Monday, April 6, 2015

Sana Ako Naman Ang Mahalin Mo - Chapter 1

ARAW ng pagtatapos ngayon sa SalcedoUniversity, isang university sa Isla Marino na tumatapat naman sa kalidad ng edukasyon sa ibang universities sa Maynila. At dahil isang espesyal na araw iyon sa mga estudyanteng nagsipagtapos ay isang magarbong graduation rites ang ginanap roon, in coordination with the students' parents who helped the school for the success of their children's graduation day.

At halata sa mga mukha ng mga estudyanteng nagsipagtapos, lalo na sa kani-kanilang mga magulang, ang saya dahil sa tagumpay na kanilang nakamit ngayong nakapagtapos na sila. Maraming iyakan rin ang naganap dahil marami na ang magkakahiwa-hiwalay pagkatapos niyon dahil sa bagong buhay na kailangan na nilang kaharapin. Kaya naman maraming picture taking ang naganap pagkatapos ng graduation rites na iyon.

Kasama sa mga ito sina Khea at Norina, parehong graduates ng kursong Fine Arts, na kasalukuyang nagpapa-picture kasama ang kanilang mga naging professors nila. And then they took pictures with their friends in the university during their school days. Malalayo na sa kanila ang mga ito kaya naman sinasamantala na nila ang pagkakataong magpakuha ng pictures kasama ang mga kaibigan nila.

And finally, their parents took pictures of them. May mga kuha sila na solo nila at karamihan ay magkasama silang dalawa ni Norina.

"Kayong dalawa talaga. Hinding-hindi napaghihiwalay," iiling-iling na wika ng kanyang ama.

Natawa na lang sila ni Norina sa sinabi nito.

"Si Daddy talaga. Ang tagal-tagal na naming magkaibigan ni Norina, eh. Ngayon ka pa magtataka kung bakit hindi kami mapaghiwalay," tatawa-tawang komento niya.

"Kaya kayo napagkakamalang magkapatid niyan, eh," dinig niyang sabi ng isang tinig na pamilyar sa kanya.

Na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso kahit hindi pa man niya nakikita kung sino ang nagsalita. Kasabay niyon ay ang biglang panlalamig ng kanyang kamay habang patuloy sa pagpupumiglas ang kaba sa kanyang dibdib ngayong alam na niyang naroon lang ito sa kanyang likuran.

"Alam mo, Phrinze, huwag ka nang magtaka kung bakit ganito kami ni Khea. Okay?" narinig niyang sabi ni Norina. Marahil ay napansin nito ang pagbabago ng atmospera sa paligid niya.

Bigla ay naramdaman niya ang pag-akbay ni Phrinze sa kanilang dalawa ni Norina.

"Tito, kuhanan mo naman kaming tatlo ng picture, o. Para may remembrance," nakangiting pakiusap nito sa kanyang ama na siyang may hawak ng digital camera.

Nangingiti na lamang na pumayag ito sa pakiusap ng binata at kinuhanan sila ng litrato. Nakapuwesto sa gitna si Norina habang siya ay nasa kaliwa lang nito at si Phrinze naman sa kanan. The three of them showed off their sweet genuine smile altogether when her father began counting down.

Nang matapos ay agad niyang hinarap ang binata.

"Bakit? Aalis ka na ba rito at nagpapakuha ka pa ng picture kasama kami?" agad na tanong niya rito.

"Hindi. Trip ko lang magpakuha ng picture kasama ang dalawang babaeng importante sa akin kahit na makukulit sila." At saka siya nginitian nito.

Tumaas ang isang kilay niya at saka iningusan ito. "Sus! Palusot ka pa. If I know, gusto mo lang makatsansing kay Norina at ang picture taking pa ang ginamit mong excuse. Idinamay mo pa ako sa mga kalokohan mo. Kung gusto mo kasing manligaw sa kan—" Hindi na niya naituloy ang dapat na sabihin dahil agad na tinakpan ni Phrinze ang bibig niya.

