. I just need something new to read at the time. New story, new journey, new love. Nasa writer na iyon kung paano ang magiging approach niya sa pagde-deliver ng kuwento.
Hindi ako sigurado but I think that was the first time I encountered a published novel (in Filipino) written in first POV. Madalas kasi na sa mga English novels ko lang nae-encounter iyon. So bago iyon sa akin na ma-encounter ang isang Filipino novel in that kind of POV. Light lang talaga ang naging paraan ng pagkakasulat ni Marcelo roon. May mix din ng formal at informal writing (or I guess it was the words). I think naging factor din iyon para ganoon ang maging punan ko sa kuwento.
I also like the transition. Siguro may mga pagkakataon lang na nagkakaroon ng kaunting kalituhan when it comes to determining the flashback and the present times. Nasanay lang siguro ako na madali kong nadi-distinguish kung ano ang eksenang nagbabalik-tanaw sa kasalukuyang eksena.
Overall, I still like it.
The story I like best salimang iyon ay ‘yong kina Nikko at Becca. And I truly adored Jackie’s character. Napaka-optimistic niya. Napapangiti pa nga ako sa optimism niya. Talagang nagawang ibalanse sa pessimistic outlook ni Becca towards love. I remembered the scene na nagko-communicate sina Becca at Nikko sa pamamagitan ng pagsulat sa upuan. Somehow, ang unang pumasok sa isipan ko ang ‘yong scene nina Richard Guitierez at Angel Locsin sa “Let The Love Begin”. Nagko-communicate din sila sa upuan until it progressed into letters. Magkaiba nga lang ng topic na pinag-uusapan.
Natuwa rin ako sa connection ng story nina Ryan at Maria sa story nina Nikko at Becca. I never realized na kathang isip lang pala ni Becca ang love story nina Ryan at Maria. Nevertheless, I like it, but not as much as I love Becca and Nikko’s story.
I have to admit na outdated talaga akong nilalang kaya naman noong bilhin ko ‘yong ibro, hindi ko talaga kilala si Marcelo Santos III. But the way he wrote the story made me think that he’s aware of how youths in this generation act, speak, think, and decide. Ako, gaya nga ng sabi ko sa inyo, outdated ako. Kaya medyo conservative and slightly ignorant ang naging upbringing ko. Even still, I really couldn’t get it kung bakit may mga taong sinisisi ang author na ito sa dumaraming mga kabataan (girls usually) ang maagang nabubuntis. I really don’t get it.
Anyway, ang isa lang sa masasabi ko, this is one of the most lighthearted stories I’ve read in a while na hindi ko malilimutan. Kahit na hindi na naibalik sa akin ng walang-hiyang nanghiram na iyon ang libro ko nito, I still won’t forget it. Lalo na ngayon na gagawin na itong movie. As usual, ayokong magkaroon ng high expectation sa movie na ito. But I’ll still support it, just because this novel gave me another reason to strive writing.
NOTE: I was listening to “When God Made You” by Newsong ft. Natalie Grant while writing this.
No comments:
Post a Comment