AGAD NA ipinarada ni Rianne ang kotse niya sa parking space ng isang restaurant na nadaanan niya pagkarating niya sa bayan ng San Rafael. She decided to have her vacation back to her hometown dahil alam niyang mas kakalma siya kapag namalagi siya doon. Nag-file siya ng indefinite leave sa suhestiyon na rin ng kanyang ina upang lubusan daw ang pamamahinga niya. Isa pa ay may nais din siyang balikan sa lugar na iyon kaya naisipan niyang doon na lang pumunta.
Matapos kumain ng lunch ay naisipan niyang manatili muna doon nang ilang sandali. Wala pa siyang solidong plano kung saan nga ba siya pupunta pagkatapos niyon. Ang tanging ginagawa lang niya bilang pampalipas-oras ay ang wala sa sariling pagtingin sa baso ng tubig sa harap niya at paminsan-minsan ay ang pagtingin sa labas ng restaurant. Nakapuwesto siya sa table na katabi lang ng malaking glass window kaya kitang-kita niya ang mga kaganapan sa labas.
For the eighth time she glanced outside the restaurant, something caught her attention. Or rather someone na ngayon ay nasa tabi ng kanyang kotse at tila sinisilip nito ang nasa loob niyon. What was weird, she wasn't feel alarmed for some reasons. Napangiti pa nga siya nang makita niya itong nagsusuklay ng buhok nito at gamit ang sariling reflection sa tinted na salamin ng kanyang kotse ay sinisipat nito ang itsura. Nang sa tingin nito ay okay na ang itsura nito ay kinindatan nito ang sariling repleksiyon at saka umayos ng tayo bago nilingon ang restaurant. Tumingin sa direksiyon niya ang guwapong lalaking ngayon ay malaya na niyang nasisilayan. Hindi niya maintindihan kung paano at bakit subalit bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pagkabog sa dibdib niya.
Sino kaya iyon? At bakit siya nakatingin sa direksiyon ko? Pero in fairness, ang guwapo niya. Familiar, too... saisip niya habang tinitingnan pa rin ang lalaking iyon na ngayon ay nakangiti na at nakatingin sa kanya. Wait! Siya? Siya ba ang tinitingnan nito?
Sa pagtataka ay pasimple siyang lumingon sa katabing table na nasa line of sight ng glass window subalit walang tao doon. Pasimple din niyang pinasadahan ng tingin ang paligid niya subalit wala naman siyang napunang kakaiba at posibleng may kinalaman sa lalaking nasa labas ng restaurant. Ganoon na lang ang pagkadismayang naramdaman nang sa muling paglingon niya sa kinatatayuan nito, wala na roon ang lalaki. At iyon ang ipinagtaka niya.
Bakit naman ako madidismaya? Pero... sa akin ba talaga nakatingin iyon kanina? Hindi niya naiwasang mapangiti at kiligin sa isiping iyon na pumasok sa utak niya. Pero saglit lang iyon at lihim na kinastigo niya ang sarili dahil sa nararamdaman. Kaya nga siya umalis ng Bulacan ay dahil gusto niyang kalimutan ang isang lalaki. Ngayon ay bumabalik siya sa pagiging teenager dahil sa isang lalaki.
Hindi naman basta-basta lalaki iyon. 'Di hamak namang mas guwapo iyon kaysa kay Daniel, pagdadahilan niya sa isip at bumuntong-hininga bago ibinaling ang tingin sa baso ng tubig. Makalipas ang ilan pang sandali ay naisipan na niyang umalis doon.
Isinukbit na niya ang shoulder bag na dala sa balikat at tumayo. Subalit dahil doon ay bumangga siya sa taong nakasalubong niya. Dahil sa lakas ng pagkakabundol niya sa malapad na dibdib ng taong iyon ay hindi nakapagtatakang ma-out balance siya. Napapikit na lang siya at hinintay ang sariling bumagsak sa tiled floor subalit hindi iyon nanyari. Bagkus ay naramdaman na lang niya na may kumabig sa baywang niya matapos siyang hilahin sa kamay. Napasubsob siya sa dibdib ng taong iyon at wala sa sariling napapikit siya nang masamyo niya ang bango nito. After a few seconds, she opened her eyes and looked up to have a glimpse of her savior.
Siya iyon! Ganoon na lang ang pagkagilalas niya nang tumambad sa kanya nang malapitan ang mukha ng lalaking nasa labas ng restaurant kanina. Kasabay niyon ay ay eratikong pagtibok ng puso niya at pakiramdam niya ay tila nais niyang humilig sa matipunong dibdib ng nasabing lalaki. Lalo na nang nanuot sa kanyang pang-amoy ang bango nito. Pasalamat na lang at agad siyang natauhan nang marinig niyang magsalita ito.
"Ngayon ko lang yata nalaman na hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo kapag nagmamadali ka. Muntik ka na doon. Hindi ko akalaing mag pagka-clumsy ka pala." Ngumiti ito. "Pero sa totoo lang, mas gumanda ka pa yata ngayon kaysa sa itsura ng Rianne noon."
