Isang gabi, ako’y tumingin sa buwan
At muling naalala ang isang nakaraan
Alaala ng isang pamamaalam
Na ‘di ko kailanman kayang kalimutan
Luha ang naging kapalit ng paalam
Sapagkat wala na itong kahihinatnan
Ang pag-ibig mo’y naging mapanlinlang
At hinayaan ang puso ko’y sugatan
Ang mukha mo’y lagi kong nasisilayan
Kahit na ninanais kong kalimutan
Ngiti mo ay hindi magawang lumisan
Sa puso kong sa iyo ay nagmamahal
Luha ko’y hindi ko magawang pigilan
Puso ko’y nadurog nang iyong iwanan
At hindi ko magagawang kalimutan
Hapding kaakibat ng iyong paglisan
Ito ang alaalang nais limutin
Ngunit ang panalangin ko’y ayaw dinggin
Hanggang kailan ako paluluhain
Ng pag-ibig mong ‘di na laan sa akin?
No comments:
Post a Comment