Thursday, April 28, 2016

Our Turn To Heal This Broken Heart - Chapter 11

TATLONG araw pa ang lumipas pero hindi pa rin tumitigil sa pagbabantay si Lianne kay Aeros na wala pa ring malay. Madalas niya itong kausapin kahit ganoon ang sitwasyon nito dahil alam niyang makakatulong iyon para bumilis ang paggaling nito. Pinatunayan naman iyon sa kanya ng doktor na nag-aasikaso kay Aeros.

Gaya ng dati, nakaupo siya sa upuang nasa tabi ng hospital bed ni Aeros at hawak niya ang kamay nito. Hanggang ganoon lang ang ginagawa niya. Along with silent prayers and whispered wishes for his recovery, she never let go of his hand. Hinihiling din niya sa baka sa ganoong paraan ay maiparating niya sa binata na naroon lang siya sa tabi nito.

"Gumising ka naman na, o. Please? Huwag mo naman na akong pag-alalahanin nang ganito. Hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin iyon. Ang dami-dami kong naaalala kapag nakikita kita sa ganitong sitwasyon," pagkausap ni Lianne kay Aeros. Nararamdaman niyang nangingilid ang kanyang luha at plano lang niyang hayaan iyon.

Lianne rarely showed fear in front of someone but Aeros would be an exception to her. At that point, she knew he would always be an exception. Gusto niyang ipaalam iyon dito kapag nagisin na ito.

"Alam mo ba na isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw ko nang magmahal ulit? Siguro nasabi ko na ito sa 'yo dati. O kung hindi pa, sasabihin ko na rin. Takot na akong mawalan ng minamahal na wala akong nagagawang paraan para matulungan sila at mailigtas. Hindi ako sigurado kung kagagawan ba ng mga taong gusto na namang pabagsakin ang pamilya ko ang nangyari sa 'yo o ibang tao ang dapat kong pagbayarin dito. I want to make sure about that, Aeros. I want to make sure they'd pay for what they did to you," mahabang pagpapatuloy niya at tuluyan nang bumagsak ang kanyang mga luha.

"To be honest, if I'd choose between loving you and living alone, I'd rather live alone and stop loving you if it means protecting you. Tutal, sanay na ako sa ganoong buhay—mas priority ang kaligtasan ng taong mahalaga sa akin kaysa sa sarili kong kaligayahan. Mas mabuti na iyon. Walang nadadamay sa gulo." Pero kung alam mo lang na ikaw ang nagpabago ng pananaw kong iyon, dugtong niya sa kanyang isipan.

Kapagkuwan ay pinunasan niya ang naglandas na mga luha sa kanyang pisngi gamit ang likod ng kamay niyang hindi nakahawak sa kamay ni Aeros. Kahit umiiyak ay napangiti siya dahil sa napagtanto niya nang mga sandaling iyon. Kahit pala gising o tulog si Aeros, nagiging madaldal siya. Kung noon siguro, hindi niya maiisip na darating siya sa ganoong punto.

Kaya naman lalong lumakas ang determinasyon niya na tapusin ang lahat ng pinagmulan ng gulong kinasasangkutan nila ng binata. Lalo na 'yong malaki ang potensyal ng panganib na dala. Pero para magawa niya iyon, may isang bagay siyang kinakailangang gawin.

"Gumising ka na. Okay? Please," pakiusap niya at ginawaran ng halik ang noo ni Aeros. I love you. I'm sure of that now. I'll say those words to you once you wake up.

= = = = = =

ANG HINDI nalalaman ni Lianne, tila isang masakit na katotohanan ang hatid ng mga sinabi nito kay Aeros. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na walang malay matapos ang pagbaril sa kanya. Wala siyang ideya kung sino ang may gawa niyon sa kanya. O kung meron man, iisang tao lang sa mga sandaling iyon ang nasa isipan niya.

Pero naglaho ang anumang suspetsang meron siya nang marinig ang ilang bahagi ng mga sinabi ni Lianne. Kagigising lang niya, pero hindi pa niya magawang imulat ang kanyang mga mata. He'd rather not look at her at the moment. Baka may masabi pa siya rito na pagsisihan niya sa bandang huli. Idagdag pa ang nakita niya sa canteen na hanggang sa mga sandaling iyon ay doble ang kirot na dala sa puso niya. Kung ganoon, kahit pala sabihin niya rito ang totoong damdamin niya, hindi pa rin nito tatanggapin iyon.

