Friday, May 29, 2015

Don't Fear This Love - Chapter 8

"TELL ME you're joking, Sharian. Just tell me that you're lying about breaking up with me," hindi makapaniwalang pakiusap ni Nelmark kay Sharian nang sabihin niya rito ang desisyon niyang putulin na ang relasyon nila.

Matapos ang pag-uusap nilang iyon ni Melissa ay ilang araw niyang pinag-isipan ang naging desisyon niya. At kasabay ng pag-iisip niyang iyon ay ang pag-iwas na ginawa niya kay Nelmark. Pero hindi nagtagal ang pag-iwas niyang iyon dito at ngayon nga ay kinokompronta na siya nito sa parking lot kung saan siya naabutan nito.

"Please, Shar. Sabihin mo naman sa aking hindi totoong gusto mong makipag-break sa akin ngayon. Hinding-hindi ko matatanggap iyon." Dama niya sa tinig nito ang hirap at pagsusumamo subalit kailangan niyang panindigan ang naging desisyon niya. Tutal ay ikakasal naman na ito kay Melissa.

"I'm sorry, Nelmark. Pero kailangan kong gawin ito."

"Pero bakit? May nagawa ba akong kasalanan sa iyo? Nasaktan ba kita in some way?" sunud-sunod na tanong nito.

Mataman niyang tiningnan ito. Kinailangan niya ng higit na lakas ng loob para makipaglaban ng titigan sa binata at upang maikubli mula rito ang hirap na pinagdaanan niya dahil sa desisyong binuo niya.

"Why don't you answer your own question, Nelmark? Wala ka nga bang nagawang kasalanan sa akin para umabot sa ganito ang lahat?" sarkastikong tanong niya rito.

"Hindi kita maintindihan, Sharian..." litong saad niya.

"Sorry, but that decision is already final." At matapos niyang sabihin iyon ay nilagpasan niya ito.

Ngunit hindi pa siya gaanong nakakalayo nang bigla siyang hilain nito sa kamay at niyakap nang mahigpit na tila ayaw na siyang pakawalan nito.

Tuluyan namang bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilang kumawala mula sa kanyang mata. She resisted the urge na gantihan ang yakap nito. Para siyang tuod.

"Please naman, Sharian. Huwag mong gawin sa akin 'to. Kailangan kita sa buhay ko. Kailangan kita para magawa kong ibalik sa dati ang buhay ko," umiiyak at nagmamakaawa nang wika nito.

"Nelmark, please... Just let me go..." Nahihirapan na siyang panindigan ang desisyon niya dahil sa ginagawa nito. Taliwas sa sinabi niya ang talagang nasa puso niya dahil gusto niyang manatili sa tabi nito pero hindi niya magawa. May mga bagay-bagay na pumipigil sa kanya para gawin iyon.

"Ayoko!" Nabigla siya nang mariin nitong sabihin iyon. "Ayokong pakawalan ka! Hinding-hindi ko magagawa iyon. Ang akala ko ba, hindi mo kailanman pinagsisisihang minahal mo ako, ha? Ang sabi mo sa akin, napakapalad mo na ako ang minahal mo. Pero bakit ngayon, gusto mong bawiin ang lahat ng mga sinabi mong iyon sa pamamagitan ng pakikipag-break sa akin? Wala na bang halaga sa iyo ang mga pinagsamahan natin? Hindi ko matatanggap iyon, Sharian. Kaya please lang, sabihin mo sa akin na biro lang ang lahat ng mga sinabi mo kanina. Patatawarin kita. Huwag mo lang akong iwan at itaboy."

Hindi siya umimik. Patuloy pa rin ang pagtulo ng kanyang mga luha. Halata kay Nelmark na nasaktan ito sa naging desisyon niya. At sa totoo lang ay hindi niya kayang tingnan ito na umiiyak dahil tila ang luha nito ay mga patalim na unti-unting isinasaksak sa puso niya. Ngunit kung wala siyang gagawing hakbang, baka lalo lang siyang masaktan kung sakaling kay Nelmark pa manggaling ang pagnanais nitong makipag-break sa kanya kaya mabuti pang unahan na niya ito.

Kahit alam niyang masasaktan siya nang husto.

"Nelmark, let me go. Wala na rin lang patutunguhan ang lahat ng ito," mahinahong sabi niya rito.

"Pero bakit kailangan mo pang gawin ito?"

"You wouldn't understand kung—"

"Talagang hindi ko maiintindihan kung hindi mo sasabihin sa akin ang dahilan mo!" mariing sabi nito.

Pinilit niyang kumawala mula sa pagkakayakap nito. Pero talagang ayaw siyang pakawalan nito.

"Nelmark, please... Huwag mo na akong pahirapan pa. You have to let me go," hirap na pakiusap niya rito.

"And let you leave me here broken-hearted? Tell me, Sharian. Hindi mo na ba ako mahal kaya mo sinasabi sa akin ito, ha?"

