Tuesday, April 28, 2015

Till Beyond Eternity - Chapter 2

"ARAY! DAHAN-DAHAN ka lang naman sa pagpapatong mo niyan sa mukha ko, Alex," reklamo ni Allen habang pinapatungan ni Alex ng ice pack ang pasa sa mukha na natamo niya. Hindi niya naiwasang mapangiwi dahil doon. He couldn't really believe it. Isang babae ang nagbigay ng pasang iyon sa kanya!

Totoo ang sinabi niya kay Relaina na ito pa lang ang babaeng nakagawa niyon sa kanya. Mas madalas na sampal ang inaabot niya sa mga babae, lalo na kapag nakipag-break na siya sa mga nakarelasyon niya noon. But no girls had ever punched him hard like what Relaina did. May mga pagkakataon noon na umuuwi siyang may pasa sa mukha dahil madalas siyang napapaaway sa labas ng eskuwelahan. Ngunit nangyayari lang iyon kapag inaabangan siya ng mga basagulerong estudyante ng Oceanside at nagkataong pinakiusapan ng mga ex-girlfriend niya ang mga iyon. Bilang ganti lang daw sa paglalaro niya sa puso ng mga babaeng iyon na ilang linggo lang ang itinagal sa kanya. Kadalasan ay hindi pa lumalampas ng isang buwan.

Well, he couldn't help it kung masyado siyang lapitin ng mga babae. After all, he was born a charmer. Namana daw niya ang isang major trait ng mga Cervantes, ayon sa kanyang ina. Technically, panganay siya sa tatlong magkakapatid kahit sabihin pang may kakambal siya. Limang minuto ang tanda niya kay Alex. His mother Fate Olivarez belonged to the Cervantes clan—one of the few prominent clans in Altiera—and one of the amazing surgeons he had ever met. Sa katunayan, pagiging doktor ang pangarap ng bunsong kapatid niya na si Armand. His father Cedric Olivarez became a private investigator after quitting the military service. Isa ito sa tumutulong sa mga maternal uncles niya sa pamamahala ng Twin Rose Agency, ang security agency na pag-aari ng mga Cervantes at dela Vega—another of Altiera's prominent clans. Plano naman ni Alex na sumunod sa yapak ng ama na maging isang private investigator.

Kaya misteryo sa kanya kung bakit imbes na Criminology ang kunin nitong kurso, naisipan nitong kumuha ng Architecture. Siya naman ay Civil Engineering ang kinuhang kurso. He wanted to become an engineer, just like his mother's sister Engr. Cecille Cervantes Mercado. He still has a few more years for him to achieve that, though. Kaya naman pinagbubutihan niya ang pag-aaral.

Tatawa-tawa lang si Alex habang patuloy pa rin ito sa pagpapatong ng ice pack sa napinsalang bahagi ng mukha niya. "Hindi lang naman kasi ako makapaniwalang may babae pang maglalakas-loob na gawin iyon sa iyo. Ano ba kasi ang pumasok diyan sa kukote mo at hinalikan mo si Relaina pagkatapos kang bigyan ng pasa sa mukha?"

Honestly, hindi ko rin alam, sagot niya sa isip. Umismid lang siya at hindi niya sinagot ang tanong nito. Hindi niya maisip ang naging rason kung bakit nga ba niya ginawa iyon. All he knew, he was smitten at the sight of her eyes, as if he was enchanted upon seeing them. Or maybe his darn ego should be the one to blame dahil sinuntok siya nito at pagkalakas-lakas pa. Hindi pa niya matukoy sa ngayon. Ang tiyak lang, nagustuhan niya ang ginawa niyang paghalik dito. Pero hindi niya inakalang ang mapangahas na paghalik niya kay Relaina ang magbibigay sa kanya ng ibang klaseng sensasyon. Sensasyong bago sa kanya.

