Tuesday, May 26, 2015

Till Beyond Eternity - Chapter 5

"WE'RE GOING to do what?" gulat na tanong ni Relaina kay Allen nang sabihin nito ang tungkol sa birthday party ng bunsong kapatid nito kung saan ay plano siya nitong isama. Pero ang pagpayag niya sa pagsama dito ay isa lang pala sa mga plano nito para sa kapatid.

"Sige na, pumayag ka na. Ikaw lang talaga ang naiisip kong puwede kong maka-duet para sa performance ko sa birthday ni Andz," pangungumbinsi nito. Iminungkahi kasi nito na mag-duet silang dalawa para sa performance nito sa okasyon na hiniling ng bunsong kapatid nito dito.

Napatingin siya sa paligid ng parke at bumuntong-hininga. Ano naman kaya ang pumasok sa utak nito at siya pa ang naisipan nitong maka-duet? Hindi siya singer, for heaven's sake! Walang-wala ang boses niyang tanging apat na sulok lang ng banyo niya ang nakakarinig kung ikukumpara sa boses nito na hinahangaan ng marami kahit na minsan lang itong kumanta sa harap ng maraming tao. Pero hindi lang iyon ang inaalala niya.

Paano siya makakapag-perform sa harap ng mga kamag-anak nito na siguradong imbitado sa party na hindi nadi-distract dahil lang kasama niya si Allen? Hindi niya gustong mapahiya sa mga bisita nito kaya naman talagang alangan siya sa pagpayag sa kagustuhan nito. Bumuntong- hininga muna siya bago niya ito hinarap. She grunted at his expression that greeted her. Para itong nagpapaawang bata—in a cute way—na pagbigyan ang gusto nito. Gusto tuloy niyang magsisi na humarap pa siya rito. Hindi iisang beses na ginamitan siya nito ng ganoong taktika kapag nakikiusap ito sa kanya. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis dahil nawawalan siya ng kakayahang tanggihan ito kapag ganoon ito tumingin sa kanya. How was it possible that this guy had such a cute way of "forcing" someone to do a favor for him?

Sus! Ang sabihin mo, hindi mo lang siya matanggihan kasi mahal mo siya, anang isang bahagi ng isip niya. Hindi na niya tinutulan iyon dahil partly, totoo iyon. Or maybe not just partly. She let out another groan and this time, out of exasperation. "Do you have any idea how much I hate you when you look at me like that?"

Pero imbes na masaktan ito sa sinabi niya, tumawa lang ito. "No. But I have to do it. Desperado na talaga ako."

"Pero bakit ako? I mean, you could do a solo performance."

"Sawang-sawa na si Andz sa mga solo performance ko. He specifically requested na maghanap daw ako ng ka-duet para maiba naman. Minsan lang mag-request sa akin ang bunso namin. Ayokong biguin siya," seryosong pahayag nito at saka ito bumuntong-hininga. "Isa pa, magagawa ko lang makipag-duet kapag komportable ako sa ka-duet ko. Ikaw agad ang pumasok sa isip ko. Hindi ko naman puwedeng pakiusapan si Rianne at baka sapak ang isalubong sa akin ni Alex." Natawa ito pagkatapos.

Naumid siya. Hindi talaga siya makapaniwala sa mga sinasabi nito. Komportable ito na siya ang maka-duet nito? Yeah, right. Mabuti pa ito at naiisip pa nitong maging komportable sa kanya. Samantalang siya, malayo pa sa pagiging komportable ang tiyak na mararamdaman niya. Palibhasa, wala naman itong alam sa nararamdaman niya kapag nasa malapit lang ito. But still, she was flattered at the thought that he wanted her to do a duet with him. Now she couldn't help wondering how does it feel to have a duet with a handsome man with a beautiful voice like Allen? Gusto niyang malaman.

"Sige na, Laine. Pumayag ka na. Ikaw lang talaga ang makakatulong sa akin," pakiusap nito. Kuntodo luhod pa talaga ito sa harap niya. He even clasped his hands that surprised her.

