[Brent]
“ARAY! DAHAN-DAHAN ka lang naman sa pagpapatong mo niyan sa mukha ko, Neilson,” reklamo ko habang pinapatungan ni Neilson ng ice pack ang pasa sa mukha na natamo ko. Hindi ko tuloy naiwasang mapangiwi dahil doon. I couldn’t really believe it. Isang babae pa talaga ang nagbigay ng pasang iyon sa akin!
Hindi ko alam kung talagang minalas lang ako o dahil… ah, basta! Malas nga lang yata ako ngayon.
Totoo ang sinabi ako kay Relaina na ito pa lang ang babaeng nakagawa n’on sa akin. Mas madalas na sampal ang inaabot ako sa mga babae, lalo na kapag nakipag-break na ako sa mga nakarelasyon ko noon. But no girls had ever punched me hard like what Relaina did.
Mukhang matinding magparanas ng cariño brutalidad ang babaeng iyon, ah! Tagos sa buto. Heto nga’t hanggang sa mga sandaling iyon, hindi pa rin matanggal ang sakit sa parehong panga ko. Grabe!
May mga pagkakataon noon na umuuwi akong may pasa sa mukha dahil madalas akong napapaaway sa labas ng eskuwelahan. Dahil doon kaya kung minsan ay napagkakamalan pa akong gangster. But I wasn’t really considered a gangster. Takot ko lang sa mga magulang ko kapag naging gangster nga talaga ako. Oo, siguro basagulero lang ako kapag tinatawag ng pagkakataon.
Ngunit nangyayari lang naman iyon kapag inaabangan ako ng mga basagulerong estudyante ng Oceanside at nagkataong pinakiusapan ng mga ex-girlfriend ko ang mga iyon. Bilang ganti lang daw sa paglalaro ko sa puso ng mga babaeng iyon na ilang linggo lang ang itinagal sa akin. Kadalasan ay hindi pa lumalampas ng isang buwan.
Well, I couldn’t help it kung masyado akong lapitin ng mga babae. After all, I was born a charmer. Namana ko raw ang isang major trait ng mga Rialande, or at least iyon ang sabi sa akin ng Mama. Kaya siguro hindi na nito kinukuwestiyon ang mga nangyayari tungkol sa atensiyong nakukuha ko sa mga babae. Tanggap na siguro nito na wala na itong magagawa pagdating sa bagay na iyon.
Technically, panganay ako sa tatlong magkakapatid kahit sabihin pang may kakambal siya. Limang minuto ang tanda ko kay Neilson.
My mother Fate Montreal belonged to the Rialande clan – one of the few prominent clans in Altiera – and one of the amazing surgeons I had ever met. Hindi ako biased. Isa pa, ilang beses ko nang napatunayan iyon simula pa noong bata ako. Sa katunayan, pagiging doktor nga ang pangarap ng bunsong kapatid ko na si Carl.
As for my father Cedric Montreal, he became a private investigator after quitting the military service. Isa ito sa tumutulong sa mga maternal uncles ko sa pamamahala ng Twin Blades Agency, ang security agency na pag-aari ng mga Rialande at Delgado – another of Altiera’s prominent clans. Hindi lang ang mga Rialande ang kilala sa bayan ng Altiera. In fact, the Delgados and the Rialandes were long friends. Kung hindi ako nagkakamali, centuries na rin ang itinagal ng pagkakaibigan ng dalawang angkan. Plano naman ni Neilson na sumunod sa yapak ng ama namin na maging isang private investigator.
Kaya nga misteryo para sa akin kung bakit imbes na Criminology ang kuning kurso ni Neilson, naisipan pa talaga nitong kumuha ng Architecture. Ako naman ay Civil Engineering ang kinuhang kurso. I really wanted to become an engineer, just like my mother’s sister na si Engr. Cecille Montreal Mercado – ang Tita Cecille namin.
Oh, well. I still had a few more years for me to achieve that, though. Kaya naman heto ako ngayon, pinagbubutihan ang pag-aaral.
Tatawa-tawa lang si Neilson habang patuloy pa rin ito sa pagpapatong ng ice pack sa napinsalang bahagi ng mukha ko. Ang tawa nitong iyon ang nagpatigil sa akin sa pagmumuni-muni ko.
