KAGAGALING LANG ni Nelmark sa bahay nina Sharian kung saan ay inihatid niya ito pauwi. Nakasanayan na niyang gawin iyon magmula nang ipangako niya sa sarili niya na magbabago na ang pakikitungo niya sa dalaga. It's the least he could do—not just for her but also for himself.
Aminin man niya o hindi, talagang malaki ang itinulong ng pagliligtas ni Sharian sa kanya more than a month ago. Iyon ang nagpamukha sa kanya na matagal na niyang ikinulong ang puso niya sag alit at hinanakit na dulot ng isang nakaraan. It's about time na pakawalan na niya ang lahat ng iyon at nang makapagsimula siyang muli.
At talagang malaki ang naitulong ng pakikipaglapit niya kay Sharian upang magawa iyon. Now, he's ready to release himself from the chains of the past.
Hinahalungkat niya ang kanyang bag nang makita niya ang CD na hiniram niya kay Sharian. Isinalang niya iyon sa portable DVD player na naroon sa kuwarto niya. And then he heard the first track. Isang Japanese song iyon na minsan na niyang narinig na pinatutugtog ng dalaga. 'This Love' ang title ng kanta, sang by Angela Aki.
He was moved by the song, even by the lyrics of it. He doesn't need a translator for he could understand Japanese but he's still having a hard time speaking one. Half-Japanese Half-Filipino ang mother niya at noong bata pa siya ay tinuruan siya nitong magsalita ng Nihonggo.
He listened to the song intently as it plays.
This time, I don't let go off my heart because the power of belief will set love free...
Love... He always thought that it would be the last thing he'll ever feel magmula nang masaktan siya because of Melissa. But then, Sharian came to his life. Hindi man agad-agad na ipinakita nito sa kanya ang kulang at mali sa buhay niya, he was still glad that he met her.
Though we said our promises would be our compass, we lost sight of the direction this love was going in. Instead of waiting for a miracle, I want you to hold onto my hand because the power of belief will set me free. You don't have to fear this love. You don't have to fear this love, this love...
He smiled as he heard the last phrase of the song. The singer was right. He could admit it now that he love Sharian. And he doesn't have any reason to feel fear for it. He cursed himself dail ngayon lang niya na-realize ang bagay na iyon. Bakit kailangan pa niyang mapahamak bago niya ma-realize ang lahat? How could he have been such a fool not to notice his feelings?
But then the answer suddenly struck him. It was his past that made him realize it too late. And it was his past that restricted him to fall in love again.
Pero ngayong sigurado na siya sa nararamdaman niya para kay Sharian, he was determined to let her know that he has changed... just for her. And love was among those changes. And he now knew that he's willing to risk his heart to fall in love again, all thanks to the girl that helped him do so.
I really owe you a lot, Sharian. Sana lang ay magawa mo akong tanggapin sa buhay mo para mahalin ka...
Sana nga.
NAPAPADALAS na ang pagbisita ni Nelmark sa bahay nina Sharian, maging ang paghatid-sundo nito sa kanya. At kapag walang pasok, kadalasan din siyang niyayaya nito na mamasyal sa kung saan-saan.
Sa mga panahong nakakasama niya si Nelmark, kapansin-pansin sa kanya ang malaking pagbabago nito. Ang pagtrato nito sa kanya at sa mga taong nakakasalamuha nito, lahat ay kakikitaan talaga ng pagbabago. There was warmth. Wala na ang ugali nitong laging galit at seryoso kung makipag-usap. Madalas na itong nakangiti. Nagiging approachable na rin ito.
Pero ang isang malaking pagbabagong nakita niya rito ay ang paghingi nito ng tawad sa mga babaeng naging girlfriend nito at minsang sinaktan. Hindi niya alam kung ano ang kinahinatnan ng ginawa nitong iyon. Pinatawad naman ito ni Jasmin at sinabihan na sana ay makahanap ito ng taong mahal nito at magmamahal rito.
