Tuesday, May 19, 2015

Till Beyond Eternity - Chapter 4

SINERYOSO NGA ni Allen ang sinabi nito kay Relaina. Hindi na nga siya nilubayan nito. Palagi na lang itong naroon sa tabi niya kahit hindi niya ito pinapansin at kinakausap. And just like what he said, she couldn't do anything to push him away kahit gustuhin niya. Hindi tuloy niya malaman kung dapat siyang matakot. But the flowers he was continuously giving to her were telling her otherwise.

Whenever she was tired after doing her assignments and projects, he would always give her a snack or something to drink. More often than not, a Sweet William goes with it that she knew was freshly picked somewhere—wherever it was. Kapag bigla na lang siyang natitigilan dahil tumatambad sa kanya ang mga sweet couples na nasasalubong niya, bigla na lang itong susulpot sa harap niya at bibigyan siya ng isang bungkos ng jonquil. Ngingiti lang ito sa kanya—na para bang sinasabi nitong wala siyang dapat ikainggit o ikalungkot—at aalis nang walang lingon-likod. Para bang may alam ito sa nararamdaman niya kapag nakakakita siya ng magkasintahang masaya at mahal ang isa't isa. Kaya bigla na lang itong susulpot sa tabi niya at bibigyan siya ng jonquil—na para bang sinasabi nito na siya na lang ang pansinin niya.

Kapag naiisip niya na marahil iyon nga ang nais nitong sabihin sa kanya sa pamamagitan ng mga bulaklak ay napapangiti siya. Yes, for the first time, nagawa siyang pangitiin ng mga pasimpleng gestures sa kanya ni Allen. Oo, may mga pagkakataon na inaasar pa rin siya nito lalo na kapag nasa klase sila. Pero may palagay siya na ginagawa lang nito iyon upang ipakita sa lahat na walang nagbago sa pagtrato nito sa kanya. Na walang ibig sabihin ang mga pagpapa-cute nito—kung iyon nga ang tawag sa ginagawa nito.

Pero nakatitiyak siya na may unti-unting nagbabago sa nararamdaman niya para rito. May palagay siyang tumatalab na ang pagpapa-cute nito sa kanya. Yes, she knew she was attracted to him from the start. But she couldn't conclude anything more than that dahil natatakot siya. His simple gestures—even though she found them weird in a way—made her feel fuzzy and warm and... loved. Weird of her to think that way but she couldn't help it.

And that was what made her feel scared to risk her heart again. Despite all that, she knew one thing that she wouldn't be able to ignore any longer.

Allen is already special to me...

NAISIPAN NI Relaina na tumambay muna sa library upang makapag-review. Finals week na at iyon ang huling araw kaya naman kailangan niyang pagbutihan ang exams niya. Kahit sabihin pang dalawang subjects na lang ang kailangan niyang intindihin. May dalawang oras pa siyang vacant. Gagamitin niya iyon upang makapag-review nang maayos.

Pero bigla siyang napatigil sa pagpunta sa library nang makarinig siya ng sinumang nagpi-piano. Kasabay niyon ay may kumakanta rin. She frowned as she tried to listen closer. Kung hindi siya nagkakamali, sa music room nanggagaling ang naririnig niya. And the voice was so familiar—enough to increase the tempo of her heartbeat. Iisa lang ang taong may kakayahang gawin iyon sa kanya. Subalit nais niyang makasiguro kaya naman nagtungo siya sa music room na tatlong silid lang ang layo mula sa hagdan kung saan sana siya dadaan papunta sa library. Huminga siya ng malalim bago tiningnan kung sino ang nagmamay-ari ng pamilyar na tinig.

Bagaman inaasahan na niya ay nasorpresa pa rin siya sa tumambad sa kanya na pinagmulan ng magandang tinig. Si Allen! He was sitting in front of the piano as he played Kenny Roger's "If I Could Hold On To Love". Just like the first time she heard him sing, he was playing the song and singing with so much emotion—as if the person whom the song was dedicated to was just beside him. That thought pricked her heart. Ilang sandali rin siyang natigilan. Makalipas ang ilan pang sandali, namalayan na lang niya ang sariling napapangiti dahil sa amusement na nararamdaman habang pinapanood ang pagkanta ni Allen.

