Tuesday, June 2, 2015

Till Beyond Eternity - Chapter 6

THE NEXT months after that night were the happiest and the most blissful days of Relaina's life. Hindi niya inakala na posible pa pala siyang makaramdam ng ganoong klaseng kasiyahan sa buhay niya. Mabuti na lang pala at hindi niya naisipang isarado ang puso niya sa pag-ibig—kahit sabihin pang pansamantala lang—dahil agad na kumatok doon si Allen. Hindi lingid sa buong Oceanside ang relasyon nila dahil wala naman silang planong ilihim iyon. Marami ang tila inasahan nang sa pagiging magkasintahan matutuloy ang pagbabangayan nila noon ng binata. Isa sa mga iyon ay si Mrs. Castro, pati na ang mga dating kaklase niya sa ilang subjects kung saan naging kaklase rin niya noon ang nobyo. Nag-request pa nga ang mga ito ng blow-out na pinagbigyan naman ni Allen. Sumang-ayon ang mga ito na maganda daw talaga ang love team nila ni Allen kahit nagbabangayan na sila sa umpisa pa lang. At ngayong totohanan na ang love team nila, hindi maitatangging masayang-masaya siya.

Magmula nang maging sila ni Allen, nakita niya na totoo ang pagmamahal na gusto nitong iparamdam sa kanya. Kahit may ka-corny-han ito paminsan-minsan, hindi niya alintana iyon lalo pa't naramdaman niya ang pagiging sweet at maalalahanin nito. Inihahatid at sinusundo din siya nito kahit hindi naman talaga kailangan. Dahilan nito, gusto daw nitong masigurong nakauwi na siya nang maayos. Vacant periods lang sila nagkikita nito kapag nasa campus pero ang atensyon nito ay laan lang para sa kanya. Kapag wala naman silang pasok ay nagde-date sila nito as long as walang projects o assignments ang isa sa kanila. Pormal din siyang ipinakilala ni Allen sa pamilya nito bilang girlfriend. Hindi maitatangging boto ang mga ito sa kanya pati na rin ang mga dela Vega na matagal nang kaibigan ng pamilya Cervantes. Sa wakas daw ay may nakapagpatino na sa mapaglaro nitong puso. Hindi rin daw nila inakala na closet romantic pala ang charmer ng mga Cervantes nang malaman ng mga ito ang tungkol sa pagkanta at sa mga bulaklak na ibinibigay ni Allen sa kanya.

Nakilala rin niya si Tita Marie, ang paternal aunt ni Allen na kunsintidor sa flower fascination ng nobyo. Sa katunayan, gumawa pa ito ng garden malapit sa flower farm kung saan inaalagaan ni Allen ang mga bulaklak na ibinibigay nito sa kanya. Sa nakalipas na anim na buwan ng kanilang relasyon, hindi ito pumalya sa pagbibigay sa kanya ng bulaklak na nagsasabi diumano ng nararamdaman nito para sa kanya. Those flowers each held meanings which would amount to his promise to her and to their love.

On their first monthsary, he gave her white carnations, statingt that his love for her would always be pure. Honeysuckle—which meant "bonds of love" and "devoted affection"—was the flower he gave to her on their second monthsary. On their third monthsary, their favorite spot in the park was almost filled with blue violets. Sinabi nito na mananatili itong faithful sa kanya—just like the flower's meaning "I'll always be true". Arbutus held a beautiful meaning na hindi niya mapaniwalaang sasabihin ni Allen sa kanya on their fourth monthsary: "You're the only one I love". True love ang turing sa kanya ng nobyo—just like the meaning of their fifth monthsary's flower, forget-me-not—na nagbigay ng pag-asa sa kanya na magtatagal ang relasyon nila. Pero ang tumatak sa kanya ay ang bulaklak na ibinigay nito sa kanya noong sixth monthsary nila. He gave her a primrose—one that meant "you and me for eternity" and "I can't live without you".

Allen was the person who firmly believed that eternity existed in the face of love. Hindi niya inakala kailanman na makikita niya ang side na ito ng lalaking labis niyang minahal sa kauna-unahang pagkakataon. And because of the love he was showing to her and letting her feel, she, too, couldn't help but believe in the existence of eternal love. She would believe in it as long as he was with her.

