BANDANG alas-onse na ng gabi nang tuluyang magkamalay si Sharian. Hindi pamilyar ang lugar pero sigurado siyang nasa ospital siya dahil amoy-gamot ang paligid niya. Isa pa ang puting-puti ang paligid niya.
Pinilit niyang maupo subalit bigla siyang nakaramdam ng hilo kaya muli siyang napahiga sa kama.
Bumuntong-hininga na lamang siya.
Paano ako nakarating dito sa ospital? Ang pagkakaalam ko, naroon ako sa library kasama si Nelmark para... Oo nga pala! Si Nelmark! At bigla siyang napabalikwas ng bangon. Hinanap niya sa loob ng hospital room ang binata subalit siya lang ang naroon.
Siya ba ang naghatid sa akin dito?
Ngunit bago pa siya makahanap ng sagot ay bumukas ang pinto ng kuwartong iyon at iniluwa niyon si Nelmark. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito na nagpakaba sa kanya. Kaya naman hindi niya malaman kung paano mag-uumpisa sa gusto niyang sabihin rito.
Lumapit si Nelmark sa puwesto niya at naupo ito sa gilid ng kama. At labis niyang ikinagulat ang ginawa nitong pagsalat sa kanyang noo upang alamin ang temperature niya. Hindi siya makakilos nang dahil doon. Ngunit kahit ganoon ay hindi niya maiwasang matuwa dahil sa inaakto nito.
"Mukhang okay ka na, ah. Bumaba na ang lagnat mo," nakangiting saad nito sa kanya matapos damhin ang kanyang noo.
"I-ikaw ba ang... nagdala sa akin dito?" kiming tanong niya rito. At sa totoo lang ay parang hindi niya kayang tingnan ito sa mga mata.
Teka nga, bakit ba ganito ako sa lalaking ito ngayon? Hindi naman dating nangyayaring hindi ako makatingin kay Nelmark, ah. Iyon ang gumugulo sa kanya nang mga sandaling iyon habang kaharap niya si Nelmark.
"Yeah. Ako nga. Narinig ko kasing parang may bumagsak sa bookshelf kaya napatungo ako doon. And then I was surprised when I saw you lying there on the floor. Nang malaman kong may lagnat ka na, agad kitang dinala sa school clinic kaya lang ay wala iyong nakatalagang doctor doon. That's why I decided na dalhin ka na lang dito sa ospital. Na-overstress ka na daw kasi kaya ka nagkasakit at nawalan ng malay-tao," paliwanag nito sa kanya.
"Ganoon ba?" tanging nasabi niya. And then she sighed. "I'm sorry for the trouble."
Nelmark chuckled na ipinagtaka ni Sharian.
"Why are you chuckling? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
Umiling ito at tumingin sa kanya. "Wala naman. Kaya lang, hindi ko talaga maiwasang matawa dahil sa nakikita ko ngayon. Pasensya na."
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Nakikita ko kasi ang sarili ko sa iyo ngayon. I mean... when you apologized to me for the trouble, I can't help but to imagine myself in your place."
"Ha?" Lalo lang siyang nagtaka sa sinabi nito.
"Anyway, you don't have to apologize. Isa pa, I owe you a lot. You saved me, remember? This is the least I could do to at least let you know that I want to be your friend."
Hindi makahuma si Sharian dahil sa narinig mula kay Nelmark. Ang lalaking itinuring siyang archnemesis ay gustong makipagkaibigan sa kanya.
Ilang sandali rin siyang hindi makapagsalita. Talagang ikinagulat niya ang sinabi nito at ngayon ay hindi niya alam kung ano ang gagawin at sasabihin.
Anyway, wala namang masama kung makipagkaibigan man ito sa kanya. Hindi ba't iyon naman talaga ang gusto niyang mangyari? At isa pa, isa ito sa mga hakbang upang maisagawa niya ang kanyang plano para rito.
Ang kanyang Operation: Change Nelmark's Perception About True Love. It might be weird to some but she has to do it. Nang wala nang masaktan pa ang binata dahil sa paglalaro nito sa puso ng mga babae.
"Sharian, are you okay?" narinig niyang tanong nito na nagpabalik sa kanya sa huwisyo.
