SIX-THIRTY pa lang ng umaga ay nakarating na si Relaina sa Oceanside Rose University sa Altiera kung saan siya mag-aaral simula ngayong second semester. Pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawang ihakbang ang kanyang mga paa papasok sa building ng College of Engineering and Architecture. She was having butterflies in her stomach. At the same time, nanlalamig ang mga kamay niyang parehong nakahawak nang mahigpit sa magkabilang strap ng kanyang backpack.
Muli siyang nagbalik sa Altiera mula sa Aurora. Walong taong gulang siya nang mailipat ang papa niya sa Aurora kung saan nakabase ang isang branch ng Cervantes Construction and Development Company. Architect ang papa niyang si Leon Avellana sa Aurora branch ng CCDC. Two months ago, muling inilipat ito sa Altiera. Ang mama niyang si Cassandra Avellana ang general manager ng isang chain of supermarkets. It has been nine years since she had last seen Altiera. Aminado siya na malaki ang ipinagbago ng nasabing lugar. Mas naging modernisado pa ang bayang hindi niya ninais lisanin noon. Kaya lang, nang madestino ang papa niya sa Aurora ay napilitan silang mag-anak na lumipat kasama nito. Isa pa, hindi siya sanay na malayo sa ama kaya napapayag siya nito na lumipat ng tirahan.
Patuloy pa ring lumilipad sa kung saan ang kanyang isipan. Hindi na niya namalayan ang paglapit sa kanya ng isang babae. Ang pinsan niya iyon—si Rianne—na nagkataong ka-blockmate niya para sa semestreng iyon. Tulad niya ay Architecture din ang kursong kinuha nito. Pareho silang freshman. Sabay nilang tinalunton ang daan patungo sa pakay nilang building. Hindi niya naiwasang mamangha sa istruktura ng unibersidad habang binabagtas nila ang daan patungo sa building. Wala siyang maipipintas sa nakikita niya. Kunsabagay, noon pa man ay nakakakitaan na niya ng pagkamodernisado ang bayan ng Altiera sa tulong na rin ng dalawa sa ilang kilalang angkan sa bayan—ang mga Cervantes at dela Vega. Kabilang sa board of trustees at administrative council ang ilan sa mga ito.
Sa pag-iisip niya ay hindi na niya namalayang pataas na sila ni Rianne sa hagdan.
"Watch out!" narinig niyang sigaw ng isang tinig.
"Ha?" Bago pa man siya makahuma ay hindi na niya inasahan ang mga sumunod na pangyayari.
"Out of the way!" Pero hindi na niya nagawa ang utos na iyon. Pasalubong sa kanya ang isang lalaking nagmamadaling bumaba sa hagdan. Sa sobrang pagmamadali nito ay bigla itong natalisod, dahilan upang mawalan ito ng balance. Bago pa siya makakilos ay sa kanya ito napadagan na naging sanhi ng pagbagsak nilang dalawa sa sahig. Matindi ang pagkakabagsak niya roon dahil siya ang nasa ibaba ng hagdan. Idagdag pa ang bigat ng taong dumagan sa kanya.
"Ouch!" daing niya. Dahil sa lakas ng pagkakabagsak niya, muntik na siyang mawalan ng malay sa tindi ng sakit pero tiniis niya. Sinikap niyang huwag panawan ng ulirat kahit napapapikit na siya dahil sa sobrang sakit. Isa pa, alam niyang nakadagan sa kanya ang taong dumamba sa kanya. Gusto niyang malaman kung sino iyon upang mabulyawan niya ito sa ginawa nito.
Naramdaman niyang gumalaw ang taong nakadagan sa kanya. Unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang mukha ng taong iyon. Subalit tila umurong ang dila niya sa nakita at tinangay ng hangin sa kung saan ang kagustuhan niyang bulyawan ito. Sa tingin niya, ito na yata ang pinaka-good looking na lalaking kanyang nasilayan sa tanang buhay niya. Okay, good-looking might be an understatement. Pero ayaw niyang sabihing napakaguwapo nito kahit na iyon naman ang totoo. At ayaw niyang sabihing ginising na ng guwapong ungas na ito ang puso niyang may siyam na buwan na ring natutulog. Dahil ng mga oras na iyon, hindi niya mapigilan ang pagrigodon ng kanyang dibdib habang pinipilit na tingnan ang mukha nito. Nag-init ang mga pisngi niya nang sa wakas ay mapuna niya ang ilang pulgadang lapit ng mga mukha nila sa isa't isa. Naaamoy rin niya ang pabangong gamit nito na sa hindi malamang dahilan ay nagpaliyo sa kanya. The scent wasn't that strong; just enough to disturb her senses even without him knowing that.
