Two and a half years later...
HABOL ang hiningang pumasok si Khea sa loob ng mall matapos siyang tumakbo mula sa bahay hanggang sa makarating na siya doon sa wakas. Kailangan pa niyang magpahinga nang ilang sandali bago siya magtungo sa pupuntahan.
Ngayon kasi ang usapan nila ni Aiko na magkikita matapos ang huling pagkikita nila noong libing ni Norina. Dahil na rin sa pakiusap nina Tito Clyde at Tita Marissa ay pumunta ito at si Sister Amy noon sa libing.
Nakaupo na siya sa isang bench at huminga nang malalim saka tiningnan ang oras sa kanyang wristwatch. Napangiti siya nang makitang napaaga ng labinglimang minuto ang punta niya roon. Mabuti na lang at makakapaghanda pa siya nang maayos para sa muli nilang pagkikita ni Aiko. Nakabakasyon kasi ito at naisipan nitong magtungo na lang sa Isla Marino dahil gusto raw nitong makita't makasama siyang muli gaya noong mga bata pa sila.
Ang kaibihan nga lang ay wala na si Norina. Noong naroon pa sila ng best friend niya sa bahay-ampunan ay silang tatlo ni Aiko ang laging magkalaro.
Hindi niya napigilan ang malungkot nang maalala niya si Norina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakapag-move on sa pagkawala nito dahil hirap siyang gawin iyon. Aminado naman siya na talagang mahihirapan siyang kalimutan ito o kahit na pansamantalang itabi man lang ang lahat ng mga nangyari dahil malaking bahagi ng kanyang buhay ay mayroon doon si Norina. At tiyak niyang ilang taon pa ang aabutin bago pa niya magawang tuluyang makapag-move on. Pero hindi lang iyon ang tanging dahilan kung bakit siya nalulungkot ngayon. Naalala rin niya ang ipinangako niya kay Norina that concerned Phrinze. Hanggang ngayon ay naaalala pa rin niya ang binitiwan niyang pangako kay Norina that she'll make Phrinze fall in love with her. Kaya lang, two and a half years nang hindi nagpapakita ang kumag na iyon sa kanya. Ganoon katagal din siyang nangulila para dito at hindi naman niya mabilang kung ilang beses niyang hiniling na sana'y makita niya itong muli. Napangiti na lamang siya nang mapait nang maisip niyang baka hindi na sila magkita pa nito, na baka hindi na niya magawa pa ang ipinangako niya sa best friend niya.
Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang kinalabit siya ni Aiko na hindi niya namalayang naroon na pala.
"Wala ka na naman sa sarili mo. Hanggang saan na ba naglakbay ang utak mo, ha?" birong tanong nito nang makaupo na sa tabi niya.
Napangiti na lamang siya at umayos na ng upo paharap dito. "Kanina ka pa ba dumating?"
Umiling ito. "No. I'm just on time. Nagulat nga ako sa iyo, eh. Biruin mo ba namang mas maaga ka pang dumating dito kaysa sa akin. Hindi ka pa rin pala nagbabago hanggang ngayon."
Nanatili lang siyang walang kibo habang nagsasalita ito. And later after that, she heard her sigh.
"I guess it was really hard for you to completely move on, huh?" It was a statement rather than a question. At iyon ang dahilan upang mabaling dito ang atensiyon niya.
"Excuse me?"
"Never mind." And then Aiko stood up. "Let's go. Ikaw ang magiging tour guide ko ngayon, 'di ba? Ano pa'ng hinihintay natin? Baka mamaya niyan, abutin pa tayo ng gabi dito."
"Okay lang iyon. May hotel ka namang tutuluyan dito, 'di ba? Wala ka namang poproblemahin pa kung ma-late man tayo ng uwi. Isa pa, once in a while na lang tayo mag-bonding, napaka-killjoy mo pa."
"Hay naku! Halika na nga lang at mag-umpisa na tayong maglakwatsa bago mo pa sirain ang mood ko."
At nag-umpisa na itong maglakad palayo doon. Siya naman ay natawa na lang sa inakto nito.