It's a good thing na malayo sa kanila si Norina at pabulong lang niyang sinabi ang mga iyon sa binata.

"Ano ba? Mabibisto ako niyan sa ginagawa mo, eh. Secret lang natin iyon. Okay?" pabulong na sabi nito habang tinatakpan pa rin ang bibig niya.

Nang magawa na niyang alisin ang kamay nito sa bibig niya ay huminga siya nang malalim. "So, inaamin mo ring totoo ang mga sinasabi ko?" natatawang tanong niya.

Nangunot ang noo nito. "Alin doon?"

"Na ginamit mo lang na rason ang picture taking para makatsansing ka sa kanya."

"Hindi, ah. Bakit ko naman gagawin iyon?" mabilis na sabi nito ngunit ibang direksiyon naman ang tinitingnan nito.

"Ows? Talaga?" panunudyo niya.

"Oo. Talaga."

Natatawa na lang siyang nagkibit-balikat.

"Okay. Sinabi mo, eh." At agad siyang dumiretso sa kinaroroonan ni Norina at ng kanyang mga magulang.

Agad naman siyang sinundan ni Phrinze.

"Alam mo, sa tingin ko lang, duda ka pa sa mga sinabi ko sa iyo kanina," sabi nito.

Napahinto siya sa paglakad at hinarap ito. "At sino ba naman kasi ang hindi magdududa, ha, aber? Obvious ka na, eh. Dahil kaibigan mo ako, remember? At hindi tayo magiging best friends for 15 years kung hindi kita kilala nang husto."

Natawa na lang ito.

"Ganoon ba iyon?"

Tumango siya. "Pasalamat ka na lang at malaki ang tiwala sa iyo nina Tito Clyde at Tita Marissa. Kung hindi, naku! Umasa kang may latay ka na ng latigo sa buong katawan mo kanina pa."

Tumawa silang dalawa sa sinabi niyang iyon. At iyon ang tagpong naabutan ni Norina at ng mga magulang nila.

"Ang akala ko, debate na naman ang aabutan ko sa inyong dalawa," natatawang wika ng kanyang ina.

Napangiti na lamang siya doon. Sanay na kasi ang kanilang mga magulang na makitang nag-aasaran at nagtatalo sila ni Phrinze sa maraming bagay. But all of that were just for fun. No hard feelings.

"Alam niyo, Tita, for the nth time na sasabihin ko sa inyo, masanay na kayo sa kanila. Baka nga ganyan pa rin sila in years to come. Hayaan niyo na lang po sila na ganyan," sabi ni Norina.

Hindi niya maintindihan kung bakit biglang nag-iba ang pakiramdam niya sa mga sinabing iyon ni Norina. Parang negatibo ang dating niyon sa pandinig niya samantalang dati-rati ay sinasabi naman nito iyon.

Bakit bigla yata akong kinabahan sa mga sinabi niya? Iyon ang naisip niya habang inaanalisa ang mga sinabi ng kanyang kaibigan.

"Khea, okay ka lang?" narinig niyang tanong ni Norina dahilan upang magbalik ang isip niya sa kasalukuyan.

Napatingin siya sa mga ito. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang pag-aalala.

"Anak, may sakit ka ba, ha?" tanong ng kanyang ama.

Umiling na lamang siya at ngumiti sa mga ito. "Don't worry, Dad. I'm fine. May... bigla lang po akong naalala."

"Sigurado ka ba diyan?" This time, si Phrinze na ang nagtanong niyon.

Tumango siya. "Okay lang ako. Promise." At agad siyang nauna sa paglalakad.

Sumunod na lamang ang mga ito sa kanya. At hindi na niya namalayang kasabay na pala niya sa paglalakad si Norina.

"Are you sure you're okay, Khea?"

