Tuesday, April 26, 2016

I'll Hold On To You 20 - Forehead Kiss

[Relaina]

“MUKHANG… okay ka na, ah. Kahit papaano.”

Napatingin ako kay Mayu habang tinatahak naming dalawa ang ruta namin pauwi. I just smiled at her comment but decided against the fact to tell her what had really happened. Gaya nga ng sabi sa akin ni Brent, whatever happened in that place would stay there for good.

“Mukha ba? At saka… okay lang naman talaga ako, ah.”

Hay, naku naman, Relaina Elysse. Buking ka na nga, nakukuha mo pa ring mag-deny.

I saw my cousin rolled her eyes, which means hindi ito naniniwala sa sinabi ko. “Hay, naku! Bolahin mo na ang lahat, huwag lang ako, ‘no? Pinsan mo ako and at the same time, best friend mo kaya hindi mo ako mapaglilihiman.”

See? I told you. And so I just shook my head.

“I know. Pero okay lang talaga ako. Don’t worry so much dahil baka higit pa sa wrinkles ang makuha mo kapag nag-alala ka pa nang husto.”

Hindi na umimik si Mayu pagkatapos at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Ewan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko nang mga sandaling iyon. Parang… ang gaan ng pakiramdam ko. It was as if… tuluyan nang naglaho ang anumang parang nakadagan sa dibdib ko.

I didn’t have any idea about what Brent had actually done when he comforted me at that time besides embracing me. Pero kung ano man iyon, it helped me in a great deal.

It was definitely weird… but in a nice way.

“Uuy… ngingiti-ngiti na siya,” narinig kong tudyo ni Mayu, dahilan upang mabaling ang atensiyon ko rito.

“Ano nama’ng masama kung ngingiti-ngiti ako?”

“Wala naman. Pero dahan-dahan lang, ha? Kasi nangmumukha kang timang na ngumingiti ng walang dahilan.” At ang bruhildang ‘to, taas-baba lang ang kilay nito.

Ito yata ang timang sa aming dalawa at hindi ako, eh.

“Ako nang ako na naman ang pinapansin mo. Nananahimik na nga ako rito, eh.” At muli kong ibinalik ang focus ko sa daang tinatahak namin.

Si Mayu naman, natatawa. Well, more like she was giggling for some reasons I didn’t really want to know at that point dahil baka kung ano na namang kababalaghan ang tumatakbo sa utak ng babaeng 'yon. Wala muna akong planong malaman iyon.

Nasa park na kami nang kumunot ang noo ko. Was it me or I just heard someone calling my name? Napahinto pa nga ako sa paglalakad para lang masiguro ko kung tama nga ba ang narinig ko.

“O, bakit?” tanong ni Mayu na napahinto na rin sa paglalakad.

“Wala ka bang narinig na tumawag sa akin?” Napalinga-linga  na ako sa paligid para lang matiyak kung meron nga bang nilalang na naghahanap sa akin o wala.

Hindi nagtagal ay may napansin akong tumatakbo palapit sa direksiyon namin ni Mayu. There were two figures, actually. It didn’t take long for me to figure out who they were.

“Seriously, ano’ng topak meron ang ka-partner mo sa dance practicum at naisipan pa talaga nitong habulin ka hanggang dito?”

Napatingin ako kay Mayu at tinaasan ito ng kilay. “At ako talaga ang tinanong kung ano raw ang topak n’on? Hindi ka rin sira-ulo, ‘no?”

“Eh malay ko ba. Madalas naman kayong nagkakausap nitong mga nagdaang araw, ‘di ba?”

“It was only for our practice’s sake and nothing else,” pagdidiin ko.

“Sino’ng niloko mo?” narinig kong bulong ni Mayu at hindi ko alam kung pasusubalian ko ba iyon o hindi.

Kaya lang, ano naman ang sasabihin ko?

Pero bago pa ako makapag-isip ng ipangbabanat ko, nakalapit na sa amik ang tumatakbong sina Brent at Neilson. Ano naman kaya ang meron at naisipan pa akong hanapin ng dalawang 'to?

“Grabe… Ang bilis ninyong maglakad,” komento ni Neilson na hinihingal pa. “Nakikipag-marathon ba kayo at ganoon kayo kabilis maglakad?”

