Thursday, December 3, 2015

We'll Always Be Each Other's Baby - Chapter 4

BAHAGYANG makulimlim ang kalangitan habang nasa biyahe si Ayumi gamit ang kotse ni Vince. Iyon ang napansin niya habang nakatingin lang sa labas ng bintana at pinapanood ang bawat madaraanan ng kotse ng binata.

In a way, pantanggal na rin niya iyon ng pagkailang na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Hindi pa rin yata nakaka-recover ang utak niya sa pagkabigla, lalo pa nang nagprisinta talaga itong sunduin siya at sabay pa talaga silang pupunta sa Altiera. Pero hindi niya ide-deny na masaya siya at muli silang nagkita nito. Ang buong akala talaga niya ay ang reunion na ang huling beses na magkukrus ang mga landas nila.

"Parang ayaw mo yata akong kasabay, ah," pagbasag ni Vince sa katahimikang nakapalibot sa kanilang dalawa.

Nang harapin niya ito, hindi na niya napigilang mapahagikgik sa nakitang pagnguso nito. Seriously lang, hindi pa rin talaga nawawala ang cute habit nitong iyon. "Huwag ka ngang makanguso-nguso riyan. Ipitin ko iyan mamaya, 'kita mo."

"Eh ayaw mo akong kausapin. Ni hindi mo rin ako tinitingnan. Pakiramdam ko tuloy, ang pangit ko sa paningin ko."

"Ikaw? Pangit? Kahit nga walang tigil sa paglait sa iyo ang mga schoolmates natin dahil mataba ka, hindi ka naman pangit sa paningin ko. May iniisip lang ako kaya ako tahimik."

"Hindi dahil ayaw mo akong kasabay o kaya ay pangit ako?" pangungulit nito, pero naka-focus pa rin ang paningin nito sa tinatahak na daan.

"Makulit lang? Sabi na ngang hindi, eh. Pero ang daya mo, ah. Hindi mo man lang nasabi kagabi na doon ka rin pala naglalagi sa Altiera at hindi sa kabilang bayan."

Humalakhak ito at saka saglit siyang tiningnan. "Ang mga trabahador lang naman doon sa manggahan ang nakakaalam ng pamamalagi ko roon. At saka once a year lang akong magtungo roon, 'no? Mas nakatuon kasi ang atensiyon ko sa propesyong pinili ko. Pero hindi ko pa rin kinakalimutan ang responsibilidad ko roon. Masyadong mahalaga ang manggahan na iyon para sa lola ko."

"Well, from what I've heard from my grandparents, nagiging maganda naman ang resulta ng pagpapatakbo mo sa farm kahit madalas ka raw wala roon. Ilang taon mo na bang pinamamahalaan iyon?"

"May tatlong taon na rin. And I'm glad to hear that I've been doing a great job." Ngumiti ito. Kitang-kita sa mukha nito ang tuwa na epekto na rin ng mga sinabi niya.

Hay... Ang hindi mamatay-matay na epekto ng ngiti ni Baby Boy sa puso ko. Bumuntong-hininga siya nang maisip iyon. Heto nga, hindi na niya gustong tingnan ulit ang ngiting iyon ni Vince. Baka sa susunod kasi, lumabas na nang tuluyan sa ribcage niya ang puso niya.

"If I should live forever and all my dreams come true, my memories of love will be of you..."

Pagkunot ng noo ang naging tugon niya sa pagkantang iyon ni Vince. Dahilan na rin upang mapatingin siya rito. Nakita niyang humuhuni na lang ito ng isa sa mga paborito niyang kanta—"Pehaps Love". Sa itsura nito nang mga sandaling iyon, nahihinuha na niyang may naaalala ito. His nostalgic smile was the proof.

Question was: what could it be?

= = = = = =

MAGTATANGHALI na nang makarating sina Ayumi at Vince sa Altiera. Ang akala pa nga ng dalaga ay aabutan sila ng malakas na ulan sa daan dahil nga sa makulimlim na kalangitang namalas niya kanina. Pero nagkamali siya.

Oo nga't kauuwi lang niya roon noong bago siya magtungo sa Laguna para sa reunion. But she couldn't help feeling something as if she missed the place. It held so much memories for her kaya ganoon na lang kung ma-miss niya ang lugar na iyon. Every lush trees and humble houses that Vince's car passed by gave her a sense of delight and of course, nostalgia.

Subalit unti-unting nangunot ang kanyang noo nang mapansing tila palayo yata sa dapat na pupuntahan niya ang tinatahak na daan ng sasakyan ng binata. Hanggang ma-realize niya kung saan sila patungo nito.