Tumango siya at ngumiti. "Yeah, I'm okay."
"Natahimik ka na kasi diyan, eh. Anyway, hindi na pala ako dapat magtaka. Talaga namang nakakagulat ang mga sinabi ko sa iyo. But it's up to you kung gusto mong paniwalaan iyon o hindi. In any case, gusto kong sabihin na totoo ang mga iyon," seryosong pahayag nito habang nakatingin sa kanya.
At nakikita niya sa mga mata nito na totoo ang mga sinasabi nito.
"Sharian..." untag nito sa kanya.
Napatingin siya rito. At saka siya bumuntong-hininga.
"Honestly, I don't know what to say. I mean... iba na kasi ang naging pagkakakilala ko sa iyo, eh. You know, when we first met, our opinions had already clashed. Pagkatapos, iba pa ang naging reputasyon mo sa school natin."
"Yeah, I know that. Pero tao lang ako. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maipapakita ko ang good side ko. Nagkataon lang kasi sa kaso ko na..." hindi maituloy ni Nelmark ang gusto nitong sabihin.
Alam ko ang gusto mong sabihin, Nelmark. Pero sana, huwag mo namang hayaang ito na ang tuluyang sumira sa buhay mo at sa kaligayahan mo, nais sanang banggitin iyon ni Sharian subalit nagdalawang-isip siya. Baka kasi masira pa niya ang mood nito kapag sinabi niya iyon.
"But anyway, thank you sa pagtulong mo sa akin. Nagastusan ka pa tuloy," nakangiti at sinserong saad niya upang huwag lang masira ang mood nito.
Napangiti na lang ito. To be honest, mas guwapo pala ang kumag na ito kapag nakangiti.
"Wala iyon. Kulang pa nga itong pambayad-atraso sa mga kabulastugang ginawa ko sa iyo noon, eh. I admit it now that I never treated you good before. Pero—"
"Don't let the past ruin our moods right now, okay?" agad na pigil niya sa mga sasabihin pa sana nito. At saka siya tumingin sa labas ng bintana. "Mukhang lalo pa yata akong mahihirapan sa Quiz Bee natin ngayon, ah."
"You shouldn't let yourself worry about that, Sharian. Makakasama sa iyo iyan."
"Pero Nelmark, sa susunod na linggo na iyon. Alangan namang hayaan kitang ikaw na lang ang mag-effort sa ating dalawa. Baka nalilimutan mo, tayong dalawa ang magka-partner," hindi kumukurap na turan niya habang nakatingin dito.
Huminga naman ng malalim ang binata. "At trabaho ko bilang partner mo na huwag kang masyadong pagurin at baka magkasakit ka na naman nang dahil sa stress."
"Aba! At kailan mo pa naging trabaho iyon, ha?"
"Ngayon lang. Starting this day, we need to take care of each other para walang nai-stress sa ating dalawa. Lalo pa't pareho pala tayong sakitin. Naiintindihan mo ba?" anito habang nakatitig sa kanya.
Kaya naman hindi na lang siya umimik at napangiti na lamang siya dahil hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanilang dalawa.
"O, ano naman ang nakakatawa at napapangiti ka diyan?" tanong nito sa kanya.
Umiling lang siya ngunit hindi pa rin napapawi ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Nothing. Hindi ko akalaing may pagkamakulit ka pala. Ngayon ko lang alam."
Biglang sumeryoso ang mukha ni Nelmark na bigla niyang ikinabahala. "B-bakit? May nasabi ba akong...?"
"Hindi ba... nagbabanggit sa iyo ang pinsan ko ng tungkol sa akin?" tanong nito.
Gusto sana niyang sabihin na alam na niya ang dahilan ng pagkakaroon nito ng mapaglarong puso. Subalit nag-alangan siyang gawin iyon. Nagugustuhan na niya ang tinutungo ng usapan nilang dalawa at hindi niya gustong masira iyon nang dahil lang sa pagbanggit niya sa kanyang natuklasan tungkol dito.
Kaya naman isang matigas na ilang ang kanyang naging tugon rito.
