Chrono had just given Mamoru an even bigger reason for the Yumemiya clan leader to decide to leave the mansion and head somewhere else just to confirm his suspicion. Hindi talaga niya inasahan ang ipinagtapat sa kanya ng pinsan tungkol sa isa na namang iniutos ni Hitoshi rito. Gusto na talaga niyang magwala dahil sa dami ng tanong na nagsusulputan sa kanyang isipan tungkol sa mga ipinapagawa ni Hitoshi sa kanilang lahat bago ito napatay.
Pero hanggang doon lang ang kaya niyang gawin. Kahit na ganoon nga ang kagustuhan niya, hindi pa rin niya tuluyang maisasagawa iyon dahil wala na ring silbi.
‘This isn't just about protecting the last princess of the Shinomiya clan. May iba ka pang gustong protektahan pero hindi mo na magawa kaya sa amin mo iniutos ang tungkol doon.’ Iyon ang naisip ni Mamoru habang nakatingin sa labas ng bintana ng kanyang study room. Hitoshi had left them more mysteries to solve than any of them could imagine.
"You shouldn't be thinking too much. Lalong makakasama sa 'yo iyon."
Marahas na bumuntong-hininga si Mamoru at nilingon ang nagsalitang iyon. "Alam mo, Tetsuya, bihira ka na nga lang magpakita sa akin, kung anu-ano pa ang pinagsasasabi mo."
"Aba, nagsasabi lang ako ng katotohanan at wala nang iba. Talaga namang makakasama sa 'yo ang mag-isip nang husto. Sige ka. Ikaw rin. Baka hindi mo na mamalayang nasisiraan ka na ng bait pagdating ng araw."
"Eh kung ikaw kaya ang hayaan kong masiraan ng bait? Gusto mo?"
Pero ang walang-hiya, nakuha pa talaga siyang ngitian lang. "Masyado mo akong mahal para gawin iyon."
Seryosong usapan, saan ba nakuha ng lalaking ito ang ganoong klaseng bilib sa sarili? But even so, this trait was one reason why Tetsuya was... Well, Tetsuya. Inborn na yata rito ang pagiging bilib sa sarili nito. Nakapagtataka lang talaga kung paanong natatagalan ni Lady Kourin ang ugaling iyon ng pinsan niyang ito.
Anyway, getting to the real issue...
"Saan ka nga pala galing at ngayon ka lang umuwi rito?" tanong ni Mamoru kapagkuwan.
"Sandali lang po, Otou-san (father). Darating din tayo sa isyung 'yan."
‘Seriously, this guy!’ Hindi na talaga nauubusan ng banat ang taong 'to. Matino pa ba talaga ang takbo ng utak nito? "Tetsuya..."
"I went to Lorlea Valley," Tetsuya replied somberly that soon changed the atmosphere between the two Moon Knights. "I'm still looking for anything related to the Ethereal Sky. Isa ang lugar na iyon sa posibleng may hawak ng sagot na kailangan ko."
"Is this about Lord Hitoshi's orders again?" hindi naiwasang itanong ni Mamoru na bahagyang ikinagulat ni Tetsuya.
Pero sandali lang iyon. Kapagkuwan ay umiling ito. "No. Nagawa ko na ang huling iniutos sa akin ni Lord Hitoshi at iyon ay ang protektahan ang Iris Sword na minsang nasa pangangalaga niya. Tama lang na gawin ko iyon dahil alam kong alam mo na pinagsisilbihan ko sa ngayon ang kasalukuyang head ng Miyamoto clan."
"Pero... hindi naman pag-aari ng Miyamoto clan ang Iris Sword, sa pagkakaalam ko," nagtataka nang komento ni Mamoru.
"Tama ka. Hindi nga pag-aari ng angkang iyon ang Iris Sword. But it's still a property of the Yasunaga clan that was usually used in conjunction with the Full Moon Sword as ceremonial items, much like the Shrouded Flowers' succession items. Those two swords were given the same function, not just for the acknowledgement and succession of the future leader of the Yasunaga clan but also as a way to acknowledge the identity of the elusive Ethereal Sky," seryosong pahayag ni Tetsuya.
Gustuhin man ni Mamoru na magulat sa mga pinagsasasabi ni Tetsuya sa kanya ng mga sandaling iyon, hindi niya magawa dahil mas nangingibabaw ang mga tanong na agad nagsulputan sa kanyang isipan. And to think that Tetsuya was this serious as the young man was telling him all this information, this was truly no laughing matter for the Yumemiya clan's resident jester.