He's good as always. Matagal na niyang inamin sa sarili niya na hinahangaan niya ang galing nito sa pagkanta. Nagagawa nga lang niyang ikubli iyon ng inis na nararamdaman niya para rito dahil sa paninira nito sa araw niya. Habit na kasi nito iyon at sa nakalipas na mga buwan, tila nakasanayan na niya iyon. Sa totoo lang, ngayon lang siya nakatagal nang ganito sa pang-aasar ng sinuman—lalo na ng isang lalaki. Noon kasi ay walang nagtatangkang asarin siya nang walang tigil. Kunsabagay, mataray, masungit at mahilig mambasag ang palaging first impression sa kanya. At mukhang napanindigan niya iyon hanggang ngayon. Pero mukhang si Allen pa lang ang kauna-unahang taong tila naging immune na sa kasungitan at katarayan niya. Halata iyon sa halos araw-araw na pang-aasar nito sa kanya at hindi man lang natitinag sa mga banat niya.

Bakit ba hinayaan niyang tumagal nang ganito ang pang-aasar ng ungas na ito sa kanya? Iyon ang tanong na hanggang ngayon ay hindi pa niya nahahanapan ng konkretong sagot bagaman may palagay na siya kung bakit nga ba. Natigil lang ang pagmumuni-muni niya nang matapos na si Allen sa pagtugtog at nakita niyang bumuntong-hininga ito. Siya naman ay nagtatago pa rin dito at patuloy itong pinagmamasdan. After a while, she saw him played the same song again on the piano.

He never really get tired of playing that song. Palagi na lang iyon ang kinakanta niya kapag mag-isa siya. I guess that makes it his favorite song, huh?

"Just once in my life, if I could find someone... If once the feeling was right, I'd never let her go..."

And that was when she decided to do one thing. "I'd always be there, if I could have my chance to be the only one. It's just isn't fair..." she sang as she came out of her hiding place and entered the music room.

She saw him turned around and he was surprised to see her there. Still, she smiled at him—one thing she rarely does... before. "Can I join you?" Nanatili lang itong nakamata sa kanya. Hindi tuloy niya naiwasang matawa. "Hey! Ang sabi ko, can I join you?"

Tila noon lang natauhan si Allen. Ilang beses itong kumurap-kurap. "A-ano'ng ginagawa mo dito?" he asked.

"Bakit? Masama bang magpunta dito?"

Umiling ito. "T-that's not what I meant."

Bumuntong-hininga siya at nilapitan ito. Weird for her, hindi kumukulo ang dugo niya sa inis dito. Kunsabagay, hindi naman siya inaasar nito ngayon. And now that she thought about it, agad na naglalaho ang inis niya sa lalaking ito sa tuwing naririnig niya ang pagkanta nito. Hindi miminsan na narinig niya itong kumanta. Isa pa, hindi na siya gaanong iniinis nito matapos ang eksena noong Valentine's Day. Well, maliban na lang kung talagang trip nitong buskahin siya nang walang tigil, talagang maiinis siya rito. Kahit alam niyang nagiging scapegoat na lang nito ang pang-iinis sa kanya para lang pagtakpan ang mga tsismis na nililigawan siya nito dahil sa mga bulaklak na natatanggap niya mula rito. "You really like singing that song, huh?"

"Halata ba? I guess I just like singing it until my wish finally come true. Kaya lang, parang malabo yatang mangyari iyon. Sa ngayon." Bahagya pa itong tumawa.

"Pasalamat ka't hindi umuulan. The first time I heard you sing that song, biglang umulan," aniya nang makaupo na siya sa piano stool na katabi nito.

Napangiti ito. "Himala yatang hindi tayo nag-aasaran ngayon, ah," biglang puna nito.

