[Brent]
KINABUKASAN, hindi ko alam kung masasabi ko mga bang normal pa rin ang takbo ng lahat sa pagitan namin ni Relaina. Then again, normal lang namang matatawag iyon kung nakainisan ko ang babaeng iyon sa subject kung saan kaklase ko ang amasonang iyon.
Pero hindi nagkaroon ng ganoong sitwasyon ngayong araw na 'to. And it went like that from morning until past lunchtime. Hindi lang ako ang nakapuna n’on. Pati na rin si Neilson at ang iba pa naming kaklase na talagang inaabangan ang bawat inisan episode sa pagitan namin ni Relaina.
In fact, she was… civil to me. Or maybe not in the mood to deal with it at all.
Ewan ko ba. Ang gulo! Ang weird.
At hindi ako sanay na ganoon ang nangyayari, aminin ko man o hindi. Oo na, para lang siguro akong batang naghahanap ng atensiyon sa iniisip ko. But this was definitely turning into the weirdest day I could ever had with Relaina so far.
Damn it! Ano ba talaga ‘tong nangyayari sa akin? Bakit ba ako nagkakaganito dahil lang sa babaeng iyon?
Napahilamos na lang ako ng mukha ko sa pagbabakasakaling mapawi n’on ang ‘di-maipaliwanag na inis na nararamdaman ko. What the heck! Pati ang sarili ko, hindi ko na maintindihan. Ano ba’ng ikinaiinis ko?
Inis na napasuklay naman ako ng buhok ko this time. Kasabay n’on ay isang pagkalalim-lalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.
Ang pagpalatak ni Neilson ang narinig ko na nagpabalik ng isipan ko sa realidad. Teka nga lang… Ilang sandali na ba akong wala yata sa sarili ko?
“Wala na talaga. Malala ka na, ‘tol,” sabi ni Neilson na napapalatak ulit at napailing pa.
Kunot-noong hinarap ko ang kakambal ko. “Ano na nama’ng pinagsasasabi mo riyan, ha? May kung anong saltik na naman yata meron ang utak mo, eh.”
“Ako ba talaga ang may saltik ang utak sa ating dalawa? Eh ikaw nga itong parang buntis na tila manganganak na riyan kung makaakto. Sa akin mo pa ipapasa ang kabaliwan mo.” At ipinagpatuloy lang nito ang pakikinig sa IPod nito.
May saltik na nga yata talaga sa utak ‘tong kakambal ko. Ikinumpara pa talaga ako nito sa manganganak nang buntis. Sa lahat ba naman ng pagkokomparahan ng inaakto ko, sa buntis pa.
Hay… Baka hindi lang ako kay Relaina masisiraan ng bait dito. It looked like Neilson would do everything to make my beloved sanity a short-lived one.
Hanggang sa narinig ako ang pagtunog ng Message Alert tone ng cellphone ko. Wala sa sariling kinuha ko iyon sa bulsa ko. Pero napakunot ako ng noo nang makita ko kung kanino galing ang text message na iyon.
Lalo na nang makita ko ang nilalaman ng nasabing text message.
From: Mayu
Bilisan mo. Gusto mong makilala si Oliver, ‘di ba? Nandito siya ngayon sa Oceanside. Pumunta ka sa back entrance ng CEA building. Naroon din ang pinsan ko.
What the hell!
Huwag mong sabihing tinotoo ng Oliver na iyon ang message nito sa voice mail na iniwan nito sa cellphone ni Relaina?
At si Relaina… Did she just accept?
Naman! Magugulo na naman ba ulit ang utak ko nito?
“O, textmates pala kayo ni Mayu, ah. Bakit ngayon ko lang alam?” At ang bugok kong kapatid, inagaw pa sa akin ang cellphone.
Pero parang wala na roon ang isipan ko. Damn it! Ano na’ng gagawin ko?
“So you’re not going to have a glimpse of the person who gave your apple of the eyes such sadness?”
Napabaling ako kay Neilson pagkarinig ko sa tanong na iyon. He even asked me that question in a somber tone. “Alam mo?”
Tumango ito. “Mayu told me the day after you talked to her. But that’s not the issue here right now, okay? Kung ako sa iyo, pumunta ka na. I think Relaina’s not that good at handling that Oliver guy well on her own.”
Iyon lang at walang paa-paalam na nilisan ko na ang classroom.
Takbo lang ako nang takbo with only one destination in mind – ang back entrance ng CEA building. Inignora ko na ang warning sa akin na “no running in the hallway”. I didn't give a damn care about the rules or any warnings at that point.
Ang priority ko lang ay marating ang back entrance bago ako mahuli.
Hanggang sa marating ko na ang ground floor at dire-diretso lang ako sa pagtakbo patungo sa dapat kong puntahan. Nakita ko na rin ang pintuan ng back entrance.
But then a crisp sound echoing made me halt to a stop.
A crisp sound… that appeared to be from a slap. Kasunod n’on ay may narinig din akong mahinang pag-iyak.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang may ma-realize ako. Hindi kaya…?
