Friday, May 22, 2015

Don't Fear This Love - Chapter 7

"ALAM MO, kahahatid ko lang sa 'yo diyan sa bahay niyo pero nami-miss na kita. Sana dumating na ulit ang bukas nang makasama na naman kita."

Napangiti na lamang si Sharian nang marinig niya ang sinabing iyon ni Nelmark mula sa kanyang cellphone. Tinawagan kasi siya nito eksaktong nakauwi na ito sa bahay nito.

Ganoon naman palagi ang routine nila pagkatapos siyang ihatid nito sa hapon kapag natapos na ang last subject niya. At naging ganito ang routine nila ever since na nagkaroon na sila ng unawaan two weeks ago.

Magmula nang sagutin niya ito ay mas kilala pa niya nang husto ang binata. Nakikita niya ang mga good qualities nito na ngayon lang niya nakikita nang lubusan. Kung may mga bad qualities pa nga ito—na bihira na lang niyang makita—ay tinatama niya. Although she knew that it would be hard to break kaya naman handa siyang magbigay ng time para rito.

Nang malaman ng pamilya nila ang kanilang relasyon ay labis na natuwa ang mga ito, lalong-lalo na sina Suren at Sandra.

Kahit na medyo duda pa rin ang pinsan niya kay Nelmark, sinabi na lang nito na alam nitong nakahanap na ng katapat ang palikerong boyfriend niya. Sana lang daw ay magtagal pa ang relasyon niya kay Nelmark at tuluyan nang magbago ito.

Samantalang si Suren ay halata ang kaligayahan nito para sa kanya at sa pinsan nito. Of all peaple, tanging si Suren ang nakakaalam ng hirap at pagdurusang pinagdaanan ni Nelmark na naging daan upang mawala ang paniniwala nito sa pag-ibig. Kaya naman thankful ito na siya ang bumago sa pinsan nito.

"You don't know how lucky I am for me to be loved by you," sabi nito habang tila nakikita niya sa kanyang isipan ang pagngiti nito. "Sharian, can I ask you something?"

"Tungkol naman saan?"

"Minsan ba, pinagsisihan mong ako ang minahal mo't tinanggap mo sa buhay mo?" seryosong tanong nito sa kanya.

Nabigla siya sa tanong nito. Gayunpaman, sasabihin niya dito ang totoo at kung ano ang nasa puso niya.

"Nelmark, if that still worries you, hindi na kailangan. I have to admit na wala akong planong ma-in love sa iyo noon dahil ikinokonsidera kita bilang rival ko. Ang gusto ko lang gawin noon ay baguhin ang pananaw mo tungkol sa pag-ibig. But then... I never thought that I would actually fall in love with you. At ito ang tatandaan mo. More than ever, ngayon ko masasabing napakapalad ko na ikaw ang minahal ko. At hindi ko kailanman pagsisisihan iyon," walang pag-aalinlangang sagot niya.

KUNG ALAM lang ni Sharian kung gaano kasaya si Nelmark sa mga narinig niya mula dito. Hindi nga siya nagkamali na ang dalaga ang minahal niya nang buong puso.

All along, he thought he would never be able to deeply fall in love again. Sa hirap at pagdurusang tiniis niya ang mahigit apat na taon dahil sa kataksilan ni Melissa, hindi na dumating pa sa kanya ang realisasyong may mamahalin pa siya nang totoo. But Sharian made him feel the kind of love he had never felt all his life. Even to Melissa.

A love so intense that he's having a definitely hard time to describe it. All he knows was that he's so happy. Too happy, to be exact.

"O, ano? May bumabagabag pa rin ba sa iyo, ha?" narinig niyang tanong ng dalaga sa kabilang linya.

Napangiti siya. "Wala na. Thanks for the assurance."

"Bakit mo ba naisipang itanong iyon? Hanggang ngayon ba ay nagdududa ka pa rin na mahal kita kaya kita sinagot noon?"

"Hindi. Gusto ko lang makasiguro. Ayoko na kasing maranasang muli ang masaktan dahil iniwan ako ng taong pinahalagahan ko nang higit pa sa buhay ko. Inabot ako ng ilang taon bago ko nagawang ibangon muli ang sarili ko at buuin ang nasira kong pagkatao. Baka 'pag nawala ka pa sa buhay ko, hindi ko na nagawa iyon," hilam ang mga mata at seryosong pahayag niya.

Sana nga, hindi ka na mawala sa buhay ko... piping hiling ng kanyang puso.

"Nelmark..." Dama niya sa mga tinig nito na paiyak ito dahil sa mga sinabi niya. Kaya naman hindi niya naiwasang mapangiti.

Walang dudang mahal nga siya ni Sharian at dama niya iyon. Tuluyan nang tumulo ang pinipigil niyang mga luha dahil sa ligaya.

Thank you would never be enough for loving me, Sharian. Ikaw ang bumago sa akin. At ikaw ang nagbigay ng bagong buhay sa puso ko na tinuruan mong muling magmahal...