Kaya lang, wala sa hinagap niya na gagantihan siya nito ng isa pang suntok sa kabilang pisngi at tinuhod pa siya nito. Noon lang siya nakakilala ng babaeng kayang gawin ang ganoon sa kanya. Ang mga babaeng nakakakita sa kanya ay laging kinikilig, nagpapapansin, nanlalandi at pinagnanasaan siya. Kung hindi naman ay hinihimatay kapag kinikindatan niya. Hindi naman sa pagmamayabang—kahit alam niyang may kayabangan talaga siya—pero iyon ang totoo. Ngunit iba si Relaina. Matapang ito at tila hindi man lang tinatablan ng kaguwapuhan niya. Kung tingnan siya nito, tila kaya talaga siya nitong katayin dahil sa kapangahasang ginawa niya rito.

Patuloy pa rin sa ginagawa si Alex nang lapitan sila ng isang teenager na lalaki na may hawig sa kanilang magkambal. Si Armand iyon, ang bunsong kapatid niya na mas bata sa kanila ni Alex ng tatlong taon.

"O, napaaway ka naman ba, Kuya Allen?" tanong nito na tila hindi na bago rito ang pagtatanong nito nang ganoon sa kanya habang inilalagay sa sofa ang bag nito at naupo roon.

"Hindi, Andz. For the first time, may babaeng nagnais gawing punching bag ang mukha ng notorious heartbreaker nating kapatid na si Allen Anthony Olivarez," tatawa-tawang sagot ni Alex na ikinainis niya.

Armand gaped at him wide-eyed for some seconds before facing Alex. "Seryoso ka ba, Kuya Alex? Bago 'yan, ah." At tumawa ito pagkatapos niyon.

"Talagang bago. At nakakainis iyon, 'no!" gigil na saad niya at kinuha ang ice pack na hawak ni Alex. Dahan-dahan niyang ipinatong iyon sa bahaging may pasa. Napangiwi na naman siya na maramdaman ang lamig na tumama sa pasa niya.

Noon naman dumating ang mama niya at ngumiti nang makita silang tatlo sa sala. Subalit agad ding napawi ang ngiting iyon at kumunot-noo ito nang dumako ang tingin nito sa kanya, partikular sa mukha niya. Tiyak niyang napansin na nito ang pasa doon. Bumuntong-hininga na lang ito at lumapit sa kanilang tatlo. Naupo ito sa tabi niya at kinuha sa kamay niya ang ice pack. Sinipat nito ang kanyang mukha bago bumuntong-hininga uli. "Ano'ng gulo na naman ang pinasukan mong bata ka?" tanong nito habang pinapatungan ng ice pack ang pasa sa mukha niya.

"Wala ito, Ma. Mawawala din ito," tanging sagot niya. Hindi niya gustong ipagtapat sa ina na isang maganda nga pero amasona namang babae ang nagbigay ng pasang iyon sa kanya. Tiyak niyang hindi ito maniniwala sa kanya na may babaeng gagawa niyon.

Halatang hindi ito kumbinsido sa sagot niya kaya binalingan nito sina Alex at Armand. Ngingiti-ngiti lang ang mga ito. "Wala bang magsasalita sa inyo?" tanong pa rin ng ginang habang kaharap ang dalawang anak. Noon naman bumunghalit ng tawa si Alex na ipinagtaka ng mama niya. Halata ang pagtatakang iyon sa pangungunot ng noo ito. Tumatawa naman ng walang tunog si Armand. Nahilot na lang niya ang sentido dahil sa ginawa ng dalawang kapatid.

"Maniniwala po ba kayo na babae ang gumawa niyan sa kanya?" tatawa-tawang saad ni Alex. Pinandilatan naman niya ito bilang senyas na tumigil na pero tila hindi umubra iyon dito.

Napatingin sa kanya ang mama niya; halata sa mukha nito ang pagkamangha. "For the first time, may babaeng ginawang punching bag ang mukha ng charmer kong anak na si Allen Anthony Olivarez?"

"Mama naman!" sansala niya sa ina.

Ngumiti lang ito at itinuloy ang pagpapatong ng ice pack sa mukha niya. "Ano ba'ng nangyari at mukhang humulagpos nang husto ang babaeng sinasabi mo para lagyan ka ng pasa sa mukha mo, ha?"

Natigilan siya. Hindi niya alam kung paano isasalaysay sa ina ang mga kaganapan. "Kasi..."

