[Relaina]
Wala akong narinig na kahit anong tugon mula rito. Sa ‘di ko malamang rason ay nakaramdam ako ng kaba. Noon ko naisipang tingnan ulit si Brent na sa gulat ko ay nakatayo na pala may humigit-kumulang isang metro na lang ang layo sa akin.
Pero ang kaalamang mataman itong nakatingin sa akin sa distansiyang iyon sa pagitan na naming dalawa ang lalong nagpatindi sa kaba ko. Ano ba naman ‘to? Bakit kailangang ganoon pa ang iparamdam sa akin ng pagtitig ng lalaking ito sa akin?
“Uy! Para ka namang tuod diyan,” pabirong puna ko rito dahil sa totoo lang, hindi ko na matagalan ang tingin nitong iyon sa akin. “Wala ka man lang planong magsalita?”
But as I looked as him again, hindi ko naman maipaliwanag ang nakikita kong expression sa mukha nito. I thought it was somewhere close to… worry and perhaps even concern.
I remembered that he was looking at me the same way noong magsimula ang practice namin. And even the other day.
Pero bakit? Why would he look at me like that? Wala naman na dapat itong pakialam sa akin, ‘di ba?
“You don’t have to hide those tears from me, you know?”
Ikinabigla ko ang sinabi nitong iyon. Does that mean… he saw me crying?
Napakagat ako ng labi ko. I silently berated myself for being careless. Bakit sa lahat ng taong makakakita sa pag-iyak ko ay iyong tao pang pinakaayokong makakita n’on? Minamalas nga yata talaga ako ngayong araw na 'to.
Una, si Oliver na pinuntahan pa talaga ako sa lugar na iyon para lang kausapin ako. Sumunod naman si Brent na nakakita sa pag-iyak ko.
Ano ba namang klaseng kamalasan ‘to?
“Wala naman akong luhang dapat mula itago sa iyo, eh. Nagkataon lang na tapos na akong umiyak pagdating mo.” At ngumiti pa ako para lang makahalata ito na ayoko nang pag-usapan pa ang tungkol sa bagay na iyon.
Hindi nga lang ako sigurado kung makukuha ng kamoteng ‘to ang mensaheng gusto kong iparating.
“Is that how you want it to look like? Relaina, magsinungaling ka na sa lahat pero hindi mo maitatago sa akin na nasasaktan ka pa rin. The one person you can never lie to is yourself. And besides, kitang-kita sa mga mata mo kaya hindi mo ako mapagsisinungalingan,” seryosong pahayag nito.
Hindi na ako nakaimik doon at sa hindi ko malamang dahilan, biglang naging magulo ang lahat sa isipan ko. Hindi ko na alam kung ano pa nga ba ang dapat kong sabihin para lang pasubalian ang mga sinabing iyon ni Brent sa akin.
Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili kong muling napapaluha.
“Relaina…”
With that one call, I rashly looked up and faced him. “Bakit ba kailangan mong makita ang mga ito? Bakit kailangang makita mo pa akong ganito? Why does it have to be you, of all people?”
I could’ve shouted those questions at him. Pero ang tanging tinig na nagawa kong gamitin ay iyong uri na puno ng resentment at frustration. Hindi ko magawang sumigaw. Pagod na akong ilabas sa ganoong paraan ang galit ko sa lahat ng mga nangyayari.
Patuloy lang ako sa pag-iyak… hanggang sa namalayan ko na lang na lalo pa palang nakalapit sa akin si Brent. Nalaman ko na lang iyon nang makita ko ang ilang dangkal na distansiya namin. Kasabay n’on ang pagpatong ng mga kamay nito sa balikat ko, dahilan upang mapaangat ako ng tingin dito.
“Hindi ko rin naman ginustong makita ka ng ganito, eh. At hindi ko na gugustuhing makita ka pa ulit na ganyan ka. I know you’re just human who still has the right to cry but that doesn’t mean you should cry for that heck of a guy who broke your heart and made you like this,” sabi nito sa tonong para bang naiintindihan nito ang pinagdaanan ng puso ko sa Oliver na iyon.
Which was something na hindi ko talaga lubusang mapaniwalaan. Hindi ba pareho sina Brent at Oliver ng pananaw pagdating sa pakikipagrelasyon ng mga ito sa mga babae? Na pass time lang ng mga ito iyon?
Pero bakit… parang iba yata ang naririnig ko ngayon mula sa lalaking nasa harap ko? He was talking to me and saying those words as if… implying that I didn’t really know him that much. Na sa likod ng imaheng ipinapakita nito sa madla, may isang bahagi pa rin ng pagkatao nito ang ayaw nitong ipahalata.
Has this guy ever loved someone truly?
“Brent…”
He just smiled at me in such an understanding way. It was truly different from the smile na madalas kong makita mula sa lalaking ito.