SUBALIT ang inaakala nilang walang patid na kaligayahan ay nakatakdang magtapos sa isang iglap. At iyon ay dahil sa pagdating ng isang taong matagal na nilang kinalimutan.

Katatapos lang ng huling subject ni Sharian at nakaplano na ang pagsundo sa kanya ni Nelmark nang oras na iyon. Subalit nagpaalam ito sa kanya na kailangan pa nitong tapusin ang project nito at aabutin iyon ng mahigit tatlumpung minuto. Pumayag naman siya at sinabi na lang niya rito na maghihintay siya sa oval.

Kinuha na lang niya ang librong kanina pa niya binabasa nang makahanap siya ng mauupuan. Naisipan niyang maupo sa lilim ng puno ng narra na nakatayo sa gitna ng oval habang hinihintay si Nelmark.

Ngunit bago pa niya tuluyang buksan ang librong balak niyang basahin ay nagulat siya nang may tumayo sa harapan niya. Nang mag-angat siya ng ulo ay nakita niya ang isang maganda at mestisahing babae na masasabi niyang kaedad niya. Straight ang buhok nito na hanggang baywang ang haba. At kahit sa tingin niya ay medyo approachable ito, may palagay siya na hindi magansa ang dahilan ng pagkikita nilang iyon.

"Is your name Sharian? Sharian Nicole Emiliano?" maarteng tanong nito sa kanya.

Bagaman nagtaka siya kung paano nito nalaman ang pangalan niya ay tumango na lamang siya bilang pagsagot sa tanong nito. "May kailangan ka ba?"

"Don't worry. I'm not a threat kaya walang rason para matakot ka sa akin. Gusto lang sana kitang pakiusapan tungkol sa isang bagay."

Kumunot ang noo niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Gusto ko sanang layuan mo na si Nelmark at makipag-break ka na sa kanya," diretsang sagot nito.

It came as a shock to her. At ano ang karapatan nito para pagsabihan siya ng babaeng ito na layuan niya ang kasintahan?

"You're saying that you're not a threat and yet, sinasabi mo sa akin na makipag-break ako kay Nelmark? At sino ka naman para sabihin sa akin iyan, ha?" pigil ang inis na tanong niya rito.

"You don't know me? Mukhang wala pa ngang nasasabi si Nelmark tungkol sa akin," nang-aasar na sabi ng babaeng kausap niya. "Ako lang naman ang ex-girlfriend ni Nelmark, pero ngayon ay fiancee na niya. My name is Melissa Cortez."

Melissa? Nelmark's ex-girlfriend! Pero ano'ng 'fiancee' ang pinagsasasabi nito? Litong saisip niya nang mag-sink in sa utak niya ang mga sinabi nito.

Agad siyang tumayo at hinarap ito.

"Nagbibiro ka ba? Ang lakas naman ng loob mong sabihing fiancee ka ng boyfriend ko samantalang ikaw ang rason kung bakit nawalan siya ng dahilan na maniwala sa pag-ibig at kung bakit nagawa niyang manakit ng puso ng babaeng pinapaibig niya."

Nagpakita ito ng isang nang-uuyam na ngiti at umiling.

"I can't believe a smart girl like you would fall for Nelmark's trap. It's true na ako ang nang-iwan sa kanya noon pero pinatawad na niya ako. At ang naputol na kasunduan noon tungkol sa kasal namin ay muling naibalik, thanks to him. Alam mo ang kalibre niya pagdating sa babae. Pero bakit nagpadala ka pa rin sa mga pambobola niya sa iyo?"

Hindi na siya makaimik nang mga sandaling iyon. Unti-unti nang napapaniwala nito ang isip niya subalit patuloy sa pagtanggi ang puso niya.

Mahal ako ni Nelmark! Alam kong mahal niya ako! Kaya hindi ako dapat maniwala sa mga pinagsasasabi ng babaeng ito. Si Nelmark ang dapat na paniwalaan ko! Iyon ang sinasabi ng kanyang puso nang mga sandaling iyon. Subalit nag-uumpisa nang mangilid ang luha sa mga mata niya.

"At sino ka naman para paniwalaan ko, ha? Kung totoo nga ang mga sinasabi mo sa akin ngyon, hindi ba dapat lang na si Nelmark ang nagsabi sa akin niyan? At kung tunay ang kasunduang iyan, dapat ay nasabi na rin niya sa akin ito ni Suren. Walang sikretong itinatago sa isa't isa ang dalawang iyon lalo na kung usapang pampuso."

Determinado pa rin siyang ipaglaban si Nelmark at ang pag-ibig niya para rito. Ngunit alam niya na unti-unti nang bumibigay ang tapang niya dahil may pakiramdam siya na kay Melissa pa rin ang huling alas.