Ngumiti siya nang tingnan niya ito. "Okay lang ako, Norina. Naglakbay lang ang utak ko sa kung saan." At bigla ay may naalala siya. "By the way, will you be able to make it to the ball?" Ang tinutukoy niya ay ang graduation ball nila na gaganapin mamayang gabi.

"Siyempre naman, 'no. Ako ang organiser, 'tapos hindi pa ako pupunta? Baka binato na ako ng ibang mga officers in charge hindi pa man ako nakakaalis ng bahay namin."

Natawa silang pareho at nagpatuloy na sa paglalakad patungong parking lot.

PUNO NA ng tao sa labas pa lang ng malaking gymnasium ng SalcedoUniversity nang makarating sina Khea at Norina nang gabing iyon doon para sa graduation ball.

Halos lahat ng mga estudyante at faculty staff na naroon ay naka-formal wear while the others wore semi-formal clothes. At kagaya ng graduation rites nila ay ginastusan din ng school ang graduation ball na iyon. Kaya naman magarbo din ang event na iyon na sadyang ini-enjoy ng mga estudyanteng naroon.

At hindi naiwasan ni Norina na mapangiti nang makita nitong success ang graduation ball na iyon. Isa kasi ito sa mga organizers ng event na iyon.

Iniikot ni Khea ang kanyang paningin sa loob ng gym at hindi pa man sila tuluyang nakakapasok ni Norina sa loob ay nakita na siyang pasalubong sa kanila si Phrinze. Kumakaway pa nga ito sa kanila habang nakangiti.

"Glad you two made it," natutuwang sabi nito nagn makalapit na sa kanila.

"Ang aga mo yata ngayon. Dati, kapag may ganitong klaseng event sa school natin, ikaw ang numero unong late sa ating tatlo," komento ni Norina na tinawanan na lang niya.

Kunwari ay nagtampo ito. "Sobra ka naman, Rin. Isang beses lang naman akong na-late, ah."

"Oo nga. Isang beses ka lang na-late. Pero anong oras ka na dumating noon? Past one hour na po noong dumating ka sa acquaintance party natin," aniya.

"Puwede ba? Hindi kayo nagpunta rito para asarin ako, okay? Nagpunta tayo rito para mag-get together dahil ito na ang huling get together natin bilang mga estudyante." At agad na silang hinila nito patungo sa isang table na sadyang ni-reserve ng binata para sa kanila.

Nang makaupo na sila ni Norina ay agad na umalis si Phrinze at tinungo nito ang buffet table upang kumuha ng inumin. Nang bumalik ito sa table nila ay nagtaka siya nang makitang dalawang baso lang ng inumin ang dala nito.

"O, bakit kaming dalawa lang ni Norina ang binigyan mo ng drinks? Bakit hindi ka kumuha ng inumin mo?"

Naupo ito matapos ilapag ang dalawang basong dala nito sa table nila.

"Kanina pa ako umiinom, okay? Nakakalimang baso na nga ako, eh."

Uminom na siya kaagad. Hindi pa man niya nakakalahati ang laman ng baso niya ay agad siyang nilapitan ng emcee ng event na iyon. Pinagpi-prepare na siya nito para sa intermission number na gagawin niya.

"Mag-i-intermission ka?" maang na tanong ni Phrinze. Tumango siya. "Ano naman ang gagawin mong intermission number?"

"Kakanta, siyempre. Bukod sa pagsusulat, iyon lang naman ang ilan sa mga kaya kong gawin," sagot niya at saka inubos na ang laman ng kanyang baso.

"Hindi kaya biglang bumagyo mamaya pagkatapos mong kumanta?" nakangising sabi nito.

Huminga siya ng malalim at saka hinarap ito. "Huwag mo akong subukang pikunin ngayong gabi, Phrinze, kung ayaw mong hindi na masundan pa ang lahi mo."