"Ganito kasi iyan, Ma," agap ni Alex. At kahit gusto niyang pigilan ang kakambal, nakapagtatakang hindi man lang siya gumawa ng kahit anong hakbang upang gawin iyon. Hinayaan na lang niya na ito ang magsasalaysay ng mga pangyayari dahil nakita naman nito ang mga kaganapan. Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis sa paraan ng pagkukuwento ni Alex. Detalyado talaga ang pagkukuwento nito, may sound effects at action pa. At tila hindi na napigilan ng mama niya ang matawa matapos niyon. Pati si Armand ay tawa rin ng tawa na ikinainis niya.

"Ako na nga itong naagrabyado dito, ako pa itong pinagtatawanan n'yo riyan," may hinampo sa tonong himutok niya sa mga ito.

Huminga nang mamalim ang mama niya na tila pinapawi nito ang pagnanais na tumawa pa. Then she patted his head. "At least, alam ko na ang totoong nangyari."

"Pero Kuya Allen, hindi ko akalaing ganoon ka pala kabilis maubusan ng pagtitimpi kapag babae na ang umagrabyado sa mukha mo." At sinundan iyon ni Armand ng isang malutong na halakhak. Napasimangot na lang siya.

"MA'AM, SIGURADO na po ba talaga kayo na final decision na ang pairings na ginawa n'yo para sa practicum namin? Hindi na po ba puwedeng palitan at pick-your-own-partner na lang?" tanong ni Allen sa PE II instructor niya na si Mrs. Castro nang ihayag nito ang pairings para sa dance practicum ng klase nila. Siyempre, si Relaina ang napili nito para maging dance partner niya. Hindi naman niya masabi kung minamalas lang siya o tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkalapit sila ni Relaina. Nalaman niyang kaklase niya si Relaina sa tatlong subjects kung saan kaklase rin niya si Alex. At sa hindi malamang dahilan, pakiramdam niya ay ang mga subjects na iyon ang gustung-gusto niyang pasukan kahit iniirapan lang siya madalas ni Relaina sa tuwing nagsasalubong ang mga paningin nila.

"Allen, ano ba'ng problema ninyo ni Relaina at ganyan na lang ang pagtutol mo na huwag siyang makapareha?" tila naguguluhang tanong ng guro sa kanya.

"Ayoko lang namang makapareha ang tulad niyang amasona," maagap na sagot niya kahit na sa totoo lang ay nakadama siya ng excitement—kahit na ayaw niya—nang malamang si Relaina ang magiging dance partner niya. Aba, marunong din naman siyang magpakipot kahit papaano.

"At mas lalo namang ayokong makapareha ang tulad niyang manyak!" banat naman ni Relaina na ngayon ay matalim ang tinging ipinupukol sa kanya. Kung talagang nakamamatay lang ang tingin nito, baka noon pa siya bumulagta.

"Hoy, hindi ako manyak!" depensa niya.

Tumaas ang kilay nito. "Talaga? So hindi pala pagiging manyak ang paghalik mo sa akin nang basta-basta?"

"Kasalanan mo. Ako pa itong sisisihin mo. Ikaw lang naman itong pa-cute sa atin. Aminin mo na kasi," nakangising tudyo niya rito. Hindi talaga niya lubusang maintindihan pero tila bahagi na ng araw niya ang asarin ito magmula nang dumating ito sa buhay niya. Tila hindi iyon nakukumpleto na hindi niya ginagawa iyon.

"As if! Hoy, Mr. Makapal ang Mukha! Huwag ako nang ako ang binabanatan mo kung ayaw mong ibuhos ko sa iyo ang lahat ng inis ko. And FYI, wala akong kailangang aminin at hindi ako pa-cute. Kung ikaw rin lang ang pakyu-cute-an ko, mas gugustuhin ko pang buruhin ang sarili ko sa kumbento."

"Talaga? Magmamadre ka?" amused na tugon niya. "Sayang naman ang ganda mong iyan kung ibuburo mo lang sa loob ng kumbento. At tiyak na marami ang magkakasala dahil nagkagusto sila sa iyo kapag nagkataong nagmadre ka."

"Wala ka nang pakialam doon!" singhal nito sa kanya.

