Friday, April 17, 2015

Don't Fear This Love - Chapter 4

GAYA NG napag-usapan nila ni Nelmark kahapon ay kasabay ni Sharian ang binata sa pagre-review para sa Quiz Bee nila sa susunod na linggo. Although napapansin ng dalaga na parang in good mood naman ang kasama niya ay mahahalatang nakikiramdam sila sa isa't isa. Naghihintay kung sino ang dapat na maunang magsalita.

Mabuti na nga lang at hindi pinanis ng lalaking ito ang laway niya dahil ito naman ang kumakausap sa kanya. Civil nga lang ang pagtrato nito sa kanya na bagaman nakapagtataka ay hinayaan na lang niya. Mas maganda na ang ganito kaysa naman sa nag-aangilan at nag-aaway sila sa tuwing nagkikita silang dalawa.

Ilang sandali na naman silang natahimik at ipinokus na lang niya ang pagbabasa sa librong last week pa niya nilalamay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya natatapos basahin.

"Nawi-weird-uhan ka siguro sa akin ngayon, 'no?" bigla ay untag nito sa kanya na bumasag sa katahimikan nilang dalawa.

Napatingin siyang bigla sa mukha nito dahil sa tanong na iyon. Only to be surprised dahil nakangiti sa kanya si Nelmark at matiim na nakatitig sa kanya. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso niya na labis niyang ipinagtataka dahil hindi naman ganito ang epekto ng kumag na ito noon sa tuwing nagkikita sila.

"Sa totoo lang, oo. Iba kasi ang Nelmark Ortega na madalas kong makasalamuha noon, eh. Kaya huwag kang magtaka kung nawi-weird-uhan man ako sa iyo ngayon," walang-gatol na pag-amin niya.

"I'm sorry," anito sa mahinang tinig bagaman nakaabot pa rin sa kanyang pandinig.

"Sorry saan?"

"For everything that I've done to you para magalit ka't mainis sa akin," hindi nakatingin sa kanyang saad nito kaya hindi niya tuloy matukoy kung totoo at sincere ba ang sinasabi nito.

Pero hindi niya maiwasang mapangiti dahil hindi niya akalaing darating ang araw na ito.

"Why do I have a feeling na parang gusto ko pang ipagpasalamat na lumala ang sakit mo noon?" birong tanong niya na hindi para dito kundi para sa sarili niya.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" takang tanong nito.

Umiling na lang siya at saka tumayo upang tunguhin ang bookshelf na nasa tabi lang ng table kung saan sila nakapuwesto upang kumuha ng panibagong librong babasahin. Pero nang kinuha na niya ang librong kailangan niya ay bigla siyang kumapit sa bookshelf dahil nag-uumpisa na naman siyang manghina at parang mahihilo.

Kahapon pa ganito ang nararamdaman niya subalit hindi siya nagtungo man lang sa clinic o kausapin ang mga magulang niya tungkol dito. Dahil kung ginawa niya iyon ay tiyak na mag-aalala ang mga ito sa kanya at hindi niya magagawang makapag-concentrate sa mga studies niya.

Nang pakiramdaman niya ang kanyang sarili ay parang bigla siyang napaso. Hindi na magandang indikasyon iyon. Pero hindi dapat na malaman ng kahit sino, maging si Nelmark, na may lagnat na siya. Balak na sana niyang umuwi upang doon na sa bahay makapagpahinga subalit nakakailang hakbang pa lang siya ay tuluyan na siyang natumba.

Then all of a sudden, everything around her went black.

BIGLANG NAPATAYO si Nelmark na makarinig ng kalabog sa katabing bookshelf. At bigla ay naalala niya si Sharian kaya naman agad na tinungo niya ang puwestong pinuntahan ng dalaga.

Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang bumungad sa kanya ang walang malay na si Sharian na nakahandusay na sa sahig. Agad niya itong dinaluhan at sinipat ang kalagayan. At ganoon na lang ang pag-aalala niya nang maramdamang mataas na ang temperatura nito.

Nilalagnat na ito! At marahil ay dahil iyon sa stress na natamo sa sobrang pag-aaral, maging ang madalas na pag-uukol nito ng atensyon para sa Quiz Bee nila.

Aminin man niya o hindi, hanga siya sa determinasyon at sipag nito sa pag-aaral. Subalit hindi niya akalaing darating sa puntong susuko ang katawan nito dahil doon, isama pa ang stress na kinakaharap nito.