Nanlaki ang mga mata ni Phrinze samantalang hindi naman mapigilan ni Norina ang tumawa. Napangiti na lamang siya at umalis na siya sa table nila upang magtungo sa stage. Medyo kinakabahan pa siya habang binabanggit ng emcee ang pangalan niya na magpe-perform. Subalit hindi niya iyon ipinahalata. Nang makaakyat na siya sa stage ay nakita niya ang pagngiti ni Norina, a sign of encouragement. Lagi itong ganoon kapag may mga performances siya sa theater na kung saan ay member siya ng Theater Club. At kung minsan ay nagpapakita pa ito ng clenched fist bilang pagsasabi na kaya niya iyon. Iyon ang nagpapaalis ng kaba sa dibdib niya.

Nag-umpisa na siyang magsalita nang ibigay sa kanya ng emcee ang mikropono.

"Hi, guys! Good evening. I hope you're all having fun tonight. This song I'm going to sing tonight is actually dedicated to those people who couldn't express their feelings to the one they love."

Naghiyawan ang mga etudyanteng naroon at napangiti na lamang siya.

"I know, it's a common thing. But the situation itself isn't easy, especially if you really love that person. And still, you keep on wishing that your feelings for that person will be reciprocated. So, here it is. I hope you like it."

Matapos ang introduction niyang iyon ay nagpalakpakan ang mga naroon. Huminga muna siya ng malalim bago sinimulan ang pagkanta.

"'Di mo siguro nalalaman na ikaw ang aking mahal. 'Di mo siguro nakikita sa puso ang nararamdaman. Kapag tumitingin ka sa 'kin, 'di ko malaman ang damdamin. Gusto kong humimlay at yakap mo sa 'yong piling..."

But deep inside, isa siya sa mga apektado ng mga sinabi niya kanina. She was one of those people who couldn't express their feelings to the one they love.

"Kung bakit ikaw ang pag-ibig ko ay 'di ko masasabing itanong mo sa puso ko. Kung bakit ikaw ang hinahanap ko, damdamin ko ang sasagot sa 'yo..."

In worst case scenario, kay Phrinze pa siya na-in love. Hindi naman sa hindi niya type ito pero iyon ang ayaw na ayaw niyang mangyari noon pa man. Lalo pa't sa simula pa lang ay alam na niyang may gusto na ito kay Norina. But still, she couldn't force her heart not to fall in love with him. And she kept it inside her heart for 10 years now.

"Hindi ko sukat akalain, ikaw ang pintig ng puso ko. At 'di ko kaya na pigilan ang alab na nadarama ko. Kapag tumitingin ka sa 'kin, 'di ko malaman ang damdamin. Gusto kong humimlay at yakap mo sa 'yong piling. Kung bakit ikaw ang pag-ibig ko ay 'di ko masasabing itanong mo sa puso ko. Kung bakit ikaw ang hinahanap ko, damdamin ko ang sasagot sa 'yo..."

Tanging si Norina ang nakahalata ng sikreto niyang iyon na pinakatatago niya maging sa kanyang mga magulang. Until now, hindi pa rin niya masabi kung ano nga ba ang dahilan kung bakit na-in love siya kay Phrinze. Bukod kasi sa kilala na niya ang ugali nito, ang mga tantrums nito, wala na siyang ibang masabi kung bakit niya nagustuhan ito kahit na alam niyang ang best friend niya ang gusto nito.

"Alam ko namang ikaw ay mayroon nang iba. Ngunit patuloy pa rin sa 'yong umaasa. Kung bakit ikaw ang pag-ibig ko ay 'di ko masasabing itanong mo sa puso ko. Kung bakit ikaw ang hinahanap ko, damdamin ko ang sasagot sa 'yo. Damdamin ko ang sasagot sa 'yo..."

Anyway, wala namang masama kung aasa siyang isang araw ay mabaling sa kanya ang pag-ibig nito. Subalit sa ngayon, okay na sa kanya kung hindi nito mapansin at malaman ang nararamdaman niya. Basta ang mahalaga ay manatiling matibay ang pagkakaibigan nilang tatlo nina Norina at Phrinze.

