Monday, December 28, 2015

Journal entry — July 3, 2006

It was really a happy day for me today. Kasi hindi ko akalain na magiging close kami kaagad ni JA. Kahit papaano eh nagiging close din ako sa kanya. Madalas nagpapatawa tulad ni AC but hindi siya tulad ni AC na mahilig mang-asar. Kanina nga sa MAPEH subject namin dahil practicum sa tala, gusto pa niya akong isali sa recitation/voluntary recitation. Kaya lang nahihiya ako. Siya rin ang ka-group ko sa A.P. at Filipino.

Ang saya, 'di ba? :⁠-⁠)

***

Now that I got to see this again, ang dami rin palang coincidences na nangyayari, 'no? And yes, ang babaw lang talaga ng kaligayahan ko noong mga panahong iyon. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat komg isipin dito.

No comments:

Post a Comment