He'd end up getting hurt again, and this time, he wasn't sure if he'd be able to make it through. Wala nang tutulong sa kanya, dahil ang taong inaasahan niyang papawi sa kalungkutan at sakit na alam niyang mararamdaman niya ang magiging dahilan kung bakit siya naroroon. Ganoon kasakit para sa kanya ang katotohanang ipinamukha ni Lianne dahil sa mga sinabi nito.

"To be honest, if I'd choose between loving you and living alone, I'd rather live alone and stop loving you if it means protecting you."

Huli na nang namalayan niyang tumulo ang kanyang luha. Kahit pala mahal man siya ni Lianne kung tama ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito, wala pa rin siyang mapapala.

"Aeros? Aeros, can you hear me?" tawag sa kanya ni Lianne. Nababakas niya ang galak sa tinig nito, pero ayaw niyang umasa. Marahil ay nakita nito ang pagtulo ng kanyang luha.

Noon na niya naisipang imulat ang kanyang mga mata. Walang emosyong tiningnan niya si Lianne na nakangiti at tila nakahinga nang maluwag nang makita siyang gising na. His heart constricted at the sight of it. Pero tiniis niya iyon.

"You're leaving, aren't you?" mahinang tanong ni Aeros kapagkuwan.

Natigilan naman si Lianne at tiningnan siya nang ilang sandali. Pinilit niya ang sarili na huwag iiwas ang tingin niya rito. He had to see the truth from her eyes. Pero bukod sa pagtataka at galak, wala na siyang ibang makita mula roon.

Dahan-dahang tumango si Lianne. "I have to do something. Hindi ako puwedeng manahimik lang dito. Kung talagang gusto kong matapos ang lahat ng ito, hindi ako puwedeng manahimik na lang sa isang tabi. Kaya posibleng... hindi kita makita nang mas matagal."

So she chose her family... over him. She chose filial duty and living alone over loving someone like him, huh?

"Okay lang," malamig niyang tugon matapos ang ilang sandali. "Mas mabuti na rin siguro ang ganito. You can leave me and focus on what you have to do. Ayoko na ring maistorbo ka. You can leave me for good so I won't have to get in your way, if that's for the best."

"Aeros... Ano ba'ng sinasabi mo?"

Napangiti siya nang mapakla at hindi na hinarap ang dalaga. "Just leave. And don't ever come back. Please." Those words, however, soon left a thorn in his throat and also in his heart. Lumala ang sakit na nararamdaman niya nang walang salitang umalis si Lianne sa silid na iyon matapos ang mahabang sandali.

Sa puntong iyon, iniisip niya na tama lang ang ginawa niya. Wala namang nararamdaman para sa kanya si Lianne.

= = = = = =

"SIGURADO ka ba talaga na tama ang ginawa mo kay Lianne? 'Insan naman, itinaboy mo talaga siya, eh. Wala ka talagang utang na loob, alam mo ba 'yon? Matapos ka niyang tulungan."

Pero tila walang narinig si Aeros sa panenermon ni Nathaniel sa kanya. Hanggang sa mga sandaling iyon, nananatili pa rin ang sakit ng ginawa niyang pagtataboy kay Lianne sa kabila ng lahat ng ginawa nito para sa kanya. Pilit niyang isinisiksik sa kanyang isipan na tama lang iyon. Mahal niya ang dalaga pero kung ito naman mismo ang ayaw siyang mahalin, wala na sigurong dahilan para hayaan pang lumago nang husto ang nararamdaman niya para rito. Kahit masakit ay ginawa niya.

Naroon siya sa kanyang opisina sa Ortigas na nagsisilbi ring central office ng Esovia Corporation. Mahigit tatlong linggo na rin mula nang makalabas siya sa ospital. At kahit pinipilit ng mama niya na magpahinga muna siya, hindi niya ito pinagbigyan dahil gusto niyang ilayo ang kanyang isipan sa nangyari sa kanila ni Lianne. Hindi nga lang niya masabi kung nagtagumpay ba siya o hindi.

Ang sigurado lang niya, miss na miss na niya ang dalaga sa kabila ng nangingibabaw na sakit sa puso niya kapag naaalala ang mga narinig niyang sinabi nito. Pero sino ba ang niloloko niya? Hindi lang naman ang mga sinabi ni Lianne ang dahilan kung bakit nasasaktan siya nang mga sandaling iyon. Ang ginawa niyang pagtataboy rito—iyon ang pinakamasakit sa lahat. It was as if that act was the biggest mistake he ever made in his life.