Nang matapos ang kanta niya ay inanunsiyo naman ng emcee ang simula ng pagkain nila. Hindi na sila pinatayo pa ni Phrinze dahil ito na ang kumuha ng kakainin nilang tatlo. Sabay-sabay silang kumain kasama ang ilan sa mga kabarkada nila sa university. Walang tigil ang kuwentuhan at tawanan nila nang mga sandaling iyon. Kadalasan ay ang pag-alala sa mga school days nila sa university ang nagiging topic ng usapan nila.

Nagkaroon naman ng dance for all matapos ang kainan. Nang magpatugtog ang DJ ng isang ballad song ay agad na inanyayahan ni Phrinze na makipagsayaw dito si Norina. Alam niyang masaya ang binata ngayong kasayaw nito ang babaeng gusto nito. Sumunod naman siyang isinayaw nito na sadyang ikinatuwa niya. She felt like she's in heaven ngayong kasayaw niya ang lalaking mahal niya. At talagang susulitin niya ang pagkakataong ito na kasama niya ang binata. Although madalas naman silang magkasama nito, iilan lang ang pagkakataong nakakasayaw niya si Phrinze.

Bumalik sila kaagad sa kinauupuan nila nang matapos ang music at talagang masaya siya nang gabing iyon. Malapit na siya sa table nila nang makita niyang tumayo si Norina. Subalit nabigla siya nang tumigil ito at biglang sinapo ang ulo. At kung hindi pa siya nakalapit dito kaagad ay maaaring mabuwal ito.

Kumapit ito sa kanya nang mahigpit.

"Are you okay, Rin?" nag-aalalang tanong niya rito.

Pinaupo na muna niya ito bago sumagot si Norina.

"I don't know. All of a sudden, bigla akong nanghina."

"Should I take you home?" tanong naman ni Phrinze na halatang nag-aalala rin para kay Norina.

"No, I'm fine." At saka siya binalingan nito. "Will it be okay kung samahan mo muna ako sa restroom, Khea?"

Tumango siya at agad na inalalayan ito sa pagtayo upang magtungo sila sa restroom.

"SIGURADO ka bang okay ka lang, Rin? Baka naman kailangan mo nang magpunta sa clinic at doon ka muna magpahinga?" tanong ni Khea kay Norina habang nasa restroom sila at sinasamahan ito habang naghihilamos at nagre-retouch ng make-up nito.

Bumuntong-hininga ito at saka siya hinarap. "Okay lang ako, Khea. Posibleng dala lang ito ng pagod dahil sa pag-o-organise ng graduation ball."

"I guess you should say that it's a combination of stress, being tired and excitement. Kilala kita, Rin. Masyado kang dedicated sa trabahong ibinibigay sa iyo to the extent na nalilimutan mo na ang sarili mong kalusugan. It shouldn't be like that."

Natawa na lang ito. "Ganoon na ba ako ka-transparent sa iyo?"

Tumango siya. "Kinda. Seventeen years na tayong magkaibigan, Norina. Kaya huwag ka nang magtaka, okay?"

Umiling ito at hinarap ang salamin.

"Seventeen years... Ang tagal na rin pala," tila wala sa sariling sabi nito. "Mabuti na lang at hindi masasayang iyon kapag dumating na ang panahong kinatatakutan ko."

Nagtaka siya sa mga salitang binitiwan nito. What the heck does she mean by that?

"Ano'ng ibig mong ipahiwatig sa mga sinabi mo?" hindi niya napigilang itanong rito habang ina-absorb ng utak niya ang mga sinabi nito.

Ngumiti lang ito at agad na nagtungo sa pintuan. Huminto ito at humarap sa kanya. "You'll know soon," makahulugang sabi nito at saka lumabas na ito doon.

Siya naman ay naiwan doon na patuloy na inaanalisa ang mga sinabi ni Norina. Bumuntong-hininga na lamang siya at napilitan nang umalis doon.

