Sunday, April 26, 2015

Indigo Love - Chapter 1

NAKATAYO si Rianne sa pintuan ng kanyang opisina; her eyes devoid of any emotions habang pinagmamasdan ang komosyong nagaganap. Lumabas ang mga pulis bitbit ang isang babae't isang lalaki. Panay ang palag ng lalaki ngunit hindi nito magawang makawala sa mahigpit na pagkakahawak ng mga pulis. Ang babae nama'y walang tigil sa pagmamakaawa at paghagulgol.

"Rianne, honey, please give me a chance to explain!" palahaw ng lalaki na hindi niya pinansin. Manhid at bingi na rin ang puso niya para pakinggan pa ito.

You already blew that chance, you worthless jerk! nagngingitngit na saisip niya. A few seconds later, she smiled sadly. Who would've thought na ito ang lalaking pinagkatiwalaan niya hindi lang ng kanyang negosyo kundi maging ng kanyang puso. She couldn't believe it!

Nagmistula siyang bingi sa pagtawag sa kanyang pangalan ang nobyo niyang si Daniel—now her ex-boyfriend. She met him four years ago sa isang seminar sa Baguio. Agad itong nagpakita ng interes sa kanya. Noong una ay duda siya sa paglapit-lapit nito subalit hinayaan niya itong manligaw sa kanya. Isang taon din ang itinagal ng panliligaw nito at nang mga panahong iyon ay ipinakita nitong tapat ang intesiyon nito sa kanya. Sinagot niya ito kalaunan at sa nakalipas na tatlong taon ay naging maayos ang relationship nila ni Daniel.

Or so she thought.

Two months ago, binigla siya ng kanyang sekretarya nang sabihin nito ang kalokohang ginagawa ni Daniel kapag wala siya. Nabigla man ay alam niyang hindi naman nito ugaling gumawa lang ng kuwento. Nagkaroon ng lama tang pagtitiwala niya sa nobyo. At mas lalo pa siyang nagduda nang matuklasang unti-unting nauubos ang funds ng agency. Dalawa lang sila ni Daniel na may direct control sa mga iyon. With the help of her most trusted staffs, nangalap sila ng mga ebidensiyang magagamit niya na magdidiin rito. Hawak na niya ang ilang mga papeles na maaring mag-incriminate rito. But she still needed one more proof; iyong dito mismo manggagaling. Naisipan nilang gumawa ng isang patibong at kanina nga ay natuklasan niya ang buong katotohanan.

Nasa kabilang silid siya kasama ang kanyang ama at isang computer technician. Nakaupo siya't kung titingnan ay kalmado lang habang pinapanood ang mga kaganapan sa opisina niya. But deep inside, she badly wanted to strike something. Gusto niyang magwala. Ang lakas ng loob ng mga ito na babuyin ang opisina niya! Hindi na nahiya kahit na katiting man lang! Hindi niya akalaing ganoon kababa ang pagkatao ni Daniel. He couldn't even find a decent room to have sex with a girl at ang opisina pa niya ang ginawa nitong motel.

Sick bastard! Urgh!

Hindi niya kilala ang babae at wala na siyang plano pang kilalanin ito. Both of them could go to hell after this and she wouldn't care! Not even one bit! Lingid kay Daniel, may mga hidden camera at mic sa loob ng kanyang opisina. Ipinalagay niya iyon upang makakuha ng ebidensiya laban sa nobyo. Ilang ulit silang nabigong mahuli ito. Not until today na inakala nitong nasa isang out of town conference siya.

"Hanggang kailan ba tayo ganito?" tanong ng babaeng kanina lang ay katalik ni Daniel. Kasalukuyan na itong nagsusuot ng bra.

"Huwag kang mainip, honey! Malapit na tayong magkasama nang tuluyan," ani Daniel.

Umirap ang babae. "Hmp! Ganyan din ang sinabi mo the last time. Parang gusto ko nang magduda sa mga sinasabi mo. Hindi ko alam kung sino sa amin ang niloloko mo."

Tumawa ang binata. Pero sa pandinig niya, tila tawa iyon ng isang demonyo. A perfect description of him. Lumapit si Daniel sa kaulayaw at hinapit ito sa baywang. Agad namang yumakap ang mga braso ng babae sa batok ng binata.