"Kilala mo ako?" Ganoon na lang ang sorpresa at pagtataka niya nang marinig ang tinuran nito. Kilala ko ba ito? Hindi naman ako ganoon kasikat para makilala ng taong hindi ko pa yata nakikita. Hindi nga ba niya ito nakita kahit minsan lang?
"Ulyanin ka ba o ano? Eight years ka lang nawala, hindi mo na ako matandaan? Ang sama mo talaga."
"E-eight years?" nalilitong tanong niya. Hindi siya sigurado pero parang may mga naaalala siya. May kalabuan nga lang.
"Makakalimutan ko ba naman ang babaeng lagi kong tinatawag na 'Lin'? Siyempre hindi! Ikaw lang naman ang tinatawag ko sa ganoon pangalan, eh," simpatiko ang ngiting saad nito. Hindi pa rin siya pinapakawalan nito. "Anyway, hindi ko yata ini-expect na makikita kita rito. So how are you, Lin?"
Nang marinig niya ang pangalang binanggit nito ay noon naman nagsulputan sa kanyang isip ang mga alaalang kakabit niyon. Kasabay niyon ay ang pagkaalala sa pangalan ng lalaking nakayakap sa kanya ngayon. At nanlaki ang mga mata niya dahil doon.
"Naaalala mo na ako? Huwag mong sabihing tinamaan ka na ng Alzheimer's. Ang bata mo pa para magkaroon ka n'on," anito.
Ilang sandali din ang pinalipas niya bago nagawang magsalita sa kabila ng pagkabigla sa naging konklusyon ng kanyang isipan.
"Alex? Jerique Alexander Olivarez?" paniniyak niya.
Napangiti nang malapad ang guwapong lalaking nasa harap niya ngayon at saka tumango. "Hay, salamat. Akala ko, nakalimutan mo na ako."
xxxxxx
"MY NAME is Elina Rianne Castañeda. I'm fifteen years old. My favorite subject is Math and I like gardening. Someday, I want to become a floriculturist and have my own flower shop," saad ng third year high schooler na si Rianne sa harap ng mga kaklase niya bilang pagpapakilala at saka siya yumukod nang bahagya. Matapos niyon ay bumalik na siya sa kanyang upuan.
"Thank you, Miss Castañeda," wika ng babaeng teacher sa table nito. "Next?"
Napalingon siya sa paligid at nakita niyang tumayo ang lalaking nasa likod ng kinauupuan niya. Nangunot ang noo niya nang mapansin niyang tila kamukha yata ng lalaking ngayon ay nakatayo sa harap ng klase ang isa pang lalaki sa gilid niya. Pero 'di kalaunan ay nagawa na niyang i-differentiate ang dalawang lalaki. Sa hula niya ay kambal ang dalawang iyon. Ibinaling niya ang tingin sa harap kung saan naroon ang kakambal ng katabi niya.
"My name is Jerique Alexander Olivarez. Most of the time, people call me 'Alex' so it's okay if you call me that way. I'm sixteen years old and my favorite subject is Math and Music." Iyon lang at bumalik na sa kinauupuan nito si Alex. Ngunit bago pa man ito tuluyang maupo sa upuan ay binalingan siya nito at nginitian nang pagkatamis-tamis. Sapat na iyon upang mapasinghap siya nang lihim at kumabog ang dibdib niya. Ginantihan naman niya iyon ng kiming ngiti bago ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon.
Matapos ang klase ay nanatili lang siya sa kinauupuan niya at doon kinakain ang brownie na dala niya. Dumating ang recess time. Hindi na siya lumabas para bumili ng pagkain niya. Siya at ang magkambal lang ang naroon. Kahit identical twins ang dalawa ay hindi na siya nahihirapang i-distinguish si Alex kay Allen.
And in fairness, parehong good-looking ang dalawa, aniya sa isip.
Pero mas good-looking para sa iyo si Alex, 'di ba? panunudyo ng isang bahagi ng isipan niya. Hindi na lang niya pinansin iyon.
Hindi niya naiwasang mapangiti habang pinagmamasdan si Alex na halatang ini-enjoy ang pagtugtog ng gitara na sinasabayan naman ng pagkanta ni Allen. But most of the time, her eyes were only fixed to Alex na ipinagtataka niya. Nginitian lang naman siya nito kanina pero tila sapat na iyon upang iduyan siya na hindi niya mawari. Walang tigil sa pagkabog ang dibdib niya kapag pasimple niya tinitingnan ito.
"Hi, Rianne!" biglang bati ng isang kaklase niya, dahilan upang bigla niyang malunok ang hindi pa niya nangunguyang brownie sa bibig niya.