Agad niyang binuhat ang dalaga at dinala sa clinic subalit wala nang tao roon. Kaya naman isinakay na lang niya ito sa kotse niya. Matapos niyon ay agad siyang bumalik sa library upang kunin ang mga gamit nila. Saka niya tinungo ang kotse upang madala sa ospital ang dalaga na talagang inaapoy na ng lagnat.

Nang makarating sila sa ospital ay agad niyang binuhat si Sharian upang maasikaso na ng mga doktor at nurses na naroon. Matiyaga siyang naghintay doon upang masiguro ang kalagayan nito. At habang naghihintay na lumabas ng silid ang doktor na siya ring sumuri sa kanya noon ay hindi niya naiwasang mapaisip.

Marahil ay ganito din ang naramdaman ni Sharian nang dalhin siya nito at nang pinsan niya sa ospital noong makita siya ng dalaga na nakahandusay sa parking lot na duguan ang noo.

Kung marahil ay magkaaway pa rin sila nito, nunkang tinulungan niya ito. Pero dahil kahit papaano ay utang na loob niya ang buhay niya dito ay nais niya itong pasalamatan in any way na kaya niya. Isa pa, ang pangyayaring iyon ang nagmulat sa kanya na mali ang naging pagtrato niya rito. That's why he's tamer now, with or without Sharian's presence.

He owe her that.

Kaya ngayong ang dalaga naman ang nasa alanganin, it's about time na ito naman ang asikasuhin niya.

Nang makita niyang lumabas ang doktor na tumingin sa dalaga sa silid ay agad siyang napatayo at nilapitan ito.

"Doc, kumusta na po siya?"

"Don't worry, hijo. Pahinga lang ang kailangan niya. Overfatigue at stress ang dahilan kung bakit siya nilalagnat ngayon. Anyway, pinainom ko na siya ng gamot. Ikaw na lang muna ang mag-asikaso ng sponge bath niya dahil medyo mataas pa rin ang lagnat niya," anito na hindi kumukurap at nang makapagpaalam ay agad na itong umalis.

PUMASOK NA sa loob ng hospital room ni Sharian si Nelmark dahil gusto niyang malaman ang kasalukuyang kondisyon ng dalaga. At nang lapitan niya ito pinakiramdaman, matindi ang naging pag-aalala niya rito dahil may kataasan pa rin ang lagnat nito.

Nakita niya ang isang maliit na palanggana at nagtungo sa banyong naroon upang kumuha ng tubig at bimpo. May kalamigan ang tubig at tamang-tama lang iyon.

Talagang hindi niya umalis sa lugar na iyon upang iwanan si Sharian. Siya ang nag-asikaso dito hanggang sa masiguro niyang okay na ang kalagayan nito. Inabot din siya ng mahigit dalawang oras bago tuluyang bumaba ang lagnat nito.

At habang inaasikaso niya ito ay labis siyang nagtataka sa kanyang sariling aksyon.

Magkaaway ang turingan nila ni Sharian magmula nang magkakilala sila noong Quiz Bee last year. Dahil sa insidenteng ginawa niya noon, nagkaroon sila ng alitan.

Dapat nga ay kanina pa siya umalis sa ospital kung tungkol rin lang kay Sharian ang isyu.

Pero ngayon, heto at inaasikaso pa niya ito. At sa totoo lang ay hindi niya maipaliwanag ang kabang naramdaman niya kanina habang inaasikaso ito upang bumaba ang lagnat nito.

Subalit hindi na muna niya ia-acknowledge ang tungkol doon. Sa ngayon ay kailangan niyang bantayan at masigurong nasa maayos na kalagayan na ang dalaga.

Habang binabantayan niya ito ay bigla namang tumunog ang cellphone niya. Ang pinsan niya ang tumatawag.

"O, bakit ka naman napatawag, Suren?" agad na tanong niya rito nang sagutin niya ang tawag.

"Nel, nasaan ka na ba? Kanina ka pa hinahanap nina Tito't Tita dito sa party."

Nang marinig iyon ay tinapik niya ang kanyang ulo dahil tuluyang nawala sa isip niya ang tungkol sa bienvenida party ng isa pa niyang pinsan na nakatatandang kapatid ni Suren na kadarating lamang mula Canada.