But deep inside, may isang bahagi ng puso niya ang humihiling na sana ay siya ang taong mamahalin ni Nelmark. During the times that passed kung kailan napansin na niya ang ibang trato nito sa kanya, noon niya unti-unting na-realize na nahulog na ang loob niya rito. Oo, mahal na niya si Nelmark. At ngayon ay hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya dahil hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang banyagang damdaming kasalukuyan niyang nararamdaman.
Wala sa plano niya ang ma-in love rito. Ang plano lang niya ay baguhin ang pananaw nito tungkol sa pag-ibig. At malakas ang kutob niya na nagawa naman niya ang plano niyang iyon kahit hindi sa halatang paraan. Pero hindi niya naiwasang ma-in love rito habang napapadalas ang pagpunta nito sa bahay nila at pagtulong nito sa kanya sa maraming bagay kahit hindi niya hilingin o sabihin dito. Tinutukso na nga siya nina Suren at Sandra, maging ng mga magulang niya, na baka nililigawan na siya nito.
The last time daw na nanligaw si Nelmark ay noong mga panahong nililigawan nito si Melissa. Baka nga raw na-in love na ito sa kanya.
Sana nga, pero mukhang imposible naman yata iyon. Sino ba naman ako para ma-in love sa akin si Nelmark? At medyo nakadama siya ng pagkadismaya sa naisip na iyon.
Iyon ang pumapasok sa isipan niya habang nakatingin sa labas ng kotse. Kasalukuyan siyang nakasakay sa kotse ni Nelmark at papunta sila sa townhouse ng mga ito ngayon. Birthday kasi ngayon ng binata at inimbitahan siya nito na pumunta sa townhouse ng mga Ortega.
Noong una ay nag-alangan pa siya kung papayag ba siyang sumama rito dahil nahihiya siya hindi sa mga magulang nito kundi kay Nelmark mismo. Wala kasi siyang regalo para rito dahil wala naman siyang alam sa araw ng birthday ni Nelmark. Pero sinabi nito na ang presensiya niya ay sapat na bilang regalo.
Hindi niya alam kung paano magre-react sa sinabi nitong iyon. Pero aminin man niya o hindi, medyo kinilig siya doon.
Lalo siyang kinabahan nang marating na nila ni Nelmark ang townhouse. Medyo marami nang sasakyan ang nakaparada sa labas ng bahay. At sigurado siya na marami na ring tao sa loob. Nanlalamig ang kamay niya nang mga sandaling iyon. At saka bigla niyang naramdaman ang kamay ni Nelmark na humawak sa nanlalamig niyang kamay.
"Wala kang dapat na ikatakot, Shar. Hindi ka naman nila kakainin, eh," natatawang sabi nito sa kanya.
Alanganing ngumiti na lang siya para lang huwag kabahan. At saka siya huminga nang malalim.
Nang makalabas na siya sa kotse habang inaalalayan ni Nelmark ay patuloy pa rin sa pagdagundong ang puso niya. Pero iyon ay hindi dahil sa pagpasok niya sa bahay kundi dahil sa mahigpit na hawak nito sa kamay niya habang ang isang kamay nito ay nakaakbay sa kanya.
Hindi niya maintindihan pero gusto niya ang init na dumadaloy sa kanya mula sa mga kamay nito na nakahawak at nakaakbay sa kanya. She felt safe and secure in his arms.
That's why she doesn't get it kung bakit nakipag-break si Melissa rito because of some other guy. And admit it or not, Melissa's considered a jerk for not noticing Nelmark's good traits that she saw in him. Mayaman ang pamilya ng binata, at aminado siya doon. But that's not what it was for her to fall in love with him.
Ngayong nakilala na niya ang totoong Nelmark Ortega, ang tanging hiling lang niya ay mahalin siya nito. And when that happens, sigurado siya na walang magiging dahilan para iwanan ito. Seriously, Nelmark has most of the traits of the guy a girl could fell in love with.
"You're still nervous?" untag nito sa kanya.
Napatingin siya rito. Bumungad sa kanya ang concerned face nito at ngumiti na lang siya upang huwag na itong mag-alala sa kanya.
"Okay lang ako. Huwag mo na akong alalahanin."
"Sigurado ka?" Tumango siya.