Dahil sa kakatingin niya kay Alex ay hindi niya napansin ang pagsulpot ng kaklase niya sa kanyang tabi kaya ngayon ay nabulunan pa siya. Naghanap siya ng tubig o kahit na anong maiinom subalit wala siyang makita. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang malakas na pagpalo ng isang kamay sa likod niya. Nagawa niyang makahinga nang maayos at lunukin nang husto ang na-stuck na pagkain sa lalamunan niya. Ilang beses siyang huminga nang malalim at natigilan siya nang mapansin ang isang bottled water na iniabot sa kanya ng isang kamay. Hinawakan niya ang bote at nilingon ang kung sino mang nag-aabot niyon sa kanya. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang mapagsino iyon.
"Inumin mo na iyan bago ka pa mabulunan uli," nakangiting sabi ni Alex sa kanya habang hinihimas nito ang likod niya. Kung gayon ay ito ang pumalo sa likod niya.
Nag-aalangan man ay sinunod niya ang sinabi nito at sinaid niya ang laman niyon. Bumuga siya ng hangin matapos niyon at iniabot kay Alex ang boteng wala nang laman.
"S-sorry. Naubos ko iyong laman," hinging-paumanhin niya na hindi tumitingin dito. She heard him chuckle before he knelt down and had a look at her face. Nagulat siya sa ginawa nitong iyon subalit hindi niya inaalis ang tingin dito. Namalayan na lang niya na silang dalawa na lang pala ni Alex ang naroon.
"Okay ka na?" concerned na tanong ni Alex. Tumango na lang siya at napakamot ng batok.
"Pasensiya na. N-naubos ko iyong tubig. P-papalitan ko na lang," nauutal na sabi niya at dahil dito ay lihim niyang kinastigo ang sarili.
"Huwag mo nang alalahanin iyon. Hindi mo na kailangang palitan pa iyon. Basta ang mahalaga, okay ka na." Tumayo ito at hinila ang isang armchair bago ipinuwesto iyon sa harap niya. Saka ito umupo doon. "Anyway, puwede bang makipagkilala?"
Nangunot ang noo niya. "Makipagkilala? Eh 'di ba ilang beses na tayong nagpakilala sa harap ng mga kaklase natin? Kaya alam ko na ang pangalan mo."
"Hindi naman ito para sa klase, eh. Gusto kong personal na makipagkilala sa iyo. Ako nga pala si Jerique Alexander Olivarez. Tawagin mo na lang akong 'Alex.'" Matapos niyon ay inilahad nito ang isang kamay.
Ilang sandaling tiningnan niya iyon at atubili man ay tinanggap niya iyon kasabay ng isang genuine na ngiti na minsan lang niyang ibigay sa isang lalaki.
"Elina Rianne Castañeda. Most people prefer calling me 'Rianne.' Kaya kung gusto mo, iyon na lang ang itawag mo sa akin."
Tumango ito at saka siya nginitian sabay pisil nang bahagya sa kamay niyang hawak nito. Tila dinaanan ng libu-libong boltahe ng kuryente ang mga ugat niya. Nagdulot ng eratikong pagtibok ng kanyang puso ang init na nagmumula sa kamay nito. Ilang sandali pa ang lumipas bago nito pakawalan ang kamay niya.
"Pero alam mo, mas gusto kong tawagin kang 'Lin' para mas unique. Okay lang ba sa iyo?"
Hindi niya mahagilap ang dila niya nang mga sandaling iyon. Subalit pinilit niya ang sarili na magsalita upang hindi naman siya lumabas na kahiya-hiya. "Okay lang. P-pero bakit 'Lin?'"
"Galing sa pangalan mo na 'Elina.' Para malaman mo na ako ang tumatawag sa iyo. Gusto ko kasi na dapat ako ang naiiba ang pagtawag sa iyo para mas maganda. At least, malalaman mo kaagad na ako iyon, 'di ba?" Tumango na lang siya bilang tugon. Sa pagkabigla niya ay tumayo ito at inilapit nito ang mukha sa mukha niya. "By the way, I like your name. I never had a chance a while back na sabihin iyon pero iyon ang totoo."
Pakiramdam niya ay tumigil sa pag-ikot ang kanyang mundo nang sabihin nito iyon. At nahigit naman ang kanyang paghinga nang kinurot nito nang marahan ang pisngi niya. Wala sa sariling hinaplos niya ang bahaging kinurot nito. Ilang sandali pa ay lihim na siyang napapangiti at sinulyapan si Alex na palabas na ng classroom.
xxxxxx
"MAMAYA mo na asikasuhin iyan. Kumain ka muna."
Nag-angat si Rianne ng tingin pagkarinig sa nagsalitang iyon. Nakita niya si Alex na nakangiti habang iniaabot sa kanya ang tatlong brownies at isang bottled water.
"Alam mo, sabihin mo lang sa akin kung nang-aasar ka," sarkastikong aniya habang isinisilid sa bag ang notebook at ballpen na hawak niya.
Nagtaka ito. "Bakit naman kita aasarin?"
"Mukhang gusto mo pa yatang ipaalala sa akin ang kahihiyan ko noon, ah."