"He never dared saying anything dahil alam niyang lalo lang akong nabubuwisit kapag may naririnig akong kahit na ano tungkol sa iyo. And besides, I never dared asking anything that concerns you," sabi niya ngunit muntik na siyang mabikig habang sinasabi niya ang huling pangungusap.
"Ganoon ba?" Buntong-hininga ang naging tugon nito at saka siya tiningnan. "I think you should go to sleep. I'll escort you to your house tomorrow morning. Mabuti na lang at wala tayong pasok bukas."
Kaya naman napilitan na siyang mahiga at agad siyang kinumutan nito. Sa totoo lang ay ayaw pa niyang matulog. Gusto pa niyang makasama't makausap si Nelmark pero nag-alangan siyang sabihin iyon rito.
"I won't leave you, okay? You don't have to worry kung iniisip mong aalis ako at walang magbabantay sa iyo." At parang nahulaan pa yata nito ang pag-aalala niya.
"P-pero hindi kaya ako makaistorbo sa iyo? You might have some errands to run to. Isa pa—"
"I asked my cousin to explain to my parents kung nasaan ako ngayon," pigil nito sa mga nais pa niyang sabihin. "Kaya okay lang kahit abutin pa ako ng umaga dito sa pagbabantay sa iyo. Isa pa..." e stopped saying what he wanted to say and then he looked outside the window.
Parang hindi pa nito kayang tingnan siya sa mga mata niya.
"Isa pa... nangako ako sa pinsan ko na aalagaan kita. Ayoko kasing abutan ka pa ng parents mo na may sakit once na nakabalik na sila from their out-of-town."
Nangunot ang noo niya. "How did you know that my parents were out-of-town?"
Napangiti ito at tumingin sa kanya. "Do I have to answer your question?"
Ngumiti na lamang siya at napailing. "I shouldn't have asked that stupid question." And at that moment, her eyes slowly drooped.
Hindi niya alam pero parang narinig pa niyang nag-good night ito sa kanya. Pero sigurado siya na naramdaman niya ang masuyong paghalik nito sa kanyang noo. As if he really cared for her.
Puno ng pagsuyo iyon. Puno ng... pagmamahal. Was it?
Nelmark...
EKSAKTONG alas-sais ng umaga nang ma-discharge si Sharian sa ospital. Lahat ng naging gastusin niya ay binayaran na ni Nelmark kaya naman napadali na ang lahat.
Nakasakay na sila sa kotse ng binata nang bigla siyang magsalita.
"Bakit ikaw pa ang nagbayad ng mga hospital bills ko? Kaya ko namang bayaran iyon, ah."
Bumuntong-hininga na lang si Nelmark. At saka siya tiningnan. "Look, gusto ko ang ginagawa ko, okay? Alam kong nakakagulat ang mga ito para sa iyo. But please let me make it up to you for all the mistakes I've done in the past."
"Nelmark, hindi mo naman kailangang gawin iyon, eh."
"Hayaan mo na lang ako sa gusto kong gawin, Sharian. At kung natatakot ka man dahil baka iniisip mo na lolokohin lang kita, don't be. Alam ko na ngayon ang mga naging pagkakamali ko. At the very least, gusto kong baguhin ang Nelmark na nakilala mo."
Hindi na lamang siya umimik. At ngayon, hindi niya alam kung ano ang iisipin dahil sa mga sinabi nito. Gusto nitong baguhin ang Nelmark na nakilala niya. Wala namang masama kung ganoon nga ang gusto nitong mangyari. Ngunit totoo ang sinabi nito na natatakot nga siya sa pangambang lolokohin lang siya nito.
Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit gusto nitong baguhin ang imahe nito sa paningin niya. Ano ba ang nakain nito at naisipan nitong gawin iyon?
Pero hindi maitatangging gusto niya ang pagbabagong napapansin niya ngayon kay Nelmark. At least, hindi na sila nag-aangilan at nag-iinisan ngayong magkasama sila.
Pareho silang walang imik habang nagmamaneho si Nelmark patungo sa bahay niya. Isa pa, wala rin lang naman siyang sasabihin rito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. At habang binabagtas nila ang daan patungo sa subdivision kung saan siya nakatira, may mga pagkakataon na ninanakawan niya ng tingin ang binatang katabi.
