Monday, May 18, 2015

Sana Ako Naman Ang Mahalin Mo - Chapter 5

FOR TWO weeks, Khea had never felt so much happiness than those times that she's with Phrinze. Although lagi niyang sinasabi na mali ang nangyayari sa pagitan nila ng binata, hindi pa rin niya magawang pigilan ang sarili. He was her bestfriend's boyfriend at hindi iyon lingid sa kaalaman ng lahat.

Walang araw na hindi sila magkasama nito. Sa mga araw na iyon, lagi itong nakaalalay sa kanya sa bawat oras. Marahil ay nadala na ito matapos ang pangyayari noong nag-hiking sila. Ngunit bukod doon ay may nagpapalito sa kanya. Nag-umpisa iyon matapos ang insidente sa bundok two years ago.

Napapansin niyang kahit na magkasama na sila buong araw ay tumatawag pa ito sa kanya. Madalang nitong gawin ang bagay na iyon, kahit noong mga panahong nanliligaw pa lang ito kay Norina at gusto siyang kulitin dahil tinatamaan ng katorpehan. At kahit abutin pa ito ng madaling-araw sa pakikipag-usap sa kanya ay hindi nito alintana iyon. Napapansin din niya ang pag-aasikaso nito sa kanya na para bang siya ang girlfriend nito at hindi si Norina dahil sa klase ng treatment nito sa kanya na ibang-iba sa trato ng isang kaibigan.

Maging ang mga tulips na ibinibigay nito sa kanya ay may kasamang notes. Alam kasi nito na favorite flower niya ang tulip. Pero minsan lang itong magbigay ng bulaklak sa kanya, even if it's just a friendly gesture on his part.

Kagaya ngayon. Nang magpunta siya sa cove ay nakita niya ang dalawang tangkay ng red tulips na nakalagay sa puwesto kung saan siya laging umuupo. At may kasaman itong note tulad din ng mga ibang tulips na ibinibigay nito sa kanya.

If you have some problems that bothers you, don't hesitate to tell me. I'm willing to listen to you.

Napangiti na lang siya nang mabasa iyon.

Marahil ay napansin nito na lagi siyang nawawala sa sarili niya nitong mga nakaraang araw. Pumapasok kasi sa isipan niya si Norina at sa hindi malamang dahilan ay nag-aalala siya para rito. She couldn't help but to think na baka may masamang nangyari sa best friend niya. Noon lang niya napagtuunan ng pansin ang hindi nito pagtawag sa kanya magmula nang umalis ito patungong Amerika.

Ngunit nag-iisip na lamang siya ng mga positibong dahilan upang hindi siya lalong mag-alala. Marahil ay masyado lang itong busy sa trabahong tinatapos at nawawalan ng oras dahil pagod. Puwede rin naman na hinihintay lang nito ang tawag niya pero dahil wala siyang number nito ay hindi niya magawang tawagan ito.

Matapos ang ilang oras na pagtatambay sa cove ay agad na siyang umuwi. Kailangan pa niyang tulungan ang kanyang ama sa trabaho nito. Dala niya ang tulips na naroon nang umuwi siya.

Eksaktong pagkapasok niya sa kanyang kuwarto ay biglang tumunog ang kanyang cell phone. Hindi pamilyar sa kanya ang numerong naka-display sa LCD screen subalit sinagot pa rin niya ang tawag.

"Hello?" bungad niya.

"Khea, si Norina ito."

Bigla siyang natigilan nang marinig niya ang sagot nitong iyon mula sa kabilang linya. "Hi! Kumusta ka na? Bakit ngayon ka lang napatawag? Okay ka lang ba diyan?" sunud-sunod na tanong niya rito. Isang mahinang tawa lang ang narinig niya mula rito na medyo ipinagtaka niya.

"Okay lang ako, Khea. I'm sorry kung ngayon lang kita natawagan. Medyo busy lang kasi ako dito. Marami lang akong kailangang asikasuhin kaya nawawalan ako ng pagkakataong tawagan ka. Ikaw ang dapat na kinukumusta ko. Okay ka lang ba? Hindi ka ba nahihirapang bantayan si Phrinze?"