Sa mansion ng mga Castagnia kung saan naroon ang manggahan na pinamamahalaan ni Vince.

"Huwag kang matakot. Alam ng lolo't lola mo na sa mansion tayo pupunta. Isa pa, gusto ka raw makita ulit ni Mama," kapagkuwa'y sabi nito.

She faced him with narrowed eyes. "Nakakahalata na ako sa iyo, ha? May balak ka bang kidnap-in ako?"

"Sa lahat naman ng k-in-idnap, ikaw itong willing victim na sumakay sa kotse ng kidnapper niya." Tumawa pa ito. Ngali-ngaling sakalin talaga niya ang bruhong 'to, eh.

"Ako ba, pinaglololoko mo, ha?"

"Mukha ba akong manloloko?" He faced her for a few seconds. But it was more than enough for her to know that he wasn't playing around.

Dadalhin nga talaga siya nito sa mansion. "Pambihira lang talaga..." tanging usal niya sa sarili habang tutop ang noo. "Ano na namang topak ang meron ka at naisipan mo akong kaladkarin sa mga trip mo, ha?"

"So you're saying na dala lang pala ng topak ko ang dahilang na-miss kita nang husto kaya kita gustong dalhin sa mansion?"

Wrong question. Ang hindi alam ni Vince, nagdulot ang pahayag nitong iyon ng pagbilis sa tibok ng puso niya. His face was serious... until she noticed a sort of playful glint in his chinky eyes.

Napailing na lang siya. May topak nga talaga ang lalaking ito. "You're unbelievable..."

"I know, right?"

"Nag-agree ka naman!"

"Bakit, hindi ba? I'm unbelievably good-looking."

"Woah! Naka-full blast yata ang aircon dito sa kotse mo, ah. Grabe, ang hangin!"

"Ito naman, hindi pa pagbigyan ang moment of praising myself. Minsan ko lang naman gawin ito."

Hinarap niya ito. "Huwag mong sabihing mababa pa rin ang self-esteem mo hanggang ngayon? The changes you did to yourself should be enough to boost your confidence."

"Dahil nagawa ring itago ng pagbabagong iyon ang totoong ako, Ayumi. Itinago n'on ang Vince na ikaw lang ang nakakita sa buong buhay ko."

Hindi na siya nakaimik. Siya nga lang ba talaga ang nakakita sa totoong Vince? She could sense bitterness in her voice as he said those words.

There must have been something that made him decide to change.

I think I could use my vacation to find that out.

= = = = = = =

"OH, MY! Look at you, Ayumi. Ang ganda-ganda mo na," salubong ng ina ni Vince na si Margaret sa kanya pagbaba niya sa kotse ng binata. Ikinagulat niya nang makitang nag-aabang pala ito sa pagdating nila sa entrance ng mansion kasama ang ilang houseboys at maids. Ngingiti-ngiti lang si Vince nang makita nito ang reaksyon niya.

"Tita Margaret naman. Nakuha n'yo pa pong mambola, eh matagal naman nang ganito ang mukha ko. Wala naman pong ipinagbago, eh," saad niya habang pilit na kinikimkim sa dibdib ang nararamdamang pagkailang sa salubong ng ginang sa kanya.

"Naku! Nagpa-humble effect pa ang batang ito. Hindi na uso 'yan kaya huwag mo nang gawin."

Natawa na lang siya. Hindi talaga aakalaing forty-eight years old na ito kung makisalamuha sa tao, lalo na sa kanya. Kahit noon pa man, napaka-friendly na ng ginang sa kanya.

Niyakap siya ni Tita Margaret nang mahigpit, obvious na talagang na-miss nga siya nito gaya na rin ng sabi ni Vince sa kanya. "Dahan-dahan lang ng yakap sa akin, Tita."

"Pasensiya na," anito na nakangiti at saka siya pinakawalan. "Why don't we go inside? Nakahanda na ang tanghalian. Kumain muna tayo at saka tayo magkumustahan."

Wala na siyang nagawa nang yakagin siya ni Tita Margaret na pumasok siya sa loob ng mansion. Subalit napatigil siya nang makitang ibinababa ng mga houseboys ang mga bagahe niya mula sa sasakyan ni Vince at ipinapasok iyon sa mansion patungo sa ikalawang palapag.

"Sandali! Bakit ninyo dinadala sa second floor ang mga gamit ko?"

"Hindi ba nasabi sa iyo ng anak ko? You'll be staying with us during your whole vacation."

"Ano ho?" Ano na namang kalokohan ang pumasok sa ulo ni Vince ngayon?