“Ang lakas ng loob mong magpunta rito para sabihin iyan. Hindi pa ba sapat sa iyo na ipinamukha mo sa akin ang katangahan ko noon? Kailangan pa bang ipamukha mo pa rin sa akin iyan hanggang ngayon?”
Boses iyon ni Relaina… ‘di ba? Pero… bakit ganoon? Bakit puno yata ng pait ang tinig nitong iyon?
This can't be good. Sa totoo lang, hindi ko na gusto ang naririnig ko. Hindi ito ang nakasanayan kong pakinggan mula kay Relaina. Tama ba talaga itong ginagawa ko? Bakit hanggang pakikinig lang 'tong ginagawa ko? I was supposed to help her – kahit hindi ko alam kung bakit gusto kong gawin iyon.
Basta iyon lang ang nasa isipan ko – ang tulungan ito. And hopefully, to spare her from even more pain.
"Relaina, please naman. Mag-usap tayo. I can explain," narinig kong sabi ng isa pang tinig na galing sa isang lalaki. That must be Oliver.
"Usap? Bakit, may dapat pa nga ba tayong pag-usapan? As far as I know, you severed every ties we had five months ago. Kaya dapat wala ka nang pakialam sa akin, di ba?"
"Iyon ba talaga ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko sa iyo noon?"
"Oo. Dahil iyon naman ang gusto mong ipunto, di ba? Iyong tapusin na ang lahat sa pagitan natin. And now look! I just did. Kaya nga ako umalis ng Aurora, di ba? I just did my own version of severing whatever ties we had before."
Naririnig ko na nasa tinig ni Relaina ang 'di maipaliwanag na sakit ng kalooban... at pati na rin ang pait at galit na kahit kailan ay hindi ko pa naririnig mula rito.
Magkaganoon man, hayun lang ako, napatanga at tila wala nang magawa. Hanggang pakikinig lang ang kaya kong gawin.
Lihim akong napamura sa sobrang inis ko sa sarili ko. Bakit pagdating sa babaeng ito, feeling ko napaka-useless ko? Bakit wala man lang akong magawa para rito?
Wala na akong narinig na nagsalita pagkatapos n'on. Napakunot ako ng noo dahil doon. Huwag mong sabihing tapos nang mag-usap ang mga ito?
Hanggang sa maisip ko, baka nga kanina pa nag-uusap ang mga ito. I came a bit too late, huh?
Hanggang sa makarinig na ako ng yabag na papalapit sa direksyon ko. Yikes, patay ako nito! Dapat walang makakita sa akin na nakikinig sa pinag-uusapan – este pinag-aawayan pala – nina Relaina at Oliver. Iyon eh kung si Oliver nga ang kausap nito.
Dagli akong naghanap ng mapagtataguan. Ayoko pang mabuking, 'no? Tama nang sina Neilson at Miette na lang ang nakakaalam ng stalking tendencies ko.
Pero sa totoo lang, hindi ko pala akalaing meron ako n'on. Ang weird na talaga ng nangyayari sa buhay ko.
Pero kanino ko ba dapat isisi iyon?
Mabuti na lang at tila ba kinakasihan ako ng pagkakataon nang mga sandaling iyon. May nakita akong bakanteng room may ilang metro lang mula sa kinatatayuan ko.
Yes, puwede na iyon!
I hurriedly proceeded to that place bago pa may makakita sa akin. Pero sa pagtatago kong iyon, sinigurado ko na makikita ko pa rin kung sino ang may-ari ng mga yabag na iyon.
Nag-iwan ako ng siwang sa pinto ng silid na pinagtaguan ko – na agad kong nalaman na janitor's closet pala iyon. That way, mapapanood ko kung ano na nga ba ang nangyayari sa labas.
I saw a figure of a woman passing by. Agad kong nalaman na kay Relaina iyon. But then something pricked my interest as I looked at her retreating figure.
The aura that she emitted as she walked away... Was it me or she just looked so sad? Wait! I knew she was sad dahil sa confrontation nito kay Oliver.
But there was one particular moment when I saw the expression on her face as she left. It was blank.
No... not just blank. More like forlorn. Hanggang sa naging malinaw na sa akin kung ano nga ba ang nakita ko.
Nanlaki na lang ang mga mata ko nang ma-realize ko iyon.
You've got to be kidding me... Don't tell me... Relaina was... crying?
That realization froze me to the spot. Pero bakit? Ano ba ang meron sa realisasyong iyon at para ako tuod doon na hindi na makakilos?
'Because tears coming from Relaina's eyes was the last thing you were expecting to see from such a headstrong girl like her.'
Was that it? Iyon nga ba talaga ang dahilan? Parang sinabi na rin n'on na walang karapatang umiyak si Relaina.
And my heart... Bakit pakiramdam ko, may humawak doon at kinuyom iyon nang pagkahigpit-higpit? Ano ba 'to? Bakit parang ang sakit sa akin na makita ang ganoong expression mula sa babaeng iyon?
Urgh! Damn it!
Bahala na nga. Saka ko na pagtutuunan ng pansin ang sarili ko.
Isa lang ang alam kong dapat na gawin sa ngayon.
I had to find her... and fast!
No comments:
Post a Comment