"BAKIT BA kailangan pang dumating ang Valentine's Day? Nakakawalang-gana tuloy," tila nababagot na reklamo ni Relaina habang papasok sila ni Rianne sa school gym ng Oceanside. Tinawanan lang siya nito. Kasabay ng Valentine's Day ang School Festival ng unibersidad na tumatagal ng isang linggo kaya naman kabi-kabila ang activities at booths ng bawat colleges, school departments at clubs. Ikalawang araw iyon ng school festival at nagkataong tumapat sa Araw ng mga Puso. Wala naman sanang problema sa kanya ang nasabing okasyon. Kaya lang—
"Ako na lang ang date mo, babes!" Narinig niyang nang-aasar na sigaw ng isang taong laging panira ng araw niya. Boses pa lang nito ay sapat na upang kumulo to the highest level ang dugo niya. Nakakabuwisit!
"Iyan ang rason kung bakit nakakawalang-gana ang ganitong okasyon," inis na aniya. At lalo siyang naiinis dahil hindi niya nagugustuhan ang reaksiyon ng puso niya gayong boses pa lang ni Allen ang narinig niya. Sa loob ng mga panahong naging kaklase niya ito sa tatlong subjects niya, palaging ganito ang epekto ni Allen sa puso niya. Mukhang tumatak na yata sa puso niya ang atraksiyong unang beses niyang naramdaman pagkakita niya rito noon. Tila lumala pa iyon nang maging partner niya ito sa dance practicum may tatlong linggo na ang nakalilipas. It was the first time she was near Allen without them fighting.
Then she remembered the Sweet William that Rianne gave her—na kalaunan ay nalaman niyang galing pala kay Allen. Hindi niya nakuhang mainis sa ungas na iyon nang malaman niya ang tungkol doon. In fact, she was grateful because for the first time, someone gave her a flower. And not just any flower given to her randomly. Rianne said that its meaning was something that Allen wanted her to do in exchange of it. Nag-research siya tungkol sa kahulugan ng naturang bulaklak. Sweet William actually meant "grant me one smile". But she did what the flower wanted to say in secret. Next time na lang niya ngingitian ang ungas—kapag matino na ang pagkakaayos ng turnilyo sa utak nito at hindi na siya asarin pa.
"Ikaw naman, patulan mo na lang ang pagpapapansin ni Allen sa iyo. Tingnan mo nga, siya na itong nagpiprisintang maging ka-date mo. Minsan lang daw mangyari iyan, sabi ni Alex."
Umismid siya. "Puwede ba? Kung siya rin lang ang magpiprisintang maging ka-date ko, mas gugustuhin ko pang huwag nang makipag-date. Panira lang iyan ng araw ko."
"Sinabi mo, eh." Pero nasa tono nito na hindi ito naniniwala sa sinabi niya.
Nakita niyang palapit sa kanila si Alex. May ibinulong ito kay Rianne na ikinaaliwalas ng mukha ng pinsan niya matapos niyon.
"Aina, okay lang ba kung iwan muna kita dito? May pupuntahan lang kami ni Alex sandali," ani Rianne na hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi nito. "Aina" ang madalas na tawag nito at ng mga magulang niya sa kanya dahil masyado daw mahaba ang "Relaina".
Nakangiting tumango siya. "Okay lang. Sanay naman na akong iniiwan sa ganitong okasyon, eh," nagbibirong pagpayag niya. Napailing lang ito at nagpaalam na sa kanya. Nakangiti siya nang umalis ang mga ito subalit unti-unting napawi iyon nang tuluyan na itong nawala sa paningin niya. Hindi niya alam kung tama bang makadama siya ng pananaghili sa pinsan dahil nagkaroon ito ng pagkakataong makasama ang lalaking espesyal sa puso nito. Kahit pabiro ang pagkakasabi niya, totoo sa loob niya ang mga katagang sinambit niya. Sanay na siyang iniiwan tuwing Valentine's Day. Sanay na hindi pinapansin.