Hindi siya sigurado kung tama ang nakikita niya pero parang mas guwapo si Nelmark ngayon sa paningin niya. He has lighter complexion and brighter facial expression now compared to the last time. May napapansin na rin siyang kaunting saya sa mga mata nito. Hindi na rin ito mukhang galit sa mundo.
At hindi niya naiwasang magtaka kung ano nga ba ang nangyari rito at unti-unting nagbago ang approach nito sa kanya nitong mga nakaraang araw.
May naging effect ba sa kanya ang ginawa kong pagtulong na madala siya sa ospital that day? Hindi niya naiwasang itanong sa kanyang sarili.
Kung ganoon nga ang nangyari, masama mang sabihin pero parang nais pa niyang ipagpasalamat na nangyari ang insidenteng iyon. Baka nga mayroon itong na-realize nang malaman nitong tinulungan niya ito. Kung ano man iyon, time will come and she would know that. Right now, she'll just let things go with the flow.
Huminto sa tapat ng gate ng mga Emiliano ang kotse ni Nelmark at agad na sana niyang bubuksan ang pinto ng kotse nang biglang lumabas ang binata. Ito ang nagbukas ng pinto para sa kanya. Inalalalayan pa siya nitong bumaba.
Kiming ngiti na lang ang ipinakita niya rito.
"Thanks."
Nginitian siya nito at sinamahan pa siya nito hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay. Noon din ay sinalubong siya ng kasamahan nila sa bahay na si Aling Estrella. Isang mahigpit na yakap ang isinalubong nito sa kanya.
"Naku! Mabuti naman at nakauwi ka na kaagad. Malaking gulo ito oras na malaman ng mga magulang mo na naospital ka. Ano ba kasi ang nangyari sa iyo, bata ka? Aba'y kung hindi pa ako sinabihan ng kaibigan mong ito na nagkasakit ka at dinala sa ospital ay hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko," sabi ng matanda at tiningnan si Nelmark. "Tatawag na nga sana ako ng pulis sa pag-aalala ko sa iyo dahil pasado alas-otso na ay hindi ka pa umuuwi."
"Pasensya na po," tanging nasabi niya habang nakayuko.
Bumuntong-hininga na lang ito.
"Kumusta na ba ang pakiramdam mo? May masakit pa pa sa iyo?"
"Wala na po. Okay na po ako. Medyo na-stress lang."
"Sige." At saka nito binalingan ang binatang kasalukuyang nakatayo sa likod niya. "Ay, naku! Pasensiya ka na. masyado lang kasi akong nag-alala rito sa alaga ko. Hindi man lang kita napasalamatan sa pagtulong mo kay Sharian. Halika, mag-almusal ka muna."
"Hindi na po. Aalis na rin po ako kaagad. May kailangan pa po kasi akong asikasuhin, eh. Salamat na lang po." Pagkasabi niyon ay tumingin ito sa kanya. "Magpahinga ka na muna, ha?"
Tumango siya.
At nang makapagpaalam si Nelmark ay umalis na ito kaagad.
Pero bago pa man ito makalabas ng gate ay hinabol pa niya ito. Napahinto naman ang binata sa akmang pagbubukas nito ng gate.
"May problema ka pa ba, Sharian?"
Humugot muna siya ng hangin sa dibdib bago sinabi ang gusto niyang sabihin.
"Thank you. Gusto kong magpasalamat sa pagdala mo sa akin sa ospital at sa... pag-aasikaso mo sa akin."
Ilang sandali ang lumipas subalit tahimik lang ito at nakatingin sa kanya. Kaya naman medyo kinabahan siya. Pero agad na napalitan iyon ng pagkagulat at pagtataka nang lapitan siya nito at hinaplos ang magkabilang pisngi niya.
"Wala kang dapat na ipagpasalamat sa akin, Sharian. Ako ang dapat na magpasalamat sa iyo," masuyong anas nito habang matamang nakatingin sa kanya.
"N-Nelmark..."