"Of course not. Why would I do that?"
"Malay ko sa iyo," nakangusong sagot niya.
"See? Kahit ikaw, hindi mo masabi ang rason." Naupo ito sa tabi niya at inilapag sa armchair ang dalang brownies at bottled water. "I just want to make sure you eat something. Recess na pero heto ka at abala sa pagsusulat. May oras ka pa naman mamayang lunch break para tapusin ang pangongopya sa mga notes mo."
Hindi na siya nagsalita pa at kumain na lang ng tahimik. May mga pagkakataong sinusulyapan niya ito nang panaka-naka at hindi iilang beses na nagtatama ang mga paningin nila ni Alex. And there was her heart, hammering fast like crazy. Gosh, lumalala pa yata iyon kapag nakikita niya itong ngumingiti sa kanya!
Hindi miminsang ngumiti ito sa kanya ng pagkatamis-tamis na sapat upang tunawin ang puso niya. There was something in that sweet smile na tanging siya lang yata ang nakakapansin. Hindi siya sigurado kung tama subalit parang espesyal ang ngiti nito kapag siya ang nginingitian nito. Iba ang ngiting ipinapakita nito sa kanya kumpara sa ngiting iginagawad nito sa mga kaibigan at kaklase nito.
"Bakit naman ganyan kung makatingin ka sa akin? May dumi ba ako sa mukha?"
Nag-init ang pisngi niya nang marinig ang tanong nitong iyon. Nawala sa isip niya na nasa harap lang niya ito.
"W-wala naman," mahinang sagot niya. Itinuloy na lang niya ang pagkain.
Pero sa totoo lang ay naiilang na siya sa matamang pagtitig nito sa kanya.
"Ako yata ang may dumi sa mukha kaya ganyan ka kung makatingin sa akin, eh," biro niya para lang mapagtakpan ang tensiyong nararamdaman.
Hindi ito nagsalita. Patuloy lang itong nakatingin sa kanya at makalipas ang ilang sandali ay tumikhim ito. "Lin, can I ask you something?"
Kumunot ang noo niya. "S-sure. Tungkol naman saan?"
"What's your favorite flower?"
She let out a light laugh after hearing his question. Ang akala pa naman niya ay seryoso na ang tanong nito. Pero nang tingnan niya ito ay seryoso ang mukha nito kaya nagseryoso na rin siya.
"Cream tulip," she answered.
Ngumiti ito at tumayo. Nagtataka man ay sinundan na lang niya ito ng tingin. Kinuha nito ang backpack nito at muling bumalik sa puwesto nito sa tabi niya. When he sat down, he took something out in the bag. She gasped silently when he handed her a cream tulip! For real! In addition to that, he also handed her a notebook.
"Happy Valentine's Day," masuyong bati nito habang inilalapag sa ibabaw ng armchair niya ang bulaklak at ang notebook.
"H-how..."
"Art class, remember? Pinag-drawing tayo ng teacher natin kung anong bagay ang gusto nating mag-describe sa pagmamahal natin sa isang tao. You drew that and you said that like the definition of the cream-colored tulip, you wanted to love that person forever. Hindi ko alam na iyan pala ang favorite flower mo, though I had a feeling that it was something special to you. I'm glad na hindi ako nagkamali ng piniling bulaklak."
Hindi niya maapuhap ang sasabihin. Wala sa loob na kinuha niya ang bulaklak at pasimpleng sinamyo iyon. The scent was lovely and it calmed her heart somehow. Hindi siya makapaniwala na may magbibigay sa kanya ng bulaklak. And it came from the guy that now occupied a large part of her heart. Then she noticed the notebook.
"A purple notebook? What does this have to do with Valentine's Day? Ang akala ko, pula ang ginagamit na kulay kapag Araw ng mga Puso."
Ngumiti ito. "It's not purple. It's indigo. The color that means 'infinity.' Naisip ko lang na magandang iregalo sa iyo iyan kasama ng tulip dahil mahilig kang magsulat. And at the same time, cream-colored tulip means 'I will love you forever.' I guess those two items meant the same thing. Infinite and forever." And then he chuckled nervously. "Mukhang walang sense ang sinasabi ko ngayon sa iyo. Don't mind the definition of all the items. Both of them means 'forever.' Finished."
"Puso na lang pala ang kulang at 'infinite love' na ang ibig sabihin ng lahat ng binigay mo sa akin," bulong niya habang pinagmamasdan ang notebook.
"You're saying something?"
Napatingin siya rito at umiling. "Wala. Baka imahinasyon mo lang iyon." At saka siya tumawa. Hindi lang siya sigurado kung tinanggap nito ang rason niya dahil nakakunot-noo ito nang tingnan niya. She would just have to think of a valid alibi later if ever he asked.
"Do you like it?" tanong nito na nagpabalik ng isipan niya sa kasalukuyan.