He just grinned. Amused na amused talaga siya kapag nakikita niyang naaasar na ito sa kanya. Pasalamat na lang at tila sanay na si Mrs. Castro sa ganoong tagpo sa pagitan nila ni Relaina. Sa katunayan, pinanood lang sila nito na magbangayan noong unang araw na nakilala na ni Relaina ang guro. Kinantiyawan pa nga siya ng guro na hindi na raw tumatalab ang kaguwapuhan niya sa dalaga kaya pulos pang-aasar na ang ibinabanat niya para lang mapagtakpan iyon. Ayon pa nga rito, tuwang-tuwa raw itong pagmasdan ang bangayan nila ng dalaga. Pero kapag seryoso na si Mrs. Castro ay seryoso na rin sila ni Relaina sa klase.

Kaya lang, may mga pagkakataon talaga na nadi-distract siya dahil sa palihim na pagsulyap niya sa dalagang kaasaran. Ang weird! Hindi niya alam kung bakit pulos pang-aasar ang laging lumalabas sa bibig niya kapag ito na ang kaharap niya. Aminado siyang iba na ang epekto nito sa kanya sa simula pa lang. Kaya nga hindi siya kaagad nakaalis sa ibabaw nito nang ma-out of balance siya at hindi sinasadyang madaganan ito. Pinagbigyan niya ang sarili na pagmasdan nang malapitan ang magandang mukha nito, lalo na ang mga mata nito. They were expressive in a way and at the same time, mysterious. Her eyes were like the most beautiful pair of coffee brown eyes he had ever seen. Ironic as it seemed but that was how he wanted to describe her eyes.

"Relaina, Allen, I'll only ask this once. Kayo na bang dalawa?" walang kagatol-gatol na tanong ni Mrs. Castro.

Nanlaki ang mga mata nila ni Relaina nang marinig iyon. "What?!" halos sabay na sambit nila ng dalaga bago sila sandaling nagkatinginan. "No way!" korong sambit ulit nila.

"Magugunaw muna ang mundo bago ko patulan ang ungas na 'to. O 'di kaya mas gugustuhin ko pang magpaka-single kung siya rin lang ang magiging boyfriend ko," pahayag ni Relaina at saka siya inirapan nang pagkatalim-talim.

"Kung ikaw naman ang papatulan ko, tiyak na sayang lang ang genes ko sa iyo. Isa pa, hindi ako pumapatol sa isang amasona," hirit naman niya. But the thought of him and Relaina being a couple... Not bad, I guess. In fact, it would be one beautiful picture. Weird, but he was wishing that the thought wouldn't remain just as a picture in his mind.

Ngunit tila hindi kumbinsido ang mga kaklase nila. Sina Rianne at Alex naman ay natatawa na lang. Inuulan na rin sila ng tukso ng mga kaklase nila. Pati nga si Mrs. Castro ay nakisali sa panunukso sa kanila.

"Alam n'yo, kung ganyan kayo ng ganyan, wala talagang maniniwala na hindi kayo magkasintahan."

"May LQ lang yata kayong dalawa, eh. Magbati na kasi kayo."

"Ang ganda ng love team ninyo kapag nagkataong nagkabati kayong dalawa."

"Agree kami d'yan. Sige na!"

Nakita niyang ipinilig ni Relaina ang ulo nito at tinakpan pa ng dalawang kamay ang mga tainga nito. She let out a frustrated groan. "I can't believe what I'm hearing from you people." Huminga muna ito ng malalim bago hinarap si Mrs. Castro. "Ma'am naman, please lang. Hindi na po ba puwedeng palitan ang pairings namin?" tanong nito. Mukhang desperada talaga itong huwag siyang makapareha.

Umiling ang ginang at bumuntong-hininga. "It's already final, Relaina. Alam mo kung paano ako magdesisyon, lalo pa't project na ninyo ang dance practicum na ito."

"Pero Ma'am—"

"Ang grade ninyo ni Allen ang nakasalalay sa practicum na ito, Relaina. It's up to the two of you kung paano kayo magpe-perform na hindi kayo nagbabangayan," pinal na wika ng ginang.

