Friday, June 12, 2015

Don't Fear This Love - Chapter 10 (Final)

Six weeks later...

MAHIGIT TATLUMPUNG minuto nang naghihintay si Nelmark sa labas ng NAIA para sa sundo niya. But unfortunately, there's no sign of them. Kanina pa siya nakatayo roon at sa totoo lang ay medyo masakit na ang mga paa niya sa kahihintay.

Nang dumating ang sasakyang kanina pa niya hinihintay ay napabuga siya ng hangin at napangiti. Lumabas mula roon ang mga magulang niya na agad na yumakap sa kanya.

"Welcome back, anak!" excited na salubong ng kanyang ina.

"Ang akala ko, hindi na kayo darating para sunduin ako dito. Ang sakit na ng mga paa ko sa kahihintay sa inyo, alam niyo ba iyon?"

Napangiti na lamang ang mga ito.

"We're so sorry, hijo. Masyado kasing traffic. Hindi kami nakasingit nang maayos."

Natawa na lang siya at sumunod na sa mga ito sa loob ng kotse.

Habang bumibiyahe ay nakatingin lamang siya sa kawalan. Wala sa labas ang itinatakbo ng isipan niya. And all of a sudden, he faced his parents.

"Mom, Dad... Can I ask you something?"

"Tungkol naman saan ang itatanong mo?" tanong ng kanyang ina.

"Do you have any idea... about anything that happened to Sharian while I was gone?"

Nagkatinginan na lang ang mag-asawa at saka tumingin sa kanya ang ina.

"Ang huling balita namin sa kanya, nagpunta siya sa Bulacan pagkatapos ng finals ninyo. I don't know if she'll just have her vacation there or..." Huminga muna nang malalim ang kanyang ina. "...or she'll transfer and stay there."

Bumuntong-hininga na lang siya.

Gusto na ba talaga siyang layuan ni Sharian?

No! Hindi puwede! Kailangang magkausap kami. I have to explain my side. Ayoko nang manatiling muli sa lungkot at dilim ang puso ko. Iyon ang pinakamatinding dahilan ng kanyang puso kaya siya nagbalik nagyon.

"SUREN, do I really have to go there? Ano naman ang gagawin ko doon? At saka, ano ba'ng okasyon at gusto mo pa akong imbitahan sa party na iyan?" sunud-sunod na tanong ni Sharian kay Suren nang magpunta ito sa bahay at iniimbitahan siya sa isang party.

As much as possible, kinakailangan niyang magpahinga dahil kagagaling lang niya sa biyahe galing Bulacan. Kababalik lang niya sa ilang linggong bakasyon doon.

"Despedida party para sa kapatid ko. Aalis na kasi si Ate Clarisse bukas papuntang Australia at siya na daw ang mag-aasikaso ng hotel na kapapatayo lang ngayong taon. Besides, my sister would love to see you there," sagot nito.

Pero may pakiramdam siya na hindi lang iyon ang dahilan nito kaya gusto nitong pumunta siya sa party na iyon. Hindi lang siya sigurado kung ano.

"Pero Suren, alam mo naman na kagagaling ko lang sa biyahe at kailangan ko ngayon ng pahinga. Hindi ba puwedeng samahan ko na lang kayo bukas sa paghahatid kay Ate Clarisse sa airport?"

"Sige na, please. Alam ko namang kagagaling mo lang sa biyahe pero pagbigyan mo na ako. Kahit ngayon lang. Bukas na bukas din, kahit buong araw ka pang humilata diyan sa kama mo at matulog, hinding-hindi kita iistorbohin."

Bumuntong-hininga na lang siya. "Teka nga lang. Sino ba talaga ang nag-iimbita sa akin? Ikaw o si Ate Clarisse?"

"Pareho kami. At saka ang sabi niya, malulungkot siya sa araw ng pag-alis niya kapag hindi ka man lang daw niya nakasama't nakausap for the last time na mag-i-stay siya dito sa Pilipinas."

Napakamot na lang siya sa kanyang sentido. Mukhang nakukumbinsi na siya nito na magpunta sa party. Hindi lang dahil nakukulitan na siya kay Suren kundi dahil gusto niyang makita sa huling pagkakataon ang kapatid nito. Kasundo niya kasi si Clarisse ever since naging kaibigan niya si Suren. At kadalasan ay ito ang pinagsusumbungan niya ng kanyang mga problema bago ito nangdesisyong mag-aral sa Canada.