Nagulat siya sa tanong nito ngunit hindi niya gustong ipinahalata iyon. This time, kahit masakit, kailangan niyang mag-isip ng sasabihin niyang sagot sa tanong nito.

Subalit ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa rin niya nagawang isatinig ang gusto niyang sabihin dito.

"Sagutin mo ako, Sharian. Kaya ka ba nakikipag-break sa akin ngayon dahil hindi mo na ako mahal?"

She took several deep breath bago siya sumagot.

"Oo."

Naramdaman niya ang biglang paninigas ni Nelmark. Halatang hindi nito inasahang iyon ang isasagot niya. Tila tumigil naman sa pagtibok ang puso niya nang sabihin niya iyon. She felt like as if a huge rock came down and crushed her already fragile heart when she voiced out her decision to end her relationship with Nelmark.

Unti-unti na siyang pinakawalan nito. Nang tingnan niya ito, she saw him looking at her in major disbelief. Umiiling pa ito habang tumitingin sa kanya na tigmak ng luha ang mga mata nito. Agad niyang sinamantala ang pagkakataon na umalis na doon nang tuluyan na siyang pakawalan nito.

Tumakbo na siya paalis sa parking lot at dumiretso siya sa restroom. Doon na siya tuluyang napahagulgol.

I'M REALLY sorry, Nelmark... Iyon na lang ang kayang sabihin ng kanyang puso nang mga sandaling iyon. Hindi maikakailang nasaktan siya nang husto sa naging desisyon niya.

Hindi siya makapaniwalang sa ganito magtatapos ang lahat ng ito. Mahal niya si Nelmark. Mahal na mahal. At alam niyang handa niyang ipaglaban ito. Ang masaklap lang, wala pala siyang sapat na lakas ng loob para gawin iyon.

Sa tuwing naiisip niya ang mga litratong ibinigay sa kanya ni Melissa ay lalo lang siyang pinanghihinaan ng loob. Those pictures really broke her heart to pieces, like it was smashed to the very last bit. And it also smashed her determination to fight for her love.

Matapos niyang umiyak nang halos isang oras sa banyo ay agad na siyang umuwi. Wala na siyang ganang pumasok pa sa last subject niya, lalo pa ngayong tila lalagnatin siya dahil sa mga nangyari kanina.

Inabutan siya ng malakas na ulan sa paghihintay ng taxi na masasakyan pauwi. Basang-basa na siya nang makauwi sa bahay. Tila wala sa sariling nagbihis na lang at agad na natulog kahit na hindi pa siya kumakain ng hapunan.

Iisang tanong lang ang bumabagabag sa kanya nang mga oras na iyon.

Tama ba ang desisyon kong makipag-break kay Nelmark? I could've demanded an explanation pero hindi ko nagawa.

Just recalling her first and last encounter with Melissa really made her feel sick. As much as possible, hindi na niya gustong alalahanin pa iyon dahil lalo lang siyang nasasaktan.

At nang sabihin nitong fiancee ito ni Nelmark, she then remembered na may isang secret arranged marriage na nangyari sa dalawang iyon noong mga panahong magkasintahan pa ang mga ito.

Pero in-assure siya ng binata na matagal nang putol ang kasunduang iyon. At agad naman siyang naniwala.

Sa ngayon, masasabi niyang tama ang naging desisyon niya kahit na ang naging kapalit ay ang tuluyang pagkawasak ng mga magagandang pangarap na binuo nilang dalawa ni Nelmark.

Ibabaon na lamang niya sa limot ang mga pangarap na iyon kasabay ng pag-ibig sa kanyang puso na inilaan lang niya para kay Nelmark.

Pero kailan pa niya magagawa iyon?

At kaya nga ba niyang gawin iyon?

NAKATINGIN LANG si Nelmark sa bahay ni Sharian habang nasa labas ng kanyang kotse at nagpapabasa sa ulan. Nagbabakasakali siyang makatulong ang ulan sa pagtanggal ng sakit at pait na nararamdaman niya ngayon.

Nang sabihin sa kanya ni Sharian na hindi na siya mahal nito kaya nakikipag-break ito sa kanya, pakiramdam niya ay ilang ulit siyang pinatay nang mga sandaling iyon. Triple pa ang sakit na nararamdaman niya ngayon kumpara sa naramdaman niya noong malaman niya ang kataksilan ni Melissa.

Pero bakit nakipag-break sa kanya si Sharian? Wala siyang naaalalang kasalanan niya rito upang dumating sa puntong gusto na nitong putulin ang relasyon nila.

He was completely devastated and broken nang iwanan siya nito sa parking lot. Sinundan niya ito ngunit hindi siya nagpahalata.at nang makita niyang pumasok ito sa restroom ay nagpasya siyang hintayin ang paglabas nito. But then, while waiting for her to come out, he heard her cry hard.

Piniga nang husto ang puso niya nang mga sandaling iyon habang pinapakinggan ang pag-iyak nito. Gusto niyang aluhin ito pero may bahagi ng kanyang pagkatao ang pumigil sa kanya. As if wanting to cool down the situation for a while.