IT WAS New Year's Eve at naroon si Relaina sa malawak na hardin sa ancestral house ng mga Cervantes kasama si Allen. Magkasama nilang pinapanood ang mangilan-ngilang fireworks display sa kalangitan. Ilang minuto na lang at mag-uumpisa na ang countdown. Wala sa loob na napapikit siya pagkatapos niyang huminga ng malalim. Ilang sandali pa, naramdaman niya ang pagyapos ng mga braso nito sa katawan niya mula sa likuran. Hindi niya maipagkakamali sa iba ang init na nararamdaman niya sa yakap ni Allen.

"I can't believe you're actually with me like this," pabulong na sambit ng binata sa tapat ng tainga niya. "Kung puwede nga lang sana tayong manatiling ganito habang-buhay."

Hindi nito alam na pareho lang sila ng hiling nito. "Maraming puwedeng mangyari sa paglipas ng taon, Allen. Kaya hindi ako sigurado kung habang-buhay nga ba ang relasyon nating dalawa ngayon."

"Laine, may problema ba?"

Dama niya sa tinig nito ang pag-aalala. Great! Bakit ngayon pa siya tinamaan ng senti mode? Pero kahit na anong pigil niya, hindi talaga niya magawa iyon sa dami ng isiping bumabagabag sa kanya. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Joseph Benedict Juller bago siya natungo sa ancestral house ng mga Cervantes. Half-brother niya si Joseph—kapatid niya ito sa ama. Anak ito ng Tita Joan niya na nagkataong first love ng papa niya at kaibigan ng mama niya. Kasalukuyang naninirahan si Joseph kasama ang ina at stepfather nito sa Amerika.

Tinanong ni Joseph ang desisyon niya tungkol sa offer ni Tita Joan sa kanya. Ang offer na tinutukoy nito ay tungkol sa dapat na plano niya sa kolehiyo bago niya naisipang kumuha muna ng Architecture. Nais sana ni Tita Joan na mag-aral siya sa Amerika. Doon ay maipu-pursue daw niya ang kagustuhan niyang maging isang manunulat. At makakapagtrabaho pa siya sa Special Hearts Publishing, ang publishing company na pag-aari ni Tita Joan. Kung noon ay tiyak na ang plano niyang pagpunta doon kahit na na-delay iyon ng dalawang taon dahil sa ilang problema—idagdag pa na pinayagan na rin siya ng kanyang mga magulang—ngayon ay hindi na siya sigurado. There's something that was holding her back to leave Altiera.

Pero hindi niya kayang sabihin kay Joseph na nag-aalangan na siya kung tatanggapin ba niya ang offer o hindi. Bakit ba nawala sa isipan niya ang tungkol doon? She wanted to go there and fulfill her dreams—to be the best writer that she'd ever wanted. But she also wanted to stay in Altiera and be with the man she loved. She couldn't find it in her heart to leave Allen. Now she felt like she was torn between her dreams and her love. Lihim siyang bumuntong-hininga bago pumihit paharap kay Allen. Nakabalatay sa mukha nito ang pag-aalala. Paano ba niya masasabi rito ang problema niya, ang pag-aalangan niya?

"I don't know what to think, Allen. I couldn't help feeling scared. Hindi ko gustong matakot pero..." Hindi na niya maituloy ang gustong sabihin. Tila may bikig sa lalamunan niya.

"Saan ka natatakot?"

She wasn't lying when she said she was scared—scared that she might make the wrong decision. Because of that, she ended up saying something different than what was in her mind. "Sa nangyayari sa ating dalawa ngayon. Hindi ko maiwasan, eh. I still can't believe that we're together for six months. All the while, I thought it was impossible. I mean, we're two completely different people. We had a wrong start, sure. And yet we're here: we're a couple. I should be glad by that fact and I am. Pero paano kung niloloko mo lang ako? Paano kung panaginip lang ang lahat ng ito? Paano kung ilusyon lang ang lahat ng ito na likha ng isip ko sa kagustuhan kong makasama ka? Paano kung bigla ka na lang matauhan at iwan ako gaya ng pag-iwas at pag-iwan na ginawa nila sa akin noon pagkatapos kong magtapat? Paano kung—" Natigil ang litanya niya ng maraming "paano" nang ilapat ni Allen ang daliri nito sa bibig niya.