"Kumukuha lang ako ng tiyempo, Rachel. Malaki-laki rin ang nakukuha ko dito sa agency. Pero hindi pa sapat iyon."

"Pero baka makahalata na siya."

"Sino, si Rianne? Eh patay na patay kaya sa akin iyon."

Kumuyom ang dalawang kamay niya sa narinig.

"Hindi niya ako mahuhuli, okay? Hindi ko siya pinagtiyagaan kung alam kong wala akong mahihita sa kanya. Iyon nga ang rason kung bakit ko siya niligawan at pinasagot."

Sabay na natawa ang dalawa. She wanted to cry in anger and frustration. Hindi niya inakalang maloloko siya ng ganito. Nanginginig ang buong katawan niya sa galit.

She felt a hand on her shoulder. Tumingala siya sa mukha ng ama na katulad niya ay halatang galit din. Hinawakan niya ang kamay nito and she felt a firm squeeze. Binalingan nito ang computer technician.

"Nai-record ba ang lahat?" tanong ng papa niya.

Tumango ang technician. Iyon lang ang hinihintay ng kanyang ama. Kinuha nito ang cell phone at tinawagan ang kaibigang hepe.

At ngayon nga ay naisakatuparan na ang plano nila. Nahuli na sa wakas ang walanghiya niyang nobyo.

"Rianne, hindi pa tayo tapos! I swear, babalikan kita! Pagsisisihan mo ito!"

She glanced at him icily. Manhid ang pakiramdam niya nang isakay ito sa police car. Pilit niyang kinakapa ang pagmamahal na iniukol niya sa nobyo. But all she could feel were hatred and regret.

Nang mapag-isa siya ay saka niya pinalaya ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Walang tigil ang pagtulo niyon. She was really hurt by his betrayal. Ngunit mas higit ang galit niya rito at ang inis sa sarili. Ngayon niya pinagsisisihang hinayaan niya itong maging bahagi ng buhay niya ng matagal na panahon.

Ganoon na ba siya ka-naïve, na kung wala pang nagsumbong sa kanya ay hindi pa niya matutuklasan na niloloko na siya? She must've been really stupid! How she wanted to curse herself. Pero nangyari na. kahit ano pa ang gawin niya, hindi na maibabalik sa dati ang lahat. Kung tutuusi'y mayroon pa rin naman siyang dapat na ipagpasalamat. Nagawa niyang iligtas ang travel agency na pinaghirapan ng kanyang mga magulang bago pa maging huli ang lahat.

For now, she would just allow herself to cry. Iyon lang muna sa ngayon ang magagawa niya para sa sarili.

xxxxxx

MAAGANG nagising si Rianne kahit na wala naman siyang pasok nang araw na iyon. Hindi na rin lang niya nagawang makatulog dahil sa dami ng iniisip kaya napilitan na siyang tumayo at mag-almusal. Hindi siya nakapag-dinner kagabi kaya ngayon niya sasabakan ng kain.

Ganoon ang habit niya kapag problemado siya o di kaya'y depressed siya.

Naabutan niya ang kanyang mga magulang na tila seryosong nag-uusap habang kumakain matapos mag-shower. Bahagyang nangunot ang noo niya sa eksenang naabutan dahil na rin sa pagtataka. Umagang-umaga ay napakaseryoso ng mga ito. Noon naman namalayan ng mga ito ang presensiya niya.

"Good morning, Rianne," nakangiting bati ng kanyang ina.

Ngumiti na rin siya. "Good morning din, Ma, Pa."

"Kumusta ang naging tulog mo?" pagkuwa'y tanong ng kanyang ama.

Noon naging seryoso ang mukha niya. "Hindi naging maganda ang tulog ko, Pa. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang katraiduran ni Daniel sa akin. Gustuhin ko mang alisin sa utak ko kaagad ay nahihirapan akong gawin iyon." Pinili niyang maging tapat sa mga magulang. Iyon lang ang paraang alam niya para kumalma dahil nag-uumpisa na namang umalpas ang puso niya sa galit at pait na nararamdaman niya hanggang ngayon. May mahigit isang buwan na rin ang nakararaan matapos hulihin ang dating nobyo.