Sinundan pa rin niya ito hanggang sa nakauwi na ito kahit na gustong-gusto na niyang ihatid ito dahil nagpakabasa ito sa ulan habang naghihintay ng taxi.

At ngayon nga ay naroon siya sa labas ng kanyang kotse na nakaparada 'di kalayuan sa labas ng bahay ng dalaga.

Ano ba ang nagawa niya para umabot sa ganito ang lahat?

Bakit kailangang maranasan niyang muli ang masaktan nang ganito?

He wanted to curse God for every worst thing that he had suffered all his life.

Bakit hinayaan Nitong malayo sa kanya si Sharian—ang babaeng nagbigay ng bagong buhay sa kanya—at masaktan siya nang ganito katindi?

Hindi ba siya deserving magmahal nang totohanan?

Habang lumalakas ang buhos ng ulan ay lalo lamang tumitindi ang sakit na nararamdaman niya. Nagdesisyon siyang pumasok sa kanyang kotse.

And inside, he cried hard and shouted para mailabas lang ang sama ng loob na kasalukuyan niyang nararamdaman.

Why does it have to end this way? Hindi na ba talaga ako makakatagpo ng babaeng mamahalin ko sa habang panahon? He could only asked himself as he continued to cry.

Sa ngayon, iyon na lang ang magagawa niya.

TAPOS NA ang finals nila at ngayon ay naghahanda na ang mga estudyante ng Greenfield College for their summer break.

Halatang-halata sa mga mukha ng mga ito ang excitement at kasiyaha dahil sa wakas ay makakapagpahinga na sila after months of cramming with books and exams.

But for Sharian, ito ang panahong kinakailangan niya para makapag-move on nang wala si Nelmark sa buhay niya kahit na mahirap.

Matapos ang confrontation niya with Nelmark, hindi na ito nagpakita pa sa kanya. That happened a week ago. Nalaman na lang niya na hindi na ito pumasok matapos ang araw na iyon. Nag-take up na lang daw ito ng early final exams dahil sa emergency situation na kinakailangan daw nitong asikasuhin sa Amerika.

At ang balita pang nakarating sa kanya ay kasama daw nitong umalis ang isang magandang babae. Tumugma ang description ng babaeng tinutukoy ng mga ito kay Melissa.

Kaya naman hindi na siya dapat magtaka. Pero hindi maikakailang apektado pa rin siya.

Dapat ay hindi ito maramdaman. Hindi ba, siya ang tumapos ng relasyon nila ni Nelmark? Dapat ay wala na siyang pakialam pa kung kasama man nito si Melissa.

Kasalukuyan siyang nasa garden at nagmumuni-muni nang bigla siyang tawagin ng kanyang ina dahil dumating si Sandra. Sinabi na lang niya na puntahan na lang siya doon.

"Aren't you going to do something para kausapin man lang si Nelmark?" Iyon ang isinalubong nitong tanong sa kanya.

Umiling na lang siya.

Wala na si Nelmark sa Pilipinas kaya wala nang dahilan para magkausap pa sila. And besides, ikakasal na ito.

"I can't believe that you're the one who gave up first. Akala ko ba, mahal mo si Nelmark? Pero bakit ikaw pa ang tumapos ng relationship ninyong dalawa?"

Hinid siya umimik. Walang kaalam-alam ang sinuman sa naging dahilan niya para makipag-break kay Nelmark. Sinarili niya ang lahat ng sakit ng kaloobang nararamdaman niya kaya naman dobleng torture ang nararanasan niya ngayon.

"Sharian, hindi mo ba sasagutin ang tanong ko sa iyo?"

"Ano naman ang isasagot ko?" walang ganong ganting tanong niya rito habang nakatingin sa mga bulaklak.

"Iyong totoo. In case you didn't know, hindi lang ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon ninyong dalawa ni Nelmark. Wala ka ba talagang gagawin para magkausap man lang kayong dalawa?"

"Hindi ko alam!" singhal niya sabay harap sa pinsan. "Hindi ko alam ang gagawin ko dahil wala na rin lang naman akong magagawa. Ako na ang nagtaboy sa kanya palayo. It's no use."

"Pero ano ang dahilan mo para gawin ito, Sharian? Kahit si Nelmark, walang maisip na dahilan para layuan mo siya."

Nagtatalo ang isipan niya kung sasabihin ba niya sa pinsan ang confrontation ni Melissa sa kanya.

But in the end, she decided not to tell her.

Para ano pa?

Wala na rin lang naman si Nelmark. Umalis na ito. Agad na rin itong sumuko.

Bumuntong-hininga na lang siya.

"Wala na rin lang namang mangyayari kung sasabihin ko pa sa iyo ang tungkol doon. It's already hopeless."

Sumusukong napailing na lang si Sandra dahil sa sinabi niyang iyon.

But unknown to her, may ideya na si Sandra kung bakit siya nakipag-break kay Nelmark.

No comments:

Post a Comment