Agad na umalis ang lalaki sa ibabaw niya at tinulungan siya nito na makatayo. "Sorry, miss. Hindi ko sinasadya." Apologetic naman kahit papaano ang tono nito nang sabihin iyon.
Ngunit bago pa man siya makapagsalita, muling sumigid ang matinding kirot sa kanyang ulo. All of a sudden, she felt herself like being blown by a strong gust of wind as her mind started to go black. "Miss!" Narinig pa niyang sigaw ng lalaki bago siya tuluyang panawan ng ulirat.
BANDANG hapon na nang magkamalay si Relaina. Nakita niya ang sarili sa isang hindi pamilyar na silid—na kalaunan ay nalaman niyang school clinic iyon ng unibersidad. Hindi siya makapaniwala na ganito ang sasalubong sa kanya sa unang araw niya roon. Kung hindi nga naman talaga siya minamalas. Hindi maiwasang uminit ng ulo niya nang maalala ang insidente kanina. Hindi na niya namamalayang nag-iiba ang facial expression niya habang iniisip iyon. Makita ko lang ang mukha ng lalaking iyon, sisiguruhin kong lalagyan ko ng injury iyon. I don't care kung guwapo siya! Wala akong pakialam! Hindi niya maitago ang panggigigil sa kanyang isipan.
Kinabukasan, hindi na nakapagtataka na mainit pa rin ang ulo niya. Lalo na sa kaalamang hindi pa niya nakikita ang taong nagbigay sa kanya ng injury. Ngunit sa ngayon, kailangan pa niyang pumasok sa eskuwelahan at mangopya ng mga notes sa mga subjects na hindi niya napasukan kahapon. Agad siyang sinalubong ni Rianne sa labas ng classroom na halata ang pag-aalala sa mukha nito.
"Kumusta ka na? Okay ka lang ba? May masakit pa ba sa iyo? Sabihin mo lang at nang masamahan na kitang umuwi kung hindi mo pa kaya," pigil ang pagkatarantang sabi nito na nagpangiti na lang sa kanya.
Gusto niyang matawa sa nakikita niya rito pero pinigil niya at pilit na hindi iyon ipinakita rito. Natural na sa kanya na makita itong ganoon. At least, nakatulong ang pag-aalala nito upang magawa niyang pawiin ang inis na nararamdaman niya. "Okay lang ako. Ako pa! Kailan ba ako nagreklamo dahil sa pagkakahulog ko sa hagdan?"
Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Hoy, Miss Relaina Elysse Avellana! Over ka, ha? Kung alam mo lang kung paano ako nag-panic kahapon habang dinadala ka ni Allen sa clinic na walang malay. Diyos ko! Muntik na akong atakihin sa puso, alam mo ba iyon?"
Natawa naman siya at hindi na lang niya pinansin ang biglang pagkabog ng dibdib niya sa pangalang binanggit nito. "Bata ka pa para atakihin sa puso, Rianne. At saka kailan ka pa nag-panic dahil wala akong malay, ha?"
"Sige, pilosopohin mo pa ako. Dadagdagan ko pa iyang kung ano mang masakit sa iyo."
Hindi na lang siya umimik. Sinamahan na lang siya ni Rianne sa upuang katabi ng inuupuan nito. Ibinigay nito sa kanya ang ilang notebook nito sa mga subjects na hindi na niya napasukan kahapon dahil sa aksidente. Mag-uumpisa na sana siyang magsulat nang may tumayo sa harap niya at tumikhim ito na kumuha ng atensiyon niya. Nang mag-angat siya ng tingin at tingnan ito, bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang nasa harap niya. Ngunit panandalian lang iyon.
"Ikaw?!" agad na bungad niya rito. Ito ang lalaking bumangga at nagbigay ng injury sa kanya. But she found it weird that the guy in front of her wasn't making her heart thump like crazy, unlike what she had felt when their faces were practically inches close for the first time. Imahinasyon lang ba ang naramdaman niya nang mangyari iyon? No, she was sure she felt it that way. Kailangan lang niya ng pruweba na totoo ang naramdaman niya rito kahapon. Pero bago pa man siya makapagsalita uli, inunahan siya ni Rianne.
"Actually, that's Alex. Allen's twin brother."
Napatingin siya sa pinsan pagkarinig niyon at nangunot ang noo niya. "Twin brother?" Tumango si Rianne. Then she looked at the guy in front of her. "You mean, kakambal mo iyong ungas na dumagan sa akin kahapon?"
Natawa naman ito nang mahina, saka tumango. "Pasensiya ka na, ha? He was being chased, that's why he was running fast. At medyo na-distract din siya kaya nawala ang balance niya at nadaganan ka."
