Hehe! Corny ba? Sorry, ha? Pero nagsasabi lang po ako ng totoo. Kaya inuunahan ko na po kayo. Marami-rami pa kayong cringy-ness na makikita sa blog na ito. Especially with the way I wrote the love stories, in particular. O baka naman ako lang ang nag-iisip ng ganoong bagay.
Wala na talaga akong matinong ilalagay na saloobin dito, 'no? Hindi ko rin alam kung bakit bigla kong naisipang ibandera rin dito one of these days ang isang bagay na... medyo mas cringy pa kaysa sa mga pinagsususulat ko.
Diary entries.
Hoy, baka naman isipin n'yo, hindi ako nagsusulat sa diary. Well, hindi talaga. For some reason, inihininto kong gawin iyon matagal na. Hindi ko alam kung magagawa ko ba ulit iyon ngayon. Pero ang tagal na rin mula nang huling beses akong magsulat sa diary, eh. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ulit.
Bahala na nga lang. Tingnan ko na lang muna kung ano ang magagawa ko. Pero kung may makita na kayong another form of ka-weird-uhan dito sa blog ko, alam n'yo na kung saan nagmula. Anyway, those entries were from way back 2006-2009. Kaya... okay na rin sigurong ipakita iyon. Wala namang mawawala sa akin, eh. At least, iyon ang nararamdaman ko.
No comments:
Post a Comment