Sunday, March 19, 2017

#IAmPrecious

Okay. Matagal-tagal na rin pala akong hindi nakakapag-post ng matino-tinong blog post dito. Sorry naman, mas busy ako sa pagsusulat ng manuscripts ko, eh. Yes, with ‘s’. Plural `yan, ah. Ngayon-ngayon lang, tiningnan ko ang FB newsfeed ko. I kept seeing posts about people and their PHR stories that most of the time had changed their lives. So I’ll post mine here instead of my FB wall/timeline. Para kapag hindi ko ito mahanap sa FB timeline ko kapag naisipan ko itong i-post doon, I could always look here.

Gaya ng naunang sinulat ko, nagsusulat ako ng manuscripts (with “s” so that means it’s plural). Noong una, wala talaga akong planong magsulat ng nobela. Masaya na ako sa pagsusulat ng short stories or even short skits para sa school noon. Nagbabasa rin ako ng mga pocketbook noon, mapa-PHR man o sa ibang publication houses. And I don’t consider them cheap at all. Isa ang mga pocketbooks sa nagpa-realize sa akin kung ano talaga ang gusto kong gawin.

Kaya sa nagsasabing isang “cheap piece of literature” ang mga pocketbooks, hindi siguro alam ng taong iyon ang hirap na pinagdadaanan ng nagsulat ng mga sinasabi nilang “cheap literature”. Siguro, para sa `yo, cheap iyon. Pero mas marami pa ring mga tao ang nakaka-appreciate ng mga pinaghirapang isulat ng mga pocketbook writers, kahit anong genre pa `yan. Hindi lang ng mga writers sa PHR, pati na rin sa ibang publication houses, both recognized and unrecognized. Though I have to say, mas marami pa rin ang romance. Nito lang naman nahaluan ng ibang genre ang ilan sa mga pocketbooks ngayon, eh, which is good. At least nag-e-expand na nang husto ang creativity at imagination ng mga writers. At ang appreciation na iyon ng mga readers (loyal readers and new readers) ang isa sa mga bumubuhay at nagsisilbing gasolina sa imagination ng mga pocketbook writers na nilalalait mo. Sila ang dahilan kaya hindi sumusuko ang mga writers na nilalait mo sa pagsusulat.

Show me a piece of your work that you wrote yourself. `Yong ikaw mismo ang nagsusulat at maipapakita mo sa iba, maipagmamalaki mo na hindi iyon katulad ng “cheap piece of literature” na sinasabi mo. And don’t write it in English. Hindi iyan ang mother language mo. Isulat mo `yan sa Filipino—sa wikang ginagamit ng mga writers na nilalalit mo.

Teka nga lang. Mukhang napaghahalatang medyo high blood ako sa pinagsusulat kong ito, ah. Haha! Sorry po. Nadala lang ng emosyon. Nakakainis kasi, eh. At since napasok na rin lang sa title ng post na ito ang tungkol sa PHR, shameless plugging na rin ang gagawin ko. Okay? Hehe! Sana naman makabili kayo ng first book ko under PHR at pati na rin ng first book ko under MSV.

Ang title ng book ko sa MSV ay Charming A Silent Heart by Florence del Rio. Pero itong book na ito ay ni-release lang as exclusive na e-book. So kung may e-book reader kayo na nag-a-allow sa inyo na makapag-purchase at makapag-download ng e-book sa Bookware Publishing (https://ebookware.com.ph), sana po isama n’yo ito sa listahan ng mga bibilhin n’yong e-books.

As for my book under PHR, YA ang theme niya since college students ang characters ko rito. Ang title naman ay Mirui’s Hyacinth: Smile At Me by Florence Joyce. Ito ang may print version and I know meron pa nito sa mga bookstores. May mga nadadaanan nga ako sa tatlong branches ng NBS dito sa Baguio, by the way). Kaya sana, isama n’yo rin ito sa listahan ng mga bibilhin n’yong pocketbooks.

Thank you so much!

No comments:

Post a Comment