Napansin niya na nakangiti ito. It was a gentle smile that said he understood—that it was okay. Sinapo nito ang mukha niya at matamang tumingin sa kanyang mga mata. Bakas sa mga mata nito ang pagsuyo at pagmamahal. "Here in my heart lies a promise that you and I will be together whatever happens. No matter what may come between us, we'll love each other till beyond eternity," sabi nito na seyoso ang mukhang nakatingin sa kanya. Huminga ito nang malalim matapos niyon. "Is that enough to ease your fears?"

Nangunot ang noo niya. Ano ba'ng pinagsasasabi ng lalaking ito?

"I made that passage last night. First time kong gumawa nang ganoon. It's my pledge to you and to our love, Laine. Sapat na ba iyon para hindi ka na mag-alangan sa pagmamahal ko? Na wala akong planong lokohin at iwan ka? Like what I told you before, I don't have the heart to do that to you. Nang unang beses kong inamin sa iyo na mahal kita, nanggaling iyon sa puso ko. I love you isn't something I casually say sa mga naging girlfriends ko noon—especially if it's a romantic love. For me, a romantic love is something that makes me believe firmly in a love that exist beyond eternity. Ikaw ang babaeng nagpatibay sa paniniwala kong iyon. What you're seeing right now is the real Allen Anthony Olivarez. Someone who's fascinated in the flower's meaning than the flowers themselves, someone who fell in love deeply for the first time, someone who vowed to be faithful to you and someone who can't live without you. Ito ang totoong Allen Anthony Olivarez na tanging sa iyo ko pa lang ipinapakita. Isa pa, hindi tayo magtatagal ng ganito kung hindi ako seryoso sa iyo."

Napamaang siya sa pahayag nito. She has to admit, his love declaration was long and a bit mushy. But she didn't find it corny. In fact, kinilig siya sa sinabi nitong iyon. Para na nga itong nagpo-propose sa kanya as if he was sure she would be the only girl he'd love forever. Her heart swelled at the thought. He actually made a passage; a pledge as he called it. Alam niyang nagmula iyon sa puso nito. Dama niya iyon habang binibigkas nito ang bawat kataga. Sapat na nga ba iyon upang hindi na siya magduda sa pagmamahal nito sa kanya? Niyakap niya ito nang mahigpit bilang sagot sa tanong nito. Napapikit siya nang tugunin nito ng mas mahigpit ang yakap niya.

"I guess that means you believe me," anito kapagkuwan.

"Muntik nang hindi kasi para ka nang nagpo-propose niyan, eh," biro niya bago sumeryoso. "But I guess I love you that way. Alam kong ikaw ang taong hindi kailanman magsisinungaling pagdating sa tunay mong nararamdaman. I just realized that I've seen proofs of that so many times. You wouldn't make a pledge like that nang walang dahilan. It's a pledge—your pledge. Why wouldn't I believe you?" Tiningala niya ito matapos sabihin iyon. "Thank you."

"Para saan?" kunot-noong tanong nito.

"For loving me. Hindi mo ako iniwasan nang ipagtapat ko sa iyo ang nararamdaman ko. Thank you... for not rejecting me."

Ngumiti ito. "How could I reject the first woman that I love with all my heart? Masyado kitang mahal para tanggihan kita."

"Talaga?"

"Yup. Ganoon ka rin naman sa akin, 'di ba? Hindi mo ako matanggihan."

Hinampas niya ang dibdib nito. "Ang kapal talaga ng mukha nito."

Humalakhak lang ito sandali at nagyakap silang muli. Soon after, they watched the fireworks explode beautifully under the starry night sky before they greeted each other a Happy New Year with a kiss. How she wanted that moment to last forever... Just like the eternity he stated in his pledge of love—a pledge they would both treasure as a proof of their love for each other.

TATLUMPUNG MINUTO nang naghihintay si Relaina kay Allen sa parke pero hindi pa rin ito dumarating. May plano silang mag-date nang gabing iyon dahil seventh monthsary na nila. Gaya ng nakagawian nito tuwing monthsary nila, binigyan siya nito ng bulaklak. This time, it was a bouquet of pink carnations. Its meaning was his promise to her—just like the other flowers he gave to her during their previous monthsaries.