Kailangan ba talagang may ganitong drama pa ang kumag na ito para lang mapapayag siya? Grabe! Over naman itong makiusap. Napakamot tuloy siya sa likod ng ulo niya at marahas na bumuntong-hininga. Ganoon ang habit niya kapag wala na talaga siyang choice. At sigurado siya na alam iyon ni Allen. Kitang-kita niya ang pagbabago ng ekspresyon nito—mula sa pag-aalinlangan at kadesperaduhan na naging maaliwalas at tuwang-tuwa.

Hay, naku! Huwag na huwag kang haharap sa akin na ganyan ang mukha mo at baka mahalikan kita nang wala sa oras, ngalingaling sabihin niya rito. Natilihan siya sa biglang takbo ng isip niya. Kailan pa siya naging ganoon kaagresibo kung mag-isip? Pasalamat na lang at sa isip lang niya tumakbo iyon. "Siguraduhin mo lang na alam kong kantahin ang mga kantang nasa plano mo."

"Sus! Kayang-kaya mo 'yan. Ikaw pa? Mas magaling ka pa ngang kumanta kaysa sa akin,eh. Nagkataon lang, mas makapal ang mukha kong humarap sa mga audience para ipangalandakan ang maganda kong boses. Idagdag mo pa ang guwapo kong mukha," ngingisi-ngising anito.

She rolled her eyes and slightly shook her head. Hopeless case na talaga ang kayabangan nito. But that was probably one of the facts why she fell in love with him. This trait of his helped him face the world with confidence. "How many songs do we have to sing for this one?"

"Three," nakangiting sagot nito. "Para equals 'I love you' sa babaeng pinatutungkulan ko ng mga kantang personal kong pinili for this occasion."

Ouch! Grabe talaga. Wala man lang pasakalye. Ang suwerte talaga ng babaeng tinutukoy nito. Ayaw man niya, nakaramdam siya ng inis para sa babaeng iyon. Idagdag pa ang selos na kasabay niyang naramdaman. Parang ayaw na tuloy niyang kumanta kasama ito. Nakakainis! Panira talaga ng mood ang mga banat ng lalaking ito kahit na kailan.

SA LOOB ng isang linggo, pinagbutihan nina Relaina at Allen ang pagpa-practice ng mga kantang kakantahin nilang dalawa sa birthday party ng kapatid nito. Even though a part of her was happy because she would do a duet with Allen, may isang bahagi niya ang tila gusto nang mag-back out. Hindi niya gusto ang ideyang may babae itong gustong patungkulan ng mga kantang pinili nito para kantahin nilang dalawa. Gayunman, hindi niya hinayaang makaapekto ang isiping iyon sa pag-eensayo nila. Mahalaga para kay Allen ang gagawing performance at kailangan niyang pagbutihan para dito.

And finally, dumating ang araw ng birthday party. Itinaong Sabado ng gabi ginanap ang nasabing okasyon sa malawak na hardin ng ancestral house ng mga Cervantes upang siguruhing marami sa mga inimbitahan ang makakadalo. At kabilang na ang pamilya ni Relaina sa mga iyon. Sa totoo lang, kanina pa siya kinakabahan kahit na hindi naman siya dapat na makaramdam ng ganoon. Pero hindi talaga niya mapigilan, lalo pa nang makita niya kung gaano karami ang mga bisitang dumalo. Sa hinuha niya, mga kamag-anak ni Allen ang karamihan sa mga iyon.

"Hindi nangangain ng tao ang mga iyan, kung iyon ang inaalala mo."

Marahas na napalingon siya sa direksiyong pinagmulan ng tinig na iyon. Muli at kumabog na naman ang dibdib niya pagkakita sa guwapong-guwapong si Allen. Nakaporma pa talaga ito. Kunsabagay, wala naman siyag dapat na ipagtaka sa bagay na iyon. Mayaman ito at isang mahalagang okasyon iyon para sa pamilya nito ang birthday party na iyon. Pero sa nakikita niyang porma nito ngayon, hindi niya maiwasang hangaan ito nang husto. Kailan kaya ito hindi magiging guwapo sa paningin niya?