Ni-reject siya ng dalawang lalaking naging espesyal sa kanya. Matapos niyang ipagtapat sa mga ito ang sa tingin niya'y nararamdaman niya, nilalayuan na siya ng mga ito. At ngayong si Allen naman ang nagpapatibok nang mabilis sa puso niya—kahit na anong pigil niya—she couldn't bear another rejection for the third time. Anyway, wala naman siyang planong ipaalam dito ang nagiging reaksiyon ng puso niya kapag nasa malapit lang ito. Mamamatay muna siya bago nito malaman iyon.
Napansin niyang karamihan sa mga estudyante roon ay magkakasintahan na halatang mahal ang isa't isa nang ilibot niya ang tingin sa paligid. Hindi niya napigilang bumuntong-hininga. Kunsabagay, hindi na siya dapat magtaka. School festival iyon at Valentine's Day pa. Walang klase kaya maaaring makapaglamyerda ang mga estudyante sa school grounds. Kaya lang, hindi pa rin niya mapigilang makadama ng inggit. Maling ideya nga yata na pumasok pa siya.
She heaved another sigh. With nothing left to do, she decided to leave the gym. Pero pagtapak ng mga paa niya sa labas, nakadama siya ng 'di-maipaliwanag na bilis ng pagtibok ng kanyang puso nang marinig mula sa speaker na nasa itaas ng entrance ng gym ang isang pamilyar na tinig. Hindi siya nagtangkang lingunin ang stage na pinagmulan ng tinig ni Allen dahil ayaw niya. However, she found it weird na hindi man lang siya nakadama ng pagkulo ng dugo. In fact, the voice warmed her heart for some reasons.
"Since Valentine's Day ngayon, gusto ko sanang i-enhance ang romantic mood dito. But I also want to dedicate this song to the girl who wondered if she could still find that special someone despite the heartache she's been through. This is for the girl na masasabi kong special na sa akin." Naulinigan niya ang pag-ugong ng kantyaw mula sa mga naroon sa gym pero wala roon ang isip niya. She wanted to hear more of Allen's dedication to that girl special to him. But that thought pricked her heart many times—without any idea why.
"I don't usually do this for a girl. But I want her to know there's still hope for her to find that special someone. And if I would be given a chance to hold her heart, I promise that I'll take care of it and love her truly. Sana lang, paniwalaan niya ako. The song I'm going to sing today is an old song." After that, they all went silent. A few seconds later, melody started playing in the background, followed by Allen singing the lyrics of the song. "Just once in my life, if I could find someone... If once the feeling was right, I'd never let her go..."
In fairness, Allen's voice wasn't that bad. It was beautiful. That was the first time she heard him sing. She could feel her heart being serenaded. It felt like the song was meant for... her. Sa akin? Malabong mangyari iyon. But why does her heart thought otherwise?
"I'd always be there, if I could have my chance to be the only one. It's just isn't fair..."
Bumuntong-hininga siya. "Makaalis na nga dito bago pa ako tuluyang masiraan ng bait sa kakaisip ng mga walang kuwentang bagay." And she started walking away from that place. But she could still hear his serenading voice. Dahilan upang lalo pa niyang bilisan ang paglalakad.
"If I could hold on to love, I'd never let it go. I'd keep it right next to my heart. If I could hold her tonight, she'd never leave my side. If I could only hold on to love..."
Lucky girl, she thought bitterly. Hindi siya sigurado kung bakit ganoon ang naisip niya. But that thought was enough to stop her to her tracks. Bakit para akong nasasaktan na may ibang babaeng gusto ang ugok na iyon? Wala naman akong pakialam sa kanya.
Wala nga ba? Ah, whatever!
NARINIG PA rin ni Relaina ang pagtatapos ni Allen sa pangalawang kanta nito kahit naroon na siya sa bleachers sa soccer field at nakaupo. Sa lakas ba naman kasi ng volume ng speakers sa entrance ng gym, talagang maririnig pa rin niya iyon. Buntong-hininga na naman ang itinugon niya sa pagtatapos ng kanta. Himala talaga na hindi kumulo ang dugo niya nang marinig ang tinig nito. Kunsabagay, wala naman siyang dapat na ipagtaka. Hindi naman para sa kanya ang kanta. It was for Allen's special girl. Whoever she is... At tiyak niyang hindi siya iyon.
Nanatili pa siya roon ng mahabang sandal habang wala sa sariling pinagmamasdan ang soccer field. The place was field with happy students; most of them were couples who were obviously in love with each other.