“Hindi lang naman kasi ako makapaniwalang may babae pang maglalakas-loob na gawin iyon sa iyo. Ano ba kasi ang pumasok diyan sa kukote mo at hinalikan mo si Relaina pagkatapos kang bigyan ng pasa sa mukha?”
Hindi na ako nakaimik sa tanong na iyon.
Honestly, hindi ko rin alam. Umismid na lang ako at hindi ko na sinagot ang tanong nito. Hindi ko maisip ang naging rason kung bakit ko nga ba ginawa iyon. All I knew, I was smitten at the sight of her eyes, as if I was enchanted upon seeing them. Or maybe my darn ego should be the one to blame dahil sinuntok lang naman ako nito at pagkalakas-lakas pa.
Ah, ewan! Hindi ko pa matukoy sa ngayon ang talagang rason.
Basta ang tiyak ko lang, nagustuhan ko ang ginawa kong paghalik sa babaeng iyon. Pero hindi ko naman inakalang ang mapangahas na paghalik ko kay Relaina ang magbibigay sa akin ng ibang klaseng sensasyon. Sensasyong masasabi kong bago sa akin.
Kaya lang, wala naman sa hinagap ko na gagantihan ako ni Relaina ng isa pang suntok sa kabilang pisngi at tinuhod pa talaga ako ng amasonang iyon. Noon lang ako nakakilala ng babaeng kayang gawin ang ganoon sa akin. Ang mga babaeng nakakakita sa akin ay laging kinikilig, nagpapapansin, nanlalandi at pinagnanasaan ako. Kung hindi naman ay hinihimatay kapag kinikindatan ko.
Hindi naman sa pagmamayabang – kahit alam kong may kayabangan talaga ako – pero iyon ang totoo. O, at least inaamin kong mayabang ako – in some aspects. Ganoon lang naman talaga kalakas ang effect ko sa mga ito.
Ngunit iba si Relaina. Matapang ito at tila hindi man lang tinatablan ng kaguwapuhan ko. Kung tingnan pa nga ako nito, para bang kayang-kaya talaga ako nitong katayin – baka nga brutal pa ang gagawin nitong pagkatay sa akin – dahil sa kapangahasang ginawa ko rito. Eh sa hindi ko na napigilan ang sarili ko. It was too late for me to realize what I had done to her.
Sabi nga nila, there was always an exception to the rule.
Mukhang si Relaina na ang exception at deviation na iyon na tiyak na babaguhin ang takbo ng buhay ko pagkatapos ng engkwentro naming iyon.
Patuloy pa rin sa ginagawa si Neilson nang makita kong nilalapitan kami ng isang teenager na lalaki na may hawig sa kanilang magkambal. Actually, si Carl Armand iyon – o Andz sa pamilya namin, ang bunsong kapatid ko na mas bata sa amin ni Neilson ng tatlong taon.
“O, napaaway ka naman ba, Kuya Brent?” tanong ni Carl na tila hindi na bago rito ang pagtatanong nang ganoon sa akin habang inilalagay sa sofa ang bag nito at naupo roon.
“Hindi, Andz. For the first time, may babaeng nagnais gawing punching bag ang mukha ng notorious heartbreaker nating kapatid na si Brent Allen Montreal,” tatawa-tawang sagot ni Neilson na ikinainis naman ko.
Talagang kailangan pa nitong ipangalandakan lang kay Carl ang nakakabuwisit na event na iyon?
Kulang na lang talaga ay suntukin ko ang kakambal ko sa sobrang inis ko rito. Nakakainis lang. Ako na nga itong naagrabyado, ako pa itong ginawang katatawanan. Kung hindi ba naman may saltik sa utak ang buwisit kong kakambal na naglalagay ng ice pack sa mukha ko.
Carl gaped at me wide-eyed for some seconds before facing Neilson. “Seryoso ka ba, Kuya Neil? Bago ‘yan, ah.” At tumawa pa ang bunso namin pagkatapos n’on.
“Talagang bago. At nakakainis iyon, ‘no!” gigil na saad ko at kinuha ang ice pack na hawak ni Neilson. Dahan-dahan kong ipinatong iyon sa bahagi ng mukha kong may pasa. Napangiwi na naman ako nang maramdaman ko ang lamig na tumama sa pasa ko.