It might be really hard for me to move on, but I guess I can do it. I just don't know when... Kung sana, nandito man lang si Phrinze, baka nga naging madali para sa akin ang mag-move on sa pagkawala ni Norina sa buhay namin, she thought that made her sigh heavily. Phrinze... Sana naman, bumalik ka na.
KHEA snapped her eyes open when her cell phone rang. Nang makita niya ang kanyang orasan ay nakita niyang alas-singko pa lamang ng madaling araw at kahit ayaw pa niyang tumayo ay napilitan na lamang siya na tumayo dahil sa cp niyang kanina pa tumutunog. Kinuha niya iyon at ng makita niya ang pangalang naka-register sa screen ay bigla siyang nabuhayan ng dugo. Kinailangan pa niyang punasan ang kanyang mata para lang masiguro na hindi siya namamalikmata lang. subalit walang nagbago. Pangalan pa rin ni Phrinze ang naroon!
Nanginginig ang mga kamay na itinapat niya ang cell phone sa tainga matapos pindutin ang Answer button. Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita. "Hello?"
"Thankfully! I thought you wouldn't pick it up at all," narinig niyang masiglang sambit ng tinig sa kabilang linya. "Early riser ka naman, 'di ba? Huwag mong sabihing tulog ka pa rin hanggang ngayon?"
"Ang galing talaga ng timing mong mang-istorbo ng beauty sleep. Alam mo iyon?" kunwa'y inis niyang sabi kahit na sa totoo lang ay walang tigil sa kapapasag ang puso niya nang marinig ang pamilyar na tinig ni Phrinze. Hindi niya inakalang darating pa ang araw na muli niyang makakausap ito kahit na ilang beses niyang hiniling sa Diyos ang tungkol doon. At ngayon ay walang pagsisidlan ang tuwang nadarama niya. "At saka alas-singko pa lang naman, ah. Ano ba'ng ginagawa mo at naisipan mo pang istorbohin ang tulog ko?"
"Ang totoo niyan, nandito ako sa pier at pasakay na ako sa barkong papuntang Isla Marino. Kaya kita tinawagan dahil gusto ko sanang sunduin mo ako sa pier mamaya pagdating ko riyan," sabi nito na hindi agad nag-sink in sa utak niya. Kung gayon ay babalik na ito?
"You mean, you're coming back home?" she asked in a hopeful tone.
"That's right!" excited na hayag nito. "Kaya nga gusto kong ikaw ang sumalubong sa akin sa pier mamaya, eh. Okay lang ba sa iyo?"
Hindi na siya nagdalawang-isip na umoo sa hiling nito. Wala siyang dahilan para tumanggi dahil tinupad na ng Diyos ang hiling niyang sana ay magbalik na si Phrinze. Kaya naman sasamantalahin na niya ang lahat ng pagkakataong dumating upang makasama ang binata.
Pero binata pa nga ba siya? Iyon ang biglang tanong ng isang bahagi ng kanyang puso na naging dahilan upang matigilan siya. Bigla ring nawala ang excitement na kani-kanina lang ay nararamdaman niya. Hindi naman kasi sumagi sa isipan niya na itanong iyon sa binata kanina. Pero malalaman rin niya iyon mamaya pagkasundo niya rito sa pantalan.
At nang sumapit ang takdang oras ay napatayo siya sa bench na kinauupuan niya nang makita niya ang barko na malapit nang dumaong sa pantalan. Mahigit dalawang oras siyang naghintay sa pagdating nito sa isla subalit hindi niya alintana iyon. Her heart was too excited to feel bored and tired of waiting. After all, si Phrinze—ang lalaking hanggang ngayon ay mahal pa rin niya—ang hinihintay niya.
