Wednesday, October 2, 2019

the last sky of the earth 91 - knight's scene: casualty's aftermath

Isang malalim na buntong-hininga ni Mamoru ang tuluyang pumutol sa tensyunado at nakakabingi na ring katahimikan na nakapaligid sa conference room na iyon. Sa pagkakataong iyon, kumpleto ang 12 Knights at pati ang tatlong leader ng Shrouded Flowers. Sa leader ng Shinomiya clan, si Ryuuji ang nagdesisyong kumatawan kay Kourin sa hiling na rin ni Mari.

"So that traitor... is finally dead?" Nanami couldn't help uttering and soon faced her eldest brother. "Totoo ba talaga iyon, Kuya?"

"Alam mong hindi ako nagsisinungaling pagdating sa mga target na kailangan kong tapusin, Nanami." Kapagkuwan ay hinarap ni Shigeru si Chrono. "Pasensya na kung medyo malaki ang naging sira ng motorsiklo mo dahil sa nangyari. That's one of your collections, right?"

"Hey, don't sweat it. Mas mahalaga pa rin ang buhay mo kaysa sa mga collection ko. Lalo pa't isang dating Miyuzaki ang pinatumba mo. That's worth more than my motorcycle, if you ask me," Chrono replied as he smiled.

Sapat na kay Shigeru iyon para mapangiti rin siya kahit papaano. Pero panandalian lang iyon dahil may agad na sumagi sa kanyang isipan. "But I think this event will only trigger the Dark Rose to move further and proceed with their plan."

"Kuya, matagal na nating alam ang tungkol sa bagay na iyon. Why do you think we're out there working our brains and our asses off to end this if we don't know that?"

"Mas magiging agresibo pa sila ngayong namatayan na sila ng isa pang miyembro, Kana. But from what I can see, the Dark Rose are also ready to kill each other if they failed to take any of us down," seryosong wika ni Shigeru at pinagsalikop ang mga kamay na nakapatong sa conference table kung saan siya nakapuwesto.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ni Shouda.

Bumuntong-hininga muna ang Death Stalker bago muling nagsalita upang sagutin ang tanong ng Miyuzaki clan leader. "At that time, I knew Oceanus would never be able to get out of that wrecked car. Pero handa pa rin siyang gawin ang lahat para tapusin ako. I was injured, but I know I would still be able to kill him. Pero hindi ko rin inasahan na may darating sa lugar na iyon para masigurong walang maiiwang bakas ang kasamahan nila. Someone blew up the car by shooting the fuel line where the gas already leaked."

"Well, we already know they're capable of doing that. Wala nang bago roon, Kuya," wika ni Tsukasa. "But how come hindi ka nila tinira? They already had the chance to do that. And yet, they chose to blow up Oceanus' car instead?"

"Iyon din ang hindi ko maintindihan. Pero kung pakaiisipin natin ang agenda at target ng natitira pang miyembro ng Dark Rose, mukhang may ideya na ako kung bakit ganoon ang ginawa nila kahit na may pagkakataon na nga silang tapusin ako."

Hindi nagtagal at naisip din nila kung ano ang ibig sabihin ni Shigeru.

"In your case, Shigeru, it's Poseidon, isn't it? You think he has something to do with this?"

"Hindi ko alam, Ryuuji. Pero kung ganoon nga ang sitwasyon, mas dapat tayong maghanda. Alam ko kung paano siya lumaban at malaki ang palagay ko na uunahin muna niya ang sinuman sa mga kapatid ko para galitin ako nang husto bago niya ako tuluyang harapin."

"Maliban na lang kung uunahin natin ang kapatid niya," wika naman ni Hotaru kapagkuwan.

Pero umiling si Satoru. "Iyon ay kung hindi ka niya uunahan, Hotaru. Baka nalilimutan mo, ikaw ang target niya dahil ikaw ang maikokonsiderang katapat niya pagdating sa pakikipaglaban."

"The one thing we can do right now--" Kenji paused. "--is to look out for each other. Lalo na ngayong may napatay na nga sa mga natitirang miyembro ng Dark Rose. But that doesn't mean we'll be neglecting our most important duty of all--and that is to protect the Shinomiya princess."

"She is, after all, our last hope in rebuilding everything we've lost that night," ani Shouda at napatango bilang pag-ayon sa sinabi ni Kenji. "Pero mangyayari lang iyon kapag nawala na sa landas natin ang Dark Rose."

"Mangyayari rin iyon," sabi ni Ryuuji. "Hindi man nagsasabi ng kahit na ano si Lady Kourin, alam kong naniniwala siya sa atin na magagawa nating tapusin ang gulong ito."

"Which is all the more reason why we should do our best to protect her, right?" Amiko stated with a determined smirk.

"At least for her brother's sake... Iyon ang huling hiling ni Hitoshi sa atin."

xxxxxx

"You think he's being suspicious?"

Hindi na kailangang lumingon ni Chrono para malaman kung sino ang nagsalitang iyon. Nagkataon namang tapos na ang conference nila nang makita niyang buhat-buhat ni Seiichi si Kourin sa likod nito kaya naisipan na rin niyang salubungin ang dalawa. Biglaan man ang naging entrada niya, pero wala na siyang pakialam dahil mas mahalaga na madala niya sa silid nito ang walang malay na si Kourin.

"I don't know. But I could tell that he's being careful. At least towards the princess," sagot niya sa tanong ni Mamoru. "And I think he couldn't remember me."

"Dahil wala ka naman sa mansyon noong mga panahong nanatili roon si Seiichi. Si Julie ang alam kong isa sa mga nakakausap niya noon."

"No, that's not what I meant."

"Ha?" Mababakas sa tinig ni Mamoru ang pagtataka na hindi naman madalas nangyayari.

Ilang sandaling namagitan ang katahimikan sa magpinsan bago nag-umpisang maglakad si Chrono papasok sa mansyon. Agad namang sumunod sa kanya si Mamoru.

"Ano'ng ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina?" tanong ni Mamoru na matiyagang hinintay ang magiging sagot ng pinsan.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Chrono bago muling nagsalita at hinarap ang pinsan. "Alam mong minsan na akong nagtungo sa Mt. Cleantha, 'di ba?"

Tumango naman si Mamoru. "Pero ano'ng kinalaman n'on sa ibig sabihin ng mga binanggit mo kanina?"

"Hindi lang si Hayato ang naroon nang maganap ang aksidenteng naging dahilan para mawala ang ilang bahagi ng alaala ni Seiichi. I was there when he fell... because I was given the mission to find out the truth about Masujiro Yasunaga's connection to Princess Harukaze. Sa utos na rin ni Lord Hitoshi."

No comments:

Post a Comment