"Magpahinga ka na, okay?" Tumayo siya. At nanlaki ang mga mata nang gawaran siya nito ng isang masuyong halik sa noo. And after that, he left. Leaving her dazed.
Wala sa sariling hinaplos niya ang parte ng noo niyang hinalikan nito. At saka niya naalala ang paghalik din nito sa kanyang noo kagabi sa ospital bago siya makatulog.
So that wasn't a dream. Pero... bakit niya ginawa iyon? At ano ang ibig niyang sabihin na siya ang dapat na magpasalamat sa akin?
Magulo man ang isipan ay nagdesisyon na lang siyang pumasok sa loob ng bahay.
KINALUNESAN, agad na dumiretso si Sharian sa school tatlong oras bago ang unang subject niya nang araw na iyon. Gusto niya kasing mag-review para sa nalalpit na IT Quiz Bee nila. Hindi niya gustong maging pabigat kay Nelmark pagdating ng araw na iyon kaya naman gusto niyang galingan at maghanda sa pamamagitan ng pagre-review.
At sa pagkakaalala niya kay Nelmark ay naramdaman niya ang biglang pagngiti ng kanyang puso. Hindi pa rin niya malimutan ang atensiyong ibinigay nito sa kanya noong nasa ospital siya at noong ihatid siya nito sa bahay. At ang pangyayaring hinding-hindi niya makakalimutan ay ang dalawang beses na paghalik nito sa noo niya.
One was at the hospital and the other was outside her house.
Iyon pa ang isang rason kung bakit siya maagang pumasok ngayon. Gusto niyang tanungin ito kung bakit nito ginawa iyon. Though she was undeniably overwhelmed with so many emotions kaya naman hindi siya gaanong nakatulog nang maayos noong mga nagdaang gabi dahil sa kaiisip sa mga aktuwasyon nito.
Hindi na siya nagtaka nang hindi ito nag-text o tumawag man lang para kumustahin siya dahil hindi naman nito alam ang number niya. In the first place, wala siyang ibang pinagbigyan ng cellphone number niya maliban sa mga close friends niya. And that includes Suren. Hindi na rin ito pumunta ulit sa bahay pagkatapos niyon.
Kung may alam man si Suren sa mga napapansin niyang pagbabago kay Nelmark, hindi siya sigurado. At kung sakali mang may alam nga ito tungkol doon, hindi naman ito nangahas mangulit ng katatanong sa kanya.
Pero ang ipinagtataka niya nang husto ay ang nangyayari sa kanya matapos siyang ihatid ni Nelmark sa bahay. At paano ba naman kasi siya hindi magtataka?
Kapag mag-isa siya ay laging sumisingit sa isipan niya si Nelmark. At kahit na karamihan ng mga naiisip niya ay ang mga engkuwentro niya tungkol dito, hindi pa rin niya maiwasang mapangiti ng mga ito kahit na hindi magaganda ang halos lahat ng mga engkuwentrong iyon. May mga pagkakataon pa nga na hindi siya mapakali sa bahay. Madalas siyang nakaupo sa sofa na malapit sa side table kung saan naroon ang telepono. As if she's anticipating for Nelmark's call kahit na sigurado siya na hindi naman nito alam ang numero niyon para lang matawagan siya.
There are times that she would look sa outside the house upang tingnan kung may bisitang darating. And she was hoping that it would be Nelmark.
She hated the idea that in a span of one week, magmula nang tulungan niya si Nelmark, nagiging laman na ito ng isipan niya. Nagiging bahagi na ito ng sistema niya. At ang ikinakatakot niya, kapag nagtagal pa ang magandang treatment nito sa kanya, baka dumating na sa puntong... ma-in love siya rito.
Hindi! Hindi dapat mangyari iyon.
Dapat ay ito ang ma-in love sa kanya. Kung hindi man dumating sa ganoong punto, dapat na ang perception nito tungkol sa pag-ibig ang magbago gaya ng nais niyang mangyari para rito.
Pero wala pa siyang nagagawang anumang hakbang upang mangyari iyon. Oo nga, nakakausap na niya ito nang maayos pero hindi siya sigurado kung laging ganoon ang magiging mood nito. Baka nga mamaya niyan ay bumalik na naman sila sa dati. Aso't pusa system na naman sila nito.