At nang makapasok na sila sa bahay ay nagulat siya dahil sa klase ng pagsalubong ng mga magulang ni Nelmark sa kanya. It's like they were too happy to have her as Nelmark's special guest kaya naman tinapunan niya ng isang nagtatanong na tingin ang binata. Pero ang ina ni Nelmark ang sumagot para dito.
"Pasensiya ka na, hija. The truth is that my husband and I were so excited to meet the woman who became the light that helped my son."
"H-ho? H-hindi ko po kayo maintindihan."
Ngumiti na lang ito sa kanya at saka tumingin sa asawa nito.
"You'll know the answer soon," tanging saad na lang ng ginang.
"In the meantime, why don't you go out and explore the garden first?" anang ama ni Nelmark. "I heard from my son that you love big gardens. Kaya naman doon na lang muna kayo ng anak ko at nang magkaroon kayo ng time na mag-usap. We'll call you kapag ready na ang lahat for Nelmark's birthday celebration."
Napatango na lang siya.
"WOW! ANG ganda naman ng garden na 'to!" puno ng pagkamanghang sambit ni Sharian habang ipinapasyal siya ni Nelmark sa garden ng townhouse na iyon.
It was like a painting she saw a week ago entitled Meadow Flowers, only the garden that she saw right in front of her eyes was much more beautiful. And as she described it, it's another Eden here on Earth.
The place was big. It was more or less eight hundred square meters, just the size of the garden alone. At lahat ng iyon ay napapaligiran ng iba't ibang uri ng mga bulaklak. Roses, tulips, carnations, asters, daisies and lilies, among others. Even herbs were planted along with those beautiful flowers but they have one corner for those.
She was completely amazed by what she have seen.
"Do you want to see this place on a higher ground?" narinig niyang tanong ni Nelmark.
Napatingin siya rito. Kumunot ang noo niya.
"Higher ground? Saan?"
May itinuro itong isang malaking puno malapit sa garden at nang tingnan niya ang itaas ng nasabing puno ay napansin niya ang isang well-structured na tree house doon.
"Doon ba sa tree house na iyon ang tinutukoy mong higher ground?" Ngumiti lang ito at tumango.
Siyempre naman, pumayag siya. Kaya agad silang nagpunta sa tree house na tinutukoy nito.
Medyo mataas ang punong kinatitirikan ng treehouse ngunit hindi siya nakaramdam ng pagkalula o takot habang paakyat sila doon ni Nelmark dahil ito ang umaalalay sa kanya sa pag-akyat roon. Dama niya mula sa mga kamay nito na nakahawak at nakaakbay sa kanya ang pagnanais nitong bantayan at protektahan siya.
Nang marating na nila ang treehouse ay namangha siya sa nakita niyang istruktura nito.
Gawa sa kahoy ang treehouse at maikukumpara ito sa isang European model ng bahay. Ang mga upuan at table na nasa labas ay gawa rin sa kahoy na inukitan pa ng mga intricate designs. Ang floor naman nito ay makintab, maging ang mga bakod. Halatang inaalagaan talaga ito nang husto at regular na nililinisan.
Nang tingnan niya ang garden mula sa itaas ay hindi siya makapagsalita dahil sa nakikita niyang kagandahan nito. Makulay ito kung titingnan sa taas dahil na rin sa iba't ibang kulay ng mga bulaklak na nakatanim roon. Parang ipininta ng isang magaling na pintor sa canvas na pati ang mga maliliit na detalye ay hindi nito kinalimutan.
"Do you like it?" tanong ni Nelmark sa kanya.
Tumango siya. Saka tumingin rito at ngumiti. "Thank you for bringing me here, Nelmark. This place is amazing. Ang akala ko, hindi na ako makakakita ng garden na mas maganda pa sa garden ng mama ko."
Both of them chuckled. And then she was surprised to see Nelmark's serious expression as he looked at him intently.
"B-bakit?" kinakabahang tanong niya.
"May... gusto sana akong sabihin sa iyo, Sharian. I hope hindi mo ikagalit."
"Ano'ng ibig mong sabihin?" takang tanong niya.
He sighed and then he took both of her hands. Then he placed it on his cheeks.