So he was the twin brother. That explains the weird feeling. "Teka, bakit ikaw ang nagsasabi niyan sa akin, ha? 'Di ba dapat ang kambal mo ang gumagawa niyan? Nasaan na iyong ungas mong kakambal, ha? Is he being chased again?"
Nakangiting umiling ito. "Allen's over there talking with some of our classmates." At saka nito tiningnan ang direksyon kung saan naroon ang pakay niya.
Sinundan niya ang direksyong tinitingnan nito. Nakita nga niya roon si Allen na nakikipagtawanan kasama ang ibang estudyanteng naroon. Parang walang nangyaring hindi maganda dito kahapon kung umasta. But looking at the guy smiling like that, she knew he was the guy she was really looking for. Naroon ang pamilyar na kabog sa dibdib niya. Iyon ang nagpatunay sa kanya na iyon nga ang lalaking dumagan sa kanya kahapon. Pero hindi na lang niya pinagtuunan ng pansin iyon. Mas binigyan niya ng pansin ang init ng ulo niya dahil tila wala itong pakialam sa nangyari kahapon. Alex was right; magkambal nga ito at si Allen. At kung nagkataong magkapareho ang hair cut at porma ng dalawang ito, tiyak na mahihirapan siyang mapagsino ang talagang pakay niya.
No, you wouldn't. Madali lang para sa iyo na matukoy kung sino sa kanila si Allen at Alex, anang isang maliit na tinig sa isip niya.
Ano'ng ibig mong sabihin, aber?
Your heartbeat. When it beats crazy, then you'll easily know it's Allen. Right?
Heartbeat? What a joke!
Ipinilig na lang niya ang ulo at bumuntong-hininga bago hinarap si Alex. "Sorry kung hindi maganda ang bungad ko sa iyo. Kahapon pa kasi ako high blood sa kakambal mo, eh." Idagdag pa na kahapon ko pa siya iniisip at hindi ko alam kung bakit.
"It's okay. Naiintindihan ko naman." Inilahad nito ang isang kamay. "My name's Alex, by the way. Jerique Alexander Olivarez."
"Relaina Elysse Avellana. Just call me Relaina." Saka tinanggap niya ang nakalahad nitong kamay. At least she made a friend with someone who turned out to be the twin of the guy that gave her a head injury on her first day of class. And with the thought of that heck of a guy who completely ruined her day and her mood, she stood up from her seat and approached Allen.
"I don't think this will turn out good," narinig pa niyang wika ni Rianne. But she chose to ignore it.
"MAY KAILANGAN ka?" tanong ni Allen kay Relaina sa tila naaasar na tono nang makalapit na siya rito.
At hindi siya tanga para hindi maintindihang ito pa yata ang may ganang mainis sa kanya dahil lumapit siya rito. Hah! Hindi rin makapal ang mukha nito samantalang ito na nga ang may kasalanan sa kanya. She crossed her hands in front of her and raised an eyebrow. "Eh bakit inis ka? Nagtatanong ka na nga lang, ikaw pa itong may ganang mainis. Samantalang ikaw na itong may kasalanan kung bakit naaksidente ako on my first day in this school," iritableng sabi niya.
"And it's my fault. I admit that. Pero nag-sorry naman na ako, 'di ba?"
"You call that apology? You let your twin brother do what's supposed to be your job. It only means na hindi ka sincere sa paghingi mo ng apology sa akin, if that's how you want to call it."
Tumayo si Allen sa kinauupuan nito at lumapit sa kanya. Tumigil ito ilang pulgada lang ang pagitan sa harap niya. He was staring at her intently, as if memorizing every inch of her face. Now that she thought about it, he was looking at her the same way yesterday, as if he was enchanted with what he saw. Para bang noon lang ito nakakita ng tulad niyang... Teka, ano nga ba ang tingin nito sa kanya nang mataman siyang tingan nito kahapon?
Ah, ewan! Basta, iba ang pakiramdam niya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Hindi naman siya ganoon kagandahan para sabihin niyang tila naengkanto ito sa kanya. But she knew he looked at her that way. Weird but she really remembered it like that. Pero sandali lang iyon. Sa hindi malamang dahilan, naging uneasy ang pakiramdam niya. Lalo na nang maamoy na naman niya ang pabangong gamit nito with a mixture of his natural scent. And just like the first time na malapit ito sa kanya, kumabog na naman ang dibdib niya. Hindi niya maintindihan kung bakit tila pasaway ang puso niya kapag ito na ang nasa malapit. Subalit wala siyang planong ipahalata iyon dito. Baka gamitin pa nitong rason iyon upang tibagin ang defenses niya at hindi niya gustong mangyari iyon.