Tango lang ang tugon niya. Idagdag pa na hindi na naman niya mapigilan ang pesteng puso niya sa pagtibok ng mabilis. Why couldn't she stop it from beating this fast? He just gave her a flower. A simple, beautiful flower which defined her feelings for Alex. A love for him she knew would last forever.
Pero may katugon nga ba ang pagmamahal niyang iyon para rito?
Probably, in a million years, dismayadong saisip niya.
xxxxxx
RIANNE was happily skipping down the hall matapos niyang maipasa sa isang teacher ang mga answer sheets na iniutos ng kanilang adviser na ibigay. Nang makarating siya sa classroom ay naabutan niyang naggigitara si Alex sa tapat pa mismo ng pinto at kinakanta ang kantang "I Do" ng 98 Degrees.
"Hoy! Tanghaling tapat, nanghahara ka na diyan. At para kanino naman kaya iyan?" tatawa-tawang bungad niya rito.
Tumigil naman ito sa paggigitara at inihiga nito sa kandungan ang gitara. "Hindi ako nanghaharana. Gusto ko lang kumanta. Paano ba naman kasi? Masyadong sweet sa isa't isa ang pinsan mo at ang kakambal ko. Hindi ko tuloy maiwasang i-enhance ang romantic ambiance sa pagitan nila. Hay, naku! Ang gagaling talagang mang-inggit ng dalawang 'yon."
Pareho na lamang silang natawa matapos niyon. Siya naman ay hindi maiwasang tingnan ang parehang tinutukoy nito at napangiti na lang siya nang makita niya sina Allen at Relaina na nagkukuwentuhan. Alam niyang simpleng kuwentuhan lang ang namamagitan sa dalawa nang mga sandaling iyon subalit halata sa mga ito na talagang mahal ng mga ito ang isa't isa. May mahigit isang buwan na rin ang relationship nina Allen at Relaina at isa iyon sa mga hindi inaasahan ng lahat.
"Inggit ka sa kanila, 'no?" untag ni Alex sa kanya.
Napatingin siya. "Kahit naman sabihin kong oo, may magagawa ka ba?"
"Depende."
"Tingnan mo? Kahit ikaw, nag-aalangan. Huwag kang mag-alala, hindi ako inggit sa kanila. Mabuti nga't nagkasundo na ang dalawang iyan, eh. Hindi na tayo mahihirapan pang maging mediator ng bangayan nila. Aba'y nagsasawa na ako sa aso't pusang relasyon ng dalawang iyan, 'no. May pa-deny-deny pang nalalaman, gusto naman pala ang isa't isa. Ngayon ko lang talagang pinaniniwalaan ang kasabihan na 'opposite attracts.' Kahit na medyo cliché na sa pandinig ko."
Sinungaling ka talaga, Rianne! Palibhasa ang nararamdaman mo para kay Alex, nakabitin pa rin sa ere. Hindi mo pa amining naiinggit ka? Mahigit isang taon na ang lumipas subalit nanatili pa ring tikom ang mga labi niya, maging ang kanyang puso, tungkol sa pagtangi niya sa binatilyo. Aminado siyang hindi siya katulad ni Relaina na malakas ang loob kaya umabot nang ganoon katagal ang paglilihim niya ng tunay na nararamdaman. Hindi na niya nagawang sagutin pa ang tanong nito nang marinig niya itong magsalita.
"Alam mo, hindi ko maiwasang mainggit sa kakambal ko ngayon. Halata sa kanya na labis ang kasiyahang nararamdaman niya dahil nasa tabi na niya si Relaina. Nasa tabi na niya ang babaeng talagang masasabi kong mahal na mahal niya. Sana... masabi ko na rin sa babaeng mahal ko ang nararamdaman ko."
Napakurap siya sa narinig. Mahal? Ibig sabihin ay may mahal na ito? Huli na ba siya? "M-may mahal ka na? S-sino siya?" kinakabahan ngunit hindi mapigilang usisa niya rito. Kahit walang kapantay na sakit ang maaaring idulot ng malalaman niya ay sinikap niyang maging composed at pilit na binabale-wala ang tensiyon at sakit na nadarama.
Subalit ang isinagot lang nito sa kanya ay isang makahulugang ngiti bago inayos ang gitara sa kandungan nito at muling nagpatugtog. Parehong kanta pa rin ang pinapatugtog nito at sa pagtataka niya ay sa kanya ito nakatingin habang kumakanta. Pakiramdam niya ay siya ang hinaharana nito ng kantang iyon. Ayaw man niya ay nakaramdam siya ng kilig.
"Sana magawa ko itong kantahin sa iyo sa araw ng kasal mo," anito sa mababang tono subalit daid pa niya ang sinigawan sa tapat ng tainga gamit ang megaphone nang marinig iyon.