"Laine, alam kong guwapo ako. Pero never ka pa yatang natulala sa kaguwapuhan ko. Ngayon pa lang. Tell me, are you falling for me already?" nanunudyong tanong ni Allen na pumukaw sa naglalakbay niyang isipan.

Natauhan siya sa sinabi nito, dahilan upang simangutan niya ito at mapailing para lang maitago ang pag-iinit ng mga pisngi niya. "'Buti hindi pa nililipad ang mga bisita mo sa mga sinasabi mo. Over ka, alam mo ba iyon?"

"Over saan? Sa kaguwapuhan?"

"Hindi. Sa kayabangan. Laking-tuwa ko siguro kapag nalaman kong hindi namana ng kapatid mo ang kayabangan mo."

"Talagang hindi ko namana iyon, Ate Relaina. Kung nagkataong namana ko nga iyon, mas malala pa siguro ako sa kanya," anang tinig na noon lang niya narinig.

Agad niyang nakita ang isang lalaking malaki ang hawig kay Allen. Ito siguro si Armand, ang bunsong kapatid ni Allen at ang birthday celebrant. Sa pagkakaalam niya, tatlo lang ang anak ng mag-asawang Cedric at Fate Olivarez. Napangiti siya nang matipid nang makitang papalapit ito sa kanila ni Allen. Kasama nito ang mag-asawang Olivarez.

"Hay, naku. Pagpasensiyahan mo na sana ang panganay ko, Relaina. Hindi lang talaga nabubuo ang araw nito hanggang hindi nagagawang ipangalandakan sa mundo kung gaano siya kaguwapo," nakangiting sabi ni Fate. Napakaamo ng mukha ng ginang at hindi niya aakalain na ina ito ng tatlong nagguguwapuhang mga anak. Mas bata kasi itong tingnan kaysa sa totoong edad nito.

"Mama naman! Wala namang laglagan. Nakakahiya sa mga bisita," saway ni Allen na bahagyang ngumiwi. At kung hindi siya nagkakamali, nagba-blush ito dahil sa pagkapahiya.

"Sus! Ngayon ka pa tinamaan ng hiya," banat ni Cedric dito.

Gusto sana niyang matawa at sang-ayunan ang sinabi ng mag-asawa ngunit pagtataka ang isa sa bukod-tanging nararamdaman niya. Tinawag kasi siya ng mag-inang Fate at Armand sa pangalan niya. Paano nalaman ng mga ito ang pangalan niya gayong iyon pa lang ang unang pagkakataong nakilala siya ng pamilya Olivarez?

Tila nabasa naman ng Fate ang nasa isip niya. Ngumiti ito sa kanya nang masuyo bago nagsalita. "Kilala ka na namin dahil alam namin ang nangyari sa inyo ng panganay ko noong unang beses kayong nagkakilala."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Nang makahuma, agad niyang hinarap si Allen. "You mean you told to your family all of what happened that day?"

"Hey, don't blame me. Si Alex ang matabil ang dila sa aming dalawa kaya siya ang sisihin mo," depensa nito. It only made her heave a sigh of exasperation.

"Aina, wala ka yatang nababanggit sa amin tungkol sa sinasabi ni Doktora. May dapat ba kaming malaman?" her mother inquired. Pero imbes na kabahan siya sa tanong nito, napakunot siya ng noo. Her parents were eager to know what happened that day—it was evident on their faces. Hindi galit ang mga ito. Tila gusto niyang panghinaan sa napansin.

"Si Alex na lang ang hahayaan kong magkuwento ng buong detalye sa inyo. Why don't you come to our table? Malapit iyon sa stage. It would give you a better view to a wonderful performance later," pagyaya ni Cedric sa mga magulang niya na walang salitang sinang-ayunan ng huli.

Great! At wala na talagang pipigil sa mga iyon na malaman ang buong detalye ng nakakahiyang pangyayaring iyon. But she chose to let them be. Kahit naman hindi sabihin ng mga magulang ni Allen ang tungkol doon, alam niyang gagawa ng paraan ang mga magulang niya na malaman ang totoo.