Napailing na lang siya at huminga nang malalim.

"Sige na nga. Hintayin mo na lang ako't magbibihis pa ako."

Umaliwalas ang mukha nito at napasuntok pa sa hangin.

HINDI maipaliwanag ang kabang nararamdaman ni Sharian nang mga sandaling iyon habang papasok ang Honda Pilot ni Suren sa town house ng mga Ortega.

Bakit dito pa? Was this some kind of a joke?

Nagtatanong ang tinging ipinukol niya kay Suren pero ngiti lang ang ipinakita nito nang humarap ito sa kanya.

"Dito naisipan ni Ate Clarisse na gawin ang despedida party para sa kanya dahil gusto rin niyang makasama sina tito't tita kahit na sandali lang." Tila nabanaag nito ang tanong sa kanyang mga mata.

Posibleng kayang... um-attend sa party na ito si Nelmark? Deep inside, she was hoping for it. Pero agad ding dumating ang realisasyong malabo nang mangyari iyon.

How I wish na dumating siya...

Pagkababa niya sa kotse ay agad siyang sinalubong ng isang magandang babae na kamukha ni Suren. Si Clarisse iyon, ang nakatatandang kapatid nito. Napangiti siya nang makita ito at nakipagbeso-beso dito. Matapos niyon ay agad silang dumiretso sa sala kung saan walang tigil ang tawanan at kuwentuhan nilang dalawa.

Kabilang sila sa mga taong nag-uusap at nagkakasiyahan doon. Pero sa totoo lang, may bahagi ng puso niya ang nananatiling hungkag. Alam niya kung ano ang kulang. Kaya lang, ayaw na niyang umasa pa. For she knew that it's already hopeless for her to believe that her one wish would ever come true.

And it's my fault... I pushed him away from me, she sadly thought as she looked outside the window. Hindi niya alam kung sinasadya o ano, nakita niya ang punong kinatitirikan ng treehouse na dati nilang pinuntahan ni Nelmark.

And as she looked at it, memories suddenly came rushing into her mind. Memories that made her cry and feel nostalgic as she continued to look at the treehouse.

Wala sa sariling pinunasan niya ang luhang tumulo sa mga mata niya. At naramdaman niya ang pagpisil ni Clarisse sa balikat niya. Saka siya tumingin rito.

"You can go there if you want," nakangiting sabi nito.

"But what about you? Wala kang kasama dito."

"Silly girl. It's okay. I still have my other friends waiting outside to start a conversation and say goodbye to me. Pero ikaw, kailangan mong pumunta sa treehouse na iyon, okay?"

Tiningnan niyang muli ang treehouse.

At hindi niya masabi kung nagha-hallucinate lang siya o ano, pero parang nakita niya roon si Nelmark na nakatayo, nakangiti at kumakaway sa kanya.

"Go on."

Napatingin siya rito at nakangiting tumango.

Nang tumingin siyang muli sa treehouse, napagtanto niyang ilusyon lang ang nakita niya roon. Dala lang marahil ng matinding pagnanais na muling makita ang binata.

She sighed in disappointment and then she went outside the mansion--going to the treehouse.

NELMARK sighed as he continued to look around the treehouse. Almost two months din niya itong hindi nakita. At ang tanging pumapasok sa kanyang isipan nang mga sandaling iyon ay ang araw na sinagot siya ni Sharian nang magtapat siya rito.

Hindi siya nagpahalata sa mga bisitang naroon na dumating na siya. Ayon sa kanyang ama, dalawang party ag ginaganap doon. Ang despedida party para sa pinsan niyang si Clarisse at ang bienvenida party para sa kanya.

Nang makita siya ni Suren na dumating ay sinabi nito sa kanya na inimbitahan nito si Sharian sa okasyong iyon. Pero ang alam ng dalaga ay tungkol lang sa pag-alis ni Clarisse ang nasabing party. Wala itong alam sa pagbabalik niya galing Amerika.

Pinili niyang magtungo sa treehouse dahil hindi pa niya kayang harapin si Sharian nang mga sandaling iyon kahit na gustung-gusto na niyang kausapin at yakapin ito. Oh, how he missed that woman. God knows how much and it has been a torture for him not to contact her for the past weeks. Hindi niya kayang marinig ang boses nito na nagsasabing iwasan na niya ito at tigilan na dahil wala nang silbi pa.