"Kasal ko? Hoy, disisais anyos pa lang ako para isipin ang pagpapakasal, 'no! Alam mo, ikanta mo na lang iyan. Baka sakaling mawala ang kung anumang agiw riyan sa utak mo. Kung anu-ano ang pinag-iiisip mo." Pero sa totoo lang, hindi niya alam ang tamang iisipin. Siya, kakantahan nito sa araw ng kasal niya? Kasabay niyon ay lumakas ang pagtambol ng dibdib niya habang patuloy na nakikinig sa kanta nito.
Okay lang sa akin... basta ikaw ang magiging asawa ko pagdating ng araw na iyon. Iyon eh kung binata ka pa rin pagdating ng araw na iyon, saisip niya. Hindi niya alam kung bakit pero parang si Alex na yata ang itinalaga ng puso niyang makasama sa kanyang pagtanda.
Ang weird naman n'on kung ganoon nga ang iisipin ko. Hay, Rianne. Hopeless ka na nga talaga. Denial queen pa! Ngumiwi na lang siya sa isiping iyon. Kailan ba siya magigising at gagawa ng paraan na ipagtapat ang nararamdaman niya? Baka kapag tumanda na siya ay hindi pa siya nakagagawa ni isang hakbang para mangyari iyon.
xxxxxx
HINDI makapaniwala si Rianne na ang lalaking nasa harap niya ngayon at yakap-yakap siya ay ang lalaking nagsilbing malaking bahagi ng kanyang high school life.
"Hoy, nakatulala ka na diyan," untag ni Alex. Napakurap siya at napangiti na lang.
"H-hindi lang kasi kita kaagad nakilala. Ang laki na ng ipinagbago mo," sabi niya at saka dumako ang tingin niya sa kamay niyang hawak nito. "I guess you can let me go now. Okay naman na ako."
"Oh, sorry!" At pinakawalan na siya nito pero sa pakiramdam niya ay naroon pa rin ang braso nito at nakapulupot sa baywang niya.
Ikinagulat niya ang naging reaksiyon ng kanyang puso matapos niyon. Walang tigil iyon sa kapapasag dahil sa isiping noon lang siya naging malapit nang ganoon kay Alex.
"Kumusta ka na? Himala yatang bumisita ka rito. Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo dito?"
"Masamang hangin ka riyan! Ikaw nga itong dapat na tinatanong ko niyan, 'no. Ang lakas pa ng loob mong gamiting salamin ang bintana ng kotse ko. Siguro may date ka dito, 'no?" nakangiting biro niya. Sana lang, hindi date ang ipinunta niya rito. Weird. Why would she wish for that?
"Paano kung sabihin kong 'oo'? Magseselos ka?" tudyo nito.
Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Feeling mo naman! Ako, magseselos? Ang suwerte mo naman kung ganoon nga. Kaso, hindi. Pasensiya ka na lang."
Tumawa ito. "Hate na hate mo siguro ang mga lalaking may face value kaya ganyan ka na lang kung makapag-deny. Don't worry, hindi date ang ipinunta ko dito. Naisipan ko lang magliwaliw bago ako umuwi ng mansion. And besides, I'm hungry. Ito ang unang-unang restaurant na nadaanan ko, eh."
"Talaga bang hindi date ang ipinunta mo dito?"
"Alam mo, sabihin mo lang sa akin kung nagseselos ka sa mga ka-date ko kahit wala naman. Kung umakto ka kasi, parang jealous girlfriend."
Nag-init ang mga pisngi niya. "Kapal!"
Humalakhak lang ito. Her heart leapt at the sound of his laughter. Kailan ba niya huling narinig iyon? Tumungo siya sa di malamang rason.
"Halika na. Ihahatid na kita sa inyo," mayamaya ay sabi ni Alex, dahilan upang mapatingin siya dito.
"I-ihahatid? Alam mong pauwi na ako?" Tumango ito. "P-paano?"
"Halata sa iyo na kagagaling mo lang sa biyahe. At alam ko na kailangan mong magpahinga. You came here for a vacation, right?"
Nagulat siya sa sinabi nito. "Paano mo—"
"Huwag mo nang tanungin. Basta alam ko," nakangiting sabi nito at biglang hinawakan ang kamay niya. Hindi na siya nakahuma nang hilain siya ni Alex palabas ng restaurant. Narating nila ang kotse niya bago nito inilahad ang isang kamay. "Give me your keys."
"Ha?"
"Give me your car key. I'll drive you home."
"Pero Alex—"
"Just give it to me since I'll be your tour guide for your vacation."
She frowned. "Tour guide? Are you serious?" Tumango ito at siya naman ay napailing; hindi makapaniwala sa sinabi nito.
Inilapit nito ang mukha sa kanya at ngumiti nang simpatiko. "Trust me. I'll give you a vacation you'll never forget," puno ng kumpiyansang saad nito sa kanya. Siya naman ay napatulala na lang sa narinig.
Ilang sandali pa ay kinuha na niya ang susi ng kotse sa bulsa ng jacket na suot niya at saka iniabot iyon dito.
