HINDI sigurado si Nanami kung para saan ang kabang bigla niyang naramdaman, dahilan upang mapatigil siya sa ginagawang swordsmanship practice sa dojo ng mga Shinomiya. Doon niya naisipang ibuhos ang oras na wala pang ipinapagawa sa kanya ang sinuman sa apat na leaders ng Shrouded Flowers.
Kahit sabihin pang naiintindihan ni Nanami ang posibleng dahilan kung bakit madalang silang bigyan ng anumang trabaho, hindi pa rin siya matahimik. Idagdag pa ang naging huling laban ng nakatatandang kapatid na ikinamatay ni Oceanus. Oo nga't ikinagulat niya iyon. At masama mang isipin, nakaramdam siya ng tuwa sa nangyari.
One of the thorns trying to hurt and destroy what remained of the Shinomiya family was gone. But it only added more danger to the real threat that could kill them all if they were not careful. Pero kahit alam ni Nanami ang tungkol sa katotohanang iyon, hindi pa rin niya maintindihan kung para saan ang isa pang kabang ilang araw na niyang nararamdaman.
Nanami did one more round of sword strikes and slash moves before calling off her practice. Kahit papaano ay kumalma siya matapos gawin iyon.
Sa paglingon ni Nanami ay ganoon na lang ang pagngiti niya nang makita sa bukana si Shigeru. "Shigeru-nii."
"'Di ba dapat 'Kuya' na ang itawag mo sa akin? Wala na tayo sa Japan para gumamit ka pa ng honorifics dito."
"Come on. They still meant the same." Inayos muna ni Nanami ang mga ginamit na shinai at bakuto sa dapat kalagyan ng mga iyon bago nilapitan ang nakatatandang kapatid. "Mukhang busy ka pa rin, ah. Nadagdagan na naman ba ang dapat mong trabahuhin?"
"Stop worrying about my job for now, Nana. Ikaw ang ipinunta ko rito. It's been a long time na hindi man lang kita nakakausap nang matino."
Nanami couldn't help smiling about his brother becoming dramatic all of a sudden. "Kuya, wala kang dapat na ipag-alala sa akin. Kilala mo ako. Hindi ako marunong magpatalo sa kahit na anong laban na ihain sa akin."
"I know that because I trained you that way. Pero hindi naman nangangahulugan na hindi na tayo puwedeng umasta na normal sa isa't-isa. Na para bang hindi delikado ang mga pinaggagagawa natin na lingid sa kaalaman ng lahat."
"Since when are we normal?"
But all Nanami got as a response was a sigh from Shigeru. Natawa siya nang makita ang pag-iling nito.
"Ang akala ko, si Kana lang ang may taglay na kakulitan. Kailan ka pa natutong mamilosopo, ha?"
"Si Ate Kana ang sisihin mo."
Sabay na lumabas ng dojo sina Nanami at Shigeru at naisipang magtungo sa mansyon para makapagpahinga kahit sandali at mangyari na ang pag-uusap na gustong gawin ni Shigeru sa kasama ang bunsong kapatid.
"How come you never told me about our family's connection to the Yasunaga?" Nanami asked out of the blue.
And yet it seemed that it wasn't enough to surprise Shigeru. In fact, it looked like he expected it already.
"Hindi pa ako sigurado noong una. Up until a year before before the attack when I discovered one of my agents' secret missions. Noon ko lang nalaman na ang isang trabaho ni Oliver Seo na hindi niya sinabi sa amin ni Lady Shouda ay ang misyong kumpletuhin ang lahat ng mga importanteng artifacts na may kinalaman sa Yasunaga clan. Not only did he do it under Lord Hitoshi's orders, but also to fulfill his friend's last wish," sagot ni Shigeru habang tuluy-tuloy silang magkapatid sa paglalakad.
Pero tila sapat pa rin iyon para mapahinto si Nanami at tingnan ang nakatatandang kapatid. "His friend's... last will? So you're telling me that this friend of his... was already dead by the time you figured out his other mission?"
Tumango si Shigeru. "Killed, to be exact. It was around the same time na napatay ang mga magulang ng magkapatid na Wilford."
"Did he even give any specific detail about the identity of this friend of his? Kahit sabihin pa na para nga ito sa kaibigan niyang napatay, ikaw pa rin ang isa sa sinusunod ni Oliver. So he must have still mentioned something about the person that he would be willing to risk his life for in order to fulfill this last wish."
Ilang sandali ring hindi nakapagsalita si Shigeru na bagaman hindi na ipinagtaka ni Nanami, hindi pa rin niya mapigilang kabahan sa kung ano man ang makukuha niyang sagot sa nakatatandang kapatid.
'Di nagtagal ay bumuntong-hininga ang binata at saka hinarap si Nanami. "Oliver only said a few things about this friend of his. Sinabi lang niya na isa itong Yasunaga at hawak ng anak nito ang susi para maibangong muli ang karangalan ng angkang iyon. That friend was willing to risk his life for his son who would be inheriting a very important position in the future. And that position has something to do with the fallen Yasunaga. Pero mangyayari lang iyon kapag nagawang hanapin ni Lady Kourin ng sagot ang pinakaimportanteng tanong na iniwan ni Lord Hitoshi sa kanya."
Kumunot ang noo ni Nanami. "What do you mean?"
"Lord Hitoshi left an important riddle that will give an answer to the true connection of the Yasunaga clan to that of the Shrouded Flowers. But the princess has to do it before the Dark Rose destroy every clue there is related to it."
"May taning ba na kailangan nating pakaisipin para magawa iyon ni Lady Kourin?"
Tumango si Shigeru at tumigil sa harap ng isang portrait kung saan nakapinta roon ang tatlong magkakapatid na Shinomiya. "Lady Kourin has to solve that particular riddle before her official succession ceremony."
Nanlaki ang mga mata ni Nanami sa sagot na narinig. "But... that would be seven months from now!"
"Which means we don't have much time," Shigeru said in a grave tone. "Kailangan na nating tapusin ang lahat ng ito bago tuluyang i-acknowledge ng lahat ang prinsesa bilang bagong leader ng Shinomiya clan at ang magiging kauna-unahang babaeng leader ng Shrouded Flowers. Lady Kourin could only lead us amazingly if we eliminate the thorns that would cover everything about us in blood. At hinding-hindi ko sila hahayaan pang patuloy na manggulo sa atin. Tama na ang nangyari sa atin two years ago. We have to be even more ruthless than we have ever been if we want to finally see the end of this senseless war."
No comments:
Post a Comment