"I should've known that this was bound to happen," wika ni Allen na bumasag sa katahimikan nila. Napaharap siya rito. Ngumiti ito sa kanya na nagpabilis na naman sa tibok ng puso niya. "Sorry, ha? Nagkataon lang talaga na walang lihiman sa pamilya namin kaya nalaman nila ang tungkol sa unang pagkikita natin. At talagang malalaman nila iyon. Bigyan mo ba naman ako ng pasa sa magkabilang pisngi." Tumawa ito; tila nasa isip nito ang kagustuhang pawiin ang nakakailang na katahimikan sa pagitan nila.

Napangiti siya. "It's okay. I guess it's about time na malaman na rin ng parents ko ang totoo. Believe me, tatawanan lang nila iyon sa oras na malaman nila ang buong kuwento."

"Let's go? May performance pa tayo na kailangang intindihin. We'll do our last rehearsal backstage." Inilahad nito ang isang kamay.

Bumuntong-hininga muna siya bago tinanggap ang nakalahad na kamay nito. Parang gusto tuloy niyang bawiin ang kamay niya nang maramdaman ang mumunting boltahe ng kuryente na tila mabilis na dumaloy sa buong sistema niya. Hindi miminsang naramdaman niya iyon sa tuwing maglalapat ang mga kamay nila mula nang maging malapit sila nito. And every time, that feeling grew stronger. The feeling of his hand on hers would always feel perfect no matter where she look at it.

If only I could hold his hand like this forever... But I guess I'm wishing for something impossible. Pero imposible nga bang matupad ang munting hiling niya? Wala ba siyang maaaring gawin para magkaroon iyon ng katuparan?

RELAINA WAS slightly trembling upon facing the audience from the stage that she was standing at. Subalit agad ding nawala iyon nang hawakan ni Allen ang isang kamay niya at pinisil pa nito iyon. Na tila ba sa paraang iyon, mapawi nito ang kabang nararamdaman niya. He also smiled at her. May mahika yata ang lalaking ito dahil unti-unting nawala ang kabang nararamdaman niya dahil sa ginawa nito.

"Relax. I won't leave you, okay? We can do this. I'll be here for you," pag-a-assure nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit pero tila may pakiramdam siya na may mas malalim pang ibig sabihin ang mga katagang sinambit nito. Ngunit isinantabi muna niya ang isiping iyon upang makapag-concentrate siya sa gagawing pagkanta. A few seconds later, the song started to play. Allen was the first to sing. "Now I've had the time of my life. No I've never felt like this before. Yes, I swear. It's the truth and I owe it all to you..."

He squeezed her hand a bit tight that gave her strength when it was her turn to sing. "'Cause I've had the time of my life. And I owe it all to you..."

In a way, masasabi niyang angkop ang kinakanta nila ng mga sandaling iyon sa sitwasyon niya. "Sitwasyon niya" dahil hindi pa naman siya talaga sigurado kung ganoon nga ang tingin ni Allen sa kung ano ang mayroon sila. She wasn't sure if he really had the time of his life by having her beside him. Or maybe he wasn't thinking that way about her at all. Pero hindi pa rin siya sigurado na ganoon nga ang nasa isip nito. Maaaring may magbago pa.

After the song, they just stared at each other. Hindi siya sigurado kung bakit parang may kakaiba sa matamang pagtingin nito sa kanya. Pero bago pa man niya ito matanong ay may ginawa ito na hindi niya inaasahan. Hinalikan siya ni Allen sa labi niya. Her eyes widened as it happened, followed by a rush of emotions overwhelming her. It was just a quick kiss. Pero sapat na iyon upang makadama siya ng kung anong bago sa sistema niya. Hindi niya alam kung ano ang iisipin, lalo pa't sigurado siya na nakita ng mga bisita ang ginawa nitong iyon sa kanya.

Iyon ang nagbunsod sa kanya na umalis sa stage palayo sa binata. Hindi nga lang niya namalayang sumunod sa kanya si Allen. Nalaman niya iyon nang hablutin nito ang braso niya at ipinihit siya paharap rito.

"Laine..." usal nito sa pangalan niya.