"Alright. Ano'ng gusto mong gawin ko para hindi ka na naiirita diyan na para bang ang laki-laki ng kasalanan ko sa iyo?" kapagkuwa'y sarkastikong tanong nito na hindi na niya ipinagtaka.
"Ikaw mismo ang personal na mag-apologize sa ginawa mo sa akin," she answered. "Besides, may karapatan akong mairita sa iyo dahil malaki naman talaga ang kasalanan mo sa akin. Your sincerest apology is what I'm asking from you. Hindi naman siguro mahirap para sa iyo na ibigay iyon, 'di ba?"
"Okay. I'm sorry for causing trouble on you on your first day here. Pero pareho naman nating alam na aksidente ang lahat at hindi ko sinasadya ang nangyari. And I admit, kasalanan ko," he said sincerely. And then he sighed. "There! Am I forgiven?"
Hindi niya naiwasang mapabuntong-hininga sa inis at tuwa at the same time. Kinailangan pa pala niyang manermon para lang mag-apologize sa kanya ang kumag na ito. Naramdaman naman niya ang sincerity nito habang sinasabi ang mga salitang iyon. "Kaya mo naman palang mag-apologize sa akin nang harapan, eh. Bakit kailangan mo pang komprontahin kita?" aniya matapos ang pagmumuni-muni niya ng ilang saglit sa mga sinabi nito. Teka, bakit binibigyan niya ng atensiyon ang apology ng lalaking ito?
"May pagka-demanding ka kasi. Kinompronta mo pa ako. Siguro taktika mo iyan para mapaluhod mo ako sa harap mo at mapasagot ako," buong kaarogantehang sabi nito na ikinabigla niya at ikinainit din ng ulo niya. At ang buwisit naman, nakangisi pa! Palibhasa, nakaisa ito doon.
Aba't— Hindi rin saksakan ng angas ang buwisit na 'to, ah! Saksakan din ng kakapalan ng mukha! Argh!
"Aminin mo na kasi. Crush mo ako kaya ka tumigil sa harap ko at hinayaan mong madaganan kita," nakangisi pang dagdag nito. Umani tuloy ng kantyaw ang sinabi nitong iyon na nagpakulo nang husto sa dugo niya.
Alright! Now he's done it! gigil na react ng kanyang isipan matapos marinig ang mga sinabi ni Allen. Wala sa hinagap niya na ganoon pala kakapal ang pagmumukha ng unggoy na ito.
Guwapong unggoy naman. At aminado ka namang attracted ka na sa kanya noong unang beses na magtama ang mga mata ninyo. Aminin mo na kasi, sulsol ng isang bahagi ng isip niya na lalo pang nagpabuwisit sa kanya. Huminga siya nang malalim bago niya ito hinarap, with a small smile carved on her face. Well, more like a sneer. "Crush pala, ha?" Without a word, she punched his face as hard as she could. Natumba ito at tila hindi nito napaghandaan iyon. Hindi makapag-react nang tama ang mga naroon sa ginawa niyang iyon. Well, most of them were utterly shocked. She smirked while massaging her fist that she used to punch Allen's face. "Kulang pa iyan bilang pamalit ginawa mo sa akin," sabi niya. "Patatawarin na sana kita, eh. Kung hindi mo lang ipinakita ang kayabangan mo. Akala mo naman kung sino kang kaguwapuhan para sabihin mong crush kita. Mahiya ka nga." After that, she turned around and was about to leave.
Pero hindi niya napaghandaan ang sumunod na ginawa nito. Marahas siyang hinila nito sa braso at ipinihit siya paharap dito. Hindi niya ipinagtakang bumilis na naman ang tibok ng puso niya pagkakita sa mukha nito. Nakita niya roon ang galit, pagpipigil at hiya. Alam niya kung bakit pero nakipaglaban siya ng titigan dito. Ginawa niya iyon kahit na nakakaramdam siya ng takot at kaba na ayaw niyang ipakita sa harap nito.
"Alam mo, ikaw pa lang ang babaeng sumuntok sa akin nang ganito," pigil ang galit na saad nito habang humihigpit ang paghawak nito sa braso niya.
"Oh? Then I guess I broke your record. There's always a first time nga, 'di ba?" aniya kahit nasasaktan na siya sa paghawak nito sa braso niya. "Iyan kasi ang napapala ng mga mahahangin ang ulo na kagaya mo."
"Mahangin pala ang ulo, ha? Tingnan ko lang kung masasabi mo pa iyan sa oras na gawin ko ito sa iyo." Matapos nitong sabihin iyon ay walang seremonyang hinapit nito ang baywang niya at mariin siyang hinalikan sa mga labi. That kiss had definitely came as a shock to her... especially to her heart...
No comments:
Post a Comment