Ngunit nakadama siya ng kaunting pag-asa nang makita niya si Sharian na umiiyak habang nakatingin sa treehouse. Kaya naman nagdesisyon siyang magpakita dito. Pero hindi rin siya nagtagal dahil na rin sa matinding kaba at takot.

Takot na hindi na siya kayang tanggapin ni Sharian sa buhay nito kahit na ano pa ang gawin niya. At hindi niya kayang tanggapin ang katotohanang iyon.

Kung hindi lang siguro dumating sa buhay niya si Melissa at sinaktan siya, baka noon pa ay nagawa na niyang maramdaman ang tunay na kaligayahang dulot ng totoong pag-ibig na matagal na niyang inaasam at pinaniwalaan. Kaya lang, nakatakda na yata siyang maging malungkot for the rest of his life.

He sighed heavily at that thought.

"Nelmark...?"

Pakiramdam niya ay tumigil ang lahat sa paligid nang marinig niya ang isang pamilyar na tinig. At nang dahan-dahan siyang lumingon ay nahigit niya ang kanyang paghinga nang malaman kung kanino galing ang tinig na iyon. Kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso dahil sa pananabik.

"S-Sharian..."

"YOU'RE... back?" hindi makapaniwalang tanong ni Sharian kay Nelmark nang makarating siya sa treehouse at makita ito doon.

Tell me I'm not dreaming... saisip niya habang pinipilit na ina-absorb ng kanyang utak ang katotohanang nasa harapan na niya ang lalaking matagal na niyang inaasam na muling makita.

"Sharian..."

Hindi na niya namalayang umiiyak na pala siya. Nalaman na lang niya iyon nang maramdaman niya ang masuyong pagpahid ng daliri nito sa mga luha niya. Nakalapit na pala ito sa kanya nang hindi niya namamalayan.

"Huwag ka naman nang umiyak, please. You know I hate to see you cry like this..." masuyong pakiusap nito sa kanya habang patuloy pa rin ito sa pagpahid sa mga luha niya.

Still, she couldn't help but to cry. Nararamdaman niya sa bawat haplos ni Nelmark na hindi pa rin nawawala ang pagmamahal na minsan nitong ipinadama sa kanya. Ang pagmamahal nito na ilang linggo rin niyang muling inasam na muling maramdaman.

Patuloy pa rin siya sa pag-iyak at dahil hindi na niya napigilan ang bugso ng kanyang damdamin, agad niya itong niyakap. Mahigpit ang pagkakayakap niya rito dahil hindi na niya gustong mawala pa ito sa tabi niya... sa buhay niya. Natatakot siyang kapag kumawala siya rito ay agad itong maglalaho.

Ginantihan naman ni Nelmark ang yakap nito. Like her, it seemed that he never wanted to let her go.

"I'm really sorry, Nelmark. Please forgive me. I never gave you the chance to explain your side. Masyado lang kasi akong nasaktan sa mga sinabi ni Melissa sa akin. And those pictures..." Hindi niya nagawang ipagpatuloy ang nais niyang sabihin nang kumawala ito sa pagkakayakap niya.

And then she looked in his eyes... those eyes that showed emotions she never failed to know. She couldn't help but smile at what she saw in his eyes.

It's the love he wanted her to feel forever.

"You don't have to say sorry. Ako ang dapat na humingi ng tawas sa iyo dahil wala akong alam sa mga kalokohang pinagsasabi sa iyo ni Melissa. Kung alam ko lang na siya ang dahilan para makipag-break ka sa akin noon, baka napatay ko siya kaagad. And the pictures that you were talking about, noon ko lang naintindihan kung bakit dumating ka sa puntong iyon."

"Y-you saw the pictures?"

Tumango ito. "Si Sandra ang nagpakita sa akin ng mga litratong ipinakita sa iyo ni Melissa. How I wanted to kill that whore!" At nakita niyang kinuyom nito ang kamao dahil sa nababanaag niyang galit sa mga mata nito.

"Nelmark, hindi mo na kailangang sabihin iyan. Tapos na. Nangyari na kaya wala na tayong magagawa pa."

"Pero dahil sa kanya, nagkasira tayo."