Wala na siyang balita pa rito matapos itong mahuli. Though his capture became a news, hindi na siya nag-abalang basahin pa ang tungkol roon sa diyaryo. Wala naman siyang hilig sa pagbabasa ng diyaryo o makinig ng balita. Naiinis lang siya sa mga balitang lumalabas roon. Kung hindi pulitika, patayan at nakawan ang nababalitaan niya. Lalo lang siyang nadi-depress. She had always been a positive person pero may hangganan din ang pagiging positive niya.

Bumuntong-hininga ang kanyang ina bilang tugon. "Forgetting is not easy, Rianne. There has never been an easy process to do something as complicated as that. Dapat ay alam mo iyan."

"Alam ko iyon, Ma. But for me remembering that bastard's betrayal almost every minute of the day would surely drive my insane anytime soon. Masyadong masakit sa ulo at masakit din sa dibdib. Pero gusto kong may magawa para makalimutan ko si Daniel," aniya at saka siya naupo.

Pero sa halip na kumain na ay nanatili lang siyang tahimik. She was basically staring vacantly at nothing. Dahil dito ay napailing na lang ang kanyang ama.

"What if you go on a vacation for a while, Rianne?" biglang suhestiyon ng kanyang ama na nagpabalik ng kanyang isipan sa realidad.

Kunot-noong tiningnan niya ito nang tuluyan nang rumehistro sa utak niya ang sinabi nito. "Pa, you know I can't do that. Paano ang travel agency? I can't just leave them there cramming as they try to pick up what was left of it. Hindi ko sila puwedeng pabayaan lalo na ngayon."

"Alam ko iyon, anak. But trust me on this. I would never suggest something na alam kong hindi mo agad mapapayagan dahil sa mga pag-aalala mo para sa ibang tao. Leave them to me and your mom. Hindi namin sila pababayaan," pag-a-assure nito sa kanya. "You need this time to think things over. And besides, you need to rest. Huwag mong pahirapan nang husto ang sarili mo. Lalo ka lang mapapagod."

Hindi siya makasagot. But then she realized na may punto ang kanyang ama. Masyado na rin siyang pagod dahil sa dami ng mga nangyari sa kanya nitong mga nakalipas na araw.

That was why she definitely deserve a good vacation.

Why not?

xxxxxx

AGAD na nagtungo sa Rosalia Building si Jerique Alexander Olivarez kung saan naroon ang security agency na pinagtatrabahuhan niya, ang The Twin Rose Detective Agency. Doon siya patungo ngayon bago siya umuwi sa mansion matapos ang meeting niya sa isang kliyente.

Pag-aari ng dalawang pamilyang matagal nang magkaibigan—ang mga Cervantes at dela Vega—ang nasabing agency. Both families bear the emblem of one flower—the rose. The Cervantes clan has white rose as their emblem while the red rose became the dela Vega's emblem. Isang dahilan iyon kung bakit may root word na "rose" ang ilan sa mga negosyong hawak ng dalawang pamilya.

His mother Fate Cervantes-Olivarez belonged to one of these prominent clans. Isa itong surgeon sa Rose General Hospital, isang ospital sa San Rafael na pag-aari rin ng dalawang pamilya. Former military officer ang papa niyang si Cedric Olivarez. Sa ngayon ay ito ang tumutulong sa Tito Alexis niya sa pamamahala ng agency kasama ang mga kapatid at kababata ng huli.

"Ang bilis mo naman, 'tol," nakangiting salubong ng pinsan niyang si Jett pagbukas na pagbukas niya ng pinto ng meeting room. "Kumusta ang naudlot na date?"

"Luku-luko! Ano'ng date ang sinasabi mo diyan? Hindi ako nakipag-date. Nasaan nga pala si Dad?"

"Nandoon pa sa opisina, kausap iyong kliyente. May trabaho kasing iaatang sa iyo," sabi ni Francis na isa rin sa pinsan niya. Ito at si Jett ang ilan sa mga pinsan niyang mga private investigators na kasama niyang nagtatrabaho roon.

Nangunot ang noo niya. "Sa akin? Bakit sa akin?"