NAROON sina Khea at Norina sa garden at nag-aalmusal nang may inabot ang maid sa kanila na isang envelope. Bagaman nagtataka kung kanino galing ay binuksan pa rin niya iyon.

An invitation to the birthday celebration of Phrinze Joel Valencia. Iyon ang nakasulat sa harap ng card pagkabukas niya sa envelope.

Pareho silang natawa ni Norina matapos niyang basahin iyon. Nawala kasi sa isipan nila na birthday pala ngayon ni Phrinze. It's a good thing na nakapamili na sila ng ipangreregalo rito three weeks ago.

Pagsapit ng takdang-oras ay nakarating na sa mansion ng mga Valencia ang dalawa. Exclusive ang birthday party na iyon sa mga invited guests lamang at ang invitation card ang tanging ticket nila sa pagpasok sa mansion. Napangiti nang maluwang si Phrinze nang salubungin sila nito pagpasok nila sa gate.

"Ang akala ko, hindi na kayo darating."

"Sus! Kailan pa nangyari iyon? Not once for the past fifteen years na naging magkaibigan tayo," ani Norina at saka iniabot na nila ang mga regalo nila dito.

"Happy birthday," bati niya rito.

Niyakap silang pareho ni Phrinze. At kahit sabihing sandali lang iyon ay nagkaroon pa rin iyon ng epekto sa kanya.

Agad na dinala sila ng binata sa table na nakareserba na para sa kanila.

Nang magsimula ang celebration ay halos hindi na umalis sa table nila si Phrinze. Lagi naman itong ganoon kahit na ano ang okasyon. Ayon dito, mas prefer pa raw nito ang makipag-usap sa kanilang dalawa ni Norina kaysa ang makipagplastikan sa mga mayayamang babaeng nagpapalipad-hangin dito.

Nang ianunsiyo na ang first dance ng birthday celebrant, hindi na siya nagtaka nang piliin nito si Norina. Nakangiti siya sa mga ito subalit hindi maikakailang hindi na niya gusto ang nakikita niya. Nakikita kasi niya sa mga mata ng mga kaibigan niya ang sayang dulot ng presensiya ng isa't isa, lalo pa't ngayon ay magkasayaw ang mga ito.

She's not denying the fact that she's jealous of her bestfriend dancing with the man she secretly loves. Pero wala siyang magagawa. Hindi niya gustong mapalayo ang binata sa kanya sa oras na gusto niyang sabihin dito ang nararamdaman niya. Kaya naman nagkakasya na lamang siya sa pagiging kaibigan nito, kahit na masakit para sa kanya. Keeping that feeling for ten years was surely one hell of a torture to her heart. Ganoon katagal ang tinitiis ng puso niya na huwag magpahalata ng kanyang tunay na nararamdaman. Mabuti nga at nakakaya pa niyang ilihim ang lahat ng iyon kay Phrinze, kahit na walang kaide-ideya ang lalaking ito kung gaano kasakit sa kanya na ang bestfriend niya ang gusto nito.

Pero paano na kung dumating ang panahong kinatatakutan niya? Paano kung magkagustuhan na sina Norina at Phrinze? Will she be able to handle the pain that will surely come rushing inside her heart?

THE WIND sure is calm today. Tamang-tama lang dahil kailangan ko ito ngayon, saisip ni Khea habang nakaupo sa malaking batong naroon sa cove.

Ang cove na iyon ay nasa tagong bahagi ng isla na madalas niyang puntahan kapag may bumabagabag sa kanyang isipan at kung hindi siya mapalagay kaya nais niyang mapag-isa. Kumbaga, ito ang sanctuary niya. Ang cove na ito ay malapit sa isang kuweba na hindi napupuntahan ng mga tao dahil medyo madulas ang mga bato rito na dinaraanan ng mga tao. At ang batong kinauupuan niya ay nasa labas lamang ng nasabing kuweba. Mataas ang batong ito at patag ang ibabaw nito kaya naman walang pangamba siyang pangamba na baka mahulog siya sa tubig.