Whatever happens, I will never forget you, Laine. You'll always be in my heart kahit magkalayo tayo. I want you to remember that. Happy seventh monthsary :) Iyon ang mensaheng kasama ng bouquet ng pink carnations na ipinaabot pa nito sa pinsan nitong si Miette. Anak ito ni Tita Marie at kilala na niya ito. Isa rin ito sa mga taong kinikilig sa love story nila ni Allen. Natawa na lang siya nang malaman iyon. Inilagay niya sa pagitan ng mga pahina ng journal niya ang isa sa mga carnations—gaya ng ginawa niya sa ilang mga bulaklak na ibinigay nito sa kanya.

Lumipas pa ang sampung minuto subalit hindi pa rin nagpapakita si Allen. Nag-aalala na siya. Ilang beses na rin niya itong tinawagan at t-in-ext pero hindi ito sumagot alinman sa mga iyon. Tinawagan niya si Alex para tanungin kung nasa bahay pa ang kakambal nito subalit mas maaga pa sa napag-usapang oras ay umalis na raw ito doon. After that, she stood up from her seat. Kailangan niyang makita si Allen. Hindi pa kailanman nale-late si Allen sa mga date nila. Ngayon pa lang. Maiintindihan sana niya kung na-late ito ng sampu o labinglimang minuto. Pero forty-five minutes? May mali na. Pero hindi lang siya kinakabahan dahil doon. Napag-isip-isip niya na ipaalam na rito ang tungkol sa offer ni Tita Joan. Gusto niyang malaman ang saloobin nito sa isyung iyon. Hindi lang siya ang maaaring magdesisyon. Baka madale pa ang relationship nila ni Allen kapag hindi niya sinabi dito ang tungkol sa offer.

Umalis na siya sa meeting place nila upang hanapin ang nobyo. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang pakiramdam na nagbigay sa kanya ng ideyang puntahan ang fountain sa gitna ng parke. Kung instinct man iyon o intuition, hindi siya sigurado. Pero hinayaan na lang niyang dalhin siya roon ng kanyang mga paa. May kadiliman man ang lugar, walang takot na tinahak niya ang daan patungo sa fountain. Habang papalapit siya, lalong lumala ang kabang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung para saan iyon. May nangyari bang masama kay Allen? Huwag naman sana. Binilisan niya ang paglalakad. Gusto niyang malaman kaagad ang kalagayan nito. But she felt her heart sank at the sight that greeted her when she reached the top of the stairs going to the fountain. She saw a seemingly lifeless figure lying on the ground a few meters away from where she was standing. Labis siyang nanghina sa nakita niya. Nakadapa man ang pigura, hindi niya iyon maaaring ipagkamali sa iba.

That seemingly lifeless figure belonged to Allen. Pero imposible! Paano nangyari ang ganito rito? Hindi naman siguro siya pinaglalaruan ng paningin niya. She approached it in order to make sure. Pero bago pa man siya makalapit rito, nakarinig siya ng pag-ungol kasabay ng paglampas ng isa pang pigura sa kanya mula sa likuran. Before she knew it, naharang na siya ng isang babaeng kilala niya—si Vivian. Nakangiti ito sa kanya na tila tuwang-tuwa pa sa nahihintakutang ekspresyon sa mukha niya.

"Ganyan ka kamahal ni Allen, Relaina. I can't believe a heartbreaker like him is capable of doing something like this just for a girl. Ano'ng gayuma ba ang ginamit mo sa kanya para mapaibig mo siya nang ganito katindi? To the point where he's even willing to take the pain that's supposed to be all for you..." puno ng pait na sabi nito. Ngunit wala siyang kibo sa sinabi nito. She just pushed Vivian out of her way and rushed towards Allen.