"Sus! Ako nga itong binabantayan ng kumag mong boyfriend, 'no?"

"Ganoon ba? Then that's great. At least I know you're okay with him."

Nangunot ang noo niya sa sinabing iyon ni Norina. Bukod doon ay may napansin siya. Parang nanghihina ito na hindi niya maintindihan base na rin sa boses nito. It's as if she's sick. At dahil doon ay nakaramdam siya ng pag-aalala para rito.

"Norina, sigurado ka bang okay ka lang? Para kang may sakit, ah," di napigilang puna niya.

"Okay lang talaga ako. Don't worry, Khea," pag-i-insist nito.

Bumuntong-hininga siya. "If you say so, then. Kailan nga pala ang uwi mo dito sa Isla Marino?"

"Bukas ng tanghali. Kaya sana, abangan mo ako sa pantalan."

"Sure! Iyon lang naman pala, eh. Nasabi mo na ba ito kay Phrinze?"

"Hindi pa. Ikaw pa lang ang sinasabihan ko nito. But can you please tell it that to him for me?" pakiusap nito.

"Teka, bakit ako ang kailangang magsabi? Hindi ba dapat ikaw dahil girlfriend ka niya?" nagtatakang tanong niya rito. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang huli si Phrinze na makaalam ng mga bagay pagdating sa mga impormasyon tungkol sa bestfriend niya.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya.

"Nag-away ba kayo ni Phrinze?" hindi niya napigilang itanong sa kaibigan.

"Hindi, Khea. It's just that... I have a reason not to tell him personally that I'm coming back. Huwag mo na sanang itanong kung ano dahil hindi ko rin lang sasabihin ang totoo."

Reason? Ano naman kaya iyon? Takang tanong niya sa sarili na nais niyang isatinig.

"Okay. If that's what you want. Ako na lang ang magsasabi sa kanya ng tungkol sa pagbabalik mo. Then we'll wait for you at the port."

"Thanks, Khea." Matapos niyon ay nawala na ito sa kabilang linya.

Napapayag siya ni Norina dahil may palagay siyang mabigat ang dahilan nito para hindi ipaalam kay Phrinze ang tungkol sa pagbabalik nito.

May mali sa mga nangyayari, alam ko iyon. Iyon ang sapantaha niya kung ia-analyze niya nang husto ang naging pag-uusap nila ni Norina kanina.

"ANG DAYA naman ng babaeng iyon. Bakit sa iyo lang niya sinabi na babalik na pala siya?. Galit ba siya sa akin? May kasalanan ba ako sa kanya?" ani Phrinze kay Khea nang tawagan siya nito at ibinalita na babalik na si Norina sa Isla Marino.

Hindi niya maiwasang magtampo sa nobya dahil hindi man lang siya sinabihan nito. Si Khea lang ang kinausap nito. Kaya naman bigla siyang nataranta at napaisip kung may nagawa nga ba siyang kasalanan kay Norina na hindi niya nalalaman

"Ang sinabi lang niya sa akin, may rason daw siya upang hindi sabihin sa iyo ang tungkol doon.Pero ang napansin ko,hindi naman siya galit. Para pa ngang problemado eh. At saka parang may sakit," sabi ni Khea sa kabilang linya.

"May sinabi ba siya sa iyo tungkol sa mga problema niya o kung ano pa man?"

"Actually, wala nga eh. But I think she's hiding something at ayaw niyang malaman iyon."

"Ganoon ba?" dismayadong sambit niya. "Ano'ng oras ba siya darating dito sa isla?"

"Ang sabi lang niya sa akin, bukas ng tanghali. At gusto niyang sunduin natin siya sa pantalan."

"Okay," matamlay niyang sagot.

"Mukhang pagod ka pa, ah. Sige, bye. Kita-kits na lang tayo bukas."

"Bye." At narinig niya kaagad ang busy tone.

Napabuntong-hininga na lang siya.

Bakit ganoon? Bakit si Khea lang ang sinabihan niya tungkol sa pagbabalik niya? Hindi niya maiwasang itanong iyon sa sarili niya habang iniisip ang naging pag-uusap nila ni Khea.