Naputol lang ang pagmumuni-muni ni Aeros nang marinig ang pagbuntong-hininga ni Nathaniel na ilang beses na nitong ginawa kasunod ang pagkatok sa pinto. Ilang sandali pa ay pumasok ang kanyang sekretarya.

"Sir, may bisita po kayo. Si Mr. Willard po. Gusto raw po kayong makausap."

Si Riel? Ano'ng ginagawa nito roon? Mukhang importante ang sadya nito roon, ah. "Sige. Papasukin mo."

Tumango naman ito at agad na lumabas ng kanyang opisina. Ilang sandali pa ay tumayo na mula sa settee si Nathaniel. "Iiwanan muna kita rito. At puwede ba? Pag-isipan mo rin paminsan-minsan 'yang mga desisyon mo. Sana nga, kapag nakausap mo na si Riel, matauhan ka na at maisip mo rin kung anong klaseng sakripisyo ang ginagawa ni Lianne para sa 'yo. Kaya lang, sa kakitiran ng utak mo, hindi mo nakikita 'yon."

Gusto na niyang upakan ang pinsan niyang ito pero hindi niya magawa. Idagdag pa na tila tumagos sa kanya ang mga sinabi nito. Makitid nga lang ba ang utak niya at itinaboy niya si Lianne? Ayaw lang naman niyang masaktan ulit. Pero sapat nga bang rason iyon para gawin ang ganoon kay Lianne? Napailing na lang siya. Hindi na niya alam kung ano ang dapat gawin.

Ilang sandali pa ay pumasok na sa opisina niya si Riel. He had a calm expression on his face, but he was also exuding a completely different aura from what Aeros was used to. Hindi niya matukoy kung galit ba ito o ano. One thing he knew, Riel meant business.

"Mukhang busy ka these past weeks, ah," bungad ni Riel at saka naupo sa settee.

Umalis siya sa swivel chair na kinauupuan niya at lumipat sa single seater sofa na kaharap ng settee. "Kailangan. Maraming dapat asikasuhin pagkatapos ng lahat. May dalawang linggo rin akong nawala rito dahil sa nangyari sa akin. Ikaw?"

"Same old problem," simpleng sagot ni Riel at tumikhim. "Ang totoo niyan, hindi ang trabaho ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Gusto ko lang itanong. Ano ba ang dahilan at naisipan mong sabihin iyon sa kapatid ko?"

Sinasabi na nga ba niya. Riel was Lianne's older brother and guardian. Natural lang na maging ganoon ang kalalabasan ng lahat. Nag-iwas siya ng tingin. Pero hindi naman niya puwedeng ipagsawalang-bahala ang tanong nito. Hindi man niya masyadong kilala si Riel pagdating sa personal nitong buhay, isang bagay ang sigurado siya pagdating sa kaibigan niyang ito. Riel would scour the ends of the earth to discover everything he needed to find out, whether it was family-related or otherwise. Walang makakapigil sa kagustuhan nitong iyon. At mukhang hindi siya titigilan nito hanggang hindi nito nalalaman ang lahat ng kailangan nito mula sa kanya.

Huminga siya nang malalim bago hinarap si Riel at sinabi rito ang lahat ng mga narinig niyang sinabi ni Lianne noong naospital siya, maging ang nakita niya sa office building ng publishing company ng dalaga. Ang mga sinabi ng dalaga na nagbigay ng 'di maipaliwanag sa sakit sa kanyang puso. Tahimik lang na nakikinig si Riel sa kanya, hindi inaalis ang tingin. Matapos niyon ay wala nang namagitang salita sa kanilang dalawa. Seryoso lang ang mukha ni Riel kaya hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito nang mga sandaling iyon.

"Kahit kailan talaga, ang hirap intindihin ng mga sinasabi ng babaeng iyon. Pero kung kilala mo na kung paano mag-isip si Lianne, maiisip mo na walang intensyon ang kapatid ko na saktan ka dahil sa mga nasabi niya," kapagkuwan ay sabi ni Riel.

Kumunot ang noo niya sa narinig. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Kung gusto mong malaman ang lahat, mabuti pang manahimik ka muna. Ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat at siguraduhin mo lang at pakikinggan mo nang mabuti ang sasabihin ko sa 'yo. Nagkakaintindihan tayo?" matigas na saad ni Riel. Sapat na nga iyon upang matahimik siya. Kilala niya si Riel na bihirang magpakita ng galit kung ikukumpara sa ibang branch pillars ng Monceda clan. Kapag nagpakita na ito ng ganoong aura, mukhang kahit sino ay mapipipilan.