"In love... 'Buti pa sila, in love. Samantalang ako, dalawang beses nang na-reject," anas niya sa mapait na tono. Wala na nga yatang magmamahal sa akin. Kunsabagay, mag-e-eighteen pa lang ako. May makikilala pa akong taong walang dudang mamahalin ako ng tapat. And she believed in that. One day, a guy would come to her life and love her—everything about her. Natigilan siya nang biglang pumasok sa isip niya ang guwapong mukha ni Allen. Wait, Allen? Why in the world would she think about him now? Sure, he was good-looking and always has a way to make her heart thumped like crazy with just his mere smirk, grin and laughter kapag inaasar siya nito.
Ah, correction. Good-looking is an understatement to describe him. Yeah, right. She did think about the same thing when she first met him. But those reasons alone were enough for her to feel something weird yet fuzzy and warm at the same time. Nag-iiba ang reaksiyon ng puso niya kapag ito na ang concern. Hindi niya kayang pigilan iyon kahit na gusto pa niya. May ideya na siya kung bakit—ideyang kasalukuyang nagbibigay ngayon ng takot sa kanya. But she wasn't dumb enough now to risk that feeling again. Nadala na siya. Hindi na niya kakayanin ang panibagong rejection kung sakali.
Nagdesisyon siyang magtungo na lang sa classroom. Nasa kalagitnaan na siya ng soccer field nang may naramdaman siyang pumatak sa pisngi niya. Napatingala siya sa langit. Kapagkuwan ay sunud-sunod na mga patak na ang bumagsak sa paligid.
"Naman! Ngayon mo pa naisipang bumuhos!" angal niya habang nakatingala sa langit. Akmang tatakbo na siya paalis sa lugar na iyon nang biglang may nagpatong ng kung ano sa ulo niya at hinawakan ang magkabilang balikat niya. Hindi siya nakapag-react lalo na nang hilain siya paalis sa soccer field dahil lalong lumakas ang buhos ng ulan. Marahas na binalingan niya ang sinumang walanghiyang iyon. Pero imbes na angilan niya ang taong iyon, napasinghap siya nang mapagsino iyon. It was Allen! He was actually helping her escape the rain. Though she didn't want to acknowledge it, she actually found the gesture sweet. And romantic, too.
Nakasilong man sila kaagad nang marating nila ang building ng College of Engineering and Architecture, nabasa pa rin silang dalawa. Noon lang niya napansin na ang jacket nito ang ipinandong nito sa ulo niya. Hindi tuloy niya alam ang iisipin.
"Bakit mo ginawa iyon?" mataray na tanong niya. "May binabalak ka na namang hindi maganda, 'no?"
"Ikaw na nga itong tinulungan ko, ikaw pa itong may ganang magtaray."
"Ah, ganoon? At dapat ko pa palang ipagpasalamat iyon."
"Siyempre naman. Isa pa, ayokong magkasakit ang ka-date ko. Napaka-ungentleman ko naman kapag nagkasakit ka, 'di ba?" At kinindatan siya nito bago ngumiti.
Napalunok siya nang biglang kumabog ang buwisit niyang puso. Ah, kailan ba hindi nangyaring nag-react nang ganito ang puso niya dahil sa mga kilos ng mokong na ito sa kanya? Pero hindi niya dapat ipahalata iyon sa ungas na ito. Lalo lang siyang kakantiyawan nito kapag nakahalata ito sa nangyayari sa kanya. "Excuse me. Wala akong maalalang pumayag ako na maging ka-date mo. Mas gugustuhin ko pang makipag-date sa mga libro kaysa sa iyo."
"Ouch! That hurts!" sambit nito na bahagya pang ngumiwi at sinapo ang kaliwang dibdib nito na animo talagang nasaktan. "I can't believe na mas gugustuhin mo pa ang inaalikabok na mga libro kaysa sa guwapong-guwapo at fresh na tulad ko. Matapos kitang protektahan sa ulan."
"Eww! Hindi ka rin saksakan ng yabang, 'no. Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. Besides, hindi ko naman sinabi sa iyo na tulungan mo ako." Hinila niya ang jacket na nakapatong sa ulo niya at iniabot iyon kay Allen. "Iyan! Kunin mo na iyang jacket mo. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa iyo." Iyon lang at humakbang na siya paalis roon at palayo rito pagkakuha ni Allen sa jacket.