Relaina groaned in frustration. Saka siya nito tiningnan nang masama. "Kasalanan mo ito," paninisi nito sa kanya.

Nagkibit-balikat lang siya. Pero sa totoo lang, nagdiriwang ang kalooban niya sa desisyon ni Mrs. Castro. Kahit nagkakainisan sila ni Relaina, he would make sure he'd help her maintain her high grade. Alam niyang mahalaga iyon sa dalaga kahit sabihin pang PE lang ang subject na iyon. Pagbubutihan niya ang pagiging dance partner nito. For a while, he would set aside their petty fights. Pero pagiging dance partner nga lang ba ang pagbubutihan niya para kay Relaina?

PAGKAHIGANG-PAGKAHIGA ni Allen sa damuhan ay isang malalim na buntong-hininga ang itinugon niya. Naroon siya sa tagong parte ng park na malapit lang sa Oceanside dahil katatapos lang ng PE II subject niya. Ang parkeng iyon ang sanctuary niya, lalo na kapag samu't saring isipin ang bumabagabag sa kanya at kailangan niya ng isang tahimik na lugar para mag-isip. Napangiti siya nang maalala si Relaina.

Halatang nagulat ito nang sabihin ni Mrs. Castro sa kanila na sila ni Relaina ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa dance practicum nila. Siya man ay nagulat din pero may palagay na siya kung bakit ganoon ang nangyari. Talagang pinaghandaan nila ni Relaina ang dance practicum. Somehow, they came up with a temporary truce—as she suggested, much to his disappointment—so they could do the practicum right. Is-in-et aside muna nila ang bangayan nila nito. Iyon lang naman ang paraan para magawa nila iyon. May isa't kalahating linggo lang sila noon para mag-practice kaya naman talagang kinarir nila ang pag-eensayo. Hindi lang sila ni Relaina ang pares na magpe-perform ng waltz pero minabuti nilang hindi mag-practice kasabay ng ibang mga pareha. He was glad about that dahil solo niya ang panahon at atensiyon ni Relaina kahit panandalian lang even though she was oddly civil to him.

That week and a half made him see things in a new light. Holding Relaina gently in his arms like that while dancing gracefully together felt so right. Hindi niya id-in-eny iyon kahit sa sarili niya. He even wished he could hold her like that forever. Pero dahil sa pang-aasar niya rito at sa sukdulan hanggang langit na inis nito sa kanya, mukhang malabong matupad ang wish na iyon. Pero wala sa bokabularyo ni Allen Anthony Cervantes Olivarez ang agad panghinaan ng loob. In fact, he was up to that challenge laid out in front of him. Relaina was the challenge he wouldn't give up dealing with.

Ang dance practicum na iyon ang unang pagkakataon na nakita niya si Relaina na nakasuot ng gown dahil required ang costume. Kahit simple lang ang pagkakayari niyon—maging ang itsura ng dalaga na walang bahid ng anumang kolorete sa mukha nito—ay talagang bumagay iyon dito. Napatanga talaga siya nang makita ito na ganoon ang ayos. Mabuti na lang at tinulungan siya ni Rianne na huwag ipahalata iyon dito at sa mga kaklase nila. Hindi na lang niya pinansin ang mga pasimpleng kantyaw nina Alex at Rianne habang nagsasayaw sila ni Relaina sa harap ng klase kasama ang ibang pares. But even though they didn't talk, it didn't bother him. In fact, the silence between them was calming. The classical music just made it feel so wonderful. He couldn't understand why but that was what he exactly felt while dancing with Relaina.

Muli siyang nagpakawala ng isang pagkalalim-lalim na buntong-hininga matapos isipin ang mga kaganapang iyon. He has to admit, it was one of the most wonderful memories he would never forget. Hindi siya magsasawang i-replay iyon sa utak niya, lalo pa't aminado siya na ang alaalang iyon ang isa sa kumumpleto sa college life niya. No, not just his college life but perhaps his entire life. Weird... Why would I think it like that?