Nalilito na siya dahil sa maraming bagay na bumabagabag sa kanya. At hindi niya alam kung ano ang dapat niyang unahin sa ngayon. Noong una'y dalawa lang ang nagpapalito sa kanya. Ang nararamdaman niya para sa nobya at ang espesyal na pagtrato niya kay Khea. Pero ngayon ay nadagdagan pa iyon ng isa. At iyon ay ang hindi pagsasabi ni Norina ng tungkol sa pagbabalik nito. Gusto niyang malaman ang kasagutan sa mga bagay na nagpapalito sa kanya.

Ngunit dahil hindi pa siya makapag-isip ng matino sa ngayon ay pinili na lamang niya ang matulog. Gusto niyang ipahinga ang utak niya sa kaiisip ng mga pare-parehong bagay. Sana lang ay hindi siya guluhin ng mga isiping iyon sa panaginip niya.

KINABUKASAN ay sinundo nina Khea at Phrinze sa pantalan ng Isla Marino si Norina gaya ng ipinangako niya rito. Eksaktong alas-dose ng tanghali nang dumaong ang ferry boat na sinakyan nito sa pantalan at tuwang-tuwang sinalubong niya ang kaibigan.

Talagang na-miss niya ito dahil hindi pa sila nagkalayo ni Norina nang ganoon katagal magmula nang maging magkaibigan sila ni Norina. Daig pa nila ang magkapatid dahil hindi sila mapaghiwalay ng kanilang mga magulang noon pa man. Palagi silang magkasama saan man sila magpunta. At dahil doon ay lumalim ang pagkakaibigan nila dahil sa respeto nila sa isa't isa. Alam ng bawat isa ang mga tantrums at sikretong pinakatatago nila.

Napangiti siya nang makitang pababa na si Norina mula sa ferry boat. Ngunit dagli nawala ang ngiting iyon nang may mapansin siya rito. Parang namayat ito at namumutla pa. Iyon ang agad na napansin niya rito subalit nais pa rin niyang makasiguro. Baka naman naninibago lang siya nang makita si Norina. Kahit na gusto niyang isiping may sakit ang best friend niya. Agad niyang nilapitan ang dalaga kasama si Phrinze.

Natural lang na ang binata ang unang sumalubong ng yakap dito dahil ito ang kasintahan ni Norina. It was an eyesore to her na makitang ganoon na lang ang pagkakayakap nito kay Norina pero pinigilan niya ang sariling umiyak. Dama niya sa kanyang puso ang pinong kirot habang magkayakap ang dalawang iyon.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na uuwi ka na pala dito? Kung hindi pa sinabi ni Khea sa akin ang tungkol doon, wala pa akong kaalam-alam," naghihinampong sabi ni Phrinze habang yakap pa rin nito si Norina.

"I'm sorry," tanging nasabi nito. And then she looked at her. Kumawala ito sa pagkakayakap ng nobyo at saka siya naman ang niyakap nang mahigpit.

"Welcome back, Rin. Kahit na wala kang dalang pasalubong sa akin from States," pabirong aniya at saka tiningnan ito. Ngumiti lang ito sa kanya at hinaplos ang buhok niya. Noon lang niya nasigurong namayat nga ito. Her best friend looked so pale. Pinanawan din ng kulay ang labi nito at nanlalalim ang mga mata. Parang dinapuan ng malalang sakit sa loob ng tatlong linggong nawala ito sa isla. Nang tanungin niya kung nagkasakit ba ito habang naroon sa Amerika ay makahulugan lang itong ngumiti. Dahil doon ay lalo siyang nagtaka. May itinatago nga yata ito sa kanya. At kailangan niyang malaman kung ano iyon.

Ilang sandali pa ay binabagtas na nila ang daan patungo sa mansion ng mga Castillianes dahil iyon ang inihabilin sa kanila ng mga magulang ni Norina nang minsang tumawag ang mga ito sa kanyang ama. Hindi pa raw makakauwi ang mga ito dahil may mga trabaho pang tinatapos sa Maynila.