Naghintay lang siya sa puwesto niya habang tinitingnan niya ang bawat pasaherong bumababa sa barko, hoping she could see Phrinze among them. And while she's doing that, hindi niya mapigilang mag-isip kung ano na nga ba ang itsura ng kumag niyang kaibigan after two and a half years of not showing up. Kung siya nga ay may pisikal na pagbabago, imposibleng wala ring nagbago kay Phrinze. She's hoping na sana ay walang pagbabago sa ugali nito matapos nito mawala sa isla. Patuloy pa rin siya sa pagmamasid nang makuha ng isang guwpong lalaking nakababa na mula sa barko ang atensiyon niya. She's not sure if it's just intuition or what, but she has this feeling na ang lalaking iyon ay ang hinihintay niya. Still, in order to make sure, pinili pa rin niyang maghintay sa kinatatayuan niya kahit na kating-kati na siyang maglakad upang salubungin ang nasabing lalaki.
Her heartbeat increased its tempo when the man she was looking at gazed at her direction and smiled. Kumaway pa ito sa kanya at patakbong lumapit sa kinatatayuan niya. At dahil dito ay nanatili lamang siyang nakatayo sa puwesto niya at hinihintay na lang ang paglapit dito.
"Hi, Khea! I thought you wouldn't come and get me," nakangiting salubong nito habang nakatingin sa mga mata niya.
"I-is that you, Phrinze?" she stammered as she asked that. Hindi kasi siya makapaniwalang ang Phrinze na best friend ang nasa harapan niya ngayon. Paano ba naman kasi siya hindi mag-i-stammer? Mas guwapo na kaya ang best friend niya ngayon kumpara noon. Kung noon ay para pa rin itong teenager kung manumit kahit na twenty two years old na ito, ngayon ay naaayon na sa edad nito ang pananamit nito na lalong nakadagdag sa kaguwapuhan nito. It would appear that for the past two and a half years, life had been good to him.
Ang tawa nito ang nagpabalik sa kanya sa realidad. And she couldn't help but to smile when hearing him laugh like that. It would appear that he had moved on. At labis niyang ikatutuwa kung ganoon nga ang nangyari.
"Hindi ba obvious na ako ito, ha?" And then he looked at her face for some seconds bago umangat ang kamay nito at hinaplos ang buhok niya na lalong nagpabilis sa tibok ng puso niya. "You cut your hair. It looks good on you, Khea."
"T-thanks," tanging nasabi niya kahit na sa totoo lang ay flattered siya dahil pinuri nito ang hair cut niya. It was last month nang maisipan niyang paputulan ang buhok niya from hip-length to shoulder-length. Napag-isipan lang niya that maintaining her long hair would only remind her of the pain while remembering the past with Norina in it. At the very least, ito man lang ang pagbabagong magawa niya sa sarili niya upang unti-unti nang maka-move on.
"Let's go. Naghihintay na sina Tita Isabel at Tito Marco sa iyo. Hindi mo man lang daw sinabi sa kanila na darating ka na pala dito," yaya niya at nag-umpisa nang umalis sa lugar na iyon.
"Ang plano ko naman talaga ay sopresahin sila. Kaya lang, inunahan mo naman ako," nakangiting sabi nito habang patungo sila sa kotse niya na nakaparada sa labas ng pantalan.
"Sorry. Pero concern lang naman kasi ako sa parents mo, eh. To think you would leave them for so long..." Hanggang doon na lang ang nakaya niyang sabihin dahil naisip niyang baka naman sumusobra na siya.
She heard him sigh before speaking. "Gusto ko lang hanapin ang sarili ko, Khea. Pakiramdam ko kasi, kasamang tinangay ni Norina ang sarili ko nang mamatay siya. Kahit papaano, nagawa ko naman iyon kahit na inabot pa ako ng dalawa't kalahating taon," anito na seryosong nakatutok ang paningin sa dinaraanan nila.
Kung gayon ay hindi pa pala ito tuluyang nakaka-move on sa pagkawala ni Norina. Ganoon nito kamahal ang best friend niya. At sa totoo lang, walang kapantay na sakit ang idinulot ng isiping iyon sa kanyang puso. Dahil doon ay hindi na niya namalayang tumulo na pala ang kanyang luha. Nalaman lang niya iyon nang maramdaman niya ang masuyong pagpahid ni Phrinze sa mga luha niyang namalisbis sa kanyang pisngi. Kaya naman bigla siyang napatingin rito... which turned out to be her mistake dahil gadali na lang pala ang pagitan ng kanilang mukha, causing her to feel like she lost oxygen in her lungs.