“Ang sabihin mo, mabagal ka lang talagang maglakad. Mag-exercise ka nga kasi nang hindi ka babagal-bagal,” banat naman ni Mayu. Of course, nagpasimula na naman iyon ng asaran blues – na may halong pasimpleng kilig – sa pagitan ng dalawang iyon.

Pero wala roon ang atensiyon ko kundi na kay Brent na hinihintay ko lang makapagpahinga. Grabe, sino ba naman kasi ang may sabi sa bugok na ito na tumakbo para lang hanapin ako?

And heck! Ano ba ang purpose ng lalaking ito at naisipan pa talaga akong hanapin?

“Dahan-dahan lang sa paghinga. May bukas pa.” I even tried to lighten up his mood but then I failed in that department.

He exhaled heavily one more time before he straightened himself up and faced me. Well, more like he was looking down on me dahil na rin sa height nitong 5’10” habang 5’4” lang ako.

Sheesh! Talk about me lacking such height when it comes to this guy. Bakit ba kasi ang tangkad nito?

“Sorry… Kailangan lang talaga kita kasing mahabol, eh.”

I frowned at his words. “Sounds like it’s really important.”

“Well, it depends on how you actually value it. But for me, it is.” May kinuha ito mula sa bag nito. Isang rectangular box iyon na kulay yellow, although the color was actually in a paler shade. “This is actually for you. I hope mapangiti ka niyan kahit papaano.”

Napatingin ako kay Brent na hindi naglalaho ang pangungunot ng noo ko. My heart was hammering inside my chest like crazy despite my obvious confusion. And yet, he was there standing in front of me holding a rectangular pale yellow box.

Hindi kaya…?

Bigla ang paglaki ng mga mata ko nang may maramdaman akong kung anong dumampi sa noo ko. Ang before I could fully comprehend what had happened, nakita ko na lang na nakatakbo na sina Brent at Neilson palayo sa amin. All I could do was to stare with wide eyes at his retreating figure.

Napatingin ako sa box na iniabot nito sa akin.

Did Brent actually… kiss me? On my forehead?

“Mukhang nakakarami na ng tsansing sa iyo ang lalaking iyon, ah,” tatawa-tawang komento ng pinsan ko.

Pero hindi ko magawang tumawa o magalit dahil doon. I didn’t really know what to think about all this, to be honest.

Hindi ko na pinatagal pa hanggang sa makarating na ako sa bahay ang curiosity ko pagdating sa box na iyon. Without further ado, I opened it as carefully as I could despite my hidden excitement whether I admitted it or not.

Pero nang tuluyan nang tumambad sa akin ang laman n’on, hindi ko na napigilan ang pagngiti ko nang maluwang.

He actually gave me 3 yellow tulips.

Well, if that guy really wanted to make me smile, then he surely succeeded.

Pero.. anong definition ba ang yellow tulip ang gusto nitong iparating sa akin? Because as far as I knew, yellow tulip had two meanings in the language of flowers.

“Aina, bakit? May problema ba?”

Napatingin ako kay Mayu dahil sa tanong nitong iyon. Pero hindi ko magawang sagutin iyon dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko rito.

It was understood if Brent gave me these flowers with the intention of making me smile. And maybe because he really wanted me to smile. Dahil sa language of flowers, ang isang definition ng yellow tulip doon sa “there’s sunshine in your smile”.

Pero may iba pang ibig sabihin ang bulaklak na iyon sa language of flowers. At ang kahulugang iyon ang madalas na ginagamit in association with yellow tulips.

“Isn’t yellow tulip usually defined as a flower that means one-sided love?”

Tumpak!

I was left completely speechless with that dahil iyon ang totoo.

Did Brent give me that flower because of the definition about smiles or because it bears two meanings?

That can’t be it… right?

++++++++++++

A/N: Okay… another flower that conveys a message. This time, doble pa ang message na kalakip ng yellow tulip na iyon. Pero grabe, ha? Ang tindi na ng moment ng dalawang ito. May crying moment pa talagang naganap sa previous chapter. Mabuti na lang, Brent at observant ka pagdating kay Relaina. Hayan tuloy, naging handkerchief and pillow ka niya at the same time. Haha!

Kung mapapansin n’yo, ngayon lang yata ako naglagay ng Author’s Note sa story na ito. Hindi po kasi ako sanay na naglalagay n’on maliban na lang kung may gusto talaga akong iparating sa mga readers. Please read and comment na rin kung may gusto kayong sabihin sa akin about this story, okay? :)

No comments:

Post a Comment