"Siyempre, hindi mo inumpisahan, eh." Pero lihim siyang natigilan nang marinig iyon. Oo nga, 'no? This was the first time na hindi siya nito inasar ng isang buong araw. At... parang mas gusto pa yata niya ang ganoong payapang sistema sa pagitan nila. "In fairness, mukhang wala ka yatang planong mang-asar buong maghapon."

"Wala akong planong mang-asar ngayon, eh. Isa pa, ang ganda mo ngayon para inisin ko. Wala naman akong mapapala," anito na may matamis na ngiti sa mga labi nito.

Nag-init ang mga pisngi niya sa sinabi nito. "You're crazy, you know that?"

"Maybe. I guess I'm just crazy about you right now."

What the heck are you talking about? "Sigurado ka bang nag-lunch ka na?" Dinaan na lang niya sa biro ang tensiyong nararamdaman dahil sa mga pinagsasasabi nito. Hindi niya kinaya ang biglaang pagiging vocal nito—kung iyon nga ang ibig sabihin ng mga sinasabi nito. "Kung hindi pa, kumain ka muna. Baka gutom lang iyan."

"Hindi mo talaga ako paniniwalaan, 'no?"

"What? You mean it wasn't a joke?"

Iwinasiwas nito ang isang kamay. "Never mind. Ang importante, maganda na ang pakikitungo mo sa akin ngayon."

"Well, sabihin na lang nating medyo nagsasawa na rin ako sa pakikitungo sa mga pang-aasar mo. Blame the flowers that you're giving me for me to feel that way. Aba'y lagi na lang tayong nagbabangayan sa araw-araw na ginawa ng Diyos magmula nang magkakilala tayo."

Umaliwalas ang mukha nito. "Does that mean puwede na tayong maging close?"

Tinaasan niya ito ng kilay. "Anong close ang sinasabi mo diyan? Huwag ka ngang assuming. I'm just stating what I think about us and how we actually lived our lives magmula nang magkakilala tayo."

"So... ano'ng pinupunto ng mga sinasabi mo?"

Saglit siyang napaisip. "Eh 'di truce muna tayo," she suggested.

Kumunot ang noo nito. "Truce? Again? Hindi ba puwedeng friends na tayo kaagad? At least iyon, pangmatagalan. Hindi tulad ng truce na panandalian lang."

"Hoy, huwag ka nga munang masyadong mabilis. Baka nakakalimutan mo, hindi ka pa absuwelto sa kasalanan mo sa akin."

"Laine naman! Last October pa iyon, ah. Hindi pa ba ako absuwelto nang suntukin mo ako ng dalawang beses sa mukha at tinuhod mo pa ako? Aba'y kulang na lang, kitilan mo na ako ng kaligayahang maikalat ko pa ang guwapong lahi ko, ah."

Bumungisngis siya. But what surprised her and made her heart beat rapidly was the name that he called her. Laine... It was actually endearing for her to be called by that name. A sense of closeness. So now Allen wants us to be close? Seriously?

"Sige na, Laine. Friends na tayo. Please?" parang batang pakiusap nito at tumayo pa sa kinauupuan nito para lang lumuhod sa harap niya na ikinagulat niya.

Naghinang ang mga mata nila. Pakiramdam niya, tumigil sa pag-inog ang mundo nang mga sandaling iyon. Her heart beat even faster than how it was a while ago. Oh, great! Why does my heart has to beat this fast? Ano ba'ng ginagawa mo sa puso ko, Allen? Kaya nga ba niyang tanggihan ang pakiusap ng kumag na ito?

Ng guwapong kumag na ito, pagtatama ng isang bahagi ng isip niya. She heaved a heavy sigh with hopes of calming her erratically beating heart. In a way, it helped.

"Okay," pagpayag niya sa pakiusap nito.

Kumunot ang noo nito, tila hindi nakuha ang ibig niyang sabihin. "Okay... what?"

She rolled her eyes and sighed exasperatingly. "Ganyan na ba kahina ang utak mo at iyan ang tinatanong mo sa akin?"

"Klaruhin mo kasi."