"N-Nelmark..."
"Sharian, bago ko sabihin sa iyo iyon, gusto ko sanang humingi ng tawad. Sa lahat ng kasalanan ko't mga kabulastugang ginawa ko sa iyo noon."
Kumunot ang noo niya kahit na medyo tensiyonado na siya sa mga pinagsasabi nito.
"Aaminin ko, hindi naging maganda ang trato ko sa iyo since the day na itinalaga tayo ng department coordinator bilang magka-partner sa Quiz Bee. Pero may dahilan ang lahat ng iyon, Sharian. Believe it or not, hindi ko talaga ginustong maging magkaaway tayo that time."
Gustuhin man niyang magsalita ay walang tinig na gustong lumabas sa kanyang bibig. Nakalagay pa rin ang mga palad niya sa pisngi nito habang hawak-hawak nito iyon. Gustuhin man niyang alisin iyon ay tila wala siyang lakas ng loob na gawin iyon.
"The reason I treated you that way was because I'm already afraid to fall in love again... to love a woman more than my life. Takot na akong maulit ang nakaraan ko. Minsan na akong nagmahal nang totohanan at nang higit pa sa sarili ko. But in the end, nasaktan lang ako. Masyadong mabigat ang dahilan kung bakit ako nawalan ng pananalig sa true love. Buong pagkatao ko ang nawasak nang minsan akong magmahal pero sinaktan lang ako." She sensed that there's pain and misery in his voice, emotions that she hated feeling all her life. At dama niya ang paghihirap nito.
"Bakit mo sinasabi sa akin ang lahat ng ito, Nelmark?" tanong niya habang nakatingin sa mga mata nito.
"Dahil gusto kong malaman mo ang lahat ng rason kung bakit hindi na ako naniniwala sa true love. Sinabi sa akin ni Suren na nasabi na niya sa iyo ang rason kung bakit papalit-palit ako ng girlfriend."
Lagot! Kung gayon ay ibinisto na pala siya ni Suren.
"I didn't mean to. Masyado lang akong curious and at the same time ay galit ako sa iyo nang mga panahong iyon dahil sa ginawa mong pakikipag-break kay Jasmin. Ginusto kong malaman ang totoong rason kung bakit ka ganoon. Patawarin mo ako kung nangahas akong halungkatin ang buhay mo."
She saw Nelmark smiled. At saka nito pinakawalan ang mga palad niyang nakalagay sa pisngi nito.
But what surprised her was when he cupped her face gently. Kaya naman napilitan siyang tingnan ito sa mga mata at arukin mula rito kung ano nga ba ang nais nitong ipahiwatig.
"Hindi naman ako galit, eh. At least, ngayon ay alam mo na ang totoo. Pero hindi lang iyon ang talagang gusto ong sabihin sa iyo ngayon."
"Ano ba'ng gusto mong sabihin sa akin? Kanina mo pa ako binibitin, eh." Pilit niyang hinaluan ng biro ang mga sinabi niyang iyon ngunit hindi niya kayang ikaila na medyo kinakabahan siya sa kung ano man ang nais sabihin ni Nelmark sa kanya.
"Gusto ko sanang sabihin sa iyo na... I love you," deklara nito.
Hindi agad nag-sink in sa utak niya ang sinabi nito. Talagang ikinagulat niya iyon.
"N-Nelmark... alam mo ba ang pinagsasasabi mo sa akin ngayon?" Totoo ba ang sinabi mong iyon, Nelmark? Mahal mo ba talaga ako? Nais niyang idugtong iyon ngunit wala siyang lakas ng loob na gawin iyon dahil windang pa rin ang utak niya sa narinig.
"Alam ko, nakakagulat ang mga sinabi kong iyon sa iyo ngayon. Pero totoo ang sinasabi ko sa iyo. Mahal kita, Sharian. Mahal na mahal. At malaki ang pasasalamat ko sa iyo dahil dumating ka sa buhay ko at ipinakita mo sa akin na maling mawalan ako ng paniniwala sa pag-ibig. Ikaw ang nagpakita sa akin na lahat ng tao ay may nakatakdang kuwento ng pag-ibig na hindi man natin kaagad nakikita't napapansin ay unti-unti namang nagbibigay-kulay sa buhay natin. All we can do is treasure it to its fullest extent for we don't know when something as powerful as love will be felt the same way twice," madamdaming saad nito.