Huminga muna siya ng malalim bago tumingin sa mukha nito. Hindi niya alam kung dapat ba niyang paniwalaan ang mga emosyong nakapaloob sa mga mata nito. Bumilis na naman ang tibok ng puso niya. "What was that about?" nagawa pa niyang isatinig iyon habang nakikipagtagisan siya ng titigan dito.

"I know it was... unexpected. But I'm not going to say sorry for what I did," seryosong saad nito.

"Ano ba'ng sinasabi mo, Allen? Kailan pa kita binigyan ng permisong halikan ako nang basta-basta? Pangatlong beses mo na akong hinalikan ng wala akong pahintulot. Ano'ng tingin mo sa akin, nauuto sa pamamagitan ng halik?" Pasalamat na lang siya at medyo may kalayuan sila sa mga bisita kaya malaya siyang kastiguhin ang lalaking ito.

Tigas ang pag-iling nito. "No. Kahit kailan, hindi ganoon ang tingin ko sa iyo, Laine."

"Then what made you do that?" Hindi ito sumagot. Tumungo ito. Nanatili lang siyang nakatingin dito habang hinihintay ang sasabihin nito. At the same time, she felt a relentless throbbing in her chest. Noon lang siya nakadama ng 'di-mawaring kaba sa dibdib niya. And it hurts. "Hindi ka na nakasagot," pagbasag niya sa katahimikan sa pagitan nila ng binata.

A few seconds later, he faced her. The intensity of the emotions in those hazel brown eyes made her heart beat wildly. "Paano kung sabihin ko sa iyo na mahal kita? Maniniwala ka ba?"

Umawang ang bibig niya kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata. What the heck? Seryoso ka ba?

"ARE YOU serious or just plain crazy?!" bulalas ni Relaina matapos ang ilang sandaling pagkawindang sa sinabi ni Allen sa kanya.

"Do you really think I would joke about what I feel for you?"

Marahas na iling ang itinugon niya; hindi bilang sagot sa tanong nito kundi dahil naguguluhan na siya. Bakit bigla na lang itong nagsasabi ng mga ganoong kataga? Bakit gustong maniwala ng puso niya sa mga sinasabi nito? "I don't know. Hindi ko alam ang iisipin ko." Talagang nahihirapan siyang mag-isip kung ganito ang kinakaharap niya. Windangin ba naman kasi ang utak niya sa pagsasabing mahal siya nito.

"Can't you just believe me for once? Hindi ako nagsisinungaling kung iyon ang iniisip mo. I don't have the heart to do that to you. Not now, not ever."

Unti-unti siyang napatingin dito. "A-Allen... I..."

He smiled and gently embraced her before stroking her hair. "Alright. Don't say anything. Hayaan mo muna akong gawin ito sa iyo."

"P-pero—"

"Sshh!" Then he searched her face. "I'm not going to ask you to say anything about it for now. Just stay with me like this, kahit ngayon lang."

She looked at his eyes. Without knowing, she lifted her hand and gently touched Allen's face. Bahagya nitong ikinagulat iyon subalit saglit lang. "I never thought a time would come for me to touch your face like this." Then she smiled sadly. "Ang hirap ng pinagdadaanan ko sa iyo sa simula pa lang, alam mo ba iyon, ha?"

"Laine, you don't—"

"Let me talk, please. Alam mong hindi ako natatahimik hanggang hindi ko nasasabi ang gusto kong sabihin. Alam mong ganoon na ako sa umpisa pa lang. Kaya nga palagi tayong nagka-clash, 'di ba? To be honest, hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa mga sinasabi mo sa akin ngayon. From the start, I never had the chance to know if you're capable of loving someone or not. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam iyon until you told me you love me. That's why you kissed me, right? Pero paano ko malalaman kung totoong mahal mo nga ako? Na seryoso ka sa sinasabi mo sa akin ngayon?"

"Then take this chance," he blurted out. He was serious—deadly serious.

"What chance?"

"This chance... to be with me. Together with me. Iyon lang paraan mo para malaman mo ang totoo. Na hindi ako nagbibiro."