"At kasalanan ko iyon. Naging makitid ang utak ko at hinayaan kong ang nakaraan mo kay Melissa at ang katotohanang siya ang unang babaeng minahal mo ngunit sinaktan ka ang pumasok sa utak ko. In a way, nagawa nitong baguhin ang pananaw ko tungkol sa iyo. Hindi ko naisip ang mga ginawa mo para lang mapatunayan sa akin na mahal mo ako."

"Hindi ko akalaing hindi pa pala lubos ang tiwala mo sa akin." Bakas niya sa tinig nito ang pagtatampo. "Pero naiintindihan na kita ngayon. Na-realize ko kasi na matagal kong hinayaan na ang nakaraan ko kay Melissa ang nagkulong sa puso ko. At hindi ganoon kadali para sa akin na tuluyang kalimutan ang galit ko sa kanya. Inintindi ko lang ang nararamdaman ko. Ni hindi ko man lang inisip ang damdamin mo na labis na naapektuhan because I never gave you the assurance that you really need para maniwala ka sa akin na talagang mahal na mahal kita," madamdaming pahayag nito.

Bumuntong-hininga na lamang siya at saka hinaplos ang pisngi nito.

"Tama na, Nelmark. The past is over. This is our chance to start over again." Hinawakan nito ang kamay niyang humahaplos sa mukha nito.

"You'll give me the chance to make it better, right? Pero kaya mo pa ba akong tanggaping muli sa buhay mo, Sharian? Kaya mo pa ba akong mahaling muli?"

She smiled. "All those times, hindi nawala ang pagmamahal ko para sa iyo, Nelmark. Kahit noong mga panahon na inakala kong pinagtaksilan mo ako, hindi kailanman naglaho ang pag-ibig na iyon sa puso ko. And I think it won't fade away no matter what I do," nakangiting pag-amin niya.

"Talaga?" paniniyak nito. Tumango siya.

Overwhelmed with happiness, he kissed her hungrily but passionately. That kiss made her knees felt weak for the nth time he kissed her that passionate. She really missed his kisses. At labis niyang pagsisisihan kung hahayaan pa niyang mawala ang lalaking ito na alam niyang pinaglaanan niya ng kanyang pag-ibig.

Both of them smiled when they ended the kiss.

"I love you, Sharian. With all my heart," masuyong anas nito.

"I know. I've felt it. I love you, too."

Nagyakapan sila nang mahigpit at matagal. Pero nang may maalala siya ay pinilit niyang kumawala sa yakap nito.

"Bakit?" nagtatakang tanong nito.

"Paano nalaman ni Sandra ang tungkol sa pictures?"

"Ah, iyon ba? Sinabi niya sa akin na nakita niya ang ginawang confrontation sa iyo ni Melissa, pati na rin ang ginawa mong pagtapon sa mga pictures matapos mo itong tingnan. Kinuha daw niya iyon sa trash can at tiningnan. Hindi niya nagawang ipakita sa akin ang mga iyon kaagad dahil ipinasuri pa niya iyon sa isang expert upang ma-analyze nang husto. Huli na siya nag makuha niya ang resulta dahil wala na ako sa Pilipinas nang mga panahong iyon. Kaya naman pinuntahan na lang niya ako sa Amerika after two weeks. And she said that those pictures were definitely edited. Ibang lalaki ang kasama ni Melissa doon at hindi ako," paliwanag nito.

"I guess I really owe her a lot. Pero paano si Melissa?"

"Hindi na siya manggugulo pa sa atin kahit na kailan. Wala na siyang mapapala pa sa akin."

Natawa na lang siya sa sinabi nitong iyon. Niyakap siya nitong muli at hinagkan sa buhok.

"Promise me you'll never leave, Sharian," pakiusap nito.

"I promise if you'll promise me the same thing."

"I promise you. Kahit na anong mangyari."

She genuinely smiled at that. "I promise. I'll never leave you ever," she promised.

At then they've sealed that promise with a long passionate kiss that they'll never forget.

Kahit na anong mangyari, isang bagay lang ang alam niya.

Si Nelmark ang katuparan ng kanyang prince charming in her own fairy tale and with a definite "happily ever after" ending. At iyon ang ipinagpapasalamat niya ngayon sa Diyos.

THE END

No comments:

Post a Comment