Napakamot na lang siya sa kanyang sentido. Hindi na niya alam kung ano ang iisipin niya.
"Mukhang sinasagad mo na naman ang pagre-review mo,ah."
Napapitlag siya nang marinig niya ang isang pamilyar na tinig. Nang mag-angat siya ng kanyang ulo ay bumungad sa kanya ang maaliwalas na mukha ni Nelmark. At lihim na gumulat sa kanya ang ubod ng tamis na pagkakangiti nito sa kanya. And admit it or not, tanga na lang at manhid ang babaeng hindi hahanga sa lalaking ito.
Paano ba naman kasi? Napakaguwapo pala nito kapag nakangiti nang ganoon katamis. Pati yata ang mga mata nito ay nakangiti rin ng mga sandaling iyon. Naka-gel ang buhok nito at maayos ang pagkakasuklay. Nakasuot ito ng light blue na polo at maong pants. Lalo pang nakadagdag sa kakisigan nito ang naging pagdadala nito sa suot na damit. Maging ang pabango nito ay naaamoy niya dahil ilang pulgada lang naman ang lapit nito sa kanya.
"Maaga ka yata ngayon, ah," komento nito at naupo sa upuang nasa kabilang side mg table. "Kagagaling mo lang sa sakit, pagkatapos sasabakan mo na naman ang pagre-review mo."
"Wala kasi akong magawa sa bahay kaya ako maagang pumasok ngayon. Isa pa, kailangan kong asikasuhin ang mga assignments ko. Hindi ko kasi nagawa dahil sinagad ko naman ng pahinga these past days," hindi nakatinging sagot niya at ipinagpatuloy na lang niya ang pagbabasa.
"Huwag mo naman sanang masamain ang sinabi ko kanina."
Nangunot ang noo niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Concern lang ako sa kalusugan mo kaya ko pinuna ang pagre-review mo. Kagagaling mo lang kasi sa sakit, eh. Baka mamaya niyan, pinapahirapan mo na naman ang sarili mo dahil lang sa Quiz Bee natin."
"'Di ba, dapat ako rin ang nagsasabi sa iyo niyan?"
"Ha?"
"Kagagaling mo rin lang sa sakit. At 'di hamak naman na mas malala ang sakit na dumapo sa iyo kumapara sa akin."
"Matagal na akong may severe anemia."
"At lalong magiging severe iyan kung ipi-pressure mo rin ang sarili mo para lang sa Quiz Bee. Kaya nga dapat lang na mas concern ka sa kalusugan mo."
Nakamata lang ito sa kanya at mataman siyang tinitingnan na bagaman hindi siya nakatingin rito ay ramdam niya ang titig nito. Nailang siya kaya naman nag-angat siya ng ulo at nakita niya ang seryosong titig nito sa kanya.
At dahil doon, sa 'di maipaliwanag na dahilan ay naging eratiko ang tibok ng puso niya.
Relax ka lang, Sharian. Pero kahit na hindi siya nagtagumpay na gawin iyon ay pilit pa rin siyang nagpakakaswal.
"Bakit n-naman ganyan ka kung makatingin sa akin, ha? May nasabi ba akong hindi maganda?" kinakabahang tanong niya.
Ngumiti lang ito at umiling. Nakahinga siya nang maluwang nang dahil doon.
"Gusto mo bang kumain muna?" tanong nito.
"Bakit, hindi ka man lang ba nag-almusal?"
Umiling ito. "May kinailangan kasi akong asikasuhin kanina at urgent iyon kaya naman nawalan na ako ng time para mag-almusal sa bahay." At sa pagkabigla niya ay hinawakan nito ang kamay niya. "Sige na, samahan mo muna akong kumain."
Naumid ang dila niya dahil sa pagkabigla. Napatingin na lang siya sa kamay niya na hawak nito. At ang nakakaloko, lalo pa nitong hinigpitan ang pagkahawak nito sa kamay niya.
Easy ka lang, Sharian. Don't easily give in to his charms. Baka taktika lang niya iyan para mahulog ka sa bitag niya. Dapat na ikaw ang magpagalaw sa laro, paalala niya sa kanyang sarili.