Kibit-balikat lang ang tugon ng dalawang pinsan. Kaya pinili na lang niyang hintayin ang ama. Ilang minuto din ang hinintay niya bago nakitang pumasok ang kanyang ama at si Alexis Cervantes, ang tito niya na kapatid ng kanyang ina.

"May trabaho ka raw para sa akin, Dad?" bungad niya.

Tumango si Cedric at iniabot sa kanya ang isang folder. Nangunot agad ang noo niya pagkakita sa profile na naroon. Lalong lumalim iyon nang makita na niya ang close-up picture na kalakip niyon.

"Rianne? Si Lin?" mahinang usal niya bago binalingan ang ama. "Ano'ng kinalaman ni Rianne sa trabahong ibibigay n'yo sa akin?"

"Ikaw ang magiging bodyguard niya, Alex. According to your brother, kilala mo na ang babaeng iyan dahil naging magkaibigan kayo noong high school. Siya ang anak ng kliyente natin. Her name is Elina Rianne Castañeda, nag-iisang anak nina Alberto Castañeda at Lina Avellana. Gustong siguruhin ni Mr. Castañeda ang magiging kaligtasan ng kanyang unica hija habang nagbabakasyon ang huli. Alam niyang dito sa San Rafael magtutungo ang anak kaya sa atin niya iniatang ang pagbabantay dito. Tayo lang ang pinagkakatiwalaan niya sa kaligtasan ng kanyang anak," imporma ni Alexis sa kanya habang siya naman ay hindi maialis ang tingin sa picture ni Rianne na hawak niya.

"Pero bakit kailangan niyang ipabantay ang anak niya? Is she in trouble?" tanong niya.

"No, but there's that possibility."

"Ano'ng ibig n'yong sabihin?"

"Hindi pa ito sigurado pero may isang jailguard na nakapagsabi kay Mr. Castañeda na posibleng gantihan ni Daniel Montoya si Rianne dahil ang dalaga ang rason kung bakit nakulong ito. Yesterday, a prison break happened. Walo ang nakatakas at isa si Montoya sa mga iyon. Ayon pa sa mga jailguards ay mga kasamahan ni Montoya ang kasama nitong tumakas. Hindi malabong ang unang puntahan nito ay si Rianne para makaganti. At iyon ang hindi mapapayagan ni Mr. Castañeda," ani Cedric sa pantay na tono. "All I want you to do is to protect her—discreetly. Hindi dapat malaman ni Rianne na kumuha ng bodyguard ang kanyang ama para dito."

"Dad, you know I don't do missions in discreet. Paano ko gagawin ang gusto mong mangyari ngayon?"

"Puwede mo naming siyang lapitan at kausapin pero hindi niya dapat malaman na posibleng nanganganib ang buhay niya. Protect her from harm in any way, Alex," sabi ng ama sa seryosong tono.

Buntong-hininga ang naging sagot niya matapos marinig iyon. Napakamot na rin siya ng batok.

"Huwag mong sabihing nag-aalangan ka, 'tol?" tanong ni Francis.

He shook his head and placed down the folder on the table. "Hindi naman sa ganoon. Pero hindi ko kasi maialis sa isip ko na posibleng hindi lang pagbabantay kay Rianne ang gusto n'yong ipagawa sa akin. Lalo na si Allen," aniya na ang tinutukoy ay ang kakambal niyang si Allen Anthony Olivarez na mas matanda sa kanya ng anim na minuto.

Nangunot naman ang noo ng mga naroon. Siya lang ang nakakaalam kung ano talaga ang koneksyon ni Rianne sa taong minsang naging bahagi ng buhay ng kakambal niya.

"I don't know about that but you know Allen better than I do. Why don't you ask him? But I want to know if you'll accept the job," ani Alexis.

Ilang sandali lang ang pinalipas niya bago siya tumango, tanda ng pagpayag niya sa trabahong iniatang sa kanya ngayon. Pero lingid sa mga taong kasama niya ngayon sa meeting room, may mas higit pang dahilan kung bakit siya pumayag na tanggapin ang trabahong iyon. Sa ngayon ay siya lang muna ang dapat na makaalam niyon.

Elina Rianne Castañeda... I never thought I'll be able to see you again after eight years. Ang pagkakataon nga naman.

No comments:

Post a Comment