"Bukas na lang tayo magkumustahan. Ayoko namang mapagod ka nang husto kaya uumpisahan natin ang tour bukas. Sakay na." At agad itong tumalikod upang pumunta sa kabilang side kung saan naroon ang pintuan sa driver's seat.
Nang makasakay na siya ay si Alex ang nag-ayos ng seat belt niya. Ngiti lang ang naging tugon niya. Pero ang puso niya, patuloy pa rin sa pagtibok ng mabilis. Agad nitong in-start ang makina at sinimulan nang magmaneho.
"Thank you... for doing this," mahinang sabi niya.
"Kung makapagsalita ka, parang estranghero pa rin ako sa iyo," nakangiting komento nito at saka saglit siyang binalingan. "We're friends, Lin. Kaya wala kang dapat na ipagpasalamat."
Napangiti na lang siya nang malungkot nang marinig ang sinabi nito bago ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Hindi niya nais ipaalam dito na naapektuhan siya. Mas mabuti pang sarilinin na lang niya ang nararamdaman.
Friends? Hanggang ngayon ba ay ganoon pa rin ang turing mo sa akin, Alex?
Buntong-hininga na lang ang naging tugon niya sa isiping iyon.
xxxxxx
"A-ANO'NG ginagawa mo dito?" tanong ni Rianne kay Alex nang maabutan niya itong nakasandal sa hood ng kanyang kotse na nakaparada sa parking space ng mall na pinuntahan niya. Naisipan niyang mamili muna ng mga gamit na kakailanganin niya sa pagbabakasyon niyang iyon.
Pasalamat na lang pala at nahagilap pa niya ang sariling tinig dahil hindi niya inasahang makikita roon si Alex. Idagdag pa na tila namatanda siya sa preskong anyo nito na bumulaga sa kanya nang mga sandaling iyon.
"Sinusundan ka," he simply said that made her frown. Matapos niyon ay agad itong lumapit sa kanya. "'Di ba sinabi ko na sa iyo kahapon na ako ang magiging tour guide mo habang nakabakasyon ka?"
"Oo nga pero... wala ka bang dapat na asikasuhin? Wala ka bang trabaho?" Kahit ipinapakita niyang nag-aalangan siya ay hindi pa rin niya naiwasang matuwa.
"Nakabakasyon ako ngayon kaya okay lang. Halika na. Mag-breakfast muna tayo." At bago pa man siya makapagsalita ay hinawakan na nito ang isang kamay niya at hinila siya paalis doon.
"Huwag mong sabihin sa akin na alam mo ring hindi pa ako nag-aalmusal," pabirong aniya habang hila siya nito.
Nakita niyang napangiti ito—the smile she used to see during their high school days. Tumango ito bilang sagot. Hindi niya naiwasang mapailing dahil doon at mapakamot ng batok.
"Look, Alex. You don't have to do this. You should spend your vacation someplace else and not with me."
"I'd rather spend it with you than with anyone or someplace else, Lin."
Hindi na niya malaman kung ano ang sasabihin matapos niyon. Subalit hindi kaila sa kanya na sapat ang mga salitang iyon upang pabilisin ang tibok ng kanyang puso. At the same time, a warm feeling flooded her. He wanted to be with her. Hindi niya tuloy naiwasang kiligin. It was as if Alex wanted her to be special—and she couldn't help feeling that way. Wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod sa gusto nito. Tutal, masyado itong insisting kaya pagbibigyan na niya ito.
At that time, she thought of one thing. Alex would surely make her vacation worthwhile. Hindi man siya sigurado kung paano nito gagawin iyon, wala na muna siyang pakialam. Ang mahalaga sa kanya, ma-enjoy niya ang bawat sandaling kasama niya si Alex. Gusto niyang may bauning alaala mula dito sa oras na maghiwalay na naman sila.
xxxxxx
SA ISANG restaurant malapit sa Rosalia Building—ang Isabella Café and Restaurant na pag-aari ng mga Cervantes—nagpunta sina Rianne at Alex para mag-almusal. Pero sa pakiwari niya ay iyon na yata ang pinakamasayang almusal niya. She was having fun. At alam niya kung bakit. Napatingin siya kay Alex na tila pinagmamasdan pa yata ang ginagawa niya nang hindi niya namamalayan. Nakangiti ito sa kanya ngayon. Instinctively, she lowered her head and looked at her food. Hindi maitatangging medyo naiilang pa siyang kasama ngayon ang binata.
Wait! Binata pa nga ba ito? Hindi niya maiwasang itanong sa sarili subalit pinili niyang isantabi muna ang tanong niyang iyon. Siguro naman ay may panahon pa siyang interview-hin ito mamaya. Tutal ay ito naman ang "tour guide" niya diumano. Pero bakit nga ba ito nag-i-insist na maging tour guide niya samantalang hindi naman siya turista sa sariling bayan? May dahilan ba para gawin nito iyon?
"Ang layo na yata ng pinuntahan ng isip mo, ah," nakangiting puna ni Alex, dahilan upang mabaling ang tingin niya rito. "Ako ba ang laman niyan?" tudyo pa nito.