"Ano'ng mga nakita mo roon?" tanong ni Mamoru makalipas ang ilang sandali.
"You mean, aside from trees, rocks, and rivers? Weird-looking tunnels, though a few of them were man-made and I thought that they were used to at least keep something important. Pero wala. O baka hindi ko pa nakikita ang tamang lugar." Huminga ng malalim si Tetsuya kapagkuwan. "Anyway, babalik pa rin naman ako roon. Hindi ko pa nalilibot ang buong lugar para sukuan ko iyon."
Hindi na nagkomento si Mamoru dahil maging siya ay ganoon din ang gagawin sa parehong sitwasyon kung sakaling sa kanya napunta ang misyong iniatang kay Tetsuya. After all, that place was one of the locations indicated as a part of the Eight Celestial Points.
‘The valley of the golden sunrise... guarding the secrets of the sky…’ But how long would that valley do its job of guarding whatever it was that it had to protect? Nauubusan na sila ng oras. Lalo na ngayong patay na si Oceanus. Hindi na magdadalawang-isip ang Dark Rose na gumanti pagkatapos ng mga nangyari.
"Ano pala ang nangyari sa imbestigasyon sa Casimera? May mga iba pa ba kayong nalaman bukod sa impormasyong may kinalaman ang isang Miyuzaki sa pagtatago ng kung ano mang sikreto meron ang Yasunaga clan? Sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala nang marinig ko iyon, eh," tuluy-tuloy na pagsasalita ni Tetsuya na ikinatawa na lang ni Mamoru.
"Sa ngayon, wala pang dagdag na impormasyon dahil hinihintay ko pa si Akira. Hindi pa rin siya nakakabalik hanggang ngayon."
Hindi maiwasang pangunutan ng noo si Tetsuya sa narinig. "That's weird. I thought he headed back here right after we talked in Casimera. Huwag mong sabihing naisipan pa niyang magliwaliw pagkatapos n'on?"
"Kung ano man ang dahilan niya, tiyak na importante iyon. But right nowㅡ" Mamoru paused as he looked outside the window once again. "I think it's my turn to head out to Casimera."
"Well, just be careful. Hindi mo alam kung sino ang posibleng sumunod at magmasid sa mga kilos mo. There was one who even followed me all the way to Lorlea Valley. Sayang nga lang at hindi ko nalaman kung sino siya."
"Ever had a clue on that person's purpose in following you all the way there?"
Umiling lang si Tetsuya. Sa itsura nito, parang hindi man lang ito apektado na may nagmamanman sa mga kilos nito. "Gusto ko nga lang isipin na may crush sa akin ang kung sino mang nilalang na iyon."
Napailing na lang si Mamoru sa kung anong masamang hangin ang pumasok sa utak ni Tetsuya para magsabi ng ganoon. Mananatili na lang sigurong misteryo sa kanya kung paano ito natagalang pakisamahan ni Kourin bilang shadow guardian ng dalaga.
xxxxxx
Gaya ng sinabi na niya kay Tetsuya, nagtungo si Mamoru sa bayan ng Casimera kung saan ibinalita sa kanya ng pinsan ang tungkol sa komeksyong nakita nito at ni Akira na magkakabit sa pangalan ng mga Miyuzaki sa angkan ng mga Yasunaga. Oo nga't gaya nina Ryuuji at Shigeru, matagal na niyang iniimbestigahan ang tungkol sa koneksyong iyon. Kahit noong unang beses niyang marinig ang tungkol doon, hindi maikakaila na ikinagulat niya iyon.
Pero kahit misteryo pa rin kay Mamoru ang tungkol doon dahilan upang ngayon nga ay magtungo siya sa Casimera, may iba pang rason kung bakit naroon siya sa bayang iyon. Paglabas niya ng sasakyan ay walang lingon-likod na tinahak niya ang liblib at tagong daan patungo sa pinasabog na templo. Sa buong durasyon ng kanyang paglalakad, hindi niya mabitaw-bitawan ang kung ano mang hawak niya sa loob ng bulsa ng suot niyang jacket. Kasabay niyon ay agad na naging alerto ang sistema niya sa anumang posibleng panganib na makaengkuwentro niya. Lalo na ngayon na wala siyang kasama dahil iyon nga ang intensyon niya. Hindi rin siya makakakilos nang maayos kapag may nakabuntot na kung sino sa kanya.
Huminga nang malalim si Mamoru nang marating na niya sa wakas ang lokasyon ng pinasabog na templo six months ago. From the space of the area alone, he could already tell that the temple previously standing tall there was a massive one. And only a crazy pyromaniac and explosives expert could bring down something as massive as the Kusanagi Templeㅡalso known as the Temple of Silence.