At that point, she then figured out where the painful groan that she heard a while back came from. It was from Allen. Hindi niya maiwasang mapaluha sa tumambad na anyo ng lalaking mahal niya na pinahirapan nang husto sa kagustuhan nitong iligtas siya. He had so many bruises and wounds all ove his body. His face was covered in blood because of the wounds on his head and face. Halatang hindi ito lumaban para lang tanggapin ang lahat ng pagpapahirap na para sa kanya. Tama... Iyon ang dahilan kung bakit ganito ito ngayon. Siya ang may kasalanan. Siya ang nais pahirapan ngunit si Allen ang tumanggap ng lahat ng iyon para sa kanya. Vivian must have threatened him to hurt her in some way if he didn't do what she wished for. "Hindi pa tayo tapos, Allen..." Naalala niyang iyon ang huling salitang binitiwan ng babae bago ito umalis sa labas ng classroom nila nang araw na iyon. Ito na kaya ang kahulugan ng mga salitang iyon? Ito ba ang naisip nitong paraan upang makaganti?

She cradled Allen to her lap and touched his bloody face. Hindi na niya napigilang humagulgol dahil sa kawalang-lakas na tulungan ang nobyo sa sitwasyon nito. "I'm sorry... I'm so sorry..." tanging nasabi niya sa pagitan ng pag-iyak. Huli na nang mapansin niyang tila hindi lang silang tatlo ang naroon. Nang mag-angat siya ng tingin, nakita niya ang mga lalaking may hawak na mga kahoy at steel pipes na ngingisi-ngising nakatingin at nakapalibot sa kanila ngayon. Bigla siyang kinilabutan nang tumambad iyon sa kanya. Napansin niyang may bahid pa ng dugo ang hawak ng mga ito. Kung gayon, ang mga ito ang gumulpi kay Allen. Hinarap niya si Vivian sa kabila ng kilabot na nararamdaman. Nakatingin ito sa kanya; bakas sa mga mata nito ang galit na alam niyang para sa kanya.

"Sige na. Saktan n'yo na siya para matapos na ito bago pa may makakita sa atin dito. Siguruhin n'yo kaagad na hindi 'yan gagawa ng ingay na makakakuha ng atensiyon ng iba," utos ni Vivian sa mga lalaki ngunit sa kanya ito nakatingin. Batid niyang seryoso ito sa sinabi nito. "This way, I'll make sure you can't have Allen for long. Ako ang dapat na para sa kanya at hindi ikaw! Ako lang ang dapat na mahalin niya at hindi ikaw! Ako lang at walang iba!"

At bago pa man siya makahuma sa mga sinabi nito, nakita niyang nakaumang na sa kanya ang hawak ng mga lalaki. Napapikit na lang siya at hinintay ang mga iyon na humampas sa katawan niya. Lalo siyang napaluha sa mga nangyayari, lalo na sa mga narinig niyang sinabi ni Vivian. Hindi niya inakalang pagdadaanan nila ni Allen ang ganito. Hindi rin niya inakalang tinanggap lang ni Allen ang lahat ng pagpapahirap dito. Pero ngayon, mukhang hindi na nito mapipigilan ang nakaambang pahirap na mararamdaman niya. Mas tama pa nga siguro na ganito ang mangyari sa kanya. At least, hindi lang si Allen ang nahirapan nang husto. Mararanasan din niya ang naranasan nito dahil sa galit ni Vivian.

But it seemed that someone wouldn't want that to happen to her until the end. Napamulat na lang siya ng mga mata nang maramdamang may nagtulak sa kanya, dahilan upang matumba siya kasama nito. Pero hindi lang iyon ang gumulat sa kanya. Ang inaasahan niyang paghampas ng mga kahoy at steel pipes sa kanya ay hindi nangyari; iba ang tumanggap niyon para sa kanya.

"Allen!" sigaw niya habang umiiyak at yakap siya nito nang mahigpit. Tila ba hanggang sa huli ay nais pa rin nitong protektahan siya.

Hindi niya alam kung gaano katagal pinalo ng mga lalaking iyon si Allen dahil tila nag-shut down ang utak niya ilang sandal matapos niyang isigaw ang pangalan nito. Huli na nang mapagtanto niyang naroon na sila sa hagdan at hindi na napigilan pa ang pagdausdos nilang dalawa pababa. Kasabay niyon ay ang pagdidilim ng kanyang paningin nang maramdaman niya ang pagtama ng ulo niya sa matigas na bagay.

No comments:

Post a Comment