Nang marating na nila ang mansion ay iniwan niya ang kaibigan niya sa sala kasama si Phrinze dahil alam niyang marami pang dapat na pag-usapan ang mga ito. Ang besides, lalo lang namimigat ang pakiramdam niya sa tuwing nakikita niya ang dalawa na magkatabi, magkahawak-kamay o di kaya'y magkayakap. Kahit na mag-iisang buwan na ang relasyon nina Norina at Phrinze ay hindi niya maikakailang masakit pa rin sa kanya ang katotohanang hindi siya ang nagawang mahalin ng binata. May mga gabing umiiyak pa rin siya kapag naiisip niya iyon. But still, kaya pa rin niyang itago ang nararamdaman niyang iyon kahit na kasama niya si Phrinze.

Maaga silang nagising ni Norina kinabukasan at habang nagkakape silang dalawa ay napagdesisyunan nilang pumunta sa kanilang special place. At kapag ganito na ang usapan, alam niyang may kailangang malaman ang isa sa kanila. Sa lugar na iyon, doon lang sila nakakapag-usap nang maayos at medyo seryoso. Doon nila nailalabas ang mga hinaing nila sa isa't isa at sa mundo.

Pasikat na ang araw nang marating nila ang kanilang special place kaya naman nakaramdam siya ng ginhawa nang madama niya ang pag-ihip ng hanging sinusundan ang daloy ng tubig sa ilog. At saka naupo siya sa malaking batong naroon kung saan ay nakaupo rin si Norina.

"Na-miss ko ang lugar na ito," sambit ni Norina habang nakatingin sa ilog.

"Mukhang naging mahirap ang buhay mo sa Amerika, ah. Ang laki ng ipinayat mo," komento niya nang mapatingin siya rito. "Ano ba ang nangyari sa iyo doon?"

Ngunit ang tugon na narinig niya mula rito ay isang malalim na buntong-hininga. Lalo siyang nagtaka and at the same time ay nag-alala din siya. Ngayon lang niya napagtantong may problema nga ang kaibigan niya.

"Norina, may nangyari ba sa iyo na hindi ko alam?"

Mataman siyang tinitigan nito na nagbigay sa kanya ng hindi maipaliwanag na kaba. Gusto niyang matakot sa klase ng titig nito at sa isasagot ng kanyang kaibigan. Kung ano man iyon, may palagay siyang mababago nito ang kanyang buhay. Sadya man o hindi.

"Kung ano man ang isasagot ko sa tanong mo, isa lang ang hiling ko sa iyo. Ang please do this for my sake," pakiusap nito.

"H-hindi kita maintindihan. Ano'ng ibig mong sabihin?" nalilitong aniya.

"Huwag na huwag mong sasabihin kay Phrinze ang lahat ng malalaman mo ngayon."

"Pero Norina—"

"Please," pakiusap na naman nito. "Ayokong masaktan siya nang husto dahil sa maaaring mangyari sa akin. Nakikiusap na ako sa iyo ngayon pa lang. Huwag mong ipapaalam kay Phrinze ang lahat ng sasabihin ko sa iyo."

Hindi niya alam ang gagawin. Nahihirapan siyang mag-isip nang matino. Nagtatalo ang kanyang kalooban kung susundin ba niya ang nais mangyari ni Norina o hindi.

Masyado bang mabigat ang dahilan kaya ayaw niyang ipaalam kay Phrinze kung ano man ang sitwasyon niya ngayon?

"Please, Khea..."

Napatingin siya kay Norina. Bakas sa mga mata nito ang matinding pakiusap. At kapag ganito na ang nakikita niya sa mga mata nito ay nahihirapan siyang tanggihan ang gusto nito.

Mabigat man sa kalooban niya ay napatango na lang siya bilang pagpayag sa nais nito. Noon lang ito ngumiti sa kanya subalit kababakasan pa rin ito ng lungkot.

"Now care to tell me what happened to you for the past three weeks? Something's telling me na hindi trabaho ang totoong dahilan kung bakit ka nagpunta sa Amerika," aniya habang nakatingin dito.

Bumuntong-hininga muna ito bago sumagot.

"I was diagnosed with leukemia, Khea. Tinaningan na ako ng doktor. I only have three months to live," walang kakurap-kurap na pag-amin nito sa kanya.

What did she say?

No comments:

Post a Comment