“Go ahead. Cry all you want. I won’t stop you at all.”
Kumunot ang noo ko pagkarinig n’on. Ang gulo rin nitong kausap, sa totoo lang. Hindi ko masabayan.
Halakhak nito ang pumailanlang sa paligid na tila saglit na pinawi ang pagtatakang nararamdaman ko. Pero kasabay n’on ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko na hindi ko na ipagtataka kung paano nagsimula.
“Ano nama’ng nakakatawa at kung makahalakhak ka, ang tindi?” nakabusangot tuloy na tanong ko sa buwisit na ‘to. Ang tindi kasing manira ng moment, eh.
Okay na sana.
“Ano ka ba naman, Relaina? Ikaw na nga itong pinagbibigyan kong umiyak. Ang dami mo pang unspoken questions. Pero… kunsabagay,” he paused and eventually nodded. “Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan na lang ang reaksiyon mo. I know what I’m doing right now probably creeps you out –”
‘Buti naman at alam mo! Gusto ko sanang sabihin iyon dito pero nuncang sasabihin ko iyon nang harap-harapan dito, ‘no! Over my dead body!
“ – but I’m sincere, okay? Pero sa totoo lang… nakaka-disappoint. Alam mo ba ‘yon? Kung kailan naman sincere na ako sa ginagawa ko, saka mo naman ayaw paniwalaan.”
I became even more speechless because of that. Napatingin na lang ako sa sahig dahil hindi ko kayang tingnan si Brent. Gusto ko namang sabihin dito na naniniwala ako sa sincerity nito. In fact, nararamdaman ko iyon.
It was just that… hindi ko alam kung ang paniwalaan ito ang dapat ko lang maramdaman para kay Brent.
But then…
“Then…” pagdidisimula ko at napapikit. “Is it really okay… for me to cry? To let it all out? Kahit nakikita mo?”
Huli na nang namalayan kong isinandal ko na pala ang ulo sa dibdib ng lalaking nasa harap ko. But I could care less. Hinang-hina na talaga ang pakiramdam ko.
And this guy – who happened to be the one who always ruined my days prior to the truce we agreed on – came running there just to find me and now offering me the comfort I never even thought I'd get from him.
Talk about the irony…
Before I knew it, naramdaman ko na lang ang pagkilos ng mga braso nito para yakapin ako. Hindi ko alam kung dapat ko nga bang maramdaman iyon… but the security offered by those strong arms that wrapped around me was something I’d been wishing to feel for a long time. Aminin ko man o hindi pero iyon ang totoo.
“I won’t stop you from crying all you want. But of course, you have to promise me one thing.”
I stiffened when I heard it. Ano naman ang ipa-promise ko rito? Pero hindi ako umimik para pigilan ito or kontrahin ito. I just let him continue.
“This will be the last time… that you’ll allow those tears to fall because of that good-for-nothing jerk. Let it all out for one final time. Paraan mo na rin ito para tuluyang mag-let go at mag-move on.” After that, he distanced himself from me. But he was still holding me. “Can you promise me that?”
Disbelief was on my face, I was sure of it. Hindi ko na rin nagawang itago iyon. I wasn’t sure, but it seemed that I could never hide that from this guy anymore. Parang wala na ring silbi.
“If you’re worried about letting Mayu know about this, then no one has to let her know. Wala akong planong sabihin sa kanya ang pag-iyak na gagawin mo. Whatever happens in this place will stay in this place. Okay ba iyon sa iyo?”
Hindi na ako nakatugon pa. But I knew he could tell. Her silence means affirmative, kasabay na rin n’on ang pangakong hinihingi nito sa akin.
And with that, I leaned my head to his chest once more. He wrapped his arms around me once again – tighter this time – as my tears started pouring like the rushing waterfall.
Muling nauwi sa malakas na hagulgol ang tahimik na pag-iyak ko. I just let it all out… for one final time, just as Brent had said.
That’s right…
For one last time, I’d just let it pour. Ilalabas ko ang lahat ng galit, pait, at sakit na dala-dala ko pa rin hanggang sa mga sandaling iyon sa pag-iyak kong iyon. Besides… mas mabuti nang samantalahin ko na iyon.
Ang bait kasi ng mokong na kamoteng nakalibre ng yakap sa akin ngayon, eh. Whether he was doing all this comforting as a chance to show his true self or because sinasamantala lang nito ang pagkakataon dahil in effect pa rin ang truce namin, I had no idea. Pero sa ngayon, ayoko munang isipin ang dahilan nito.
Wala na akong iisipin pang dahilan. Ang mahalaga, mailabas ko ang lahat. Iyon na lang ang pagkakataon ko para gawin iyon.
Paano ba kita mapapasalamatan sa lahat ng ito, Brent?
No comments:
Post a Comment