= = = = = =

"LOLA, kaya ako kumuha ng leave ay dahil kailangan ko ng bakasyon. Ng pahinga. Pero hindi naman ibig sabihin n'on na sa iba ako dapat makitira," pangangatwiran ni Ayumi kay Lola Esme na nagkataong naroon din sa mansion kasama si Lolo Hernan na masaya pang nakikipagkuwentuhan kina Vince at Tita Margaret.

Naroon silang dalawa ng lola niya sa porch na kanugnog lang ng swimming pool sa likod ng mansion. Doon sila pinapunta ni Tita Margaret matapos kumpirmahin sa kanya ng ginang na doon nga siya sa tahanan ng mga Castagnia mamamalagi sa buong durasyon ng leave niya. Pumayag naman daw ang grandparents niya.

At iyon ang ikinainis niya. Bakit wala man lang siyang naging say sa bagay na iyon?

"Alam ko iyon, apo. Pero nakiusap sa akin si Donya Margaret na kung puwede ay dito ka na lang mamalagi sa mansyon sa buong bakasyon mo. Wala namang kaso sa amin ng lolo mo iyon, apo. Alam namin na kapag narito ka, mas mababantayan ka nang husto. Isa pa, mas mapapanatag si Donya Margaret dahil alam niyang hindi mo pababayaan ang unico hijo niya habang nasa ibang bansa siya."

"At kailangang ako talaga ang magbantay kay Baby Boy? 'La naman! Bakit ako? Hindi pa sila puwedeng mag-hire ng yaya para lalaking iyon?"

"Hindi iyon ang kailangan ni Senyorito Vincent kundi inspirasyon para sa susunod nitong obra. Nagkataon naman na nagkita raw kayo nito sa reunion na pinuntahan mo kamakailan lang."

Napakunot siya ng noo. "Nagkita nga po kami sa reunion. Pero ano naman po ang kinalaman ko sa inspirasyong hinahanap niya? At bakit kailangan pa siyang bantayan, samantalang damulag nang naturingan iyon?" Nakukuha pa talaga niyang magbiro.

Paano ba naman kasi? Unconvincing ang mga naririnig niyang rason mula sa matanda. At siya pa talaga ang kailangan para lang magbantay sa high school friend niya. Pahinga ang hanap niya, hindi alagain.

"Apo, sige na. Pagbigyan mo na si Donya Margaret. Sa nakikita namin, wala namang masama kung dito ka sa mansyon manatili sa buong bakasyon mo. Sa pagdating ng mga magulang mo galing Canada, maaari rin silang magtungo rito para bumisita sa iyo. At kapansin-pansin din na talagang na-miss ka ng kaibigan mo. Ang tagal n'yo ring hindi nagkita," pakiusap ng lola niya.

Napabuntong-hininga na lang siya. "May sampung taon din po." Aminado naman siya na na-miss din niya ang binata. Pero kailangan ba talagang pakiusapan pa nito ang grandparents niya para lang makasama siya?

"O? Hindi mo ba sasamantalahin iyon? Pagkatapos ng bakasyong ito at masimulan na ni Senyorito Vincent ang obra niya, aalis siya uli patungong Paris."

Bagaman nagulat, hindi niya nagawang isatinig iyon sa matandang kaharap. Para naman siya nitong ibinubugaw sa ginagawang pangungumbinsi sa kanya, ah. Hindi niya napigilang mapailing dahil sa mga narinig. Kung aalis din pala si Vince, bakit kailangan pa siya nitong makasama?

It's because this could be the last time you and Vince will see each other, anang isang bahagi ng isip niya na sa 'di malamang dahilan ay tila nagpahina sa kanya.

Pero ano kaya ang isinulsol dito ni Vince at nagawa nitong mapapayag ang grandparents niya?

Mukhang mapupurnada pa yata ang dapat ay well-deserved vacation ko. Pambihira naman, o!

Hindi tuloy niya napigilang paningkitan ng mga mata nang tingnan niya si Vince kahit na nang mga sandaling iyon pala ay malawak ang ngiting nakatingin din sa kanya. Kahit dumadagundong pa sa lakas ang tibok ng puso niya, binelatan lang niya ito. She even mouthed "Lagot ka sa akin mamaya."

Pero ang bruho, hayun at nagawa pang humalakhak. This time, her heart leapt even higher than Mt. Taal. Hmm... Mataas-taas na rin iyon.

But that was considered a bad sign.

Naku po! Mukhang malalagot pa yata siya nito. Mukhang hindi lang ang bakasyon niya ang mapupuntirya ng mokong na Baby Boy Vince na iyon. May plano pa yata itong isunod ang puso niyang nanahimik nang napakatagal na panahon.

No comments:

Post a Comment