"Kahit simpleng 'thank you' man lang sana, hindi mo pa maibigay," anito sa mahinang tinig ngunit umabot pa sa pandinig niya. Dahilan upang mapatigil siya sa paglalakad. Sigurado siya na may bahid ng tampo at lungkot ang tinig nito nang sabihin iyon.
Magte-thank you naman talaga ako, eh. Kung hindi mo lang ako ununahan ng pang-aasar, saisip niya nang makaramdam siya ng sundot ng konsensiya. Ilang sandali rin niyang pinag-isipan ang gagawin. Nang isasatinig na sana niya ang nais na sabihin, narinig niya ang pagbahing nito. Dagli siyang napalingon rito at nilapitan ito nang makadama siya ng kaba. Subalit sa paglapat ng palad niya sa noo nito ay kagyat niyang inalis iyon na animo napaso. Mainit kasi ito, parang dinapuan ng lagnat. Tiningnan niya ito na may pag-aalala sa kanyang mga mata na hindi na niya nagawang itago, iyon ang tiyak niya.
"Ganyan ba kahina ang resistensiya mo? Nabasa ka lang ng ulan saglit, para ka nang inaapoy sa lagnat," panenermon niya rito. Wala na siyang pakialam kung asarin siya nito dahil doon. Pero taliwas sa iniisip niyang gagawin nito ang ginawa ni Allen. Isang masuyong ngiti lang ang iginawad nito sa kanya—ngiting noon lang nito ipinakita sa kanya. The wind blew colder and the rain fell harder but none of it actually mattered to her. Her loud and fast heartbeat somehow defeaned her from hearing anything other than that because of his gentle smile.
"Akala ko, wala ka talagang pakialam sa kain. Seeing you worry like that for me, hindi ko maiwasang matuwa. I guess may halaga pa rin pala ako sa iyo... kahit kaunti lang," he said as he brushed her hair gently. Napatulala siya dahil sa gesture nitong iyon at dahil na rin sa sinabi nito. Did she just detect hope in his voice? But what would he hope for?
Puwede ba, pesteng puso ko, tumigil ka muna sa kapapasag? Mahahalata ako nito, eh, reklamo niya sa isip nang maramdamang tila lalabas na sa ribcage niya ang kanyang puso. Napatda siya nang may inilagay ito sa buhok niya sabay nakaw ng halik sa pisngi niya.
"Happy Valentine's Day, my date," ngingisi-ngising anito at kumaripas na ng takbo palayo sa kanya.
Ilang sandali pa ang lumipas bago siya nakahuma at nahimasmasan sa mga naganap. Talagang ikinagulat niya ang ginawa nitong iyon. He actually kissed me! Again! Wala sa loob na nahaplos niya ang pisnging hinalikan ni Allen. Kapagkuwan ay tumingin siya sa direksiyong tinahak nito para takasan siya. Narinig pa niyang nag-"yes" ito nang malakas habang tumatakbo.
Kinapa niya ang inilagay nito sa kanyang buhok. Kumunot ang noo niya nang mapagtantong bulaklak iyon na nakaipit sa hairclip. Inalis niya iyon sa kanyang buhok. She was surprised to see a flower. But this time, it was a different flower—jonquil, to be exact. Saan naman kaya ito nagnakaw ng bulaklak?
And now he's giving me a jonquil? Just what the heck are you thinking, Allen? Napatingin siya sa bulaklak. Naroon kaya ang sagot na hinahanap niya?
NATIGILAN SI Relaina sa pagpasok sa classroom nang makita niya si Allen na nakasandal sa hamba ng pintuan. Nakaabrisete rito ang isang babaeng pamilyar sa kanya. Alam niyang nakita na niya ito sa kung saan; hindi nga lang niya matandaan.
"Hi, Relaina! Ang ganda ng tayo mo riyan, ah. Lovely view ba ang tumambad sa iyo?" ngingisi-ngising bungad sa kanya ni Allen na nagpakulo na naman ng dugo niya.