Noon ko naman napansing dumating ang mama namim at ngumiti ito nang makita kaming tatlo sa sala. Pero agad ding napawi ang ngiting iyon at kumunot-noo ito nang dumako ang tingin nito sa akin, partikular na sa mukha ko. Tiyak kong napansin na nito ang pasa doon.
Bumuntong-hininga na lang si Mama at lumapit sa aming tatlo. Naupo ito sa tabi ko at kinuha sa kamay ko ang ice pack. Sinipat nito ang mukha ko bago ito bumuntong-hininga uli.
“Ano’ng gulo na naman ang pinasukan mong bata ka?” tanong ng Mama kong si Fate habang pinapatungan ng ice pack ang pasa sa mukha ko.
“Wala ito, Ma. Mawawala din ito,” tanging sagot ko na lang. Hindi ko gustong ipagtapat sa mama ko na isang maganda nga pero amasona namang babae ang nagbigay ng pasang iyon sa akin. Sigurado akong hindi ito maniniwala sa akin na may babaeng gagawa niyon.
Pero halatang hindi ito kumbinsido sa sagot ko kaya binalingan nito sina Neilson at Carl. Ngingiti-ngiti lang ang dalawang kumag kong kapatid.
“Wala bang magsasalita sa inyo?” tanong pa rin ni Fate habang kaharap ang dalawa pa nitong anak.
Noon naman bumunghalit ng tawa si Neilson na ipinagtaka na ni Mama. Halata ang pagtatakang iyon sa pangungunot na rin ng noo nito. Tumatawa naman ng walang tunog si Carl. Nahilot ko na lang ang sentido ko dahil sa ginawa ng dalawa kong kapatid.
Sinasabi ko na nga ba, eh. May saltik sa utak ang mga ito.
“Maniniwala po ba kayo na babae ang gumawa niyan sa kanya?” tatawa-tawang tanong ni Neilson. Pinandilatan ko naman ito bilang senyas na tumigil na pero tila hindi umubra iyon dito.
Napatingin sa akin si Fate; halata sa mukha nito ang pagkamangha. “For the first time, may babaeng ginawang punching bag ang mukha ng charmer kong anak na si Brent Allen Montreal?”
“Mama naman!” sansala ko. Pambihira naman, o! Nakuha pa talaga nitong mang-asar.
Ngumiti lang ito at itinuloy na nito ang pagpapatong ng ice pack sa mukha ko. “Ano ba’ng nangyari at mukhang humulagpos nang husto ang babaeng sinasabi mo para lagyan ka ng pasa sa mukha mo, ha?”
Natigilan naman ako sa tanong na iyon ni Mama. Hindi ko alam kung paano isasalaysay sa kanya ang mga kaganapan. “Kasi…"
“Ganito kasi iyan, Ma,” agap ni Neilson. At talagang inunahan lang ako nito.
Kahit gusto kong pigilan ang kakambal ko sa pagkukuwento nito tungkol sa mga nangyari, nakapagtatakang hindi man lang ako gumagawa ng kahit anong hakbang upang gawin iyon.
Siguro nga pagod na rin ako dahil sa dami ng mga nangyari. Kaya heto, hinayaan ko na lang na ito ang magsasalaysay ng mga pangyayari dahil nakita naman nito ang mga kaganapan. Hindi ko nga lang alam kung matatawa ba ako o maiinis sa paraan ng pagkukuwento ni Neilson. Detalyado talaga ang pagkukuwento nito, may sound effects at action pa.
At tila hindi na napigilan ng mama ko ang matawa matapos niyon. Pati si Carl ay tawa rin ng tawa na ikinainis ko. Kung minsan talaga, may pagka-weird din ang pamilya ko.
“Ako na nga itong naagrabyado rito, ako pa itong pinagtatawanan n’yo riyan,” may hinampo sa tonong himutok ko sa mga ito.
Huminga na lang ng malalim si Mama na tila ba pinapawi nito ang pagnanais na tumawa pa. Then she patted my head. Ano iyon, bata lang? Pero okay lang since si Mama naman ang gumagawa nito sa akin. “At least, alam ko na ang totoong nangyari.”
“Pero Kuya Brent, hindi ko akalaing ganoon ka pala kabilis maubusan ng pagtitimpi kapag babae na ang umagrabyado sa mukha mo.” At sinundan iyon ni Carl ng isang malutong na halakhak.
Napasimangot na lang ako.
No comments:
Post a Comment