Okay, this is the second book comment I’m going to write for the same author. The first one I wrote was actually about her 1st published book under Lifebooks. This time, it’s about her first published book under Precious Hearts Romances. Hehe! Ewan ko lang kung may sense ba ang pinagsususulat ko rito.
- First and foremost, I like the penname. Close sa totoo niyang pangalan na hindi ko na babanggitin at baka masakal pa ako. Haha! But to be honest, when I first read the word ‘Light’ as part of the penname, Death Note agad ang naisip ko kahit never ko pang napanood iyon. Ako na ang hindi updated.
- Doon naman sa title, kanta ni Mandy Moore ang unang pumasok sa isip ko. Maliban na lang kung iba ang pinagbasehan niya sa title nito. Although I have to say, hindi na ako magugulat kung sasabihin niya sa akin na Jason Chen’s song-inspired ang title nito.
- Naririnig at nakikita ko lang ang name na Jeron at Jeron sa social media kaya somehow, familiar sila sa akin. But never akong nanood ng anything related to these two. In other words, outdated na naman ako pagdating sa mga ito.
- As for Staergen’s name, hindi ko pa rin alam kung paano ba ang tamang pronunciation n’on hanggang ngayon. Though I have to say, unique ang name niya. Hehe!
- Fast-pacing din ang kuwento. Hindi ko nga lang masabi ngayon kung may improvement ba kumpara doon sa “My Kuya’s Assistant” dahil aalamin ko muna kung ano ba sa dalawang `to ang nauna niyang ipinasa sa publisher.
- Hindi ako nag-e-expect ng dramatic na kuwento mula rito. Alam ko naman na si Miss Author na rom-com ang forte niya. Haha!
- Nakakatuwa ang interaction nina Staergen at Rizly. Ang weird lang nilang magpinsan. Pero kung hindi ako nagkakamali ng pagkakaalala, totoong magpinsan ang dalawang `to in real life, `di ba?
- Ito ang second book ni Miss Author na may selfie ako, which I don’t usually do. But hey, I made a promise that I’d buy it, right? I just need to show the proof kahit ayokong ibalandra sa madla ang pagmumukha ko.
- Hindi ko masasabing introvert si Staergen sa story. Mababa lang ang interpersonal intelligence niya kahit nakakapag-interact pa rin naman siya sa mga kasamahan niya sa trabaho. Ang personal definition ko kasi kapag introvert, totally inilalayo niya ang sarili sa mundo. Sa nakikita ko, hindi naman ganoon si Staergen. Inactive lang talaga ang social life niya. Parang ako. Haha!
- Malaking issue talaga sa love and relationship kapag career ang pag-uusapan. But most of them, the guy would be the one to compromise and end it just to be with the one they love kahit ayaw mangyari iyon ng babae. It’s a good thing the author pulled this off quite well. At least, iyon ang na-observe ko.
- To be honest, mas nauna ko pang nabasa ang MS ng love story ni Rizly kaysa sa librong ito. Kaya bago ko pa mabasa ito, may ideya na ako sa conflict ng love story nina Staergen at Jeron.
- As for Cookie (Jeron’s ex-gf in the story; sorry for the spoilers!), ang sarap niyang bigwasan. In fairness lang! Hehe! Actually, ganyan palagi ang reaksyon ko sa mga paepal na mga ex-gf na nababasa ko. Hirap lang maka-move on, `Te?
- I do have to admit one thing, though. Hindi ko alam kung ako lang ang may problema o ano. Pero parang feeling ko, kulang sa impact `yong ilang eksenang dapat ay nakakakilig. Hmmm… Siguro iyon ang napansin ko dahil na rin sa pagiging fast-paced ng story. Dagdagan pa siguro ng kilig scenes on the next stories to come. Okay?
These are my opinions and insights with regards to this story. I know it’s a bit “senseless” and amateurish and I admit that. Hindi ko alam kung may maitutulong ba ito para mag-improve ka sa chosen craft mo. But somehow, sana may naintindihan ka sa mga ito. Until the next book comment, Sha!
NOTE: I was listening to “Eternal Love ~ Koi No Hana (Flower Of Love)~” by Alan Dawa Dolma while writing this.
No comments:
Post a Comment