"Nagbalik ako sa Isla Marino dahil gusto kong makita ang nakangiti mong mukha. Hindi pa naman ako patay para iyakan mo, ah. Na-miss mo ba talaga ako nang ganoon katindi?" nanunudyong saad nito.
That made her snapped out of her musings. At hindi niya naiwasang pamulahan ng pisngi nang tuluyang rumahistro sa utak niya ang mga sinabi nito, kasabay nang nasilayan niya ang nakangising ekspresyon nito. Binatukan niya ito nang mahina. "Puwede bang tanggalin mo iyang hangin diyan sa utak mo for once? Ang akala ko pa naman, may nagbago na sa iyo. Kagaya ka pa rin pala ng dati."
"Iyon ang akala mo, Khea," makahulugang pahayag nito, halos pabulong na lang subalit dinig na dinig niya iyon. Kaya naman kumunot ang noo niya habang nakatingin dito.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
Pero imbes na sagutin ng binata ang tanong niya ay nagtuluy-tuloy lang ito sa paglalakad palabas ng pantalan, habang siya ay nanatiling nakatayo doon. Sinundan lang niya ng tingin ang papalayong binata at napabuntong-hininga na lang siya nang maisip na baka malabong sagutin nito ang tanong niyang iyon.
Hindi pa siguro ito ang panahon.
NAISIPAN nina Khea at Phrinze na pasyalan ang isla sa kagustuhan na rin ng binata matapos ang welcome party para rito na ginanap sa mansion ng mga Valencia. At ang unang nais puntahan nito ay ang cove. Kaya naman ngayon ay naroon na sila at nakaupo sa malaking tipak ng batong madalas nilang tambayan noon.
"Hindi pa rin pala nagbabago ang lugar na ito kahit na matagal na akong nawala rito sa isla," anito habang pinagmamasdan ang paghampas ng alon sa batuhan. "It still has the same peacefulness whenever the wind blows while listening to the waves of the sea."
"Ngayon lang ako nakapunta ulit dito after Norina's death," mahinang pagbibigay-alam niya ngunit tila ang sarili lang niya ang mas kinakausap niya. Iyon naman ang naging dahilan upang mapatingin sa kanya si Phrinze.
"You mean, you haven't been here for the past two and a half years, too?" She slowly nodded and then sighed. "Why?"
"I don't know... I mean, it's true that Norina never saw this place—not even once. Pero maraming alaala ang lugar na ito na nagdadagdag lang sa pangungulila ko kay Norina. This place became a witness of how I faced my life with Norina..." At matapos sabihin iyon ay tumulo ang luha niya. "The reason I never came back here after her death was because I don't want this place to become a reminder of all the pain I've been through when we lost her..." garalgal na ang tinig na itinuloy niya ang nais na sabihin habang matamang nakikinig lang si Phrinze sa lahat ng sinasabi niya. Bumalik sa kanya ang lahat ng sakit at hinagpis na naramdaman niya nang maalala niya ang mga nangyari pagkatapos mawala si Norina, maging ang lungkot dahil sa biglaang paglisan ng binata.
And she doesn't know how it all happened but she just found herself in the arms of Phrinze while soothing her, rubbing her back gently and caressing her hair. Being in his arms felt heaven that she haven't felt for a very long time. Having him beside her was definitely relieving, knowing that Phrinze would never leave them—her—again.
But since she wasn't sure, hahayaan na lamang niyang ganito ang lahat. Hindi rin naman siya sigurado kung saan nga ba hahantong ang ganitong trato sa kanya ng binata. Kaya mabuti pang sa ganito na lang muna ang takbo ng mga pangyayari.
Saka na lang niya pag-iisipan kung gagawin na rin ba niya ang nais ni Norina para sa kanilang dalawa ni Phrinze.
No comments:
Post a Comment