Nagtungo siya rito dahil problemado siya sa nakikita niyang closeness nina Phrinze at Norina. It's been two weeks matapos ang birthday party ng binata. During those times, napapansin niya ang madalas na paglabas-labas ng dalawa na bagaman ipinapakita niya sa mga ito na okay lang sa kanya ay hindi maitatangging unti-unti siyang nasasaktan dahil alam niyang malapit nang dumating ang panahong kinatatakutan niya.

Pero takot siyang sabihin sa binata ang totoong nararamdaman niya. Takot siyang lumayo ito sa oras na gawin niya iyon at kalimutan na ang pagkakaibigan nila. Takot siyang ito pa ang maging ugat ng 'di nila pagkakaunawaan. Takot siya sa napakaraming posibilidad na maaaring ibunga ng nais niyang magyari.

Maraming katatakutan ang rumaragasa sa kanya nang mga sandaling iyon. But she has to keep it to herself. That's the only way she knew upang walang magbago sa closeness nila ni Phrinze.

Patuloy pa rin siya sa pag-iisip doon nang bigla ay maramdaman niyang may tumakip sa mga mata niya. Pinilit niyang alisin ang mga palad na nakatakip sa mata niya at nang lingunin niya kung sino iyon ay napangiti siya nang makita si Phrinze. Ugali talaga ng binata ang gawin iyon kapag pinupuntahan siya nito doon. And of all people, tanging si Phrinze lang ang nakakaalam na iyon ang sanctuary niya, bukod pa sa special place na tanging sila lang ni Norina ang nakakaalam.

"O, ano'ng ginagawa mo dito? At saka... bakit parang ang saya-saya mo yata ngayon? M-may nangyari bang maganda?" medyo kinakabahang tanong niya rito bagaman hindi niya ipinahalata dahil sa kakaibang saya na nakikita niya sa mga mata nito.

Masaya itong naupo sa tabi niya at tumingin sa kanya.

"Sinagot na ako ni Norina kagabi, Khea!" tuwang-tuwang pagbabalita nito sa kanya. At saka muling tumayo kasabay ng pagpalibot ng mga palad nito sa bibig niya. "Girlfriend ko na si Norina sa wakas!" sigaw nito sa dagat.

Parang tinuklaw siya ng ahas ng mga sandaling iyon. At sa totoo lang ay hindi nag-sink in sa utak niya ang mga sinabi nito at pakiramdam niya ay tuluyan nang nagkapira-piraso ang kanyang puso nang marinig niya ang sinabi nito. Kahit na hindi naging sila nito ay masakit pa rin sa kanya ang nalaman.

Ten years... Ten years niyang inalagaan ang pag-ibig niya para dito. And those ten years were wasted dahil hindi niya nagawang ipagtapat sa binata ang totoo. At ngayon ay dumating na ang kinatatakutan niya.

Ang ma-in love sa iba ang kaibigan niya. And to make matters worst, na-in love pa ito sa bestfriend niya. It came as a shock to her. It's like she's been hit by lightning nang lumabas sa bibig nito ang salitang 'girlfriend' at ang pangalan ni Norina. All of a sudden, her mind just went blank.

Tila agad na napansin ng binata ang biglang pananahimik niya kaya naman kailangan pa siyang yugyugin ang balikat niya upang kunin ang atensiyon niya.

"Okay ka lang ba, Khea? Bakit bigla kang natahimik?" may bakas ng pag-aalala ang tinig na tanong nito sa kanya.

Ilang sandali bago nag-sink in sa utak niya ang tanong nito. Ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo at nagpakita ng isang ngiti upang hindi ito makahalata sa kasalukuyang nararamdaman niya.

"Okay lang ako," tanging nasabi niya.