At umpisa na naman ito sa pagsira sa araw ko. Wala naman itong napapala. Inismiran at inirapan lang niya ito bago nagtuluy-tuloy sa pagpasok sa classroom. Narinig pa niyang nagsalita ang babaeng kasama nito pagkaupo niya sa upuan.
"Bakit mo ba pinapansin ang babaeng iyon, Allen? Hindi naman siya maganda at ang lakas pa ng loob niyang irapan ka," malanding wika ng babaeng iyon. Lalong kumulo ang dugo niya sa sinabi nito.
Eh sa gusto ko siyang irapan! May problema ka ba d'on? ngali-ngaling isigaw niya rito. Padabog na kinuha niya mula sa backpack ang isang hardbound book na kasisimula pa lang niyang basahin kagabi. Doon na lang niya ipo-focus ang atensiyon niya nang sa gayon ay hindi kumukulo ang dugo niya sa mga "love birds" sa labas ng classroom. Pasimple niyang tiningnan ang mga ito dahil naroon lang ang dalawa sa labas ng classroom. Hindi niya napigilang irapan ang babae. Akala naman nito kung sino itong kagandahan. Para namang tinapalan ng arina ang mukha nito sa kakapalan yata ng foundation roon.
Umiral na naman ang pagiging mapanlait mo, Relaina Elysse. Pasalamat ka't walang mind reading powers ang pinupuntirya mo.
"Ano'ng problema kung pansinin ko siya? Besides, worth siyang pansinin, lalo na kung araw-araw. Siya kasi ang isa sa kumukumpleto ng araw ko, eh," narinig niyang kalmanteng sagot ni Allen.
Nanigas siya sa kinauupuan sa sinabi nito. Tama ba ang narinig niya? Isa siya sa kumukumpleto sa araw nito? Yeah, right. Kinukumpleto ko ang araw niya kapag nakikita niya akong asar na asar sa kanya. If I didn't know, baka euphemism lang niya iyon para hindi ko siya banatan uli. Hindi pa niya diretsuhing isa ako sa mga panira ng araw niya. Halata naman, eh. Pero bakit para yatang iba ang sinasabi ng puso niya?
Ah, pesteng puso! Huwag ka ngang makialam dito. Lihim siyang napabuntong-hininga. Hay, nasisiraan na nga yata siya. Pati ang walang kamalay-malay niyang puso, inaaway niya.
"Are you serious about that, Allen? Iyong amasona't walang modong babae na iyon? Nasisiraan ka na ba?" hindi makapaniwalang tanong ng babae.
Aba't—! Ganoon ba siya ka-displeasing para sabihin nito iyon? Sino kaya ang mas walang modo sa kanilang dalawa?
"Hey, watch your words, Vivian! Hinayaan kitang lapitan ako dahil akala ko, matino ka. Nagkamali pala ako. You're worst than I thought," Allen said, as if disgusted.
Narinig pa niya ang eksaheradong pagsinghap ni Vivian. Naalala na niya kung saan niya nakita ang babaeng iyon. It was during the school festival's Mr. and Ms. Oceanside ng college department kung saan naging first runner-up ito. Allen was supposed to be a part of that competition. But for some reason, he declined. Not that she cared, anyway.
"I can't believe you!" bulalas ni Vivian.
"Yeah, unbelievable nga ako. Pero ito ang tatandaan mo. Say something bad about Relaina again and I swear I'll do something that would make you regret you met me," babala ni Allen na nagpatinding ng mga balahibo sa kanyang batok at nagpabilis na naman sa tibok ng pesteng puso niya. He spoke those words firmly. Kahit sino ay matatakot.
"Hindi ko alam kung ano ang ipinakain sa iyo ng babaeng iyon para ipagtanggol mo siya nang ganyan. Pero hindi pa tayo tapos, Allen!" Iyon lang at umalis na si Vivian doon.
Salamat naman, she thought in relief. Kanina pa siya naririndi sa kalandian ng babaeng iyon.
Naririndi o nagseselos na pagkakaabrisete ni Vivian kay Allen mo? tudyo ng isang bahagi ng isip niya.
Allen ko? Kailan ko pa naging pag-aari ang lalaking iyon?
Bakit? Hindi pa ba?