Huminga muna nang malalim si Riel at saka nagsalita. "I never allowed my sister to help me and the other active members of my clan with regards to our problem at all. Kahit nagpupumilit pa siya na tutulungan niya ako, hindi ko siya hinahayaan. Sa katunayan, malapit na naming masolusyunan iyon na hindi siya tumutulong sa akin. Tama ka. Mas pipiliin pa nga niyang mamuhay nang mag-isa kaysa ang magmahal. Pero nagawa lang niyang sabihin iyon nang mawala ang nanay namin at si Henry sa kanya na wala man lang siyang ginagawang paraan para mailigtas sila. Hindi lang ang kapatid ko ang may ganoong klaseng takot na nararanasan. Pati ako, at ang iba pang branch pillars ng Monceda clan, ganoon ang nararamdaman. Halos lahat kami sa Monceda clan, nawalan ng taong mahahalaga sa amin dahil sa impluwensiya ng angkan namin. But love will always be a force that you can never fight and prevent from coming, no matter how strong-willed you are. Over the months, I was able to prove that, thanks to you and Lianne.

"At hindi niya sinabi sa 'yo na tungkol sa pamilya namin ang dahilan kung bakit siya mawawala, 'di ba? Tama ka. Kung papipiliin siya, kung ang tungkulin niya sa pamilya o ang isinisigaw ng puso niya, walang dudang pipiliin niya ang kanyang pamilya. Pero hindi nangangahulugan na tatalikuran na niya ang nararamdaman niya para sa taong mahal niya. You've already hurt her when you pushed her away. Pero pinili pa rin niyang ituloy ang plano niyang imbestigahan ang nangyari sa 'yo sa kabila niyon. Nagawa na nga niyang alamin kung sino ang nasa likod ng pagbaril sa 'yo noon," paliwanag nito na nagpagulat sa kanya.

"Ano? Inimbestigahan niya iyon?"

"Oo, mula nang makita ka niyang nabaril sa harap ng building. Hindi siya tumigil hanggang hindi niya nalalaman kung sino ang may pakana ng pagbaril sa 'yo. Kaya lang, nalaman lang namin kung sino tatlong araw matapos mo siyang ipagtabuyan. Hindi na kami nagulat nang malamang ang sira-ulo mong ex-girlfriend ang may pakana niyon."

"Hindi pa ba tapos ang babaeng iyon na sirain ang buhay ko?" Hindi na niya napigilan ang pamumuo ng galit sa dibdib dahil sa nalaman. He should've known.

Nagkibit-balikat si Riel at bumuntong-hininga. "Hindi ka niya titigilan hanggang hindi ka niya nakikitang bumagsak. Sa 'yo lang naman kasi nasira ang mga plano niya, eh. Kaya huwag ka nang magtaka. My sister tried her best to discover the truth sa kabila ng ginawa mo sa kanya. Sa tingin ko, may palagay si Lianne na narinig mo ang mga sinabi niya sa 'yo noon sa ospital. Hindi niya intensyong masaktan ka dahil doon at sigurado ako sa bagay na iyon. Pero inintindi ka pa rin niya dahil hindi pa niya magawang ipaliwanag sa 'yo ang totoo. She may not look like it, but Lianne can be a really understanding person when she wants to. Kahit sa huli, siya rin ang masasaktan dahil sa pagiging maunawain niya."

Napahilamos na lang ng mukha si Aeros at isinandal ang katawan sa sofa. All this time, mali lang siya ng pagkakaintindi sa mga sinabi ni Lianne? Posible rin na may explanation ang nakita niyang tagpo sa canteen na nasa office building ng publishing company ng dalaga. Kung ganoon, baka may pag-asa pa siya sa dalaga. Ang kailangan lang niyang gawin ay suyuin ito at sabihin na rito ang tunay niyang nararamdaman.

"Where is she? Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya." Damn it! How could he be so stupid? Tama nga siguro si Nathaniel sa sinabi nito tungkol sa kanya. Makitid ang utak niya.

"Nagtatago sa ngayon, sa suhestiyon na rin ni Jian na tumutulong sa kanya sa imbestigasyon. Pero mag-iingat ka pa rin. Hindi pa nila nahuhuli si Maricar at ang mga kasamahan niya na nagnakaw sa mga kompanyang hawak mo. They were supposed to capture her today dahil sinabi sa akin ni Jian na alam na nila ang hideout ng mga ito," tugon ni Riel at saka inilabas ang cellphone nito.

No comments:

Post a Comment