"Eh bakit bigla ka na lang natahimik diyan? Parang hindi ka pa yata natuwa sa ibinalita ko sa iyo." Nahimigan niya ang pagtatampo sa tinig nito kaya naman bigla siyang nataranta.

Ang tanging nagawa na lang niya ay matawa sa klase ng arte nito. This was also a way for her to disguise the pain that continued to torture her heart at that moment. Anyway, she wouldn't blame her friend for it. Kahit na alam nito ang nararamdaman niya para kay Phrinze ay wala siyang karapatang magalit dito. Dapat nga ay maging masaya pa siya sa mga ito. At least, hindi sa basta-bastang lalaki umibig ang bestfriend niya.

"At sino namang nagsabi sa iyo na hindi ako natutuwa sa balita mo? Parang natahimik lang ako sandali, eh. Kung anu-ano na ang pumasok diyan sa isip mo."

Bumuntong-hininga ito at saka muling naupo sa tabi niya. "Paano ba naman kasi ako hindi mag-iisip ng kung anu-ano, eh ibang klase kasi ang pananahimik mo. Para kang tinuklaw ng ahas sa gulat nang sabihin ko sa iyong girlfriend ko na si Norina."

"Ganoon ba?" Tumawa siya nang maikli. At saka tumingin siya sa dagat. "I admit, nagulat nga ako nang ibalita mo sa akin iyan. But that doesn't mean na hindi ko ikinatuwa ang balita mo. Hinayaan ko na lang munang mag-sink in sa utak ko ang mga sinabi mo kaya ako natahimik. At least, nagbunga na ang ilang taong paghihirap mo na ligawan ang bestfriend ko."

Ngumiti ito nang maluwang at saka tumingin sa dagat. "Oo nga, eh. Hindi ko akalaing darating ang panahong sasagutin ako ni Norina. Kaya nga hindi ko maipaliwanag sa iyo kung gaano ako kasaya ngayon."

"Obvious naman, eh," natatawang komento niya subalit siya lang ang nakakaalam na kabaligtaran ng tawang iyon ang nararamdaman niya. "Congrats nga pala sa inyong dalawa, ha? Reminder lang, huwag na huwag mong susubukang paglaruan o saktan ang bestfriend ko, ha? Kahit na magkaibigan tayo, hindi ko hahayaang umiyak ang bestfriend ko nang dahil lang sa kalokohan mo. Walang kai-kaibigan sa oras sa saktan mo si Norina," banta niya rito.

Ang akala niya ay babanat ng asaran ang binata sa kanya. Kaya naman laking-gulat niya nang bigla nitong hilain ang braso niya at yakapin siya nang mahigpit.

"Don't worry, Khea. Hinding-hindi ko hahayaang mangyari iyon sa kanya. Thank you talaga sa lahat ng tulong at encouragement mo sa akin."

"Siguraduhin mo lang, Phrinze. Dahil kapag sinaktan mo si Norina, hindi na talaga masusundan ang lahi mo, Mr. Valencia."

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "Sigurado ka ba doon?" paniniyak nito.

Tumango siya. "So don't you dare try to hurt her kung ayaw mong gawin ko iyon."

Tumawa na lang ito at saka pinisil ang balikat niya. And that caused thousands of electrifying sensations to move through her veins. Bakit ba ganito na lang palagi ang effect ng lalaking ito sa kanya?

"Mas dapat pala akong matakot sa iyo kaysa kay Tito Clyde. Parang ikaw pa itong handang makipaggiyera para sa bestfriend mo, ah."

"Gusto ko lang masigurong hindi magsa-suffer si Norina dahil higit pa sa kaibigan ang turingan namin. Mas mabuti pang ako na lang ang umiyak at masaktan para sa kanya kung kinakailangan."

Natahimik na lang si Phrinze.

Ganoon kahalaga sa buhay niya si Norina.

At kung alam mo lang, Phrinze, I'm willing to do the same thing for you...

No comments:

Post a Comment