"Ang sabi ko, okay, we're friends starting today. Iyon naman ang pakiusap mo sa akin, 'di ba?"

Napamata ito sa kanya. Ilang sandali pa ay ngumiti ito nang maluwang at walang babalang hinila siya nito patayo, saka niyakap nang mahigpit. Ikinagulat niya iyon. Ilang sandali rin siyang parang tuod sa kinatatayuan niya.

"Thank you, Laine! Thank you, thank you!" tuwang-tuwang pagpapasalamat nito.

Napangiti na lang siya sa tuwa at kakaibang warmth na nararamdaman niya sa yakap nito. Kung lagi ba namang may hugs mula sa iyo, then I wouldn't mind being your friend for a long time. Okay... Now maybe she was thinking too much.

DUMATING ANG enrollment week at sabay na nagtungo sa Oceanside sina Allen at Relaina. Kasabay nilang pumunta roon sina Alex at Rianne pero humiwalay din ang mga ito sa kanila. Habang palapit sila sa building ng College of Engineering and Architecture, pabagal nang pabagal ang paglakad ni Relaina. Bagay na napansin ni Allen kaya naman napahinto ito.

"Okay ka lang, Laine? Parang ang tamlay mo yata ngayon. May sakit ka ba?" concerned na usisa nito.

Nag-angat siya ng tingin siya nang marinig ang tinig nito na nagpabilis na naman sa tibok ng puso niya. Tiningnan lang niya si Allen na nakatayo sa harap niya at muling ibinalik ang tingin sa daan. Hindi siya nag-abalang tingan ito uli. Hindi niya kaya. Lately, palala nang palala ang pagkabog ng dibdib niya sa tuwing lumalapit ito sa kanya.

Most of her summer vacation were spent together with Allen. Iyon na yata ang pinakamasayang summer vacation sa buhay niya kahit na madalas na kalokohan ang pinaggagagawa nila. Nasasabayan na rin niya ang kayabangan at pang-aasar nito. Sa loob ng humigit-kumulang dalawang buwan, hindi rin ito pumapalya sa pagbibigay sa kanya ng bulaklak—bungkos man o paisa-isa lang. Most of the time, he was giving her jonquils. Kapag tila nawawala naman siya sa sarili niya, magbibigay ito ng Sweet William o yellow tulip—both had meaning about smiles. Mula nang maging close sila ni Allen, lalo pa yatang tumitindi ang paghangang nararamdaman niya rito. But was it really just an admiration, an attraction? With the way her heart reacted towards him, probably not.

"Wala akong sakit. May iniisip lang akong sabihin sa iyo."

"Talaga? Magko-confess ka na ba sa akin?" tudyo nito.

Inirapan niya ito. "Ano'ng magko-confess ang sinasabi mo diyan? Assuming ka, ha?" Saka siya natigilan. "Or I guess I could say it amounts to that," aniya na tila sa sarili lang niya sinabi.

"Laine?"

She sighed before facing him. Nasa mukha nito ang pag-aalala para sa kanya na hindi niya ikakailang nagpataba sa kanyang puso. The more reason kung bakit hindi niya kayang ipagkait dito ang totoong plano niya. "I'll be shifting course. Creative Writing, to be exact."

"Wait! Bakit biglaan naman yata? I thought you love Architecture." Nahila siya nito patungo sa isang bench malapit sa isang puno. May mga ilang naroon na nakapuna sa ginawa nito ngunit balewala lang iyon sa kanya at tila ganoon din para kay Allen. Kung may nakakapuna man ng closeness nilang dalawa—dahil milagro na makita sila ni Allen na magkasundo at hindi nagbabangayan—ay wala na siyang pakialam pa doon. Ganoon din si Allen.

She took a deep breath first before she spoke again. "I guess I never told you what I really want to do. Pagiging writer talaga ang pangarap ko. Ever since I wrote my very first script for our role play back in second year, ipinangako ko sa sarili ko na magiging isa akong writer. Kaya lang naman ako kumuha ng Architecture ay dahil nag-alangan pa akong sabihin sa parents ko ang gusto ko. It was also the reason kung bakit kumuha ako ng scholarship kahit na alam kong kaya namang bayaran ng parents ko ang tuition ko. I just told them what I really want to do a week ago. My dad was a bit disappointed but he supported me. Baka nga wala daw sa paggawa ng disenyo ng bahay ang artistry ko." Napangiti siya matapos niyon.