He stood up and was about to leave that place when he heard someone speak softly yet loud enough for him to hear not far away from his position. Napatigil siya sa paglalakad nang marinig iyon. Pamilyar kasi sa kanya ang tinig na pinagmulan niyon. It was from a girl. It didn't take him long to find her, though. And he was right, it was Relaina. Nakita niya itong nakasandal ang likod sa isang malaki at matanda nang puno ng acacia. She probably didn't know someone was watching her.

"Wala naman sigurong mali nang sabihin ko na nag-iiba na ang nararamdaman ko sa kanila. Na posibleng mauwi sa pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kanila. Was it really wrong for me to love them? Was it wrong for me to love a guy more than a friend? Nakakainis! Dapat pala hindi na lang ako gaanong nakikipaglapit sa mga lalaki, lalo na sa taong posibleng ibigin ko. That way, I wouldn't end up wishing he would love me the same way in the end. That way, I wouldn't have to deal with rejection for the third time. Masyado na kasing masakit."

He frowned as he heard her voice, especially now that he was slightly closer to her position. He could sense bitterness as he heard her sing the song. Why did he has this weird feeling that someone hurt Relaina before? Wala siyang alam kung ano ang buhay nito bago ito nag-transfer sa Altiera mula Aurora kaya hindi niya napigilang maging curious para dito. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya mula rito. Sino naman kayang lalaki ang tatanggi sa isang tulad ni Relaina? At hindi lang isang beses itong tinanggihan kundi dalawa, kung hindi siya nagkakamali. Kaya pala medyo distant ito sa mga kaklase nilang lalaki, lalong-lalo na sa kanya. Hinaharap lang siya nito kapag kinukulit at inaasar niya ito. Iyon lang naman kasi ang alam niyang paraan para kunin ang atensiyon nito. Para bang ang pang-aasar niya rito ang paraan niya upang ipaalam rito na nag-e-exist siya—kahit above boiling point ang asar nito sa kanya sa simula pa lang.

Now he knew one of her fears. Ano na ang gagawin niya? In the first place, may dapat nga ba siyang gawin? And how would it benefit him even if he really did something? Ngunit bago pa siya makapag-isip ng kahit ano ay nakita niyang may kinuha ito sa bag at inilabas iyon. His eyes widened when he saw the flower he entrusted to Rianne to be given to Relaina right after the dance practicum. It was a Sweet William na naisip niyang hingin sa flower farm ng paternal aunt niya nang bumisita siya roon kahapon. He gave it to Relaina through Rianne because of the flower's meaning. Maybe that flower could at least grant his wish—to see her smile a real smile at him. He stared at Relaina to see her reaction regarding the flower. Pero pakiramdam niya ay kinapos siya sa hininga nang masilayan ang tanawing tila tugon sa kanyang hiling. Relaina was smiling a real smile! Nakangiti ito habang pinagmamasdan ang bulaklak na hawak nito. Natupad ang hiling niya; hindi siya makapaniwala!

"Tita, ano'ng ibig sabihin ng Sweet William? At bakit ito ang ibinibigay mo sa akin?"

Tumingin sa kanya ang Tita Marie niya. "Di ba sabi mo sa akin na gusto mo siyang makitang ngumiti sa iyo? That flower only says what you want. Sweet William means 'grant me one smile'. O ano, may angal ka pang bata ka?" Naalala niya ang usapan nila ni Tita Marie sa flower farm nito kahapon. Tama ang tita niya. The flower said what he wanted from Relaina. And now, he saw it with his own eyes even though she wasn't really smiling at him but to the flower he gave to her. Pero sa pakiramdam niya, sa kanya pa rin ito nakangiti. Weird of him to feel that way but he couldn't help it.

Napangiti na rin siya matapos ang ilang sandaling pagkatulala sa ngiti nito. Kasabay niyon ay pinakiramdaman niya ang kanyang pusong parang tambol sa pagtibok ng malakas at mabilis na kay Relaina lang niya naramdaman. He never felt this intense feeling to other girls before. Yes, he was attracted to them. Pero tila hanggang doon na lang iyon. And that moment, he realized something after looking for answers that seemed to evade him these past months ever since he met her. Oh, shit! Ito na ba iyon? When he looked at her—still with a genuine and gentle smile on her face—he found the answer.

No comments:

Post a Comment