"Argh!" bulalas niya at huminga ng pagkalalim-lalim. Bakit ba kailangan pang magtalo ng isipan niya sa kung ano ang talagang saloobin niya? For some reason, she was able to breathe normally after that. Her blood's "boiling point" dropped. Now she could concentrate on her reading. Binuksan niya ang libro sa pahinang may nakalagay na bookmark. Natigilan siya nang makita ang bookmark na naroon.
It has a picture of Sweet William. She smiled upon looking at it. Every time she would look at those flowers, she couldn't help but to smile. When she looked at the back of the bookmark, a picture of a different flower greeted her: white jonquil. Muli ay kumabog ang dibdib niya sa pagkakaalala sa alaalang kakabit ng nasabing bulaklak. May dalawang linggo na ang nakalipas nang maganap iyon. Hanggang ngayon ay patuloy na nagpa-flash sa utak niya ang kahulugan ng jonquil na hindi niya malaman kung dapat nga ba niyang paniwalaan. Paano naman niya makakalimutan iyon? Iyon ang unang pagkakataon na may lalaking nagbigay sa kanya ng bulaklak na mas mahalaga pa ang kahulugang kakabit niyon kaysa sa itsura.
But would she believe in each meaning that those flowers he was giving to her hold? How could she possibly return his affection—since that was the jonquil meant—if he wasn't showing any signs that she should believe he actually cared for her?
"Those flowers were really beautiful despite their simplicity, right?"
Napatda siya sa narinig na tinig kaya nag-angat siya ng tingin—na naging mali niya. Raising her head only made her realize that Allen was there and their faces were actually just a few inches close to each other. Napalunok tuloy siya nang wala sa oras, lalo na nang maramdaman niya sa kanyang mukha ang hininga nito. Sheesh, she couldn't even tone down her heart from beating too fast! Ano ba'ng ginagawa ng lalaking ito sa kanya? Just what kind of power that this guy had on her all this time na hindi niya kayang pigilan?
"Hindi ko akalaing mas maganda pala ang mga mata mo sa malapitan," wika nito na tila namatanda.
Natauhan siya nang marinig iyon. "L-lumayo ka nga sa akin bago kita masapak ng librong hawak ko!" asik niya rito at inilayo ang mukha niya sa mukha nito. Pero mukha talagang hindi siya tatantanan ng ungas na ito dahil lalo pa nitong inilapit ang mukha nito sa mukha niya. Kasabay niyon ay itinukod nito ang isang kamay sa armrest at ang isa naman sa backrest ng upuan niya. Kinorner siya nito at ngayon ay nakakaloko ang ngiti nito sa kanya.
"Eh paano kung ayokong lumayo sa iyo? You can't push me away like that, Relaina. It's not going to be easy for you."
"Gustung-gusto mo talagang nasasapak, 'no? Sinabi nang layuan mo ako, eh!" Pilit niyang tinatagan ang kanyang tinig pero tiyak niyang hindi na masisindak ng banta niya si Allen. Seriously, she had to get away from this guy. Hindi na siya makahinga sa sobrang lapit ng mga mukha nila. Not to mention, her heart was beating wildly, too.
He teasingly grinned. "No matter how many times you push me away, hinding-hindi ako lalayo sa iyo. Ikaw lang ang aasarin ko nang walang tigil. Ipagtatanggol kita sa mga taong hindi ka ma-appreciate. Ikaw lang ang bibigyan ko ng bulaklak na hindi basta-basta ang kahulugan para sa akin at naglalaman ng mga gusto kong sabihin sa iyo. At ikaw lang ang lalapitan ko't kakausapin ko nang ganito. I'll do all that for you. Hate me for it, I don't care. I'll just make sure you'll be mine at the end of all that. Got it?"
Pakiramdam niya ay nag-shut down ang kanyang utak nang marinig ang mga iyon. Kasabay niyon ay ramdam niya ang pagkalat ng init sa mukha niya. Wala siyang masabi. Naumid siya dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi naman niya masabi kung nagbibiro ito at pinagti-trip-an na naman siya. Then he just pinched her nose and tapped her cheek as he beamed a smile before he left.
Noon lang siya nakahinga nang maluwag. Napahawak siya sa dibdib niya at tiningnan ang papalayong si Allen. "Grabe! Hindi ako nakahinga ng maayos doon, ah." Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
No comments:
Post a Comment