Natameme siya. Hindi niya akalaing ang isang tulad niya ang pagtutuunan ng pansin at pagmamahal ng isang Allen Anthony Olivarez. All the while, she thought it would remain a dream. "Bakit... ako?"

Kumunot ang noo nito. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Alam mo ang ibig kong sabihin kaya huwag kang magmaang-maangan diyan kung ayaw mong tuhurin kita ngayon din," banta niya rito. Pero nakangiti siya rito.

"It's you I fell in love with," walang kagatol-gatol na sagot nito. "For the first time in my life, I finally felt what it's like to love. At ikaw lang ang minahal ko nang ganito at gusto kong mahalin nang pangmatagalan. Satisfied?"

Hindi niya maitatangging kinilig siya sa sinabi nito. At the same time, her heart swelled because of the thought that the third man she had fallen in love with returned her feelings. And he returned much more than what she wanted.

"Hindi mo ba paniniwalaan ang mga sinasabi ko, Laine? Hindi ako nagbibiro kung iyon ang inaakala mo. I'm serious and I'm telling the truth. Ikaw lang ang babaeng nagpapabilis sa tibok ng puso ko sa tuwing nakikita kita. Kinukumpleto mo ang araw ko kahit gusto mo na akong patayin sa sobrang inis mo sa akin. Call me weird pero iyon talaga ang nararamdaman ko para sa iyo. At first, I thought natsa-challenge lang ako sa iyo dahil sa tapang mo. I just realized na ginagamit mo lang ang tapang mo para protektahan ang puso mo sa sakit na maaari mong maramdaman dahil sa isang lalaki. And as days passed, I also realized na iniibig ko na ang kauna-unahang babaeng nagbigay ng pasa sa mukha ko. Lalo na nang makita kitang ngumiti dahil sa Sweet William na ibinigay ko at nang maging close na tayo."

But before she could react to that, he pulled her closer and wrapped her in his arms. "I know you still doubt me, but give me this chance to prove my love for you, Laine," bulong nito sa tainga niya. She could feel his breath on her ear. It was enough to drive her heart crazy again. "Gusto kong malaman kung may pag-asa ba akong magkaroon ng puwang sa puso mo."

She became teary-eyed hearing those words from him, especially when she felt the sincerity in his voice as he said it. Hindi pa ba sapat iyon para maniwala siya rito? Hindi pa ba sapat iyon upang aminin dito ang totoong damdamin niya? Huminga siya ng malalim at tiningnan ito sa mga mata nito. "Paano kung sabihin ko sa iyo na... matagal ka nang nagkaroon ng puwang sa puso ko at sinakop mo pa iyon nang buung-buo?" Hindi na niya gustong maglihim dito. Lalo lang siyang mahihirapan.

Natigilan ito. Bakas sa mga mata nito ang magkahalong pagtataka, hindi pagkapaniwala, sorpresa at ang nangingibabaw—tuwa. "I-ibig mong sabihin...?"

"I love you, too. Kahit pulos pang-iinis ang ginagawa mo sa akin mula nang magkakkilala tayo, I still learned to love you. I guess the feeling from your first kiss to me paved its way to my heart and made it beat just for you." Corny na kung corny ang mga sinabi niya. Pero iyon ang nararamdaman niya. Tutal, nagkaaminan na sila nito kaya sasamantalahin na niya.

Labis na tuwa ang nakita niyang bumalatay sa mukha nito. "Can I kiss you?"

"You already did that thrice," aniya. Pero naroon ang kabog sa dibdib niya dahil sa excitement. To think he would actually kiss her again...

"Those kisses were meant to get your attention. This time, I'll kiss you because I mean it and I love you. So can I?" he asked in a hopeful tone.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa ang tumango. The sparks in his eyes were priceless after that. Soon after, she closed her eyes when he kissed her. Malugod at buong pagmamahal na tinugon niya iyon. Hindi niya napigilang mapaluha. That kiss was a proof that his confession would always be the sweetest truth she wanted to hear from him for the rest of her life. And she knew right there and then that she didn't—and would never—regret loving this man.

No comments:

Post a Comment