"But I didn't do anything to make you realize that." At totoo iyon dahil iyon ang pagkakaalam niya.
"Iyon ang akala mo. Magmula nang iligtas mo ang buhay ko, na-realize ko na hindi kailanman magagapi ng galit ang pusong may totoong pagpapahalaga sa buhay ng isang tao. That same night, you made me realize that you didn't just save my life. You also began to save my heart from the tormenting pain and regrets that it felt for so long. You've been my savior since then, Sharian. Marami akong dapat na ipagpasalamat sa iyo. And I thought that the only way for me to do that is for me to feel love once again. Fortunately, ikaw ang minahal ko. At hindi ko kailanman pagsisisihan iyon." And then he smiled despite the tears at the brim of his eyes.
Hindi siya makapagsalita dahil sa mga narinig niyang rebelasyon mula kay Nelmark. She never thought she did that much para mahalin nito. Kaya naman hindi niya naiwasang mapaluha dahil sa sobrang tuwa. Kung gayon ay mission accomplished na.
Sa pagkagulat niya ay naramdaman niya ang masuyong pagpunas ng daliri nito sa mga luhang nag-uunahang tumulo sa kanyang pisngi.
"Did I say something wrong para umiyak ka nang ganito, Sharian?" may bahid ng pag-aalalang tanong nito sa kanya habang pinupunasan ang luha na naglandas sa kanyang pisngi. Mukhang hindi nito inasahan ang reaksiyon niyang iyon.
Umiling siya. "Huwag mong intindihin ito. Okay lang ako."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay niyakap siya nito nang mahigpit na tila ba takot siyang pakawalan.
"Sharian, alam ko na nabigla ka sa mga sinabi ko sa iyo pero gusto ko sanang malaman kung... kung may katugon ba ang nararamdaman ko sa iyo."
Nagpumilit siyang kumawala sa mga yakap nito. At tiningnan niya ito sa mga mata nito.
"Kung... kung sasabihin ko sa iyong mahal din kita, magagawa mo bang ipangako sa akin na ibabalik mo na sa sarili mo ang nawala mong paniniwala sa pag-ibig?"
Ngumiti ito. "Magmula nang malaman ko sa sarili ko na mahal kita, nagbalik na iyon sa puso ko."
Huminga siya nang malalim.
"Then I guess wala na akong dapat na problemahin pa. I love you too, Nelmark," pag-amin niya kahit na luhaan na.
"Totoo ba iyan, Sharian?" Tumango siya.
Nang mga sandaling iyon ay walang babalang hinalikan siya ni Nelmark sa labi. Bagaman nabigla siya, hindi maikakailang gusto niya ang ginagawa nito. That was the first time na may lalaking humalik sa kanya. At kahit wala siyang basehan, pakiramdam niya ay iyon na ang pinakamatamis na halik na naipadama sa kanya sa buong buhay niya. Lalo niyang nagugustuhan iyon habang pinapalalim nito ang paghalik sa kanya.
There's something in his kiss that made her knees felt weak and made her desire for more. At gusto niyang namnamin ang first kiss niyang iyon kaya naman unti-unti siyang napapikit habang lumalalim ang halik nito.
It's a kiss that she would definitely savor up to its last.
Ngayon ko masasabing hindi ko pinagsisisihang mahalin ka nang ganito, Nelmark. More than ever, I was more than glad na napag-isipan kong baguhin ang pananaw mo about love. Dahil kung hindi ko ginawa iyon, hinding-hindi ko matututunang magmahal nang ganito. Wala akong pagsisisihan sa naging desisyon ko. A tear escaped from her eyes as she thought about that.
She never realized that she'll be this overwhelmingly happy she couldn't describe it and put it in words. That's because she's loving it. And she'll continue loving it hanggang nasa tabi niya si Nelmark at patuloy siyang mamahalin.
No comments:
Post a Comment