"Pasensya ka na. N-nagkaroon lang kasi ng kaunting problema dito. But I'll be there as soon as I can. Kailangan ko lang tapusin itong inaasikaso ko dito." At saka niya binalingan ang natutulog pa ring si Sharian.

"Pare, kung tungkol na naman iyan sa Quiz Bee, puwede bang bukas mo na lang—"

"This is not about the Quiz Bee, Suren," agad na putol niya sa sasabihin nito. "It's about... S-Sharian..." Halos pabulong na lang niyang binanggit ang pangalang iyon.

Kulang na lang ay mabingi na siya sa pag-react ng pinsan sa kabilang linya. Anyway, wala na siyang dapat na ipagtaka kung mag-react ito nang ganoon. Milagro na kasi para dito na mabanggit niya ang pangalan ni Sharian.

"Nel, ano'ng nakain mo at bigla mo yatang nabanggit ang pangalan niya, ha? At teka, ano ba'ng nangyari sa kanya?"

"May sakit siya, Pare. Medyo mataas ang lagnat dahil sa stress. Nahilo kasi kanina habang sabay kaming nagre-review para sa Quiz Bee."

"Kumusta na siya?" tanong nito na kababakasan niya ng matinding pag-aalala sa tinig nito. At parang hindi niya nagustuhan iyon.

"Okay naman na siya. Bumaba na ang lagnat kani-kanina lang. Kaya makakarating na ako diyan sa party."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.

"Mabuti naman. Pasalamat na lang at out-of-town ang mga magulang ngayon ni Shar dahil kung nagkataon, may magpa-panic sa bahay nila."

Kumunot ang noo niya. "Kilala mo ang mga magulang ni Sharian?"

"Yeah. Teka, ngayon ko lang ba nasabi sa iyo?"

"Obvious ba? At isa pa, paano mo nalaman na out-of-town ang mga magulang niya?"

"Magkapit-bahay lang naman po kami ni Sharian."

Kulang na lang ay mahulog siya sa kinauupuan niya nang mga sandaling iyon. Talagang hindi niya inaasahang marinig iyon sa kanyang pinsan.

Ngayon ay hindi na siya dapat magtaka kung bakit close si Sharian kay Suren. Pero... may relasyon na kaya ang dalawang iyon? Parang hindi niya gusto ang ideyang iyon.

Ano ngayon kung may relasyon ang dalawang iyon? Wala naman akong pakialam kung magkaganoon nga. Nandito lang naman ako dahil may utang na loob ako kay Sharian.

Pero sa totoo lang, pakiramdam niya ay kabaligtaran ang lahat ng isinaisip niya sa talagang nararamdaman niya.

"Hoy, pare! Huwag ka munang mag-isip nang kung anu-ano diyan, ha? Wala kaming relasyon ni Sharian dahil tiyak na susugurin ako ng samurai ng tatay niya kapag nalaman niya iyon. Alam kasi ng tatay niya ang kalibre ko pagdating sa mga babae, eh."

Natawa na lang siya sa sinabi nito. At bumuntong-hininga siya.

"Sige na, Suren. Kailangan ko munang masigurong okay na siya bago ako pumunta diyan."

"Mukhang may milagro ngang nangyari. Sige. Bahala ka na sa buhay mo. Ako na lang ang magpapaliwanag kina Tito at Tita kung nasaan ka. Basta mag-iingat ka na lang sa pagmamaneho mo."

"Yeah. Thanks, pare. And one more thing, can you please not inform Sharian's parents about—"

"I know. I know. Kilala ko sila kaya huwag ka nang mag-alala dahil sigurado akong ganoon din ang sasabihin sa iyo ni Sharian kapag nagising na iyan."

"Okay. Sige, bye."

"Bye." And then Suren hang up the phone.

He only sighed after that. And then he took another glance at the unconscious Sharian. At nang kumustahin niya ang temperature nito ay saka lang siya bumuntong-hininga ulit.

Well, hindi na ako dapat magtaka't masorpresa. She is a strong girl. Kung... siya kaya ang nasa kalagayan ko? Magagawa pa rin ba niyang maging matatag... na hindi tuluyang napeperwisyo ang buhay niya't puso niya?

He shook his head tp shrug off the thoughts of his past na nagpupumilit sumiksik sa kanyang isipan.

Tumayo na lamang siya at tuluyan nang umalis sa lugar na iyon matapos bilinan ang nurse na asikasuhin ito nang husto. This is the least he could do... for now.

No comments:

Post a Comment