But does she really consider it a game?
"Please..." pakiusap nito nang lumipas ang ilang sandali ay hindi pa siya nagsasalita.
Napatingin siyang bigla sa mga mata nito. And all she could see in it was sincerity and honesty. Kaya naman kahit na talagang nagdududa ay napatango na lang siya.
Nakita niya ang pag-aliwalas ng mukha nito.
"Pero paano ang assignment ko?"
"Huwag kang mag-alala. May almost two hours ka pang bakante bago ang unang subject mo. Tutulungan pa kita sa assignment mo kung gusto mo," nakangiting sabi nito.
"Naku! Huwag na. maaabala ka pa niyan."
Kinuha nito ang mga libro niya at binuhat iyon. "Ano ka ba naman? Mag-partner tayo, 'di ba? At ang magka-partner, nagtutulungan."
"Mukhang kinakarir mo naman ang pagiging partner ko. Eh magka-partner lang naman tayo sa Quiz Bee."
"Pareho na rin iyon."
Napangiti na lang silang dalawa at umalis na sa lugar na iyon. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang nag-uusisang tingin ng mga estudyanteng naroon at nakakita sa klase ng treatment ni Nelmark sa kanya.
FOR THE whole month, naging maganda na ang treatment ni Nelmark kay Sharian. Hindi na siya sinusungitan nito sa tuwing magkakasalubong sila. Bagkus ay nginingitian pa siya nito at kinukumusta na dati ay hindi nangyayari. Kadalasan ay hinahatid-sundo pa siya nito sa bahay at sabay silang gumagawa ng mga assignments nila.
At kahit tapos na ang Quiz Bee nila ay patuloy pa rin ito sa paglapit sa kanya.
Hindi niya alam kung tama bang hayaan na lang niya ang binata sa pakikipaglapit nito sa kanya. Kilala kasi siya na hindi madaling maakit ng charms ng mga lalaking nanliligaw sa kanya sa school. Kung tutuusin ay mas guwapo pa ang mga iyon kumpara kay Nelmark. Pero ang nakapagtataka ay ito lang ang hinayaan niyang gumulo sa sistema ng buhay niya at kaibiganin siya.
Of course, with the exception of Suren dahil matagal na silang magkaibigan.
But still, she gave Nelmark the benefit of a doubt for his actions towards her and he understood that. He knew that it's not easy for her to trust him like that.
"Kung sana, naging maganda ang unang pagkakakilala natin, hindi na sana ako nahihirapan pang patunayan sa iyo na wala akong masamang intensiyon..." Those were some of the words na sinabi nito sa kanya nang minsang tanungin niya ito kung bakit ito nakikipaglapit sa kanya.
He's right. Kung nagging maganda lang ang unang pagkikita nila at kung wala itong 'di magandang reputasyon sa school, hindi n asana siya magdududa.
In addition to this, marami na rin ang nakakapansin sa namumuong closeness nila ni Nelmark. One of them was Sandra.
Kaya naman tambak ang mga warnings nito sa kanya tungkol kay Nelmark at ang pakikipaglapit nito sa kanya. Kung puwede nga lang ba niyang sabihin sa pinsan ang plano niya tungkol sa binata. But for some reasons, hindi niya nagawa. Hinahayaan na lang niya ito sa pagbibigay ng warnings kahit na medyo duda siya kung pakikinggan ba niya ang mga ito.
And the other was Suren. But he seemed to have an idea on what she's really up to kaya hindi na ito nagko-comment ng kung ano. He said that he's happy because after a long time, he was able to see Nelmark's real smile once again. Niloloko pa nga siya nito nab aka ginayuma daw niya ang binata kaya ito nakikipaglapit sa kanya. Tinawanan na lang niya iyon.
But no matter what the others might say, it's only her who could see the honesty and sincere intentions in Nelmark's eyes as time passed that they spent moments together.
Ang hiling lang niya, sana nga ay laging ganito si Nelmark. At sana, magawa niyang baguhin ang pananaw nito about love in any ways she could na hindi makalilikha ng panibagong sugat sa puso ng binata.
No comments:
Post a Comment