Just as Tetsuya had reported, may ilang bakas pa ring naiwan ang templo sa kabila ng pagsirang ginawa rito. Nang maalala niya iyon ay agad siyang nagtungo sa sinasabi ng pinsan na bahagi ng temple wall na may bakas pa rin ng kung anong nakasulat doon.
Isa na roon ang tungkol sa babalang iniwan ng isang Miyuzaki para sa mga nagtatangkang alamin ang anumang may kinalaman sa Yasunaga clan.
'Di nagtagal ay nakita na ni Mamoru ang hinahanap niyang bahagi ng nasirang templo. Pinaraan pa niya ng kanyang palad ang bahagi ng nasunog na temple wall kung saan nakaukit ang mga salitang tinutukoy ni Tetsuya.
"Tama nga siya..." ani Mamoru sa sarili at pinakatitigan pa nang husto iyon.
‘Ang ibig sabihin lang nito, ito ang ginamit na basehan ng Dark Rose para malaman na may buhay pang descendants ng Yasunaga clan,’ saisip ni Mamoru at tumayo bago pinaikot ang tingin sa paligid. "This is also one reason why they went after Oliver Seo and killed him.
"It took you long to realize that."
Kagyat na napalingon si Mamoru sa pinagmulan niyon. Pero bago pa man niya magawang makita nang husto kung sino ang nagsalitang iyon, sumunod na niyang narinig ang pagputok ng baril at ang awtomatikong pagtakbo na ginawa niya para maiwasan iyon. As soon as he was able to evade that first gunshot, another one followed. Thanks to that, however, the Whirlwind Falcon was able to finally realize the one targeting him.
"Cronus..." Mamoru muttered in greeted teeth. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod ng isang paa sa lupa nang iwasan niya ang pagbaril na iyon sa kanya. He should've known.
"I guess you really miss me, huh? You can't seem to forget me," Cronus taunted with a sneer. But soon turned serious.
"You're right, I couldn't. Not once have I forgotten the person who killed my fianceé."
"Oh, come on! You're a good-looking guy. It's not that hard for you to replace her."
Kulang na lang ay maputol na ni Mamoru ang kung ano mang hawak-hawak sa loob ng bulsa nang marinig iyon. Pero nagpigil na lang siya dahil may isang bagay siya na gusto niyang siguruhin mula rito. For Cronus to suddenly appear to him like this, hindi nakapagtataka na may pakay ito sa kanya. Just like before... Just like the time his fianceé Chie was killed in an ambush.
"What do you want?" Mamoru icily asked.
Not long after, the tension in the air intensified as Cronus still pointed the gun to Mamoru. Pero nanatili lang nakatayo roon ang leader ng Yumemiya clan. Sa katunayan, hindi niya inaalis ang tingin dito at nakipagsabayan ng titigan sa kalabang kasalukuyang may baril na itinutok sa kanya.
"Your death."
Those words alone made Mamoru run as soon as Cronus fired several shots towards him. Aminado siya na kinilabutan siya sa malamig na paraan ng pagkakasabi niyon. Pero naman niya akalain na mas mabilis nitong gustong gawin ang pakay na patayin siya. At the moment, he just ran and found a place to hide and prepare himself to deal with a Dark Rose member who was on his own hit list. Agad niyang kinuha ang dalawang baril na parehong nakatago sa likuran niya na natatakpan ng jacket na suot. Kinasa niya ang dalawang baril at saka pinakiramdaman ang paligid.
Mamoru did his best to heighten his senses in order to discern Cronus' next moves. Unti-unting humihigpit ang hawak niya sa dalawang baril habang pinapakiramdaman ang paligid para sa posibleng susunod na pagsugod ng kanyang kalaban. Mayamaya pa ay naningkit ang mga mata niyang tiningnan ang isang direksyon. 'Di nagtagal ay lumabas na siya sa pinagtataguan upang makipagpalitan ng putok ng baril kay Cronus na malapit lang pala sa kinatatayuan niya.
Mamoru did so without losing his thoughts on the item that was in his pocketーthe reason why he insisted on heading to Casimera alone in the first place.
‘Don't worry, Hitoshi. I'm not going to die here. Not until I finally finish the mission that you entrusted to me…’
Tama. Hindi pa ito ang tamang panahon para mapatay siya ni Cronus o ng kahit na sinong Dark Rose members.
No comments:
Post a Comment