"Alex!" nanlalaki ang mga matang bulalas niya. "As if namang ikaw itong iisipin ko. Dream on!" Napahalakhak ito. At nang mga sandaling iyon ay bigla niyang na-realize na na-miss pala niya ang tunog ng halakhak nito. Mayamaya ay unti-unting sumeryoso ang mukha niya. "Anyway, huwag mo na lang akong intindihin. Ituloy mo na lang iyang kinakain mo."
"Paano ko itutuloy ito kung ganyan namang nakikita kitang parang may pinoproblema kahit na nakangiti ka?"
Napakurap siya. Ganoon pa rin ba siya ka-transparent sa harap ng lalaking ito hanggang ngayon? As far as she remembered, hindi iilang beses na nalalaman nito noon kung may pinoproblema siya. Pero iba na yata ang kaso ngayon. Kahapon lang sila uli nagkita ni Alex at alam niyang marami na rin ang nagbago sa kanya. In fact ay nagagawa niyang itago nang maayos sa lahat—maliban kay Relaina at sa mga magulang niya—ang mga problema niya. Paano nagawa ni Alex na malamang may pinoproblema siya kahit na nagawa niyang magpanggap na wala at itago iyon sa mga ngiti niya?
"Huwag ka nang magtaka kung paano ko nahalata. I was trained to realize people's feelings through their eyes," sabi nito na tila nabasa ang nilalaman ng isip niya. Saka ito sumubo.
"What do you mean you're trained?" kunot-noong tanong niya.
Nginitian lang siya nito at nilunok ang kinakain bago nagsalita. "I'm a private investigator sa isang detective agency na pag-aari ng pamilya namin. Iyon ang naging trabaho ko pagkatapos kong gr-um-aduate ng college."
"Isn't that a dangerous job?"
"Yeah, it is. Pero ito ang pinili ko, eh. Bata pa lang ako, fascinated na ako sa martial arts at baril. Isa pa ay pinag-isipan ko naman ito nang mabuti kaya okay lang."
Napatango na lang siya subalit hindi na niya magawang alisin ang pag-aalala niya para rito. Oo nga't noon pa man ay alam na niya ang fascination nitong iyon pero wala sa hinagap niya na may koneksiyon doon ang pipiliin nitong trabaho. Itinuloy na lang niya ang pagkain at naging masigla ang almusal nilang iyon. Marami pa silang pinag-usapan ni Alex, karamihan ay may kinalaman dito at sa trabaho nito. Hindi nga niya maintindihan ang sarili kung bakit tila naging interesado siyang pakinggan ang bawat kuwento nito.
"Bakit mo nga pala naisipang bumalik dito sa San Rafael? May dahilan ba?" tanong nito nang dumako na tungkol sa kanya ang kuwentuhan nila.
Natigilan naman siya nang marinig iyon. May palagay siyang may ideya na ito na hindi lang simpleng bakasyon ang ipinunta niya sa San Rafael. Subalit ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa niya maisatinig ang nais niyang sabihin.
"I guess there's a big reason for that," saad nito nang hindi siya sumagot. Napatingin naman siya dito.
Siguro nga ay hindi pa panahon para ipagtapat niya kay Alex ang problema niya ngayon. Kahit sabihin pang magkaibigan sila nito ay hindi niya magagawang ipagtapat dito kaagad ang lahat. Buntong-hininga lang ang naging sagot niya at tila naintindihan naman iyon ng binata na napatango na lang. He had this understanding smile carved on his handsome face. At ikinatuwa niya iyon. Matapos niyon ay napadako ang tingin niya sa labas, partikular sa isang maliit na building na nasa opposite side ng restaurant.
"It would be nice if I could have a flower shop there," wala sa sariling usal niya habang nakatingin doon.
"What made you say that?"
Muli ay napatingin siya rito at napangiti na lang siya. "I don't know. Ang totoo niyan ay matagal ko nang pangarap na magkaroon ng sariling flower shop. You knew that, right?" Tumango ito. "But since nawalan ako ng panahon dahil kailangan kong pamahalaan ang traveling agency, hindi ko na nagawang tuparin iyon. Isa pa, wala akong makitang appropriate na lugar para doon. So I guess it'll be just a dream for now."
Walang sinabi si Alex matapos niyang sabihin iyon. Gayunman ay masaya pa rin siya dahil pinakikinggan siya nito. But she was caught surprised when he held her hand placed on the table. He held it tightly but gently and slightly squeezed it to let her know he understood. This had caused her heart to hammer inside her chest like crazy. Just like before...
"Magkakaroon din ng katuparan ang pangarap mong iyon, Lin. Just don't stop believing that it would happen one day," he said reassuringly.
"Sana nga..." Pero sana... kasama kitang tumupad n'on, Alex, she added in her thoughts. But why would she want Alex to be a part of that dream?
No comments:
Post a Comment