"How naïve can you get? Kunsabagay, hindi na ako dapat na magtaka. Nelmark is a big catch. Mahirap talagang pakawalan ang isang lalaking kagaya niya. Dodoble pa ang yaman ng pamilya ninyo sa oras na magkaroon kayo ng koneksiyon sa mga Ortega."

"Huwag na huwag mo akong ikukumpara sa iyo, Melissa!" napilitan na siyang magtaas ng boses dahil sa mga sinasabi nito sa kanya. "Ang kapal talaga ng pagmumukha mo! Kung sa tingin mo na pera lang ng pamilya ni Nelmark ang dahilan kung bakit ko siya sinagot , nagkakamali ka. Hindi ako katulad mo na pera lang ang nagpapatakbo sa buhay kaya nakikipagrelasyon sa ibang lalaki."

She knew she hit Melissa with those words. Pero kapag ganitong sinasagad na nito ang pasensiya niya, wala talaga siyang choice kundi ang ibulalas rito ang lahat ng gusto niyang sabihin.

"Okay, go ahead. Bahala ka kung ano ang gusto mong paniwalaan. But I guess this might change your perception about your so-called boyfriend."

At may iniabot ito sa kanya na isang brown envelope. Kahit na nag-aalinlangan siya at nagtataka at the same time, kinuha pa rin niya iyon. At saka niya ito tiningnan.

"Pag-isipan mo ang mga sinabi ko sa iyo, Sharian. Nelmark will always be mine, iyan ang tatandaan mo." And with that, she left.

ANO NA'NG gagawin ko ngayon? At saka bakit siya bigla-biglang magpapakita sa akin at sasabihing fiancee siya ni Nelmark? Ano ba talaga ang kailangan niya? Naguguluhang tanong ni Sharian sa kanyang sarili habang nakatayo pa rin siya gayong wala na roon si Melissa.

Tila nanghihinang napaupo na lamang siya sa damuhan. At ngayon ay nagtatalo ang kalooban niya kung bubuksan ba niya ang brown envelope na binigay sa kanya ni Melissa.

"I guess this might change your perception about your so-called boyfriend..."

Ano ang nais nitong ipahiwatig sa mga sinabi nitong iyon?

Alangan man ay pinilit niyang lakasan ang loob at binuksan ang envelope at nakita niya roon ang ilang mga litrato. Overwhelmed by curiosity, kinuha niya ang mga ito at tiningnan ang mga iyon.

And she didn't like what she saw there one bit.

Mga pictures iyon nina Nelmark at Melissa na kinuhanan sa isang bar. Those were mostly stolen shots. Medyo intimate ang mga kuhang iyon. But what shocked her was the picture in which Nelmark and Melissa were kissing each other passionately. And Melissa was sitting in his lap.

Kulang ang sabihing tinadtad at tinaga nang ilang ulit ang kanyang puso nang makita iyon. Hindi niya akalaing pagtataksilan siya ni Nelmark nang ganito. And Melissa seemed to have won the battle. Wala siyang kaalam-alam sa lahat ng ito. And to think that her boyfriend said that he had changed and forgot about Melissa.

But in the end, she's wrong. She knew that he would never get over his past love. Si Melissa ang minsang pinaglaanan ng buhay at puso nito. At ngayon, sa palagay niya ay ito pa rin ang nagmamay-ari ng puso ng binata.

She broke into tears because of that realization.

Pitong litrato pa lang ang nakikita niya pero hindi mapantayan ang sakit na iniwan niyon sa kanyang pagkatao... at sa kanyang pusong tangang nagmahal at naniwala. Dapat sana ay nakinig siya sa mga warnings ng pinsan niya.

Pero huli na...

May limang litrato pang hindi pa niya nakikita pero sa palagay niya ay sapat na ang nakita niya para mabago na ang paniniwala niya tungkol kay Nelmark. As they say, a picture worth a thousand words. But still, she needed to see the other photos. Kailangan niyang malaman ang iba pang kabalbalang pinaggagagawa ng dalawang iyon. Kahit masakit...

Lakas-loob niyang tiningnan ang natitira pang mga litrato. Nang makita niya ang mga iyon ay tila pinagsakluban siya ng langit at lupa dahil sa tindi ng sakit ng kalooban.

Mga malalaswang kuha na ng dalawa ang naroon. Pati pala ang pagtatalik ng mga ito ay kinuhanan pa ng litrato upang mipakita lang sa kanya ang kabulastugang ginagawa ng nobyo niya behind her back.

Ngunit ngayong bumulaga na sa kanyang harapan ang katotohanan, kaya pa nga ba niyang tapusin ang relasyong sinimulan nila ni Nelmark? Will she be able to bear the devastating pain of losing someone she chose to love more than her life—even if it means not going to be able to live the way she did before he came to her life?

Pero kung ito naman ang haharap sa akin... I guess I don't have any choice... Iyon na lang ang naging dahilan niya habang itinatapon sa trash can ang envelope na naglalaman ng mga litrato.

No comments:

Post a Comment