Napatingin siya kay Allen nang wala siyang makuhang tugon mula rito. Hindi ito nakatingin sa kanya at tila malalim ang iniisip base na rin sa nakikita niya sa mukha nito. Kahit saang anggulo niya ito tingnan, walang dudang guwapo ito. Ang mukhang iyon na dahilan kung bakit isa ito sa mga campus crush ng Oceanside at nagbansag dito bilang "notorious heartbreaker". The same handsome face that haunted her dreams ever since their paths crossed, even more when they started getting close. Ng mga panahong iyon, alam niyang nasa alanganin na ang puso niya.

Getting close to Allen only made her finally admit something to herself. It only intensified her feelings for him—a feeling she initially thought would remain as attraction, a crush. During the time she finally got to know his sweet, caring side, it only made her give in to what she truly felt for him. Yes, she admitted that she fell completely in love with him. Hindi na niya napigilan iyon. Huli na para gawin pa niya iyon.

Natauhan siya nang humarap ito sa kanya at ngumiti. Oh, great! Even his smile made her heart totally give in. Her heart was melting because of that charming smile.

"Alam ko na. Ang mabuti pa, mauna kang mag-enroll," bigla ay sabi nito na ipinagtaka niya. Natawa lang ito. "Hindi naman yata ako papayag na magkaiba na nga ang course natin, magkaiba pa ang schedule natin. Kahit vacant periods man lang sana, magkapareho tayo ara magkikita pa rin tayo dito sa campus."

"What? Why?"

Naging malamlam ang mga mata nito at saka nito ginagap ang kamay niya. Napatingin siya sa magkasalikop nilang mga kamay. "Ayokong lumiit ang panahong magkasama tayo. Ang totoo, nasanay na ako sa presensiya mo. Pakiramdam ko, hindi makukumpleto ang araw ko hanggang hindi kita nakikita't nakakasama sa buong maghapon."

Kulang na lang ay lumabas na sa ribcage niya ang puso niya dahil sa mga sinabi nito. Sana ay masabi niya rito na ganoon din ang nararamdaman niya, noon pa. Napatingin siya rito at nakita na naman niya ang ngiti nito na nagsasabi sa kanya na paniwalaan ito, na nagsasabi ito ng totoo. Wala siyang nagawa kundi sundin ang suhestiyon nito.

Sinamahan siya nitong mag-enroll sa kursong noon pa sana niya kinuha. Base sa nababasa niyang ekspresyon sa mukha nito ay tila suportado nito ang gusto niya. Tuwang-tuwa siya dahil sinusuportahan siya ng taong mahal niya. Even though Allen didn't know that, she was still glad.

Ang purpose ng pagsama nito sa kanya sa pag-e-enroll ay upang makita nito ang schedule niya at doon nito ibabase ang schedule na kukunin nito. At gaya ng sinabi nito sa kanya, magkasabay ang mga vacant periods nila kahit na magkaiba ang mga subjects nila. Wala siyang ideya kung paano nito nagawa iyon pero hindi na siguro mahalaga iyon sa kanya. Ang mahalaga ay may pagkakataon siyang makasama si Allen sa loob ng campus kahit na magkaiba ang mga kurso nila. Kung puwede nga lang sana niyang ihiling na makasama pa niya ito nang mas matagal... nang higit pa sa kung ano sila ngayon...

Ang tanong—handa ba siyang isakripisyo ang puso niya para umamot ng pag-ibig dito sa kabila ng reputasyon nito bilang "notorious heartbreaker" ng campus? Handa ba siyang mapabilang sa mga babaeng nasaktan at napaiyak nito? But then she guessed that Allen loving her in return would be a wonderful dream come true...

No comments:

Post a Comment